Chapter 16

LORNA'S POV

December 31st, year 2015...
Chairman's Park, Libertad, Pasay City...
10:26 pm...

"Ako si Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez, pinapangako ko ulit na pagbubutihin ko ang aking tungkulin bilang Chairman ng Capital State of Manila. May have a blessed day everyone and a Wonderful and Happy New Year. Mabuhay ang Maynila!" Pahayag ni Fourth Chairman sa harap ng maraming tao na sumubaybay sa kanyang Inauguration oath taking ceremony.

Dito kaming nagpalakpakan sa harap ng maraming tao at ang iba ay sumisigaw pa ng FIVE YEAR ULIT na paulit ulit. At this time, current Chairman of the Capital State si Misis Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez—still a Fourth Chairman of the Capital State of Manila.

Bumaba si Fourth Chairman sa stage kasama ang Vice President ng Pilipinas at ang isang senator na nandoon. Kaagad na lumapit sila sa amin para magyakapan at kung ano-ano. Well, katabi ko si Mom at si Luanne sa harap ng stage, nasa isang column kami with Tita Timberline, Tito Simoune, Syon at marami pang iba.

Lumapit si Fourth Chairman kay Mom at kaagad nagbeso sila sa isa't isa.

"Congrats again, Erika." Pagbati ni Mom kay Fourth Chairman at nginitian nalang ni Fourth Chairman si Mom as her reply.

Habang ganoon, bumulong si Luanne sa akin. "Siya ba yung fourth Chairman na tinutukoy mo?"

"Siya lang naman si Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez." Pabulong ani ko habang nakatingin kay Fourth Chairman. "Asawa ni Second Chairman which is si Akihiro Landez, member siya ng First Protector where her husband and Miss Akane Mendoza are belong to it. Naging Mayora ng lungsod ng Pasay noong year two thousand and four (2004) to two thousand and ten (2010) at siya ang kauna-unahang babaeng na naging State Chairman sa Pilipinas. Pangalawa at huling termino na ni Fourth Chairman kaya once na magkaka-eleksyon ulit ay hindi na siya pwedeng tatakbo."

"Ahhhh..." Linya naman ni Luanne at hindi na nakapagsalita pa ng kung ano-ano about Fourth Chairman.

"Ang kasama niya ay mga anak niya, si Richane at Jadren Landez." Karagdagang sabi ko pa about Fourth Chairman. "Both of them are Special Force pero si Jadren ang Sidesweeper under my mother while si Richane ay kagaya ko lang which is Scout Agent naman under kay Tita Timberline. May isa pang kapatid naman sila Richane at Jadren, siya naman si Aron James Landez. Sa ngayon ay hindi pa nag-SF ito for unknown reason pero baka soon ay magiging Special Force na nga siya. Bunso si Aron among three of them while si Richane naman ang Panganay. Tanging si Aron lang ang hindi nakita ang kanyang ama while two of them ay naabutan but too young to saw their dad bago mawala siya."

At ngayon, naging Special Force si Aron at isa sa pinaka-promising Special Force sa Capital State because he is a member of Sixteenth Protector.

"Ganoon." Komento ni Luanne about the information of Landez Family.

Magkukuwento pa sana ako pero nasa harapan na pala namin ang ilaw ng tahanan ng Landez Family na si Fourth Chairman. "Hello, Lorna!" Pagbati niya sa akin at dito na ako nagmano sa kanya.

"Congrats po ulit, Fourth Chairman." Pagbati ko naman sa kanyang pagka-proklama muli bilang Leader ng aming State.

"Gumaganda tayo ngayon, Lorna ah." Pabolang sabi ni Fourth Chairman at ako'y tumawa sa harapan niya.

"Well, may nababalitaan akong may kaibigan kang mag-aaplay as a Special Force for this year." Sabi ni Fourth Chairman sa akin at dito ko na pinakilala si Luanne.

"Ay! This is Margareth Luanne Nowitzki, siya po yung kaibigan na tinutukoy ko and she wants to become a special force even na Offender lang ang gusto niyang makuhang unit." Pagpapakilala ko kay Fourth Chairman si Luanne na nasa tabi ko.

"H-hi po." Greetings ni Luanne kay Fourth Chairman, dala parin ang social anxiety niya at siya'y natataranta.

"Oh! Margareth Luanne, uh?" Wika ni Fourth Chairman while she gazes on Luanne. "Mukhang ikaw din, gumaganda ka."

"Ahhh... Hindi po..." Deny ni Luanne.

"Anyways, pumunta kayo sa office ko mamayang umaga about it." Fourth Chairman said after niyang lumingon sa akin. "Lorna, kailangan mong i-assist si Miss Margareth about this, alam kong baguhan palang siya sa larangang ito and make sure na maayos ang process for her application dahil ang slot ng Offender and Medic Unit ay kakaunti nalang unti we close and maghahanap na kami for Three higher units."

"Opo, Fourth Chairman." Tugon ko as I understand what she said na kailangan kong i-assist si Luanne and help her to apply for Offender SF unit as soon as possible.

"Oh sige! Maiwan ko muna kayo at kitakits nalang sa office." Wika ni Fourth Chairman and she smiles on us.

"Happy New Year po, Fourth Chairman." Pagbati ko sa kanya.

"Happy New Year din, both of you." Ito ang iniwan na sinabi ni Fourth Chairman and she walks away from us.

Lumingon kami ni Luanne sa isa't isa at sinabi ko sa kanya "After ng new year's celebration, need na tayo pumunta kay Fourth Chairman. Okay?"

"Okay, Lorna." Tugon ni Luanne bilang sang-ayon siya sa gagawin namin.

"We need to celebrate our new year with you." Sabi ko sa kanya. "For the first time, may isang kaibigan na makakasama ko sa New Year's Eve Celebration."

"Ako din, Lorna." Reply ni Luanne. "At saka, unang beses kong napasama sa ganitong lugar. Maraming tao, maingay na paligid at may masarap na pagkain."

"Gusto mo bang kumain tayo?" Inaaya ko siya na kumain.

"Sige po, Lorna." Sagot naman ni Luanne at dito na kaming umalis sa pwesto namin papunta sa Catering Area for relatives and friends ng manununpa.

Hiwalay kasi ang Catering Area, ang isa ay pinakamalaking Catering na hinanda ni Fourth Chairman para sa mga fans, mga voters at maging sa mga iba pang mga Audience na nasa Oath Taking niya while ang isa ay maliit na catering service na nandito for VIP which is kami iyon ay nasa loob naman.

Nakabantay ang mga Offender SF, Police at AFP Soldiers for Capital State ang naka-patrol even magstart ang countdown to New Year (2016)

****

January 1st, year 2016...
Malate, Manila...
1:17 am...

Ilan oras na nakalipas, nakarating na kami ni Luanne sa isang madilim na Capital Palace. Well, kasama na namin si Fourth Chairman na Clone para sunduin kami papunta sa Office niya.

Nang nakarating na kaming dalawa, nawala ang clone at nagbukas ang pinto sa office of the Chairman. Nabungad namin na nakaupo si Fourth Chairman sa kanyang upuan habang ang mga braso niya ay nakapatong sa Chairman's Table at nakangiti lang ito sa amin.

"Fourth Chairman..." Wika ko habang kami'y pumasok sa kanyang opisina.

"Maupo kayong dalawa." Ayaya ni Fourth Chairman sa amin kaya napaupo nalang kaming dalawa ni Luanne sa mga upuan na nandoon.

"Well, may kaunting orientation ako sa iyo, Miss Margareth. Since gusto mo naman na maging Offender, you need to take some testing para malaman ka na may dugong Witchcrafter ka." Wika ni Fourth Chairman.

"Anong po yung testing?" Tanong ni Luanne kay Fourth Chairman but ako ang sumagot sa tanong niya.

"Ang testing ay isang proseso na kung saan sinusukat ka kung ano ang mayroon sa iyo. Kagaya ng sinabi ni Fourth Chairman na testing, titignan ka nila or may gagawin sila sa iyo na kung ano ba talaga ang mayroon sa iyo. Kung ang hinihingi nila ay naging eksakto sa mayroon sa iyo ay ibig sabihin ay pasado ka or may patunayan ka na about doon." Paliwanag ko sa kanya bilang sagot sa tanong niya.

"Well Luanne, sa martes ay magpa-test tayo for that na maari kang maging Witchcraft Special Force." Sabi ni Fourth Chairman kay Luanne. "Once na maging positive ang result at kahit one percent ang Witchcraft substance ng nasa katawan mo ay maari ka nang maging Special Force. Bibigyan kita ng Ticket at nakalagay na roon ang lahat ng information kung kailan, saan at anong oras ka maaring dumating."

"Lorna, make sure na mapadala mo sa akin ang result before the month of May." Bilin naman ni Fourth Chairman sa akin. "Make sure din na pinakita mo sa kanya ang result para malaman niya kung pwede siya sa Special Force Program."

"Opo, Lady Fourth." Tugon ko sa bilin niya.

"Another requirements ay Birth Certificate, Kung graduate yan ng Elementary, High School or kahit college ay diploma na rin kung maari, one by one picture na tig-lima at barangay clearance na ang purpose ay SPECIAL FORCE with Oath of undertaking." Saad ni Fourth Chairman about sa iba pang requirements for Special Force. "No need na muna sa mga benefits dahil once na maging Junior Rookie ka ay dito ninyo na i-lakad ang mga iyon. If mayroon na kayong requirements na nabanggit ko ay ibigay ninyo nalang siguro sa akin dahil ako na maglalakad since hawak ko ang DND (Department of National Defense) at DWOPS (Department of Witchcraft and Other Special Forces)."

"Siguro naman ay maliwanag na sa inyo ang lahat." Wika pa niya at may nilapag siyang papel sa table. "Ito nga pala ang Special Force Application Form for Offender at make sure na ma-submit ninyo sa akin yan with requirements na nabanggit ko."

Kaagad na natanggap ni Luanne at tinignan niya iyon. First time siguro makahawak mg ganyang papel at siguro ay wala siyang kaalam-alam kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Maski siguro pagbabasa at pagsusulat ay

"Lorna, Paki-assist siya since bago sa paningin niya siguro ang papel na iyan sa kanya." Paanyaya ni Fourth Chairman sa akin for Luanne.

"Opo, Lady Fourth." Sagot ko naman at tinatanggap ko naman ang paanyaya niya sa akin.

"Ahhhhhhhhhh... H-hin-di ko po maintindihan kung ano po ang mga nakasulat dito kasi... H-hin-di po ako marunong magbasa." Sabi nalang ni Luanne kay Fourth Chairman at nilapag nalang ang Form sa table dahil hindi niya matatanggap iyon. "Baka po kasi... Marunong magbasa at magsulat ang pwede dito kaya mukhang hindi nalang po ako sasali."

"Iha, hindi ka naman mag-aaral ng academics or ang mga tinuturo sa paaralan at kahit hindi makapagsalita ay walang problema basta may kamay at paa." Sabi naman ni Fourth Chairman kay Luanne. "Luanne, hindi requirements ang marunong magbasa at magsulat dahil hindi naman iyon kailangan sa mga bagay-bagay na nakapaloob sa Witchcraft Special Force."

"Ahhhhhhhhhh.... Ako nalang po bahala dito." Sabi ko nalang habang kinuha ko ang Form dahil naisip ko nalang na ako ang magsusulat at magbabasa habang si Luanne ang taga sagot.

"Ako na pong bahala para dito dahil assist ko nalang siya for this kind of situation." Sabi ko pa ulit kay Fourth Chairman.

"Ooh! Mabuti naman." Tugon ni Fourth Chairman. "Well, nagkaintindihan naman tayo at kung may tanong ay sigurado si Lorna na bahala for that."

"Sige po." Tugon nalang ni Luanne habang kami'y nakatayo na sa kinauupuan namin.

"So! Mag-celebrate na kayo ng new year na magkakasama and a happy New Year sa inyong dalawa." Pagbati ni Fourth Chairman.

"Congratulations po and Happy New Year din po." Reply ko sa kanya at umalis na kami palabas ng Office niya para kami ay makauwi sa bahay bilang pagtatapos ng pag-uusap namin sa kanya.

****

Dito ko na tinulungan si Luanne sa mga bagay-bagay para maging Special Force siya. Hindi man siya marunong magbasa o magsulat, nauunawaan naman niya ang mga sinasabi ko.

Sa pagfill-up ng form ay ako ang nagsusulat habang si Luanne ang nagsasabi ng sagot.

"Pangalan?" -Me

"Margareth Luanne Nowitzki po." -Luanne

"Address?" -Me

"Grace Park, South Caloocan City." -Luanne

Sa test naman, may sixteen percent ang Witchcraft Substance ng katawan according sa Result. Sa madaling salita ay Witchcrafter din si Luanne.

Ako na bahala sa gastusin niya since may natira pa akong pera sa bank account ko na galing sa mga previous mission ko. Sa ngayon ay parang kapatid ma turin ko sa kanya.

Tumutulong naman siya sa gawain bahay, at noong around Second week of January ay binigyan muna ng Trabaho si Luanne sa isang branch ng aming Lugawan malapit sa bahay. Naging Service Crew ako while ako ang observer dahil ako ang pagsamantalang manager sa Branch na iyon. Madali siyang turuan and hindi ko nakikitang naging biktima ng bullying and also ay minsan lang ito nagiging palpak. Ilan araw ay hinayaan ko nalang siya roon at wala na akong nababalitaan ng problema sa branch ng lugawan na kung siya nagtatrabaho ngayon. Well, naging Employee of the month siya noong March at tinaasan pa ang sahod niya. Balak ni Mom na gawing manager si Luanne but tanggihan naman ni Luanne dahil sa hindi siya marunong magbasa at magsulat.

Sa totoo lang, unti-unting nababago ang estado ni Luanne ngayon. From pulubi girl into a wise girl from Quirino Family kahit hindi namin siya kadugo. Para ko na siyang kapatid at para na ding anak kung maituturing ni Mom ito. Hindi na baling siya over me, ang mahalaga ay nasa tamang estado si Luanne kaya yan ang hindi ko matatanggap once na magkaroon ng something sa kanya na maari niyang ikapahamak.

Since pasado siya, nakatanggap siya ng Blue Ticket kay Fourth Chairman. Nominee palang for Offender and ninety-nine percent palang qualified as an Offender Special Force.

Konting porsyento nalang at magiging Offender na si Luanne. Orientation nalang at tapos na ang lahat.

****

A few weeks later...
S.F Center, Sta. Cruz, Manila...
7:52 am...

Special Force day ngayon, For Offender and Medic Unit lang ang available ngayon dahil wala lang announcement si Fourth Chairman for that.

Nasa labas na kami ng Special Force Center, mataas ang sikat ng araw ngayon at maaliwalas ang hangin sa aming lugar ma kinatatayuan namin. Maraming tao na mula sa loob at maging sa labas ng Special Force Center.

Naglalakad kaming dalawa ni Luanne palapit sa Special Force Center Main Entrance habang kami'y nag-uusap.

"Ibig sabihin ay isang Witchcraft Element lang ang mayroon sa Offender?" Luanne.

"Ang Offender kasi ay lower unit among five Special Force Unit. Karamihan kasi sa mga Offender ay mababa ang percentage ng Witchcraft Ability nila kaya isa lang ang maaring magamit nila sa pagiging Witchcrafter nila, Luanne. Dahil isa ka namang Wind User ay more on Offense and Defense ang gagawin mo sa pakikipaglaban."

"Lonra, paano kung wala akong alam sa pakikipaglaban?"

"Tuturuan ka naman ng magiging Captain or Sensei or Senpai ninyo kung anong Self Defense at Martial Arts ang tuturuan nila sayo. Kagaya ko, Street Fighting lang ang alam ko dahil si Sir Theo ang Captain namin. Si Mom naman ay Wing Chun dahil si Lady Euanne ang tinuruan nila since her Father is a Wing Chun Master at Master ni Second Chairman iyon. Si Fourth Chairman ay herself lang kahit under sila ni First Chairman but tinuruan siya ng kanyang asawa which is si Second Chairman ng Wushu."

Huminto na kami sa harap ng Main Exit ng Special Force Center at kami'y magkaharap sa isa't isa.

"Ngayon, magiging Special Force kana at ito na ang pagkakataon para mabago ang buhay mo. Tandaan mo, nasa hinaharap mo ay naka-base dito sa pagiging Special Force kaya mamatay o mabubuhay ka ay hero ka kahit anong mangyari." Sabi ko kay Luanne habang siya'y nakikinig lang sa sinasabi ko. "Remember, kahit Nowitzki ang surname mo ay Quirino ang dadalhin mo dahil membro ka ng pamilya namin."

"Opo, Lorna." Pakumbabang tugon ni Luanne.

Nahinto ang pag-uusap namin dahil tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Ibig sabihin ay may tumawag sa akin.

"Excuse lang." Sabi ko at tumalikod muna ako kay Luanne habang dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Oh anak, may sasabihin ako sa iyo kaya pumunta ka sa Third Floor ng Office." Si Mom ang tumawag sa akin.

"Mom..."

"Pumunta ka sa Office ngayon dahil may sasabihin lang ako sa iyo about your new duty."

"Sige po."

Kaagad na pinatay ni Mom ang tawag na nasa phone ko bilang pagtatapos ng pag-uusap namin.

Binulsa ko ang phone ko at humarap ako kay Luanne para sabihin "Pasok na tayo sa loob at ihatid muna kita papunta sa Hall dahil pinapapunta ako ni Mom sa Third Floor."

"Sige, Lorna." Tugon ni Luanne at dito muli nagsimulang maglakad.

Kaagad na nakapasok ako sa Special Force Center, suot ko lang sa Guard ang Special Force ID ko habang binigay naman ni Luanne ang Blue Ticket sa kanya.

Nang makapasok ay dito na kami dumiretso sa Hall para ihatid ko siya roon for Orientation na si Fourth Chairman ang mag-orient sa kanila at pagkatapos kong ihatid ay dumiretso na akong Third Floor for Mom's briefing.

****

"Ako po ang kay Luanne?!" Pagkagulat ko dahil sinabi ni Mom sa akin na ako ang magiging in-charge kay Luanne.

Binigay ni Mom sa akin ang isang document na naglalaman ng Management Letter na kung saan ay ako ang magiging Captain kay Luanne. May pirma ito ni Fourth Chairman at ni Fifth Chairman as Vice Chairman ng Capital State sa baba ng letter na iyon at binasa ko ng mabuti.

Sa Offender at Medic Unit kasi, isang student isang teacher at hindi kagaya sa other three unit na one teacher three students. Nakasaad din sa program na iyon na dapat Offender at Med Unit na Junior Veteran dapat ang naka-assign dito.

Nagtataka ako na bakit ako? Isa lang akong Junior Sophomore pero bakit ako kaagad? Scout Agent ako pero bakit hahawak ako ng isang Offender? At isa pa ay hindi ako Wind user pero bakit ako? May wind ako pero Cataclysm Shunt lang ang move ma mayroon ako at the rest ay hindi ko na magawa kahit Wind Ball ay hindi ko magawa.

Ano mayroon?

"Well, wala ka nang magagawa pa dahil ikaw ang magiging in-charge kay Luanne. Kailangan mo siyang turuan ng Wind na kung ano ang mayroon sa iyo." Sabi ni Mom sa akin.

"But Mom, Earth User ako at hindi ako maalam sa Wind Element." Sabi ko nalang sa kanya.

"It doesn't matter just follow the Leader's Order." Sabi ni Mom and she smile.

"Mom..."

"Turuan mo nalang siya ng self defense ng alam mo and after that ay put her test sa kanyang element na mayroon siya." Sabi pa ni Mom sa akin.

Wala na akong magawa kundi sundin nalang ang utos ng higher staff ng government. "Opo..."

-

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top