Chapter 21
LALA'S POV
A week later...
Nalaman ko na ang lahat tungkol sa isang Gang na ang tawag ay Erobern. Isa ito sa apat na Gang na under ng isang organisasyon. Alam ko na rin ang pinagmulan nila at ang dahilan kung bakit may organization na mayroon sa kanila.
Ngayon ay balik base na naman ako with members of Sixteenth Scout Agent, Ate Jelailah, Inay, at Misis Maggie. Nabungad na namin sila Kuya Jadren, Wayi and a lady na si Miss Cheska.
"Well, maganda araw sa inyo." Pagbati ni Inay sa kanila habang napaupo na kami sa kanya-kanyang upuan.
"Ngayon ay kauna-unahang mission natin ito ng Sixteenth Scout Agent in their careers and also kay Lala since War on Rebel." Wika ni Misis Maggie.
"Hintayin pa ba natin si Lorna dito?" Tanong naman ni Misis Cheska.
"Hindi muna dadalaw si Lorna dito dahil alam ninyo ang mangyayari kung dumating siya dito." Inay said dahil hindi dadalaw ang anak ni Vice Chairman Leanny sa briefing na ito. "But sinabi ko na sa kanya ang lahat tungkol dito at ako na magsasabi ang bagong location ng target ngayon."
"Saan po ba ang location?" Tanong ko kaya dito na tumayo si Mom at siya'y nag-discuss about sa mission na ito.
May isang projector doon at pinakita ito ang isang illustration ng isang building. Daming nakasulat doon dahil identification iyon kung para saan iyon.
"Well, this is the ten hectares entire land area of Roxas Compound, sixty kilometers from City Hall of Antipolo City." Ani Inay. "They got six watching towers at isang main gate lang ang mayroon. May dalawang Farmhouse din and also ay may limang unknown place dito sa lugar na iyon."
"Saan po kami papasok?" Tanong ko kay Inay.
"Well, Lala will be act as a visitor which is sinabi ko na kay Lorna about dito. At the same time, ang iba naman ay magtatago sa isang Van." Ani pa ni Inay sa aming lahat. "Si Lorna na mismo magsasabi sa inyo since siya ang secretary ng Erobern Gang."
"Ang ganda ng plot twist ng mission na ito dahil si Lorna pa ang secretary nila." Sabi naman ni Misis Maggie. "Ang hindi naman nila alam ay Undercover agent lang pala ang secretary nila."
"Ang mangyayari dito ay si Lala and Jelailah ang magpanggap ng Visitors and so Lorna ang bahala na mag-tour sa lahat ng bawat lugar doon sa Compound na iyon." Inay stated. "Si Jadren ang magpanggap bilang Driver nila and sila Hyun-Lee, Wade at Haruto ay magtatago lang sa bawat box."
"Ano namang kalokohan ang gagawin namin?" Tanong ni Hyun-Lee kay Inay.
"Magsusuot kayo ng isang camouflage coat like nagpapanggap kayo bilang mga regalo at ang isa ay isang mannequin na mayroong nakasuot ng isang mamahaling damit." Wika pa ni Inay bilang sagot sa tanong ni Hyun-Lee.
"Wala na bang mas madali na mission diyan?" Reklamo na ni Hyun-Lee. "Sa akin ay sa sobrang pangit ng magiging role ko dahil-"
"Mamili ka, iyon o maging bangkay na gagawing donor yung mga organs mo?" Interrupt ni Inay kaya hindi na nakapagsalita pa si Hyun-Lee.
"Mas maganda at mas safe nga ang role mo kaysa kila Lala at ng Senpai Jeka mo dahil magpapanggap lang kayong regalo doon." Karagdagang sabi pa ni Inay kay Hyun-Lee at hindi na ito nakapasagot pa.
"Ahhh Inay, paano po kung may CCTV ang bawat lugar na iyon?" Tanong ko naman kay Inay bilang ibang topic naman ang tatalakayin niya dahil napaisip nalang ako na paano kami makalusot sa security nila.
"Well, si Lorna na ang bahala diyan dahil umaga ang gagawin ng Mission na ito." Sagot ni Inay kaya napatanong na naman ulit ako sa kanya.
"Wh-what time po?"
"Seven o'clock in the morning ay kailangan nasa Roxas Compound na kayo. Kaya around five o'clock in the afternoon or kahit ngayon na mismo ay dapat nasa Antipolo na kayo but tommorow ninyo gagawin ang mission."
"Klaro?" Tanong ni Inay at sumang-ayon kaming lahat sa kanya.
"Opo!"
"Ellainah, ikaw na mag-take-over sa kanila." Command niya dahil ako ang leader ng mission na ito pero biglang sumingit si Kuya Jadren.
"S-sandali! Akala ko ba si Tita Cheska ang leader?" Wika ni Kuya Jadren.
"Jadren, isa na ako sa magiging observer ninyo." Sagot naman ni Miss Cheska kay Jadren.
"So ibig sabihin ay isang Senior Rookie ang leader namin?" Pagtataka ni Kuya Jadren.
"Jadren, sa ayaw o sa gusto mo ay si Lala parin ang leader ninyo kahit mataas pa ang rank mo sa kanya." Wika pa ni Inay kay Kuya Jadren at hindi na makapagsalita pa siya.
"Okay! Tapos na siguro ang brief na ito kay goodluck sa inyo." Wika ni Inay at umalis na ito kasama si Miss Cheska at Misis Maggie kaya kami nalang ni Kuya Jadren, Wayi, Ate Jelailah at mga members ng Sixteenth Scout Agent ang nasa kinaroroonan namin.
Si Kuya Jadren ay nakatingin sa akin ng masama at napaisip nalang ako na may hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya o what.
"So, ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Haruto sa amin.
"I think, pumunta na tayo sa Isang Hotel sa Antipolo for a meantime at tayo'y magpahinga doon as staycation muna at preparation lang para bukas." Ito ang aking sagot ayon sa sinabi ni Inay.
"Sige! Sumunod nalang kayo sa akin dahil alam ko ang lugar sa Antipolo." Tumayo na si Ate Jelailah at umalis na ito.
Dito naman namin sinundan siya at kami'y umalis na sa Main Base para pumunta palabas ng Capital State for our mission.
****
A few hours later ay nakarating na kami ngayon sa isang hotel sa Antipolo. Nakipag-usap muna ako sa Baranggay Captain ng barangay na ito at sila'y sumang-ayon sa plano namin since public enemy number one din ang Erobern sa kanila dahil sa nangyaring gangwar noong nakaraan.
Ngayon ay nasa iisang kwarto ako ngayon. Magkasama si Kuya Jadren at Ate Jelailah sa iisang kwarto habang sila Wayi at Members ng Sixteenth Scout Agent ay magkasama naman sa isa pang kwarto.
Ako ngayon ay nagbabasa ng isang magazine habang nakaupo sa kama ng tahimik. Walang ingay ang aking naririnig maliban sa konting ingay na nanggagaling sa labas dahil sa ingay na mga sasakyan na dumadaan.
Mamaya-maya ay may kumatok sa pinto ko at dito ako tumigil sa pagbabasa. Kaagad na tumayo habang nilapag ko ang magazine sa kama at pumunta ako sa pintuan para buksan ang pinto.
Nang mabuksan ko ang pinto, si Kuya Jadren ang nabungad ko.
"Oh Kuya Jadren!"
"Ellainah, pwede ba kitang makausap ngayon lang?" Sabi niya.
"Ahhh saan ba tayo mag-uusap?"
"Dito nalang siguro." Wika niya at pumasok siya sa kwarto ko papunta sa kama ko.
Kaagad naman isinara ko ang pinto at sinabing "Kuya, may problema ka ba sa akin? Kung-"
"Huwag mo akong tawaging 'KUYA' dahil hindi naman kita kapatid o kaano-ano." He suddenly said at dito ako tumigil sa pagsasalita.
Humarap siya sa akin at sabing "Seryoso ka ba talaga kay Aron?"
"Ahhh tinatanong pa ba yan, kuya? Oo naman!" Sagot ko naman sa kanya question.
"Ellainah, alam ko ang ugali ni Aron. Marunong magmahal iyan at may mataas na pangarap ang kapatid ko." Wika ni Kuya Jadren.
"Alam ko po iyon, Kuya Jadren-"
"Huwag mo nga ako tawagin 'kuya' dahil hindi pa kita bayaw." Kaagad na sabi niya kaya tumahimik nalang ako muli sa harapan niya.
"Niligawan ka ba ni Aron?" Tanong niya sa akin at ako'y nag-shakehead up and down as my answer.
"Okay! Ilan buwan?" Tanong pa ni Kuya Jadren sa akin.
"Simula noong naging Junior Rookie kami." Sagot ko naman. "Alam mo noong nalaman ko na iba siya sa lahat ng lalaki ay na-realize ko na hindi pwede itong masaktan pa ng kahit na sino kaya naging kami."
"Kagaya ng ano?"
"Kagaya ng hindi siya one-sided na tao. Ang totoo niyan ay kami po ang dahilan kung bakit case-open again ang case ni Miss Millotic noon." Ani ko naman as my answer.
"Okay!" kuya Jadren commented.
"Also, may gusto talaga siya sa akin noong Trainee and Junior Rookie palang kami-"
"Ellainah, kahit anong mangyari ay wala akong tiwala sa iyo." Kaagad na sabi niya at dito ako natahimik at nagulat sa sinabi niya.
"Hindi porke't boto sila ni Mama at ni Ate Richane sa iyo ay ikaw na ang future wife ni Aron. Tandaan mo ay nandito pa ako."
"Kuya..."
"Ilang beses ko bang sabihin na huwag mo akong tawaging 'KUYA' dahil hindi naman ikaw ang asawa ng kapatid ko." Kaagad niyang sinabi at hindi nalang muli ako nagsalita pa.
"Lagi akong nagbabantay sa iyo at wala akong pakielam kung CEO at Owner ka ng kompanya mo. Hindi iyon rason para safe kana at hindi porke't goods si Ate Richane at Mama ay mapapasaiyo na talaga si Aron." Wika ni kuya Jadren na parang galit siya sa akin.
"A-anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko naman sa sinabi niya.
"Sa totoo lang, wala akong makitang spark sa inyong dalawa." Sabi ni Kuya Jadren at napayuko nalang ang aking ulo.
"Noong nalaman ko na magkasintahan na kayo after ng war on rebel ay nagulat nalang ako na paanong nagkaroon ng kasintahan si Aron na hindi ma lang ito nililigawan ang magulang niya-"
"Kuya, w-wala na akong mga magulang." Kaagad kong sabi kay Kuya Jadren.
"It doesn't matter!" Kaagad naman niyang sabi bilang reply.
"So paano mo rin niligawan si Ate Jelailah?" Tanong ko sa kanya.
"Wala kang pakielam sa relasyon naming dalawa."
"Pero nakiki-epal sa relasyon naming dalawa, tama ba ang ginagawa mo, Kuya Jadren?"
"Dahil ang bilis ng pangyayari at nararamdaman kong may balak ka sa kapatid ko, Ellainah."
"Isa lang ang aking balak kay Aron at mahalin ko siya ng lubos."
"Kakainin mo lang ang sinasabi mo." Wika niya at dahil hindi parin siyang naniniwala ay napayuko nalang ang aking ulo sa kanyang harapan.
"Sa tingin mo ba, maniniwala ba ako sa sinasabi mo? Ellainah, natatakot at nag-aalala ako sa kapatid ko dahil ikaw ang una niyang babae sa buhay niya na naging kasintahan niya." Wika ni Kuya Jadren sa akin.
"Kuya, tanggap ko kung wala kang tiwala sa akin. Tanggap ko rin na hindi mo nakita ang kakayahan kong magmahal.", Kaagad na tinaas ang ulo at nakatingin ako kay Kuya Jadren ng diretso. "Pero tandaan mo, siya ang Protector ko sa Sixteenth Protector."
"Bago ka niya iligtas, iligtas mo muna ang sarili." Wika ni Kuya Jadren at tumalikod siya sa akin.
"Kuya, nasabi mo lang iyan dahil ayaw mo mangyari sa kapatid mo ang nangyari sa iyo." Kaagad na sabi ko at hindi na balak nang maglakad ni Kuya Jadren papunta sa pinto.
"Kaya mo lang nasabi iyan dahil ayaw mo lang akong maging si Akane Mendoza sa amin." Karagdagang sabi ko pa dahil alam kong may pag-aalala si Kuya Jadren kay Aron. "Ayaw mong ako si Vandolf Butler at siya si Diane Kalembang sa amin. Ayaw mo ding maging Stephen Pemberton ako at Richane Landez naman siya. Nasasabi mo lang iyan dahil ayaw mong masaktan ang kapatid mo sa hinaharap."
"Hindi naman iyon ang pinunta ko dito." Sabi nalang ni Kuya Jadren.
"Kuya, kung si Aron ay twelve na babaeng dumating sa buhay niya na nauwi sa wala, ako naman ay bente at ni isa doon ay walang nangyari dahil hindi nila matanggap kung ano ako sa mundo ito." Reply ko naman sa kanya. "Dahil ampon lang ako, dahil wala akong silbi, dahil nerd ako, kahit nagpaganda ako ay wala din silbi dahil mapera ang taong na ito, workaholic, hindi magiging priority, pag gwapo kahit kompanya ko ibibigay ko sa kanya, ganoon ang tingin nila sa akin."
"Wala akong pakielam kung ano nangyari sa iyo." Kuya Jadren said.
"Pero huwag mong sabihin na kung ano ang nangyari sa inyo ay mangyayari sa amin dahil hindi natin alam ang mangyayari sa ating hinaharap." Wika ko sa kanya bilang paalala sa kanya hindi mangyayari sa amin ang nangyari sa kanila.
Humarap si Kuya Jadren sa akin at sabing "Kailangan ko na matulog para bukas. Magandang gabi, leader."
Umalis na si Kuya Jadren palabas ng aking kwarto at naiwan nalang akong mag-isa dito.
Napaupo nalang ako sa kama habang tumitingin sa pinto na nakasarado. Napaisip nalang ako na bakit si Kuya Jadren lang ang hindi ako bet para kay Aron.
Ano ba mayroon si Kuya Jadren na ikinagagalit niya sa akin?
-
ERIKA'S POV
Dumating muna ako ngayon sa bahay dahil kailangan ko munang magpahinga muna para bukas.
"Magandang gabi, Madam." Wika ng isang yaya namin bilang kanyang pagbati.
"Magandang gabi naman sa iyo." Reply ko naman sa sinabi niya.
"Madam, nandito pala sila Sir Aron at Maam Rona sa kusina." Wika ng Yaya sa akin. Ano kaya ginagawa ng dalawa dito?
"Ah sige." Tugon ko nalang sa kanya at umalis na ang yaya na iyon sa harapan ko papuntang labas mg bahay.
Kaagad na naglakad ako papunta sa Kusina at nabungad ko nga si Aron at Rona na kumakain ng kanilang hapunan.
"Aron, ano ginagawa ninyo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Mama!" Sambit ni Aron at kaagad na bumeso sa akin. Parang namiss ako ng anak ko ngayon.
"Ano ginagawa ninyo dito?"
"Mama, mag-sleepover kami ngayon dito dahil mag-sparring kaming dalawa ni Rona bukas." Ani Aron.
"Ay! Magandang ideya iyan, Aron James." Wika ko naman dahil napaisip ako na bakit hindi nalang i-sparring ang dalawang Protector na ito.
"Balak naming dito sa bahay ang gagawing laban." Sabi pa ni Aron.
"May homecourt advantage ka lang, LeBron James Landez." Sabi naman ni Rona kay Aron at mukhang tama naman siya.
"Takot ka lang, Rona Imelda Marcos."
"Sus! Ayaw mo lang kasi sa HQ dahil natatakot ka sa akin, LeBron James Landez."
"Ronalisa Manoban, hindi ako takot dahil sinabi kong dito ang gusto kong gawing battlefield nating dalawa."
"Okay! Tama na ang argumento ninyo." Kaagad kong sabi at tumingin nalang silang dalawa sa akin ng tahimik.
Napaisip nalang ako na what if mapanood ko sila after the mission ni Lala? Mas makita natin na kung sino ang may halakhak sa kanila.
"Ganito nalang, after ng mission ni Lala ay mag-sparring na kayong dalawa." Sabi ko nalang sa kanila. "Since may mahaba kayong preparation, mas maganda kung sa isang araw nalang natin simulan."
"After ng mission ni Lala?" Pagtataka ni Aron.
"Ibig sabihin ay bukas po ang mission ni Lala?" Tanong naman ni Rona sa akin.
"Definitely, Yes." Sagot ko naman sa tanong ni Rona. "Kaya naman ay mag-ensayo na kayo sa isa't isa, Aron at Rona."
"Kailangan after ng sparring ninyo dalawa ay kayo naman ang i-train ko sa susunod ng step." Karagdagang sabi ko pa sa kanilang dalawa. "Mga next month na siguro dahil kailangan pagpahingahin muna natin si Lala at doon na tayo magsisimula."
"Opo!" Tugon naman ng dalawa.
"So, ano pa ba ang gagawin ninyo dalawa dito? Dito talaga kayo mag-sleepover?" Tanong ko sa kanila at natahimik nalang ang dalawa.
"Aron? Rona?"
Sabi naman ni Aron "Ahhh Oo naman, Mama! Sa ngayon po ay may dala kaming baon na damit para bukas and also-"
Tumigil nalang sa pagsasalita si Aron noong kaagad na tumayo si Rona at sabing "Parang ayaw ko na siguro mag-sleepover ngayon dahil may mas naisip akong ideya about sa mangyayari ko bukas."
"Ano ibig mong sabihin? Akala ko bang mag-sleepover tayong dalawa?" Pagtataka ni Aron kay Rona.
"Dahil sa sinabi kong SPARRING ay ngayon ko lang na-realize na may mas maganda pang paraan maliban pa sa sleepover." Sabi ni Rona.
"Rona, sumang-ayon ka at akala ko ba-"
"Aron, sorry pero kailangan ko na siguro umalis ngayon." Wika ni Rona at dito na umalis nalang sa kinaroroonan naming dalawa.
Napatayo nalang si Aron pagkatapos umalis na si Rona sa kusina at sabi niya sa akin "Mukhang May binabalak si Rona ngayon."
"Paano ba iyan Aron, wala ka ngayon ka-sleepover." Sabi ko sa kanya.
"Matutulog nalang ako sa kwarto ko mag-isa at bukas na bukas ay uuwi na ako sa HQ para paghahanda sa aking sarili." Ani Aron. "Sila Lala, Ate Jelailah at Kuya Jadren ay nasa mission. Si Ate Richane naman ay tulog at hindi naman iyon papayag kaagad na mag-sleepover kaming dalawa na naman."
"Hayaan mo nalang muna at mag-prepare ka nalang sa sparring ninyong dalawa ni Rona." Sabi ko nalang sa kanya.
"Opo, Mama." Tugon nalang ni Aron at ito'y umalis naman sa kinaroroonan ko.
"Saan ka pupunta?"
"Sa Kwarto ko para magpahinga."
Dahil ako nalang ang natitirang tao sa kusina ay napaupo nalang ako sa upuan at ako'y gumamit ng phone pero paghawak ko palang ng phone ay biglang tumunog.
*RIIIIIIING! RIIIIIIING!*
Dahil iyon ay kaagad sinagot ko ang tawag, si Lala ang tumawag sa akin at napaisip nalang ako na may sasabihin ata ito sa akin ng balita.
"Hello, Ellainah?"
"I-inay, ganun po ba talaga si Kuya Jadren?"
"Oh! Ano naman mayroon sa inyong dalawa?"
"Kasi po si Kuya Jadren ay may problema sa akin."
"Sa mission ba? Huwag mo nalang alalahanin siya dahil may sariling plano din iyon na para sa kanya basta-"
"Inay, it isn't about the mission because we talk about our relationship with your younger child earlier."
"Oh! Ano naman mayroon sa kanya? Alam mo, hayaan mo nalang ang Kuya Jadren mo dahil may pinagdadaanan din siya na hindi parin niya matanggap at mawala sa kanyang isipan at damdamin. Ang gawin mo nalang ngayon ay mag-relax at matulog ng maaga dahil around seven o'clock ay dapat papunta na kayong Roxas Compound doon sa sinasabi ko sa inyo."
"Opo, Inay."
"Kung hindi ka niya tanggap bilang girlfriend ng kapatid niya, ang nanay naman nila ay tanggap na tanggap. Maliwanag?"
"Pero Inay, wala po siyang tiwala sa akin."
"Don't think about it, just focus the mission. Maliwanag?"
"Opo, Inay."
"Sige! Just seven o'clock ay handa na kayo."
"Opo!"
"Sige, Goodnight."
"Goodnight din po, Inay."
Kaagad na binaba ko ang tawag at nilapag ko ang phone ko sa lamesa para magtimpla nalang ako ng kape pero habang ako'y tumitimpla ay napaisip ako na bakit walang tiwala si Jadren kay Lala.
Ano ba mayroon?
Dito ko naisipang magkaroon ng isa pang clone ko at utusan ko siya. "Pumunta ka sa Hotel na kinalulugaran nila Jadren ngayon at ikaw na bahalang magsabi sa kanya about ang mga sasabihin ko."
"Opo!" Kaagad na nag-Fanatic Form ang clone at umalis na ito papunta na nga kila Jadren.
Jadren, parang ikaw lang ang Lola Rina noon. Ano mayroon kay Lala na ayaw mo?
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top