Chapter 18

LORNA'S POV

Pinagawa ko sa kanya ang unang pagsubok which is yung sinabi ni Mom sa akin. Umabot iyon ng isang linggo dahil sa mababa ang porsyento ng kanyang Witchcraft Ability niya.

Sumunod ang Wind Manipulation Challenge na kung saan niyang babagsakin ang sakong nasa upuan gamit ang wind Element. Nagawa naman niya iyon pero umabot ito ng limang araw.

Nagawa naman ang lahat ng pagsubok na para sa kanya at pursigido siya sa kanyang ginagawa, maging Special Force lang siya.

Nang naging Junior Rookie na ito, dito ko siya sinasamahan sa kanyang mission bilang gabay niya. Nagagawa naman niya ang mission niya at mabuti ay nagagawa naman niya ang tungkulin bilang isang Special Force.

Minsan naman ay may araw o mission ma hindi kami nagkakaunawaan pero successful ang ending ng aming mission at sumusunod kami ayon sa plano naming dalawa.

Habang wala pa kaming mission, tinuturuan ko naman siyang magsulat at magbasa. Willing naman siya matuto at mabuti ay nagagawa niya ang lahat ng sinusunod ko sa kanya. Ngayon ay nakakaintindi na siya ng wikang Tagalog at Pangasinense at nakakapagsulat ito ng Wikang Filipino. May sariling signature na siya at kaya niyang makipaghalubilo sa mga kasama namin.

Ginawa namang Manager si Luanne ng aming Lugawan dito sa Capital State ng isang taon at naging successful naman ang negosyo namin. Hindi niya sinasabi ang problema ng company namin pero kada balita namin na ganoon ay kinabukasan ay solve na kaagad sa kamay ni Luanne kaya lalong namangha kami kay Luanne. Hindi pa niyang na-extend ang kontrata niya bilang Manager dahil naisip niyang mag-aral sa isang ALS School malapit sa amin at hindi na namin siya hinadlangan pa dahil mas maganda ideya ito para sa future niya.

Patagal ng patagal ay naiiba na ang takbo ng buhay ni Luanne. Hindi na niya iniisip ang nakaraan niya at mas matured na siyang tignan kaysa noon.

Margareth Luanne Nowitzki ang ngalan niya pero may lahing Quirino dahil agmang-agma siya sa amin noong panahon na nasa estado pa lamang kaming dalawa ni Mom when we was a teenager.

****

3 years later...

"Oh! Graduate na si Luanne." Pangiti-ngiti lang ako habang sinasabi ko ito sa kanya. Well, she is now graduate sa ALS niya. Ang bilis niyang matuto at siya pa ang honored student sa kanila.

"Aba! Matutupad mo na siguro ang pangarap mo na maging Lawyer." Wika naman ni Mom sa kanya at ngumiti naman si Luanne.

"Well, you have a great job Luanne at I hope na makita ng parents mo ay matutuwa iyon sa iyo." Motivational quotes ni Mom para kay Luanne. "Hindi ka lang basta Sophomore, isa ka narin taong may mataas na pinag-aralan."

"Salamat po sa inyo dahil kayo po ang dahilan kung bakit po ako nagtapos ng pag-aaral." Pasasalamat ni Luanne sa akin habang inakbayan ko siya. "Hindi naman ito mangyayari sa akin kung wala po kayo at binabago ninyo po ang buhay ko."

"It's my pleasure, Luanne." Reply ni Mom. "Basta ang mahalaga ay nasa tamang landas kana at wala kang problemahin pa."

"Luanne, ginagawa namin ang nararapat sa iyo at mabuti naman ay nagagawa mo naman ang lahat." Sabi ko naman sa kanya. "You are now safer than the past."

"I want to say thank you because you are my family since I'm not a poor anymore." Wika ni Luanne at tumawa kaming tatlo.

"English yarn?" Sabi ko sa kanya habang ako'y tumatawa.

"Gusto ko lang i-try kasi." Paliwanag ni Luanne.

"Okay! Graduation mo ngayon at bukas naman ay Rank Promotion mo naman bukas sa Capital Palace." Wika ni Mom kaya naiba ang usapan.

Well besides na graduate, isa na ring Junior Sophomore na si Luanne.

"Bukas na tayo mag-celebrate para isang handaan nalang tayo for sure." Sabi ko sa kanya.

"Maganda ideya po, Lorna." Tugon ni Luanne. "Para hindi tayo mag-aksaya ng pagkain."

"Well, kailangan natin mag-relax muna ngayon para bukas ay Ranking Promotion na at nasa harapan mo pa naman ang Fourth Chairman ng Capital State." Mom said and we smile.

"Opo!" Tugon naming dalawa ni Luanne at dito na kami muna magpahinga muna sa isang tabi kaya hindi muna namin tinuloy ang handaan namin para kay Luanne kaya kinabukasan nalang namin iyon ginawa.

****

Kinabukasan...
Capital Palace, Binondo, Maynila ...
10:12 am...

Sa Capital Hall, magaganap na ang Promotion ni Luanne ngayon araw na ito.

"Ngayon, malugod na tinanggap ninyo ang magiging ranggo bilang Offender Unit ng Special Force." Fourth Chairman said while Luanne and her squad ay nakaluhod sa kanya.

Iniisa-isa ni Fourth Chairman ang lahat ng mga Offender na matatanggap ng medalya at parangalan ito bago pa si Luanne.

Habang ginagawa ang situwasyon na iyon. Dito na kami nag-usap ni Mom about me and Luanne...

...Again.

"Pareho na kayong Sophomore, Lorna. Hindi ko aakalaing magagawa niya ang lahat na challenge mo na para sa kanya, maging Special Force lang siya."

"Mom, ginusto naman niyang maging Special Force kaya expected ko na kasi na ganoon ang mangyayari. Isa pa, para na rin makalimutan na niya kung ano siya sa nakaraan at mapunta siya sa light path niya. Ang kagandahan sa naging Offender niya ay nagiging passion na sa kanya ang Witchcrafter kaya minsan ay hinayaan ko nalang sa kung ano ang gusto niyang gawin."

"Alam mo Lorna, hindi naman mararating si Luanne kung walang ikaw."

"Mom, hindi lahat ng naging dahilan about sa pagiging Witchcrafter niya ay sa akin."

"But Lorna, sino ba ang sidekick niya kada mission niya?" Ito ang linyang binitawan ni Mom sa akin na kadahilanan ng pagtahimik ko. Well, she's right naman.

"Sino ba Senpai niya? Sino ba parating nasa tabi niya?" Karagdagang sabi pa niya sa akin.

"Mom, taga-observe lang ako sa kanya."

"Well Lorna, kung magaling si Luanne eh magaling din ang Senpai niya."

"Mom, hindi naman."

"Lorna, kaya mo naman palang mag-handle ng student and also.ay marunong kang magturo ng about Witchcraft Ability. Luanne is a great example of a student na natututo sa magaling na teacher."

"Hindi ko naman hinagad na maging Senpai ako niya. Ang sa akin lang naman ay ilayo si Luanne sa dati niyang nakasanayan noon dahil kinabukasan ang nakasalalay sa kanya. Ayoko lang maging tulad ng mga batang kalye diyan na pinababayaan nalang, ayoko lang rin niya naranasan mag-rugby o mag-solvent, gusto ko maranasan niya ang buhay na lagi natin nararanasan. Ngayon, isa nang Sophomore tapos may pinag-aralan pa dahil nakapagtapos na ng High School."

"Kasi naman ikaw ang naging dahilan, Lorna. Ayaw mo lang aminin na ikaw talaga ang maging susi niya para makamit niya ang tagumpay niya. Look! Lumuhod na siya ngayon sa harap ng ika-apat na Chairman ng Capital State, hindi mangyayari yan dahil sa iyo. Magiging proud si Luanne sa iyo at maging ako dahil yung naranasan ko noon ay naranasan mo pero ang kaibahana lang ay ang sa iyo ay Offender."

"Mom, ayoko lang maranasan ang naranasan ko ng aftermath ng may something na mangyayari."

"Huh?" Dito na nagtaka si Mom dahil sa sinabi ko.

"Ayoko lang maranasan noong naging estudyante mo si Vice Chairman at si Kuya Jadren before, Mom."

"Lorna, yan ang number one na ayoko talagang mangyari sa inyo ni Luanne, ayoko na maranasan ang depresyon ko noong namatay si Jack during the Post-Atheist Host at ayokong maranasan ang depresyon noong namatay si Eumie at Honior noong Celestine's Host. Ayoko din na may mangyari sa inyong dalawa na magiging ugat ng pagkawasak ninyo."

"Mom, I keep promise na never and never mangyayari iyon. Kaya minsan ay ayoko din maging Captain dahil baka mangyari sa akin ang nangyari sa iyo."

"Lorna, huwag mo nalang isipin iyon." Wika ni Mom at hinawakan niya ang balikat ko. "Ang isipin mo ngayon ay Both of you are Sophomore at isipin mo na gabayan mo siya whatever happens."

"Opo, Mom." Tugon ko nalang habang nakatingin sa kanya.

"Basta Lorna, ingatan mo si Luanne kagaya ng pag-ingat ko kay Tita Timberline mo at kagaya ng pag-ingat ni Jack kay Vandolf, ganoon din ang mangyayari kung kagaya ang pag-ingat ni Eumie kay Jadren at Honior." 

"Salamat, Mom." Wika ko at ngumiti na siya sa akin bilang tugon niya.

Ngayon, si Luanne na ang susunod at huling paparangalan.

"At dahil sa katapatan, kahusayan at maka-Pilipino, nais kong gawan ng pagtaas ng iyong ranggo at medalya sa iyong kadakilaan. Mula sa Lungsod ng Timog Kalookan, ngayo'y Junior Sophomore, Margareth Luanne Nowitzki." Dito na sinuot ni Fourth Chairman ang medal kay Luanne after niyang sabihin ito.

Once na nakikita ko ang ganito, naalala ko ang lahat mula noong nagsimula pa kami ni Luanne, mula sa noong nakilala ko siya hanggang sa huling mission niya bago makarating siya dito. Ngayon ay isang Junior Sophomore ang aking estudyante, kaibigan at tinuring kong kapatid.

Noong lumayo si Fourth Chairman dito at bumalik sa kinauupuan niya, dito niyang sinabing "All Rise..." Kaya nagsitayuan silang lahat mula sa pagluhod.

"Turn Back..." Command pa ni Fourth Chairman at humarap na nga sila sa amin.

"Sila ang bagong Veteran at Sophomore ng Offender at Medic Unit. Ngayon ay tapos na ang parangalan at nawa pagpalain kayo ng maykapal." Wika ni Fourth Chairman bilang outro ng ceremony at nagsi-palakpakan na kaming lahat bilang pagtatapos ng ceremony.

Habang pumapalakpak, nakatingin ako kay Luanne at ngumingiti ako sa kanya. Hindi ko talaga aakalaing sa three years na hinagod niya ay magiging Special Force siya at Junior Sophomore pa.

****

11:01 am...

Sa labas, magkasama kaming lumabas nila Mom at Luanne palabas ng Capital Palace.

Bitbit ni Luanne ang kanyang certificate at suot parin niya ang medal na pinangaralan sa kanya ng Fourth Chairman.

Habang kami'y naglalakad palabas, nag-uusap kaming dalawa ni Luanne at Mom about earlier.

"Hindi naman sa kinabahan ah, first time ko kasi na maraming tao ang nagdiwang ng Ranking Promotion." Ani Luanne. "Huling Ranking Promotion ko ay tayong apat lang ang magkasama tapos nasa opisina pa tayo ni Fourth Chairman."

"Ang mahalaga ngayon, sunod-sunod na ang biyaya mo." Sabi ko naman sa kanya. "Ang mga pangaralan mo ay sign ng ibang Luanne na ang katabi namin ngayon."

"Luanne, proud na proud ang mga magulang mo sa iyo kahit hindi mo sila nakilala." Wika naman ni Mom habang akbay niya si Luanne. "Well I hope ay nakikita nila ang lahat at ang Luanne na dating pulubi sa labas ay isa na ngayong Junior Sophomore ng Offender unit."

"Hindi naman kasi magiging ganito kung dahil po sa inyo." Sabi pa ni Luanne sa amin at dito kami huminto sa paglalakad.

"What do you mean?" Pagtataka kong tanong.

"Dahil sa inyo, nakapag-aral ako, nagkaroon ng trabaho, naging Special Force at higit sa lahat ay pinagbago ninyo po ang landas ko." Sabi ni Luanne. "Kung hindi po ninyo ako kinupkop ay baka pulubi parin po ako sa araw na ito at baka ay lalo pa akong naghirap pa ng todo."

"Ang mahalaga ngayon ay nasa tamang landas kana at ngayon at liwanag kana." Sabi ko pa sa kanya. "Luanne, ako na magsasabi sa iyo na proud na proud ako sa iyo."

"Bitbit mo ang Quirino kahit isa kang Nowitzki. Nakaka-proud kang tignan at naalala ko at maging si Lorna siguro ang mga napadaanan namin noong kasing edad ka pa namin noon." Sabi naman ni Mom kay Luanne. "Ngayon, isang Rank nalang ay tie na kayong dalawa."

"Baka ito pa ang maging reyna ng pamilya natin." Pabirong sabi ko at tumawa naman itong dalawa.

"Alam ninyo po, si Lorna talaga ang nagdala ng lahat." Sabi naman ni Luanne sa amin.

"Bakit ako?"

"Kasi naman ikaw ang Senpai ko, naging kaibigan ko at tinuring kong kapatid na rin." Sabi pa ni Luanne at ako'y ngumiti sa kanya.

"Luanne, maswerte ako dahil hindi lang si Lorna ang anak ko at maging ikaw na rin." Sabi naman ni Mom. "And yes! Naging successful ang kamay ni Lorna sa iyo kaya ang bilis ng upgrade mo bilang Junior Sophomore."

"Ngayon, kailangan na natin siguro umalis dahil-"

"Luanne, Congrats sa iyo." Pa-epal na wika ng isang lalaki sa amin kaya hindi ko natuloy magsalita pa.

"Oh Kennedy! Nandito ka pala." Wika ni Luanne sa lalaki na iyon. Well, si Kennedy na naman ang dumating sa amin.

"Nga po pala, si Kennedy po pala at kaibigan ko siya." Pakilala ni Luanne kay Mom.

"Hi po." Greetings ni Kennedy kay Mom. Ang panget niyang bumati.

"Oh! Hello, Kennedy." Pagbati naman ni Mom sa kanya.

Hindi ako makapagsalita dahil ang sama ng tingin ko sa lalaki na iyon. Hindi ko parin siyang makalimutan kung sino ba talaga siya at kung ano ba ang mayroon sa kanya na ayaw ko.

Habang tahimik na nakatingin ako kay Kennedy at naka-crossarm, nag-uusap silang tatlo at nakatingin lang si Kennedy sila Luanne at Mom.

"Nga po pala, Offender din po si Kennedy." Luanne.

"Oh! At kaninong under naman?" Mom.

"Kay Mister Yee po." Kennedy.

"Ahhh Mister Yee, uh." Mom.

"Ay Luanne, gusto ko sanang yayain kayong dalawa ng kaibigan mong si Lorna na kumain sa lahat pero nandito kasi si Miss Leanny." Kennedy.

"Ay! May dinner din kasi kami eh." Mom.

"Oh! Pwede po ba makasama ako sa inyo mamaya?" Kennedy.

Wait, what?!

"Ahhhh, sa akin ay okay lang naman." Mom.

Wait Mom, seryoso ka?!

"Ahhh si Lorna kasi ay..." Luanne.

Dito ako tumingin kay Luanne at sabi kong "Ahhh... Pwede naman sigurong makisama ang isang bogo- este boy sa ating dinner mamaya."

Nadulas lang, BOY ang sasabihin ko.

"Ay! Sang-ayon ka?" Tanong ni Luanne sa akin habang siya'y nakangiti sa akin.

"Para sa iyo ay sang-ayon naman." Sabi ko nalang sa kanya.

"Sige! Mamaya Kennedy, punta ka nalang ah." Sabi nalang ni Luanne kay Kennedy.

"Sige! Oh siya, mauna na ako sa inyo ah. Mamaya nalang." Sabi ni Kennedy at umalis na ito.

"Ingat!" Luanne.

Hayzzzz! Mabuti naman, wala na ang tokmol.

Noong kami na ang dalawa ang natira sa kinatatayuan namin, dito ko sinabi na "Pwedeng umuwi na tayong lahat?"

"Oh tara!" Mom said.

Well, nagpatuloy na kami sa paglalakad at dito na kami umuwi papunta sa bahay for celebrating Luanne's achievement mamaya.

****

6:20 pm...

Kinagabihan, habang busy kaming dalawa sa ginagawa naming handaan. Napatingin ako kay Luanne sa malayo. Actually, natapos kong gawin ang maglagay ng mga kubyertos, plato, baso at mga pagkain na aming handa para kay Luanne. Napatingin ako kay Luanne mula sa sala na ang kinabi-busy ay mag-drawing.

Habang nakatingin sa kanya, napaisip nalang ako about kay Kennedy. Hindi ko kasi aakalaing close na close ang dalawa. Dito ako lumapit sa kanya at pinapanood ko siya sa kung ano ang kanyang ginagawa. Ilan segundo akong nanonood sa kanya ng tahimik at mamaya ay napansin niya ako.

Lumingon siya sa atin at sabing at sabing "Oh Lorna!"

"Ang ganda ng ginuguhit mo ah, sino ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Si Kaguya Otsutsuki lang naman." Sagot ni Luanne.

"Ahhhhhhhhhh, Okay!"

"Nga pala Lorna, may napansin lang ako kanina noong magkausap tayong apat kasama si Kennedy na lagi kang tahimik. Ano meron?" Dito sinabi ni Luanne sa akin at tumahimik nalang ako bigla. Hindi ako makapagsalita dahil siguro ay alam niyang may something ako once na nasa harapan ko or nakakasama namin si Kennedy.

"Huh?"

"Ano meron kapag si Kennedy ang kasama natin?" Inulit pa ang tanong niya sa akin.

"Ahhhh Luanne... W-wala lang! Hindi ako medyo komportable pero wala lang yun." Sagot ko nalang sa kanya kahit hindi naman ang tunay na dahilan.

"Ahhhh sabagay, akala ko kasi may galilt ka kay-" may sasabihin sana si Luanne kaya kaagad na akong nag-wika.

"W-wala! Wala akong galit kay Kennedy." Kaagad kong sabi kay Luanne na mayroong ngiti na pilit ko lang ilabas sa kanya.

"Sigurado ka ba talaga, Lorna?"

"Wala naman akong galit doon sa hayu- este tao na iyon." Sabi ko pa sa kanya.

"Mabuti naman dahil alam mo bang may gusto sa iyo doon." Sabi ni Luanne kaya nagulat ako ng todo at hindi ako makapagsalita pa.

Wait? May gusto si Kennedy sa akin?! H-how?!

Sandali! Imposible naman na... NAKAKASUKA LANG!

Pero kung sasabihin ko ito kay Luanne na isa siyang Gangster o isang miyembro ng isang Gang sa Capital State, sana maniwala siya sa akin. Hindi naman sa ayokong nakipag-kaibigan siya kay Kennedy pero isang evildoer ang kinaiibigan niya. At isa pa ay ayokong mangyari ang hindi ko inaasahan like what happen kay Kuya Jadren at Vice Chairman.

"Kaya minsan ay hindi siya pinapansin sa iyo kasi nahihiya iyon. Alam mo bang nanghihingi ng Facebook account iyon dahil maraming LORNA QUIRINO sa social media, yung iba daw ay Poser at Dummy account. Siguro kasi ay anak ka ng dating Vice Chairman ng Capital State kaya sikat ka. Pero Lorna, hindi ko aakalaing may gusto siya sayo. Kaya pala nakipag-kaibigan siya sa akin dahil siguro ay diskarte niya para maging kayo, noh? May balak pa siyang ligawan ka at saka alam mo bang favorite color niya rin ay-"

"Lorna, may sasabihin sana ako about kay Kennedy." Kaagad na sabi ko sa kanya at ito ang dahilan ng paghinto sa kung ano sinasabi niya sa akin.

Pweeeee! May gusto daw ako sa walang hiyang gangster na iyon. Kadiri naman!

"A-ano iyon, Lorna?" Luanne said.

"Luanne, sasabihin ko ito ng straight to the point, ayokong mapahamak ka at ayokong may mangyari siya sa iyo."

"Ano ba iyon, Lorna?"

"Luanne, unang-una ay huwag na huwag kang lalapit kay Kennedy kasi sa totoo lang ay..."

"Anong ibig mong sabihin, Lorna?"

"Sa totoo lang kasi si Kennedy..."

"Hindi mo type si Kennedy?!" Inunahan ako ni Luanne sa sasabihin ko pero hindi ito ang dapat kong sasabihin. Tumahimik nalang ako bigla at nagbunganga na nan ito.

"Ay! Alam mo Lorna, tanggap naman ni Kennedy na ma-busted kasi sa totoo lang ay sapat lang sa kanya na makita ka niya at makausap ka. Kung gusto niya sana may mag-date kayo pero parang ayaw mo naman."

"Pero Luanne, ang totoo lang ay huwag na huwag kang lalapit kay Kennedy kasi-"

"Anong wag akong lalapit?" May umepal na naman ang isang lalaki at galing sa likuran ko iyon.

Lumingon at humarap ako sa kanya at ang lalaking nasa harapan ko ay si Kennedy.

"Oh! Nandito kana pala, Kennedy." Wika ni Luanne at ito'y tumayo.

"Ahhh bakit naman nilalayo mo siya sa akin, Miss Lorna?" Pagtataka ni Kennedy sa akin kaya hindi na ako makapagsalita at maging si Luanne.

Si Luanne ay tumingin siya sa akin at sinambit niya ang aking ngalan. "Lorna..."

"May problema ka ba sa akin, Miss Lorna?" Pagtatakang tanong pa ni Kennedy sa akin at dahil sa tanong niya ay mabilis ang tibok ng puso ko, hindi sa inlove ako sa kanya, kundi sa kaba.

Siguro ay huli na ang lahat, mananatiling sekreto nalang ang sasabihin ko sa kanya.

-

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top