Chapter 20

LORNA'S POV

10:59 pm...

Dumating kaagad kami sa bahay at ang daming pulis, Offender at Medic Unit ang aming nabungad.

"Sandali! What's going on here?" Tanong ni Mom sa mga Offender.

"Maam, may nangyari pong krimen dito." Sabi ng isang Offender at nagulat nalang ako sa sinabi nila.

Krimen? Sandali! Paanong nangyari ito?

"Asaan si Luanne?" Tanong ko sa kanila pero hindi sila makasagot.

Wait! Anong nangyari talaga sa kapatid ko? Bakit hindi sila makasagot?

"Sabihin ninyo sa akin kung nasaan ang kapatid ko?" Tanong ko sa kanila na mayroong poot dahil dito sa pangyayari na ito.

"N-nasa South Caloocan City Medical Hospital po." Sagot ng isa Offender habang ito'y natataranta. "Doon po siya dinala, Maam."

South Caloocan City Medical Hospital? ibig sabihin nito ay...

"Sandali! Paanong nangyari ang insidente na ito?" Linya ko bilang tanong sa mga Offender habang tumitibok ang puso ko nang mabilis, ang kilay ko ay nakababa at ang  kanang kamay ko ay nakasarado ng maigi dahil sa insidenteng hindi ko inaasahan na nangyari pa.

Hindi sila makasagot sa tanong ko, tahimik lang ang mga ito at sila'y nakayuko ang kanilang mga ulo

"Paano napunta ang kapatid ko sa hospital na hindi ko alam?" tanong ko na may mataas na tono sa kanila habang hindi parin sila makakasagot.

"SAGOT!" Sabi ko ng pasigaw para magsalita silang tatlo.

"H-hindi ko po alam, Maam." Wika nalang nila bilang sagot sa tanong ko.

"Lorna, ako na bahala dito at puntahan mo nalang si Luanne sa South." Sabi nalang ni Mom sa akin.

"Mom, gusto ko malaman kung bakit napunta si Luanne sa hospital ngayon at bakit may Investigation na dito sa pamamahay na ito." Wika ko after ako lumingon kay Mom.

"Lorna, ako na bahala at kaagad na sasabihin ko sa iyo ang imbestigasyon tungkol dito." Sabi nalang ni Mom sa akin at hindi na ako makapagsalita. "Kailangan ka ni Luanne sa lalong madaling panahon at ikaw lang ang taong naging masaya sa buhay niya simula noong nagbago ang buhay niya."

Nagdadalawang isip na ako kung pupunta ba ako ng South or mag-stay pa dito sa bahay na ito. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman kung bakit may ganito na sa pamamahay namin. Gusto ko lang malaman bakit ganito na ang nangyari kahit secure na secure na ang lahat.

Ano ba ang dahilan kung bakit ganun? Sadyang bobo ba akong kaibigan at kapatid ni Luanne kaya narating pa sa ganitong situwasyon? May kaaway ba si Luanne? Bakit ganito na ang nangyari even makakaya ni Luanne ang kanyang sarili dahil isa siyang Special Force?

"Lorna, go to Luanne now as soon as possible." Mom said at wala na akong magawa kundi sundin pa si Mom.

"Yes po, Mom." Tugon ko at kaagad na umalis papuntang South Caloocan City Medical Hospital para kamustahin na si Luanne ngayon.

Sana nasa maayos naman ang kalagayan ni Luanne. Ayoko naman ganito ang kanyang reward niya.

****

11:16 pm...

Nakarating na ako Emergency Room ng South Caloocan City Medical Hospital. Kaagad na hinanap ko si Luanne kung saan siya ngayon.

May dumaan na nurse at kaagad na tinanong ako. "Sino po hinahanap ninyo?"

"M-may naka-confine po ba kayong Margareth Luanne Nowitzki?"

"Ahhhh..." May tinignan ang nurse sa kanyang dalang documents at sinabi niyang "Nasa Second Floor po siya at nasa ilalim siya ng operasyon po."

"Anong room?"

"Room Two-zero-two po."

"Sige! Salamat." Kaagad na umalis na ako para umakyat na sa second floor, maabutan ko man si Luanne na maayos ang kalagayan.

Noong nasa second floor na ako, dito ko hinanap ang room na kung saan naka-confine si Luanne.

"Room Two-zero-two..."

Kaagad na iniisa-isa kong sinilip ang bawat room hanggang sa kaduluduluhan ng floor na iyon sa bandang kanan. Nakita kong nakakabit sa kanya ang dextrose, at may life monitor pa. May bandage sa noo, sa braso at ang paa niya ay nakabalot ng bendita.

Kaagad na pumasok ako roon para makita at lumapit kay Luanne.

"Luanne..."

"Ah Ma'am, kaano-ano ninyo ang pasyente?" May isang nurse na nandoon na nagtanong sa akin.

Lumingon ako sa kanya at sinabing "K-kapatid ko po."

"Ah sige! Tawagin ko lang po ang doktor namin for the result." Wika ng nurse at ito'y umalis para tawagin nga ang doctor na nag-opera kay Luanne.

"S-sige po." Sabi ko naman at napaupo nalang ako sa tabi ni Luanne.

Hindi ako makapaniwalang ganito na si Luanne ngayon, tila baga'y natutulog lang at...

"Luanne... L-lumaban ka." Pag-aalalang sabi ko habang hinawakan ko ang kamay niya.

Grabe naman ang ginawa sa kapatid ko, hindi ito makatarungan talaga ang ginawa niya sa kanyang. Alam kong walang kalaban sa kung ano-ano si Luanne at alam ko rin na mabait na tao ang kapatid ko.

Maya-maya ay dumating na ang doctor sa silid. "Kaano-ano po ninyo po ang pasyente, Madam?"

Kaagad na tumayo ako at sagot kong "Kapatid ko po siya, Doc."

"Ahhh... Sa labas nalang po tayo mag-usap, Ma'am." Wika ng doctor at daling lumabas kaming dalawa sa silid.

Nang lumabas, napasandal ako sa pader habang nasa harapan ko siya.

"Ahhhh Doc, ano po balita sa kapatid ko po?"

"Ma'am, na-damage po ang utak niya at ito'y naging paralisado." Sagot ng doktor at ako'y nagulat nalang sa balita.

"May fracture sa back of her brain, ang binti naman ay na-dislocate naman and also konti nalang ang hemoglobin niya." Karagdagang sabi pa ng doktor at lalo akong nagulat at nataranta pa.

"S-sandali! Mababa ang dugo?"

"Isa lang ang maaring mangyari sa kanya para gumaling. Ito ay ang operasyon at aabot ng halos taon ang paggaling niya." Wika pa ng doktor kaya lalo akong nataranta, nag-aalala at nagtataka pa kung bakit ganoon nalang ang nangyari sa aking kapatid.

"D-doc..."

"I want to clarify na maayos ang kondisyon niya so far pero maaring lumala ang sakit at ang tama niya sa utak pag hindi pa ito naagapan." Ani ng doktor. "Ma'am, kailangan ninyong ipaalam sa ibang pamilya ninyo lalo na sa iyong magulang na malala ang kondisyon ng pasyente."

"O-opo!" Tugon ko nalang sa sinabi ng doktor.

"Bigyan ninyo ako ng update tungkol dito. Mauna na ako sa inyo at nawa pagpalain kayo." Wika nalang ng doktor at umalis na ito sa aking harapan.

At the same time, tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Dito ko sinagot ang tawag na iyon which means tawag ni Mom iyon.

"Hello, Mom?"

"Lorna, huwag kang magbibigla sa sasabihin ko."

"Ano ba iyon, Mom? About ba sa case na nangyari kay Luanne?"

"Lorna... Around nine o'clock in the evening ay nangyari sa krimen. Walong Offender na nasa labas ng bahay natin ay natagpuan na nakahiga sa sahig, ang iba ay may pasa at may bali sa katawan. Sabi ng isang Offender na nandoon ay mga naka-itim na suot at naka-maskara pa ito kaya hindi ito makita kung sino ano mga iyon."

"Ano ba nangyari kay Luanne noong nasa insidente na iyan?"

"May nakarinig ng mga kapitbahay na kalambog mula sa bahay natin at around nine fourty-five to nine fifty nangyari ang insidente. Around nine fifty-seven ay may dumating na isang lalaki sa bahay natin at mahigpit Isang minuto na nakalipas ay iniwan na ito kaagad si Luanne na nakahiga sa sahig."

"Wala ba kayong ideya kung sino ba talaga sila?"

"Sa ngayon, wala kaming mahanap kung sino sa kanila ang salarin or maaring maging salarin sa kaso na ito."

"M-mom... Pwedeng pumunta ako diyan for a while dahil may gusto lang sana akong sabihin at linawin kung ano ang mayroon diyan?"

"Lorna, mas mabuti munang bantayan mo si Luanne diyan."

"Mom, gusto ko lang naman makatulong sa kaso na iyan dahil hindi makatarungan ang ginawa nila kay Luanne."

"Ganito na lang, pupunta ako diyan mamayang alas-dose ng madaling araw at pag-uusapan pa natin ang iba pang detalye about sa kaso."

"Sige po, Mom."

Binaba na kaagad ni Mom ang tawag bilang pagtatapos ng aming coversation namin sa phone. Kaagad na pumasok nalang ako sa kwarto ni Luanne para bantayan pa siya.

Napaupo nalang ako sa Isang upuan sa tabi ni Luanne at nahimasmasan nalang muna ang sarili ko habang hinihintay ko si Mom.

-

LEANNY'S POV

"Madam, maski po mga Fingerprints ay wala akong makita sa bawat gamit mg bahay ninyo." Ani ng isang Offender sa akin tungkol sa imbestigasyon ng nangyari kay Luanne.

"Okay! Kinausap ninyo ba ang mga kapitbahay namin?"

"Sa ngayon Madam, isa palang ang nakausap namin at ang katabi ninyo kapitbahay palang ang nakausap namin."

"Ahh yung sa kalambog. Well, maghanap pa kayo ng iba pang mga kapitbahay namin na nandito noong oras na nangyari ang insidente." Utos ko sa kanya. "Need natin ng mga saksi sa kaso na ito and also ang mga staff ng apartment na ito na din."

"Opo!" Tugon ng Offender na iyon at ito'y nakaalis na sa harapan ko para gawin ang pinapautos ko sa kanya.

At the same time, dumating naman ang isa pang Offender sa kinatatayuan ko at daling sabing "Madam, nahanap na po ang isang CCTV footage tungkol sa pangyayari kay Maam Luanne."

"Oh! Asaan ang Operator area? Pwede mo ba ipakita sa akin?"

"Sige po! Sumunod po kayo sa akin." Wika ng Offender na iyon at ito'y umalis. Kaagad ko naman siyang sinundan.

Habang naglalakad ay nag-uusap naman kaming dalawa ng Offender na iyon.

"Saan ba nakuha iyong footage na iyon?"

"Madam, sa Hallway po at sa Parking lot ng Apartment na iyon."

"Saang Hallway?"

"Hindi ko po tinignan pero later po ay makikita po natin kung nasaan."

"Oh sige!" Wika ko nalang bilang pagtatapos ng Conversation naming dalawa.

Dito na kaming pumasok sa isang silid, may isang Computer set (Dalawang monitor, isang office mouse, isang office keyboard, isang System Unit at isang microphone) na nandoon, may isa pang Offender na babae at isang Security Guard na lalaki sa lugar na iyon.

"Madam Leanny, mabuti po at dumating po kayo." Wika ng Security Guard.

"Asaan ang footage?" Tanong ko sa kanya.

"Ito po." Dito nita pinakialam ang computer na nandoon at pinakita na niya sa akin ang CCTV footage. Pinanood naman naming apat ang nangyari sa

Around nine o'clock and forty minutes in the afternoon, walang katao-tao sa isang parking lot. Isang SUV lang ang nakaparada sa isang Parking area and the rest are blanko.

Pinagmasdan kong mabuti ang bawat pangyayari ng footage na iyon at ang iniisip ko ay dito sila pumasok.

One minute na nakalipas sa footage na iyon. Dito na dumating ang apat na naka-black na suot. Ito'y naka-maskara ang mga iyon at longsleeve shirt, pantalon at naka-gloves pa ng black.

Dito ko daling pinindot ng Space Button sa Keyboard para i-pause ang video footage na iyon. "Black Long-sleeves, Black pants, black gloves, black shoes, black mask, tapos nakasalamin pa ng itim ang iba." Wika ko habang nakatingin sa video na ipi-nause ko.

"Madam, may ideya po ba kayo kung sino sila?" Tanong ng isang Offender na babae. "Ang iniisip ko lang po ay isang gang."

"Ganun din ang iniisip ko." Sabi ko naman as my reply. Pagtataka ko lang naman na bakit may ganito? Kaano-ano ba nila Luanne ba ito or what?"

"Madam, may sinabi po ba si Maam Luanne na may kaaway siya?" Tanong ng isang Offender na lalaki.

"Ang pagkaalam ko ay noong hindi pa siya Special Force at hindi pa namin siya nakupkop ay may kaaway na daw siya." Wika ko naman. "Noong nagkakilala sila ng isa pang anak ko na si Lorna, may isang lalaki na naghahabol sa kanya at that time at dito na prinotektahan niya si Luanne."

"Ibig sabihin ay maaring mga kalaban ni Luanne ito before?" Offender na lalaki.

"Wala ako ideya tungkol doon basta si Lorna ang nakakaalam sa kwento ni Luanne sa kanya."

"Pero Madam, may alam ka po ba based po sa Physical Appearance nila?" Tanong pa ng Offender na babae.

Napatingin ako ng maigi sa monitor na iyon at ang kumakalap sa akin isipan ay isang lalaki at tatlong babae. Ang isa kasi ay mataba at malaki ang boobs habang ang isa ay payat pero bakat na bakat ang pagkababae niya dahil sa dibdib. Ang isang natukoy ko na siya'y lalaki ay base sa height dahil siya ang matangkad among all of them.

"Asaan naman ang nasa Hallway?" Kaagad na tanong ko pata ma-proceed na sa next footage. "I want to see it bago ko sagutin ang tanong na iyan."

"Ito po, Madam." Dito muli mangialam ang Security Guard ang computer para mabuksan at mapakita naman ang isa pang CCTV footage.

"Saang floor ba iyan? Third Floor ang aming bahay."

"Second floor."

Dito na muli na-play ang isa pang video. Around nine o'clock and forty-five minutes in the evening. Walang tao sa isang hallway sa second floor ng apartment. Hanggang around twenty seconds na nakalipas ay sa isang dulo ay dumaan ang apat na itim na nandoon.

Napansin ko na may hinagis ang isang naka-itim at magkaroon ng malaking usok sa hallway na iyon. Ang paghagis niya ay parang ma-pwersa kaya nakaabot malapit sa may CCTV Camera ang binato niya.

Kaagad na pinindot ko ang Space bar sa keyboard at sabing "May plano silang i-takpan ang bawat CCTV area para hindi sila mahuli."

"Madam, paumanhin pero ang nangyari sa Third Floor ay biglang nagdilim." Sabi ng Offender na babae.

"Anong nagdilim? Pinatayan ng ilaw, ganoon?"

"Doon lang sa hallway mismo." Reply niya sa akin.

Napansin ko lang sa Footage na iyon ay tatlo lang pala sila. Ang iniisip ko ay nasa may electric maintenance area ang isa pa nilang kasama.

"Madam?"

"Paki-CD burn nalang ito at ibigay ninyo nalang sa NBI ang footage na ito." Sabi ko nalang.

"Yes, Madam." Tugon nilang tatlo at ginawa nila ang utos ko sa kanila.

Kaagad na pumunta ako sa pintuan at ako'y napaisip nalang kung bakit ganoon. Ano ba mayroon kay Luanne at bakit nila iyon ginawang pagbubugbugin? Ano ba rason nila at sino ba sila?

****

Kinabukasan...
12:05 am...

Kaagad na nakarating ako sa silid na kung saan naka-confine si Luanne. Kaagad na pumasok ako roon sa kanya at dito ko nabungad na nakaupo si Luanne sa tabi ni Luanne na nakahiga.

Kaagad na tumayo si Lorna at sabing "Mom..."

Kaagad na sinara ko ang pinto at napaupo nalang ako sa isa pang upuan.

"Musta na ang imbestigasyon ninyo?" Tanong niya sa akin.

"May CCTV footage na about sa nangyari kanina. Ipapadala na iyon sa NBI as evidence since halata naman ang nilalaman ng video na ni-raid nila ang bahay natin." Ani ko sa kanya.

"Anong balita kay Luanne?" Tanong ko naman.

"Mom, p-paralyze si Luanne dahil sa pangyayari." Sabi ni Lorna sa akin. "Apektado ang kanyang utak at ang fracture sa paa ay aabot ng mga taon dahil ACL ang nangyari sa kanya."

"Taon? ACL? Paralyze?" Ito ang mga tanong na aking binitawan.

"Mom, need ng matagalan gamutan ang mangyayari dito."

"Sandali Lorna! May nabigay na ba about sa medicol legal niya?"

"W-wala pa po, Mom."

"Matagalang gamutan..." Wika ko habang napaisip nalang ako at nakatingin kay Luanne.

"Mom, hindi ko aakalain na ganito ang isusukli nila kay Luanne. Napaka walang hiya sila dahil isang simpleng tao at may mabuting mithiin ay kanilang itinira." Lorna said at alam ko'y may galit na ito sa suspek na tumira kay Luanne. "Mom, alam ko na kung sino ang nasa likod nito."

"What do you mean?" Pagtataka ko.

"Isang tao lang naman ang nasa likod nito at kilala ko na kung sinong tao na iyon. Around nine o'clock, diba? Isa lang ang tao na kilala ko na maaring mastermind or siya mismo ang gumawa ng krimen na iyon." Lorna said.

"Bakit, sino nga ba?"

"May isang lalaki na tumawag sa harapan ko, may kausap siya sa cellphone niya at dahil sa sinabi mo ay alam kong ito ang dahilan. Nagsisinungaling pa siya na tinatawagan pa niya ang nanay niya at nagpaalam pa siya sa akin na aalis ito."

"Diba Lorna, si Kennedy lang naman ang kausap at kasama mo?"

"Kaya ako galit na galit sa taong iyon dahil isa siyang miyembro ng Gang." Pagalit na sabi ni Lorna habang ito'y nagsimula umiyak. "Pilit kong ilayo si Luanne kay Kennedy pero itong Kennedy na ito ang lumalapit."

"B-bakit mo lang ngayon sinabi iyon?" Tanong ko sa kanya na mayroong pagtataka.

"Dahil hindi ko alam kung papaniwalain ninyo ba ako o hindi." Sabi pa ni Lorna at dito ko kaagad niyakap siya para patahanin pa siya.

Alam kong duty niyang protektahan niya si Luanne pero nadala siya ng galit dahil ang lahat na nangyaring maganda kay Luanne ay ito ang magiging sukli niya. Alam ko ring walang kaaway si Luanne, wala din siyang kung ano-ano na ginagawa niya. Sa inggit lang ito o baka bumalik ang mga tao na nasa nakaraan niya para ipaggaganti siya kung ano ang kasalanan niya bago pa niya kami nakilala.

Hanggang ngayon ay tuloy parin ang operasyon niya at ang imbestigasyon. Ngayo'y si Kennedy ay Founder ng Erobern gang at hindi na nakikita sa Operasyon niya ay isa na siya sa suspek at natanggal na namin ang serbisyo niya noong ako na ang umupo muli bilang Vice Chairman ng Capital State. Pag-upo ko ay sa tulong ni Erika at ni Diane ay ginawa naming undercover agent si Lorna sa Erobern.

And the rest is history.

-

LORNA'S POV

Year 2021...

"Sa ngayon, mabuti na ang kalagayan ni Luanne ngayon. Okay na ang bali niya at maari siyang maglakad ulit. Ang kanyang fracture sa utak ay bumubuti na at need nalang ng testing para rito." Sabi ng doktor sa akin.

"Sige po, salamat po." Pagbati ko sa kanya.

"It's my pleasure po. Mauna na po ako sa inyo." Wika pa niya at ito'y umalis na sa harapan ko.

Kaagad na sinara ko ang pinto para hindi lumabas ang lamig na galing sa aircon. Kaagad naman lumapit kay Luanne at sinabi ko ang balita sa kanya.

"Luanne, magaling kana! Paggising mo nalang ang hinihintay ko. Hindi ko aakalain na sa halos mga taon ay nakamit natin ang paggaling mo."

Dito na ako nagsimula lumuha ang mga mata ko at ako'y umiyak.

"Luanne, konting tiis nalang at makakamit natin ang hustisya mo." Wika ko pa sa kanya. "Ngayon dineploy ko na ang isa pang kaibigan ko na si Lala at ang miyembro ng Sixteenth Scout Agent para sa hustisya mo at sa hustisya ng bawat tao sa Capital State."

"Luanne, pagbalik ko ay gising kana. Pagbalik ko ay nakangiti na ang iyong mga mata at maging ang iyong labi. Namiss ko iyon dahil kapatid kita."

"Luanne, ipaggaganti kita." Ito ang huling linya ko para sa kanya, makamit ko lang ang hustisya niya.

-

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top