Chapter 24
JADREN'S POV
A few minutes ago...
Pinasok ko ang tahimik at walang kalaman-lamang kotse na parking lot ng isang gusali sa Roxas Compound, sabi kasi ni Lorna na malapit dito ang main office ng Erobern. Nang pinarking ko sa dulo ang kotseng sinasakyan namin, binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba ako. Ganun din ang ginawa ni Lorna para makababa siya.
Kaagad na pumunta ako sa likuran ng kotse at binuksan ko ang pinto doon. Kaagad na pumasok roon, lumapit sa mga box at binuhat ko ang takip ng box para buksan ko ang mga box isa-isa dahil nandoon sa loob sila Wayi at mga member ng Sixteenth Scout Agent.
"Jadren..." Sambit ni Wayi sa name ko.
"We are now in the parking lot, so let's go." Kaagad na sabi ko at naglakad palabas ng kotse habang sumunod naman silang apat sa akin.
Lumapit muna ako kay Lorna at huminto ako sa harapan niya. "Saan tayo?"
May binigay si Lorna kila Wayi at sa mga member ng Sixteenth Scout Agent. "Isuot ninyo yan para hindi kayo mahalata."
"Saan namin isusuot ito?" Tanong ni Hyun Lee sa kanya.
"May pintuan naman diyan kaya isuot ninyo na hangga't maaga pa." Sabi naman ni Lorna kaya't pumunta silang apat sa loob ng kotse para magbihis sila.
Nang kami ang natira si Lorna sa kinaroroonan namin, tinanong ko muna siya. "Ano pala ang update ngayon dito?"
"Sa ngayon, wala pa silang balak na kalabanin nila tayo but naghahanda sila against us." Sagot ni Lorna. "Ang hindi nila alam ay na-scout natin sila kung ano sila."
"W-what do you mean?"
"Si Kennedy kasi ay Earth user, kaya mahirap siya kalabanin dahil more on defense ang move niya. Si Atkings naman ay Fire User but siya lang ang nakita kong Defensive role kahit ganun. Lahat dito ay one element user lang kaya may advantage tayo kaysa sa kanila."
"May mga combine elements ba ang iba?" Tanong ko sa kanya.
"I dunno but for sure ay mga isang element lang gamit nila. Siguro ay walang combine element ang hawak ng iba since need iyon ng two main elements para magbuo." Sagot naman ni Lorna.
"Well, easy win for this one but need natin i-sure ang lahat." Tugon ko nalang sa sinabi niya.
Dumating naman muli sila Wayi at members ng Sixteenth Scout Agent at nakasuot na sila ng white shirt, black cap and black pants dahil ito ang uniform ng Erobern.
"Okay! Handa na kami." Sabi ni Wayi sa amin and he smiled.
"Okay! Ang gagawin ninyo lang naman ay pasabugin ninyo lang ang Farm House sa tabi ng kinatatayuan natin ngayon." Sabi ko sa dalawa as I address our plan according sa sinabi ni Mama sa amin. "Itanim ninyo sa hindi nakikita ng mga nandito at pagkatapos ay umalis na kayo roon, pumasok naman kayo sa Penalty area and iligtas ninyo ang mga nandoon."
"Sige Jadren!" Tugon ni Wayi ay nagsimula silang maglakad habang may bitbit na silang mga bag, ang laman lang naman ay c-four bomb lang naman.
Tanging kami nalang muli ni Lorna ang nakatayo sa kinaroroonan namin.
"Lorna, saan ba tayo?" Tanong ko sa kanya habang lumingon ako sa kanya.
"Pumasok muna tayo sa kwarto ko at may ibibigay lang ako sa iyo para make sure na walang makakita sa atin." Sabi nalang ni Lorna sa akin habang tumalikod siya sa akin at sinimulan niyang maglakad habang sumunod naman ako sa kanya.
Patuloy kami sa paglalakad kahit nakapasok na kami sa mismong main building ng Erobern. Habang ganoon ay iniisip ko na paanong hindi nabubuking si Lorna dito.
Siguro ay magaling talaga si Lorna magpanggap kaysa kay Jelailah? Or baka ang tatanga lang ng mga Erobern.
Tuloy parin kami sa paglalakad kahit may kausap si Lorna sa phone niya habang ako'y nakatingin lang sa kanya na walang emosyon at tuloy sa paglalakad para masundan ko lang siya.
"Hello?..."
"..."
"Oh! I understand your concern, Madam."
"..."
"Okay! Right now, I'll going to our communication center for your concern."
"..."
"Okay Madam!"
"..."
"By the way, visit our website triple double u dot happy care dot tor for more details if you have a future concern. Also visit us on our social media account."
"..."
"Okay! Have a great day, Madam."
Kaagad na pinatay ang phone ni Lorna at binulsa niya sa pocket na nasa pants niya.
Sakto namang nakarating kami sa isang silid, kaagad na pumasok kami roon at daling sinara ni Lorna ang pinto.
"Sino pala tinawagan mo?" Tanong ko sa kanya at daling umupo ako sa kama niya.
"Isa lang namang costumer na nagsumbong sa amin dahil sa tinawagan niya na hindi maintindihan." Sabi naman ni Lorna habang naghubad ito ng jacket at ang kanyang eyeglass.
Humarap si Lorna sa akin at umupo siya sa isang upuan. "So Jadren, ano sabi ng mama mo sa'yo?"
"Ang alam ko lang sa gagawin natin ay makikialam tayo sa CCTV." Sabi ko naman sa kanya at may binigay akong USB flash drive. "Itong flash drive lang naman ang magsisilbing pang-confuse sa mga observer sa bawat paligid dito sa Roxas Compound."
Kaagad na kinuha ni Lorna ang USB flash Drive at binulsa iyon sa pocket sa kanyang pantalon. "Madali lang naman ang pinapagawa sa atin ng mama mo, Jadren."
"But lagi mag-ingat dahil baka hindi natin alam na may nakakaalam na pala sa atin." Sabi ko nalang sa kanya dahil nag-iingat ako since this is our target's territory.
"I understand, Jadren." Sabi ko nalang sa kanya.
"Okay!" Tumayo ako sa kinauupuan ko sa harap ni Lorna. "Saan ba ang CCTV area dito?"
"Malapit lang naman dito iyon but make sure na magpapaalam at magmasid tayo dahil mamaya ay hindi na natin alam kung sino ang nga kasama natin." Lorna said.
"Okay!"
"Make sure na nasa ayos din ang Sixteenth Scout Agent at si Wayi, need natin matakpan ang mangyayari sa kanila."
"Wait! I'll check it." Sabi ko habang kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko.
Tamang pindot ng ilang segundo at nilagay ko ang phone sa tenga.
"Hello Wayi?"
"Oh Jadren, naka-pwesto kami dito."
"Okay! Ako na bahalang mag-command sa inyo para mapadali natin matapos ang mission natin."
"Saan ba kami bobomba? Dalawa kasi ang Farm House dito."
"Ahhhh! Doon sa may Parking Lot."
"Okay! Nandito na kami, naka-abang lang sa kung ano ang mangyayari namin. Bale, ang Sixteenth Scout Agent ang nag-aayos kunwari ng mga laman dito habang ako ay tamang observe lang dito sa paligid."
"Okay Wayi!"
"Sige Jadren, baka mahuli kami dito."
"Okay!" Kaagad na binaba ko ang phone ko at kaagad na binulsa ko sa pantalon ko.
"So, saan na ba sila?" Tanong ni Lorna sa akin.
Humarap ako sa kanya at sabi kong "Naka-ready na sila ngayon sa Farm House."
Tumayo si Lorna sa kinauupuan niya at sabi pa niyang "Okay Jadren! Gawin na natin ang plano ng nanay mo."
"Ikaw na bahala mag-ayos, watcher lang ako." Sabi ko naman but my phone is ringing inside the pocket kaya kaagad na kinuha ko sa bulsa ang phone para sagutin ko.
"Hello?"
"Oh anak?"
"Mama, nasa loob na kami ng Main Building. Where's Jelailah?"
"Wala pa ako update pero siguro naman ay pupunta din sila jan but sa ibang kwarto naman."
"What do you mean sa ibang kwarto?"
"They have a brief because sinabi ko na makipag-negotiate sila sa kanilang para hindi halatang pumasok kayo na walang dahilan or ang dahilan ay atakehin natin kita."
"Ahhh I get it, Mama."
"Sige! Alam kong magagawa ninyo ang makakaya basta wag ninyo hayaan tumakas ang Erobern sa lugar na iyan."
"Sige Mama."
"Goodluck Jadren." Ito ang huling linya ni Mama at natapos ang phone call naming dalawa.
Kaagad na binulsa ko ang phone ko at sabi kong "Simulan na natin ang sa atin."
"Sige Jadren, follow me." Kaagad na nagsimula maglakad si Lorna palabas ng kwarto ng kinaroroonan namin kaya sumunod naman ako sa kanya sa likuran niya.
Tahimik lang kaming naglalakad kahit dumadaan ang mga members ng Erobern sa Hallway na nilalakad namin. Mabuti ay walang nakapansin sa akin.
Nang nakarating kami sa CCTV area ay kaagad na pumasok kami roon sa pamamagitan ng pagbukas ni Lorna ng pinto na walang katok. Bumungad sa amin ang dalawang tao sa silid na iyon at ang tanging ginagawa nila ay manood lang sa sa bawat maka-operate ng CCTV sa bawat lugar sa loob ng Roxas Compound.
"Oh! Hello, boys!" Pagbati ni Lorna sa dalawang nandoon.
Lumingon sila doon at sabi nilang "Maganda araw, Madam Luanne."
"Okay! Can I handle this one? There's something what happen to my washing machine in my room."
"Oh! Aayusin po namin iyan." Sabi ng isang lalaki na nandoon at tumayo siya bitbit ang isang maliit na toolbox.
"Ako na din po bahala sa inyong problema." Sabi naman ng isa at ito'y tumayo din.
"Okay! If you fix it, I'll give you some meryenda." Lorna said.
"Okay! Maasahan ninyo kami." Sabi pa ng isang lalaki.
"Okay! Now go." Utos ni Lorna at nagsimula silang maglakad palabas ng silid na kinaroroonan namin para pumunta sa kwarto ni Lorna.
"Sirang washing machine, uh?" Linya ko.
"Well, kasama sa plano iyan." Sabi naman ni Lorna at siya'y umupo sa upuan kaharap ng isang computer set na nag-ooperate mg CCTV record. "Jadren, mag-abang kana doon sa pintuan."
"Okay! I get it, Lorna." Tugon ko naman at pumunta ako malapit sa pinto at umupo sa may monobloc na upuan.
Tamang silip lang ako sa labas ng silid na kinaroroonan namin habang dito na sinimulan ni Lorna na palitan ang lahat ng CCTV footage na ni-record into a fake and edited footage na hindi halatang peke. Tamang pindot ng keyboard si Lorna ng kung ano-ano basta maiba lang ang footage na ni-record at mai-record mamaya.
Dito ko pinagmasdan na pumasok sila Lala, Jelailah at Kennedy sa isang silid. Which means nagsisimula na silang magkaroon ng briefing between three of them.
"Okay! Pumasok na silang tatlo sa isang silid." Sabi ko kay Lorna habang ako'y nakasilip pa sa labas.
"M-malapit na ako matapos." Wika naman ni Lorna at tuloy lang sa pagta-type ng kung ano-ano basta mapalitan lang ng CCTV footage.
Patuloy lang ako sa pagsilip sa labas at pagtype ng computer si Lorna.
Ngunit ay may narinig akong pag-uusap between two members of Erobern at it is all about another gang.
"Ganito kasi, once na maging successful gang tayo ay baka malagpasan natin ang Krieg."
"Hindi natin masasabi iyan dahil baka mamaya ay mas magaling pa ang Krieg kaysa sa atin."
"Pero ang goal lang natin ay mahigitan natin sila. Ang Krieg mismo ang sumusuporta sa atin kaya't huwag mo sabihin na-"
"Kahit tulungan pa tayo eh hindi na mababago iyon dahil mas matanda sila kaysa tayo."
Nalaman ko na ang isa pang gang under sa organisasyon nila. Ang Kick?
Krik?
Kirk?
Just they have second gang above the Erobern under their organization too.
Mamaya ay may humawak sa braso ko at sabing "Tapos na tayo."
Lumingon ako doon at si Lorna pala ang tinutukoy ko. Nakatayo lang siya sa tabi ko habang nakapatong ang isang kamay niya sa balikat ko.
"O-okay!" Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko para tawagin si Wayi.
Nilagay ko ang phone ko sa tenga ko habang hawak ko iyon ngunit may isang Erobern member ang pumasok sa aming silid.
"Madam Luanne, may problema po ngayon." Pagbungad na sabi ng lalaki na iyon kay Lorna.
"Oh! What's that?"
"There's spy here and balak nilang manggulo dito sa Roxas Compound."
"Oh! Who are they?"
"They're an independent gang that they want to attack us."
"Any name? What's their purpose here besides they want to attack us?"
"Hindi ko po alam kung anong purpose pa nila at hindi ko po matukoy kung ano ang name ng gang nila."
"Asaan ba sila?"
"Nasa Main Gate po."
"Okay! Pupunta ako, kakausapin ko lang ito ng iilang seconds."
"Sige po, Ma'am Luanne." Ito ang huling sabi ng lalaking kausap ni Lorna at kaagad na tumakbo palayo sa amin.
Humarap naman si Lorna sa akin at sabi niya'y "Huwag mo muna tatawagan sila Wayi dahil may mas maganda akong ideya."
"Ano naman iyon?"
Tumingin siya sa relo na suot ni Lorna at sabi niya pa ay "Nine o'clock and fifteen minutes, gawin mo na ang dapat mong gawin."
"Sige Lorna-"
"Oppppss!" Daling pumikit si Lorna at hinawakan niya ang braso ko kaya't hindi na ako nakapagsalita pa. "Don't call my real name here."
"Okay, Madam Luanne." Ito nalang ang tugon ko sa kanya.
"Well, see you later." Ito ang huling sinabi ni Lorna at sinimulan niyang maglakad palayo sa akin at umalis.
Naglakad naman ako ng ilang hakbang para lumabas sa silid na iyon at huminto sa gitna ng hallway na walang katao-tao.
Naisipan ko nalang pumunta ulit sa parking lot at sumakay nalang muli sa kotse namin at sinimulan ko maglakad ng tahimik at nakatingin sa dinadaanan ko ng diretso. Walang dumadaan ng kahit na sino sa daanan hanggang sa nakarating na nga ako sa sasakyan namin.
-
LORNA'S POV
"What is going on here?" Tanong ko kay Atkings dahil kakarating ko lang sa Main Gate ng Roxas Compound.
Lumingon si Atkings sa akin at sagot niyang "May bago na naman tayong kalaban."
Lumingon ako sa harapan at nakita ko na tatlong babae naman ang magiging kalaban namin.
I mean... Nila.
Tumingin ako sa kanila na mayroong gigil ang aking katawan, clenching my left fist harder at kumunot ang aking noon habang pinagmamasdan ko sila.
"Kayo pala ang Erobern gang." Pamgising wika ng isang babae but familiar ang boses niya.
"Ano kailangan ninyo naman?" Pangising tanong ni Atkings sa kanilang tatlo.
"Well, nandito lang naman ako para guluhin ko kayo." Sabi pa ng babae na iyon habang nag-crossarm ito. "Nasaan si Kennedy?"
"Ako ba ang hanap mo, Manang?" Dito na dumating si Kennedy, naglakad lang siya palapit sa amin at tumabi siya kay Atkings.
"Oh! Mabuti at dumating ka, Kennedy Madrigal."
"You want some war?" Kennedy said.
"Pwede naman at dito nalang natin gawin iyon." Sabi naman ng babaeng familiar na familiar kung sino talaga siya.
Alam kong nasa plano din ito, paano kaya nangyari na pumunta sila dito? Bakit alam din niya?
"Okay! Saan ang mga tropa mo?" Tanong ni Kennedy sa kanya.
"Bakit ko naman kailangan ng back-up dahil kaya naming tatlong patumbahin kayo."
"Okay! Handa na kami whatever happens." Kennedy said.
"Talaga?" sabi naman ng babae na iyo na may pataray na tono.
Biglang may nakarinig kaming pagsabog na napakalakas. Napayuko at napaupo nalang ako dahil doon habang ang iba ay nawalan ng balanse at bumagsak, kamuntik na matumba at ang iba ay napayuko nalang din dahil sa malakas na pagsabog.
"A-ano iyon?!" Tanong ni Atkings at nakabukas nalang ang bunganga niya dahil sa sobrang pagkagulat.
"H-hindi ko alam..." Sagot ko naman at ako'y nakatingin sa usok mula sa isang gusali.
Mission accomplished! Now, let the war start.
May mga sanga ng mga halaman na lumitaw mula sa lupa at itinali sila Kennedy, Atkings at ang iba pang membro ng Erobern maliban sa akin.
Kaagad na tumayo ako at sabi "Sandali! A-anong nan-"
Biglang may isang babaeng yumakap sa akin at tumakbo habang ganun. Hindi ko na alam na ako kung ano na nangyayari dito dahil wala naman ito sa plano.
"Lorna..." Sambit ng pangalan ko sa babae na iyon at kilalang kilala ko na kung sino siya.
Tumakbo parin siya palayo kila Kennedy at diretso sa Main Building ng Roxas Compound habang bitbit niya ako.
Tumingin ako sa babae na iyon pero hindi ko parin alam kung sino ba talaga siya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.
"Kakampi mo kami at huwag kang mag-aalala." Sabi nalang niya sa akin at tuloy lang sa pagtakbo.
Nakarinig pa kami ng pagsabog sa kinatatayuan nila Kennedy at daling pumasok sa Parking Lot para makarating sa kotse namin.
"JADREN!!" Sigaw ng babae kay Jadren at daling bumaba ito para tumakbo pumunta naman sa likod ng kotse at binuksan ang pinto.
Kaagad naman pumasok kami roon at binaba ako sa pagbitbit. Napaupo nalang ako sa isang tabi at yumuko nalang ang ulo ko.
Napaupo nalang din ang babae sa tabi ko habang sinara naman ni Jadren ang pinto at daling tumakbo para pumunta sa harapan ng kotse at sumakay na parang walang nangyari.
Binuhay nalang ni Jadren ang radyo at ito'y nakikinig nalang doon na parang wala talagang nangyari dito.
"Lorna, tawagan mo sila Jelailah." Utos ni Jadren sa akin.
"Si-sige-" tatawagan ko na sana sila Jelailah ngunit hinawakan ng babae ang braso ko para pinigilan niya akong kunin ang phone ko sa bulsa ko.
"Ako na para hindi na halatang may tumawag sa iyo.." Ito ang sabi ng babae sa akin at siya nalang ang tumawag kay Jelailah.
"Sandali! Alam mo ba ang number nila?" Tanong ko sa kanya.
"Nakilala ko si Jelailah noong training palang natin." Sabi niya at sinimulan niyang pumindot ng kung ano-ano matawagan lang si Jelailah.
"Wait! Training nating dalawa?" Linya ko at tumaas nalang ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Wala ka bang tiwala sa akin, Lorna? Parang hindi naman tayo magkakilala." Sabi pa niya sa akin habang nilagay niya ang phone niya sa tenga niya para tawagan niya sila Jelailah.
"Hello Jelai?"
"..."
"Nandito na kami sa loob ng kotse ni Jadren."
"..."
"Okay! Ganito nalang, mag-stay daw kayo diyan sabi ni Fourth Chairman at only have to do is to assist her student na si Ellaine..."
"..."
"Okay Ellainah! Basta ang gagawin niya ay mag-analyze kayo ng document na nandiyan at make sure na nakasarado din ang pinto para hindi sila makapasok diyan."
"...."
"Sige! Nandito na kami sa kotse at anytime ay pumunta kayo dito as soon as possible."
"..."
"Sige! Ingat!"
"...."
Dito natapos ang call conversation ng dalawa at tumingin siya sa akin habang binaba niya ang phone niya mula sa tenga niya.
"Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko siya mamukhaan talaga.
"Nandito ako dahil inutusan ako ni Fourth Chairman na i-assist kita at ang fake goal ko ay i-kidnap kita." Ani niya.
"Pero sino ka ba talaga?" Tanong ko pa sa kanya.
"Gusto mo malaman, Lorna?"
"I want to clarify all of these-" napahinto nalang ako sa pagsasalita noong naghubad ng wig at nagtanggal ng face extension sa pisngi ang babaeng nasa tabi ko. Hindi na ako makapagsalita, naglakihan ang mga mata ko at bumukaka pa ang bibig ko dahil sa kanya.
"Lorna, I'm back..." Sabi niya at dinaanan pa niya ako sa ngiti.
"Ikaw..."
"Well, I'm going to introduce myself again. Ako si-"
Niyakap ko nalang siya kaagad kaya hindi na siya makapagsalita pa. Tumulo ang luha ko at humagulgol habang niyakap ko siya.
"Lorna..."
"S-salamat at bumalik ka... Luanne..."
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top