Chapter 19
LORNA'S POV
"Lorna, ano ba mayroon sa akin bakit pinalalayo mo si Luanne sa akin?" Tanong pa ni Kennedy habang ako'y hindi na makapagsalita pa sa kanya.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Gusto kong maging ligtas si Luanne pero napansin ko lang na iba ang pananalita ni Kennedy.
Hindi! Trap lang ito at alam na alam ko ang isang siga, nagbabait-baitan lang yan ang mga iyon at mga ilang araw na nakalipas ay saka na nila gagawin ang masamang tensiyon sa iyo.
"Lorna?"
"Anh totoo niyan kasi ay... Mas mabuting ako nalang ang kasama po araw-araw." Wika ko nalang bilang palusot ko para sa kanya, lumapit ako sa kanya para kumapit ang braso naming dalawa at sabi ko pang "Naseselos ako kase kapag may iba kang babaeng kasama."
"Naku! Akala ko ba ay wala kang gusto kay Kennedy?!" Pagtataka ni Luanne sa akin.
"Wait! Naguguluhan ako. Ano nangyayari?" Linya nalang ni Kennedy dahil naguguluhan na talaga siya. Well, that's my plan.
"Kennedy diba may gusto ka diba sa akin, tama ba ako?" Tanong ko sa kanya pero pa-landi na tono at nakatingin sa mata niya na may pakagat-labi ang aking mukha.
"Ahhhh Lorna, b-bakit mo..." Pinagpawisan at namumula ang mukha ni Kennedy ngayon which is tama si Luanne na may gusto mga ito sa akin.
"Well, we set our relationship if you want." I said dahil plano ko rin sa kanya ito. Hindi na makapagsalita si Kennedy at ito'y napapawisan.
Kabahan kana Kennedy, nauto lang kita ngayon.
"Wait! Seryoso ka talaga, Lorna?!" Pagtataka pa ni Luanne about this at tumungo ako bilang sagot ng oo.
"Sandali! Hindi pa siya nangliligaw sayo, kayo na?!" Pagulat na sabi ni Luanne. Hindi parin siya makapaniwala na kami na talaga.
"Luanne, mas maganda kung diretso na kasintahan na dahil kung mahal mo ay wag mo na pakawalan pa."
"Ahhhh..." Hindi na makapagsalita pa si Kennedy dahil sa akin. Talagang may gusto ito sa akin at paniguradong wala siyang tensiyon sa kung ano ang gagawin niya sa amin.
"Well, magsisimula na ang dinner night natin for Luanne kaya mabuti at naki-join ka talaga sa amin." Sabi ko kay Kennedy. "Now, hintayin natin si Mom para makilala kita ng husto."
"Ahhhh ehhh... S-sige, Miss Lorna." Tugon nalang ni Kennedy.
****
6:31 pm...
Ilan segundo ang nakalipas, nasa kalagitnaan na kami ng dinner. Magkatabi kaming tatlo nila Luanne at Mom habang nasa harapan namin si Kennedy.
Habang kami'y kumakain, nag-uusap kaming dalawa about him.
"So, naging kayo na pala without any consent sa akin." Sabi ni Mom. "Hindi ko pala aakalaing may kasintahan na pala ang anak ko."
"Pasensya na po kung nagkataon po ng ganoon." Paumanhin ni Kennedy kay Mom.
"Okay lang naman sa akin na may kasintahan ang aking anak basta unahin ang importante at mga pangarap ninyo sa buhay. Ayoko lang naman na maging katulad siya sa akin noong kabataan ko at ayoko pang ikuwento iyon sa inyo." Mom said.
"Nga pala! Saksi ni Jehova ka ba?" Deretsahan tanong ni Mom kay Kennedy at biglang napaisip at na-realize na dapat same religion pala ang magiging kasintahan ko.
Lorna naman!
"Ahhhh... Opo!" Sagot ni Kennedy at mabuti naman ay Jehova ito. Safe ang plano ko para sa kanya.
"Sige nga, ano nga ang patakaran namin?" Back-up question pa ni Mom kay Kennedy dahil mukhang hindi siya naniniwala ito na Jehovah's Witnesses si Kennedy.
"Ahhh.. Bawal manigarilyo, uminom, blood transfusion, adultery at makipag-talik or makipag-dibdib sa parehong kasarian at magpalit ng gender or sex." Kennedy answered.
"Since hindi kami naniniwala sa Military, ano ang pagkakaiba ng iyon sa Witchcraft?" Back-up question pa ni Mom.
"Ahhh... Both of them ay Patriotism pero ang Witchcraft ay magical and supernatural phenomenal samantala ang Military ay more on armed forces and defense without any supernatural beings." Sagot pa ni Kennedy.
"Is Witchcraft isn't allowed in us?" Mom.
"Wala pong nakasulat ang salitang WITCHCRAFT na pinagbabawal sa Jehovah's Witnesses pero tayo'y naniniwala sa Black and White Magic. Ang White Magic ay ang may kakayahang protektahan laban sa masasamang tao na maghahasik ng kadiliman kagaya natin habang kabaligtaran naman ang Black Magic na sila ang may kakayahan ng magdala ng delubyo sa atin." Sagot pa ni Kennedy. Ang talino pala itong hayop na ito.
"Kapag Birthday ni Luanne, babatiin mo ba?" Mom asked.
"H-hindi po," Kennedy answered Mom's Question.
"And why?"
"Because celebrating a birthday displeased God." Paliwanag ni Kennedy. Well, tama siya.
"For example ngayon, pwede ba itong Achievement Celebration ni Luanne sa atin?" Tanong pa ni Mom.
"Luanne is Roman Catholic, at achievement celebration ay hindi counted sa ganoon dahil hindi naman nakatugon sa pagkamatay ni Jesus Christ." Kennedy answered. "There's no religious reason kung bakit nagka-graduate at naging Junior Sophomore si Luanne kaya allowed ito."
(Kemba: Hindi ako Jehovah's Witnesses but nag-search ako for this one. If may mali dito, paki-criticize nalang po. Salamat (^‿^) )
"Well, okay! Jehovah ka nga." Sabi nalang ni Mom. "Oh siya! Kumain na tayo."
Dito na kaming kumain lahat ng handa namin. Tanging Spaghetti, tinapay at orange juice lang ang handa ni Luanne kaya simple lang ang celebration niya.
Kumuha ako ng isang sandok ng spaghetti at dito na ako kumain. Well, masarap magluto si Luanne at kuha niya ang Spaghetti na nasa fastfood chain.
Noong mga nasa one-fourth ang laman ng plato ko, dito may sinabi si Kennedy sa akin na isang pabor or kung ano gusto niya sa buhay.
"Ahhhh Lorna, gusto ko sanang mag-date tayo mamayang alas-otso sa night market malapit dito." Kennedy said.
"Night market, uh? Kailan kayo uuwi kung ganoon?" Tanong ni Mom kay Kennedy kaya dito na ako umentrada.
"Ahhh alas-dose ng madaling araw sana kung gusto mo naman." Sabi ko kay Mom. "Minsan lang naman kami mag-"
"Since Witchcrafter kayong dalawa, papayag ako." Sabi kaagad ni Mom bilang pagpayag niya na mag-date kami sa gabi. "Well, may lakad din ako mamaya ata alas-dos ang uwi dahil midnight briefing na naman with Fourth Chairman."
"Ibig sabihin po ay ako po mag-isa?" Tanong ni Luanne. "Kung ganun ay okay lang ako at mas trip ko pong mag-isa dito. Basta magpadala kayo ng take-out ah!"
"Oo naman!" Tugon ko at ngumiti ako kay Luanne.
"Well Kennedy, alagaan mo si Lorna at ayokong mangyari ang hindi ko inaasahan." Sabi ni Mom kay Kennedy. "Hindi porke't Jehovah ka ay kampante kang pababayaan ko si Lorna sa iyo. I want to make sure na ikaw ang iyong kasintahan talaga niya."
"Opo." Tugon nalang ni Kennedy.
"Well...", Tumayo si Mom at sabing "Kailangan kong umalis papunta sa Office ko for briefing around seven o'clock. Mag-ingat kayong tatlo."
"Ingat ka rin po, Mom." Sabi ko sa kanya at umalis na ito papunta na sa kanyang office.
Nagpatuloy nalang kami sa kinakain namin at nag-uusap kaming tatlong from whatever topic.
****
7:47 pm...
Nasa kwarto naman ako ngayon at inaayos ang aking sarili dahil daw sa 'DATE' ni Kennedy.
Nagpabango ako ng aking perfume at sinuot ko ang accessories kagaya ng bracelet, necklace at hikaw. Well, suot ko ang pink dress at silver sandals para magmukhang maganda ako sa paningin ni Kennedy. Nakatali ang buhok at may bangs na straight, may liptint ang aking labi at baby powder ang aking mukha.
Pagkatapos ay kaagad na lumabas ako sa kwarto at dito ko nakasalubong si Luanne. Nakangiti lang ito sa harapan ko at tila baga'y supportive siya sa akin.
"Excited kana?" Tanong ni Luanne sa akin. Nagtanong pa siya kung excited ako but I'm very excited to what I do.
"Gusto ko maging wild sa kanya." Sabi ko naman para maging happy pa siya lalo.
"Wild? Ibig sabihin ay diretso hotel kayo? Ikaw ah, sabi nga ni Mom na huwag na huwag makipag-sex after the wedding or what kasi bago palang kayo?" Wika ni Luanne na mayroong pagtataka.
"Well, it doesn't matter basta sinabi ko naman na huwag mo na pakawalan kung mahal mo, diba?"
"Lorna, ang habol niya ay makilala ka pa lalo kung sino ka. Paano nalang kung hindi ka niya pala type, paano kana?" Luanne said.
"That's fine, ang mahalaga ay nakilala ko pa si Kennedy. Baka magsisi pa siya but sanay naman ako iwanan na parang laruan." Drama ko.
"Lorna, mabait si Kennedy at siguro ay sarado pa ang kanyang isip sa ganyang mga bagay." Luanne said na parang siya na ang nagpapayo sa akin.
"Ano ka ba! Nagbibiro lang naman ako." Sabi ko nalang sa kanya.
"Nga pala! Mag-ingat ka pala sa labas dahil sa panahon ngayon ay maraming masasamang loob na-" hininto ang sinabi ni Luanne sa akin kaya dito ako nagsalita pa bilang reply ko sa kanya.
"Luanne, kaya ko na ang sarili at ikaw dapat ang mag-ingat kahit nasa loob ka pa ng pamamahay na ito." Sabi ko sa kanya bilang paalala ko sa kanya.
"Bakit naman, Lorna?" Tanong niya sa akin na mayroon pagtataka.
"Offender ka lang, Scout Agent ako." Ito ang linyang binitawan ko sa kanya para hindi niya malaman kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit sinasabi kong mag-ingat siya.
"Lorna..." Sambit niya na mayroon pagtataka at pag-aalala.
"Luanne, make sure na isarado mo ang pinto at wag kang magpapasok na kahit na sino. Huwag kang mag-order ng kung ano-ano at make sure din na mag-online ka dahil ime-message kita kung uuwi na ako o hindi."
"S-sige! Pero bakit ba kailangan mo mag-ingat?" Tanong pa niya sa akin pero hindi ko na sinagot ang tanong niya at kaagad na lumabas ako ng bahay.
"Lorna..." Ito ang huling sambit niya at hindi na niya ako sinundan pa.
Kaagad na bumaba ako ng hagdan papunta sa first floor dahil naghihintay doon si Kennedy.
Habang ako'y naglalakad, iniisip ko kung bakit hindi ko sinabi iyon sa kanya na may something. Bakit hindi ko sinabi na may mangyayari sa kanya na maaring madala siya sa kapahamakan? Bakit hindi ko rin sinabi na si Kennedy ay member ng isang gang na ito ang maaring maging dahilan ng mangyayari kapahamakan kay Luanne?
Lorna, ang tanga mo! Wala kang kwentang kapatid!
"Lorna?" Sambit ni Kennedy at hindi ko aakalaing nasa first floor na pala ako ng apartment.
Huminto ako sa harapan niya at sabing "Kennedy, sure ka ba talaga na mag-date tayo?"
"Oo naman pero ikaw bahala kung ayaw mo." Sabi naman niya sa akin at ako'y napaisip nalang ng malalim na nakayuko ang aking ulo.
Napansin ni Kennedy ang overthinking ko dahil kay Luanne. "Bakit, Lorna? M-may problema ba?"
Tumingin ako sa kanya at sabing "P-pwedeng may tatawagin lang ako ng importante?"
"Sige! Punta nalang ako sa labas para hintayin kita." Sabi naman ni Kennedy.
"Sige, Kennedy."
Dito na umalis si Kennedy palabas ng apartment kaya ako nalang ang naiwan sa first floor ng building na ito.
Dito ko kinuha kaagad ang phone ko na nasa sling bag ko para tawagan ang importante tao na kailangan ko ng tulong.
"Hello, Syon?"
"Oh Lorna, napatawag ka."
"Syon, pwedeng magpadala ka ng anim na Offender dito sa apartment?"
"Bakit naman, Lorna?"
"Basta Syon, magpadala ka lang!"
"Ano nga?" Dahil sa tanong ni Syon ay napaisip nalang ako ng reason.
"Ahhhh m-may something kasi kaming dala kaya naitago ko sa drawer ko. Si Mom ay umalis habang tulog naman si Luanne sa bahay. Kailangan ko kasi umalis right now kasi importante naman ang gagawin ko ngayon."
"Oh sige! Magpapadala ako ng dose para mas secure talaga."
"Basta may Offender sa main, sa may parking lot at sa may emergency exit sila nakatambay para secure na secure."
"Sige noted. Maasahan mo ako diyan kaya don't worry."
"Sige! Salamat!"
Kaagad na binaba ko ang tawag at pinasok ko sa sling bag na dala ko ang phone ko. Huminga ako ng malalim dahil kontento na akong secure na si Luanne.
Lumabas ako ng apartment at sinundo na ako ni Kennedy. Nakabungad siya sa isang tabi at talagang hinihintay niya ako. Masunurin na bata ito.
"Lorna..."
"Magpara ka ng tricycle papunta Rizal Avenue at tayo'y maglarga papunta sa Baclaran." Sabi ko sa kanya.
"Sige!" Tugon niya at nagpara na ito ng tricycle. Sumakay kami roon at kami'y lumarga na.
****
Noong nasa Baclaran na kami, dito nagsimula ang feeling jowable life ko. Well, tuwang tuwa si Kennedy sa tuwing kasama ko siya habang ako naman ay naayon sa akin plano.
Kumain na naman kami ng Pares sa labas na magkasama at siya pa ang taya. Nilibre niya ako ng Pares, ice tea at saka halo-halo.
Pagkatapos kumain ay namasyal kami para bilhan naman niya ako ng damit. Well, dress na naman at kulay black iyon. Bilihan naman niya ako ng human-size stuff toy na teddy bear na kulay pink at sabi pa niyang once na malungkot ako ay yayakapin ko daw iyon bilang maalala ko siya.
A that time, hindi ko siya binilhan ng kung ano gusto niya dahil para sa kanya ay mas ayos kung ako lang dahil itong bugok na ito ay hindi na kailangan ng kung ano pa, makasama ko lang siya ay sapat na sa kanya. Landi talaga ang hayop.
****
A few minutes later ay nasa isang couch kaming dalawa, nakaupo kami magkatabi habang may kinukuwento siya about sa buhay niya. Well, I'm not interested and ayoko pang sabihin kung ano ba siya talaga dahil sinungaling naman itong tao na ito.
Ako lang naman ay tamang kinig kunwari pero ang totoo niyan ay ayoko talaga sa kanya, nasa plano kong ibihag ko siya para mapalayo si Luanne sa peligro. Alam na alam kong may balak siya ka Luanne na masama na ikinasasakit ko kaya gumagawa na ako ng paraan basta safe si Luanne.
"Tapos ayun! Naging Offender na ako." Wika ni Kennedy bilang ending ng kwento niya.
"Okay." Tugon ko naman.
"Mahirap man ang napadaan ko pero naging matagumpay naman iyon at naging Special Force ako." Wika pa niya habang nakatingin lang ako sa kanya na mayroong ngiti para kunwari ay na-amaze ako sa kanya para hindi halatang may balak ako sa kanya ng napakasama since this is my plan.
*Riiiiiing!* Tunog ng phone ni Kennedy at kaagad niyang kinuha mula sa bulsa. "Excuse lang ah at tinatawagan na ata ako ng mother ko." Wika pa niya at ito'y tumayo.
"Sagutin mo na." Sabi ko naman sa kanya.
"Okie!" Tugon niya at lumayo-layo na siya sa akin at nakipag-usap na nga ito na nasa cellphone niya.
Well, I just look at my watch na suot ko sa kaliwang braso and it is nine:forty-six PM in the evening. Well, kontento at kampante talaga ako na safe na sake si Luanne sa bahay ngayon at hindi na talaga nagkaroon ng kaba mula sa aking katawan. Secure na secure na ako ngayon ngayon at hindi ko na kailangan pang isipin pa.
Lumapit si Kennedy sa akin at sabing "Ahhh kailangan ko na umuwi dahil pinapauwi na ako ng nanay ko, mag-ingat ka ah."
"Sige! Mag-ingat ka." Sabi ko at daling hinalikan ko siya sa pisngi para damang-dama niyang magkasintahan talaga kami. Well, umalis na nga itong may pamumula ang kanyang mukha.
Mag-isa ako ngayon sa kinauupuan ko ngayon at medyo kaunti nalang ang tao na nasa kinaroroonan ko ngayon. Need ko na siguro puntahan si Mom na nasa Capital Palace ngayon since may briefing iyon at kailangan ko siyang padalhan ng foods niya.
****
Capital Palace, Binondo, Manila
10:17 pm...
"So, okay naman ang lahat at talagang naglinis ka muna ng bahay bago umalis." Mom said noong sinabi ko sa kanya na nag-ayos muna ako ng bahay bago ang aking sarili.
Magkaupo kaming dalawa sa kanyang office habang siya'y kumakain ng pinadalang pagkain mula sa akin. Well, ganyan ako kabait sa kanya bilang anak niya at ayokong may mangyari sa kanya na hindi siya kumakain dahil panay work siya. Ngayon ay tamang kain siya ng Siomai Rice na nasa paper bowl habang kinakausap niya ako.
"Mom, para hindi na mahirapan pa si Luanne sa bahay kaya ko naman ginawa iyon." Sabi ko naman sa kanya.
"So, kamusta naman si Luanne ngayon?" Tanong niya bilang pangangamusta niya kay Luanne.
"Sa ngayon Mom, maayos ang kalagayan niya doon sa bahay at siguro naman ay nakatulog na iyon."
"Hindi ka ba nag-aalala doon?" Tanong pa niya sa akin. "Mag-isa si Luanne at ayoko lang may mangyayaring masama sa kanya."
"Mom, safe na safe si Luanne kaya huwag na kayong magbahala pa sa kanya." My reply. "Kaya na niyang mag-isa sa kung ano ang nais niya at saka sinabi ko sa kanya na wag siyang maglalayas at kung maari ay huwag siyang mag-order ng kung ano-ano para sa kaligtasan niya."
"Mabuti naman kung ganoon." Mom commented.
"Mom, ano pala ginawa ninyo kanina sa meeting?" Tanong ko sa kanya.
"Ah! All about transitioning lang naman since iba na ang hawak ng Disaster Preparedness and Management committee at saka marami naming pinag-usapan about sa plano for this year and also for next year." Mom said. "Mamaya ay pinag-uusapan pa namin ang bago kong estado since tatakbo akong City Councilor ng South Caloocan."
"Mom, you do again to become a Politician." I said to her kasi naman tatakbo na naman siya ulit in Local Election.
"May problema ang South Caloocan ngayon which is kulang sa kagamitan when it comes sa pagpapatrolya kaya need siguro ng isang Witchcrafter Special Force na maging kasapi or maihalal bilang konsehal kung manalo man." Mom said again at nilahad ang kanyang maaring plataporma as a Councilor dahil election na next month. "Wala akong balak na manalo pa basta ang mahalaga ay mayroon akong offer sa mga taong bayan sa South Caloocan to make the city state under the evildoers."
"Kaya pala naghain ng COC, akala ko ba ay huli na ito?"
"Well, may nababalitaan akong tatakbo ako ng Vice Chairman ulit pero hindi ko muna pinag-isipan pa ang bagay na iyon. Sa ngayon ay focus muna ako sa Councilor pero if may ma-offer si Fourth Chairman ay pag-iisipan ko pa muna ang plano na iyan dahil wala naman problema ang Capital State sa ngayon." Ani ni Mom kaya hindi ko nalang pinigilan pa siya sa kung ano gusto niya.
*RIIIIIING!* Tunog ng cellphone ni Mom at kaagad na sinagot ito.
"Hello?.. Wait!.. Paanong nagkataon yan?.. Sandali! A-anong ibig sabihin?.. Wait! Papunta na kami diyan."
Pagkababa ng tawag sa phone niya ay kaagad na sinabi ni Mom na "Lorna, may nangyari kay Luanne."
"Huh?" Pagtataka ko at... Sandali! Paano?!
"Wait! Anong nangyari kay Luanne?" Tanong ko sa kanya.
"B-binugbog siya sa bahay." Pagtaranta niyang sabi at naging palaisipan ko ito na paanong nangyari sa kanya ang lahat. Hindi ko maintindihan na nangyari o isa lang itong biro.
"N-nagbibiro ka ba, Mom?!" Pagalit kong sabi kasi hindi ako naniniwala na binugbog siya.
"Si Syon ang tumawag at hindi ko alam na bakit may ganoon na nangyari." Paliwanag ni Mom at lalo akong nagtataka, natataranta at ang mga luha ko ay naglabas mula sa aking mga mata.
Hindi ko tanggap ang balitang iyon at naging palaisipan talaga ang nangyari. Secure talaga lalo ang bahay at pinalayo ko pa si Kennedy at nagpalilang ko siya.
Sandali! Binugbog? So ibig sabihin ay...
Paano?!
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top