Chapter 13
LORNA'S POV
Mag-isa lang ako sa aking silid, kumakain ako ng aking almusal habang ginagamit ko ang aking cellphone para magbasa ng mensahe sa group chat ng aming S.F unit.
Nabalitaan ko na sasama na sila Lala at nag tatlong miyembro ng Sixteenth Scout Agent. Ngayon ko lang din nalaman na may Sixteenth Scout Agent pa at ang isa sa miyembro ng unit na iyon ay anak ni Carolayne Montefalco.
Nabalitaan ko rin na si Fourth Chairman ang tatayong Command in charge ng panibagong operasyon. Nakahanda na ako ngayon sa kung ano ang utos niya sa akin dahil siya ang taong lagi kong kinakausap sa cellphone.
Mamaya ay may tumawag sa aking cellphone, dito ko sinagot ang tawag na iyon para kausapin kung sino.
"Hello?"
"Anak, musta?" Si Mom lang pala ang tumatawag sa akin. Parati siya nangangamusta sa akin dahil siguro ay nag-aalala ito.
"Mom, I'm fine here. Alam ko na ang balita about kay Lala at kila Wade dahil sasama sila sa mission."
"Well sweetheart, naparito ang Fourth Chairman about it and sinabi niya na siya na ang magiging in-charge ng operasyon ninyo."
"Mom, nabalitaan mo na rin ba ang nangyari sa Erobern?"
"I know it, sweetheart. Ang gawin mo muna diyan right now is to take a picture ng mga baril na kinuha nila."
"Opo, Mom."
"Nga pala, magkita kayo ni Marian mamayang hapon dahil may pag-uusapan kayo. Make sure na na-print mo na ang mga pictures na kinuhanan mo para maibigay niya kay Ate Diane mo."
"Opo, Mom."
"Anyway, make sure na maayos ka diyan ah."
"Opo Mom."
"Keep safe and I love you, sweetheart."
"I love you too, mom."
Binaba ko na kaagad ang tawag at daling nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa dahil baka may makarinig sa akin. Ayoko lang mangyari kila Jelailah before kaya dobleng ingat ako this time around.
Tamang kain lang ako ng aking almusal habang hinihintay ko ang alas-siete na umaga ang oras.
Sinabi ko sa kanila na maraming kagamitang pandigma ang kanilang nakumpis kagaya ng mga baril, mga malalaking mortal na pamilyar na pamilyar dahil ito ang ginamit nila Jonuzh during war on rebel at marami pang iba.
Sa pagiging espiya ko dito sa lungga ng Erobern, madali nating masasabi na matatalo sila pero kagaya ng sinabi ng aking ina na hindi ako pwedeng magkampante dahil hindi ko pa alam ang mangyayari.
Once na matapos ang Erobern, dito na nanganganib ang organisasyon na kanilang under. Magiging next enemy na ito at ito ang conflict under Fifth Chairman's term.
****
Dumating ako sa mismong lungga nila Kennedy at Atkings dahil nabalitaan ko ay nag-ispeksyon sa mga nakumpiskang kagamitan sa pandigma.
Bitbit ko ang hawak kong folder na my nilalaman ng mga papeles sa aking kanang kamay. Ako'y naka-salamin lang at kulay berde ang aking buhok, may nuna sa gitnang ilong at sa ilalim ng gitnang labi ko. Nakasuot ako ng pambabaeng damit na pulang mestida na may bracelet sa kanang kamay. Mas hindi ako makikilala bilang si Lorna dahil always akong panglalaki ang aking sinusuot at nakasumbrero pa.
Nang dumating, dito ko nabungad ang mga baril na nalakagay sa lamesa. Ako ang mag-explain sa kanila about sa mga baril na nakumpiska nila.
"Sir..." Sambit ko para makatingin sila sa akin.
"Luanne, mabuti naman at dumating ka ng maagang-maaga." Wika ni Kennedy sa akin. "Talagang gusto mo i-share ang information about sa mga nakumpiskang gamit natin mula sa gang na kinalaban natin last week."
"Yan lang ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila.
"Yes, Misis Luanne." Sagot ni Kennedy sa akin.
Tinignan ko ang bawat baril na nasa lamesa at sabing "Ang mga baril na nandito ay pamilyar na pamilyar sa akin."
Hinawakan ko ang isang baril na tawagin natin AK47 at pinasan-pasan ko sa aking balikat. "Itong Ak47 na ito ay pamilyar na pamilyar sa atin dahil nakikita ninyo ito sa mga Russian dahil ito ang isa sa mga kagamitan nila sa pandigma. Ito ay dinebelop ni Mikhail Kalashnikov ng taga Soviet union which is ngayon ay Russian Federation. Thirty-five inches ang haba with six hundred rounds per minute ang rate of fire ng baril na hawak ko ngayon, one hundred round per minute kapag burst or non-stop ang putok ng baril while forty round per minute kapag naman Semi-automatic at three hundred and eighty yards ang maaring firing range ng baril ng ito. Ang user ng baril na ito ay mga Russians, Americans, mga former Soviet Countries such as Kazakhstan, Ukraine, Belarus at marami pang iba pero ang Pilipinas ay hindi sila gumagamit ng ganitong armas dahil sa hindinko matukoy ang dahilan."
"Eh ano ba mga tips kung paano namin ito gamitin ng maayos?" Tanong ni Atkings sa akin.
"Kagaya ng sinabi ko, huwag ninyong aksayahin ang bala dahil hindi porket maraming bala ay hindi mauubos." Sabi ko sa kanila. "And also, wag na wag ninyong kalimutan ang proper handling and aim ng baril dahil once na walang tutok ang baril sa tao ay maiiba ang direksyon ng bala kaya dito napupunta si Ligaw na bala. Mukha na kayong mamatay-tao, mamatay pa kayo sa gagawin ninyo once na ganoon ang handling ng baril."
"Paano nga ba ang proper handling ng baril like AK47?" Tanong pa ni Atkings sa akin.
"Always ang baril ay nasa ulo at kung saan ang dominant eye ninyo ay gamitin ninyo iyon sa pagtutok ng baril." Bilin ko pa sa kanila. "Ang non-dominant hand ay sa frontward while sa mismong handler naman ang dominant hand ninyo, isang pitik lang sa both burst and semi-automatic pata hindi aksayahin ang bala ng baril ninyo."
"Okay..." Tugon nalang ni Kennedy sa sinabi ko.
"Make sure na maayos ang paggamit natin sa baril na iyan dahil isa ito sa mahalagang armas na nakuha natin." Sabi ni Kennedy.
Nilapag ko ang hawak kong baril sa lamesa at sabing "Need nalang natin ng mga sniper rifles at shotgun dahil iyan ang mga wala sa atin. Sniper rifles ang gagamitin natin sa pang-abang at pang-taguan na atake habang ang shotgun naman ang magiging easy to get against sa mga iba pang Special Forces."
"May ideya ka ba kung saan tayo kukuha ng mga ganitong baril?" Tanong naman ni Kennedy sa akin.
Napaisip muna ako kung saan nga ba. Nakatingin lang ako sa mga baril na nasa lamesa habang nag-iisip.
May ideya sana ako na maaring maging hudyat ng kanilang pagkawala pero dapat sila Fifth Chairman o si Fourth Chairman ang magsasabi kung ano ang gagawin ko para dito. Kumbaga, ang sasabihin ko para sa tanong ni Kennedy ay pang-lito sa kanila na aakalain nilang gang pero Special Force pala sila. Syempre, wala akong kaalam-alam about doon kunwari pero mas maganda kung ganoon.
I need to talk Fourth Chairman about this one. Suggest ko sana ang ganoon para malaman niya ang magiging plano niya or maaring may mas maganda pang ideya regarding sa ganito.
Tumingin ako sa dalawang founder ng Erobern gang at sabing "Sa ngayon, mag-espiya ako mula sa buong Capital State at sa Buong Rizal kung sinong gang ang mayroong baril na Sniper rifles at shotgun. Once na may mahanap akong gang na mayroon sniper rifles at shotgun ay dito ko sasabihin ang information about them."
"Mabuti naman kung ganoon parin ang ideya mo, Luanne." Sabi ni Atkings sa akin.
"Sa ngayon mga sir, wala pang gang ang mas malapit dito kaya hindi natin masasabi kung saan ang mayroon." Sabi ko nalang sa kanya.
"Oh sige!", Tumingin si Kennedy kay Atkings at sabing "Atkings, i-ensayo natin ang mga alagad natin gamit ang ganitong baril."
"Okay lang naman siguro kung makakabawas lang muna tayo ng kakaunting bala, diba?" Tanong ni Atkings sa akin.
"Make sure na mas marami ang matitira natin." Sabi ko nalang sa kanilang dalawa. "Maaring bumili ako ng baril if may budget tayo sa pagbili ng mga bala."
"Siguro, magagamit natin ang mga perang ninakaw natin mula sa nakaraang gang na nakalaban natin." Ani Kennedy. "Mas maganda kung ito ang magiging budget natin."
"Mas maganda yan, Sir." Komento ko sa sinabi ni Kennedy.
"Once na start na tayo ng giyera against sa pinakamalakas, kailangan na natin bumili ng mga bala ng AK47 para hindi tayo madaling maubos." Sabi ni Atkings. "Sapat na siguro ang pera na iyon kaya don't worry about it at kung may sobra naman ay magagamit naman natin sa iba pang bagay."
"Okay! Siguro naman ay na-obserbahan natin ang mga baril na ito kaya maari munang utusan ang mga nasa labas." Sabi ni Kennedy sa akin at daling umalis ito.
"Pupunta ka ba sa training?" Tanong ni Atkings sa akin.
"Sa ngayon, kailangan ko gawin ang mag-espiya." Sabi ko nalang sa kanya.
"Okay." Tugon nalang ni Atkings at daling umalis kaya ako nalang ang natitira sa isang silid na tangin ang ilaw ay nakatutok sa lamesa.
Bago muna kuhanan ng litrato, tumingin ako sa kanan at kaliwa kung may makakakita sa akin. May CCTV na nakakabit sa mga corner ng silid na iyon kaya hindi ko nalang tinuloy ang balak kong kuhanan ng litrato ang mga baril na nasa lamesa.
****
Hapon, nasa isang restaurant ako kasama ang isang babae na nagngangalang Marian. Magkaharap kaming nakaupo sa iisang table namin.
"Well, what is your plan?" Tanong ni Marian sa akin.
"I think, I need to review some of them and I'll give some information about them afterwards," I said. "All I need to do for now is to relax my mind and I'll be back from what I do tomorrow."
"Then, what's your next goal?" Tanong pa ni Miss Marian sa akin.
"My next plan would be a vacation outside the country." My answer. "I'll need rest for a little bit and return to duty again. I need to recover and relax my mind because I don't have rest time."
"That's it, Luanne?" She said and drank her cocktail.
"Well Marian, I don't know," I said.
"How about the next plan after you rest?" Marian asked me.
"Well, it depends on the Chairman what mission I'll handle." My answer. "As of now, my mission is to prepare for what will happen in next week or next month."
"What will happen in next week?" Tanong naman ni Marian sa akin.
"It depends on what will happen tommorow." Sagot ko naman sa tanong niya.
Napangiti nalang si Marian noong narinig niya ang sagot ko.
"Anyway, nabalitaan ko about Fourth Chairman na siya ang magiging in-charge sa atin ngayon." I said para maiba ang usapan.
"Automatic naman na siya ang magiging in-charge because she is a former Chairman of the Capital State." Sabi ni Marian sa akin. "I think, she wants to clean some dirty chemicals in her sister-in-law's State."
"Malapit na ang Six State Summit at Capital State ang nagho-host ng Summit this year. Ang isa sa reason bakit si Madam dahil Term niya ang nagkaroon ng Gangwar sa bawat lugar sa Capital State, kaya pag-upo ni Fifth Chairman ay mag-deklara na siya ng Martial Law as for the reason na walang kaguluhan sa Capital State. Although Fifth Chairman was declared the Martial Law, sa labas naman ng Capital State nagka-gangwar at nakaraang araw ay may Gangwar sa Rizal which involves Erobern Gang." Ani ko sa kanya. "The problem right now is the gang na hindi parin mahinto ang kanilang mga kaluluwa nila na puro patayan nalang ang gusto. Hanggang ngayon ay hindi parin sila tapos kahit Martial Law na ang Capital State."
May nilapag akong envelope sa lamesa para ipakita ko ito kay Marian kung ano ang nilalaman ng brown envelope na iyon. "Kagaya ng nilalaman ng envelope na iyan, biruin mo eh napasa-kanila pa ang mga nandiyan."
Kinuha iyon ni Marian at binuksan iyon para makita niya ang nilalaman. Ito ay mga litrato ng mga nakuha nilang mga armas mula sa El Bimbo La Ora gang.
"Talagang maging AI Mortar ay napa-sakanila pa." Komento ni Marian noong makita niya ang nilalaman ng brown envelope.
"Binigay ni Fourth Chairman iyon sa EBLO gang para ibigay sana sa Mindanao to protect that state under the rebels dahil mas risky doon pero naunahan na ng Erobern." Pahayag ko sa kanya.
"Okay! I'll give this one to Fifth Chairman later." Sabi nalang ni Marian at kaagad na sinara ang envelope. "Mabuti naman na nakuhanan mo parin mg litrato."
"Mabuti nalang na walang tao kanina at dumiskarte ako na hindi ako makikita sa CCTV." Sabi ko pa sa kanya at uminom mg Juice.
Ngumiti nalang si Marian sa akin dahil wala na ito siguro masabi pa. Mabuti nalang na may litrato ako para maibigay ko sa kanya. Evidence iyon para sa kasong Illegal Possession of Firearms na para sa Erobern at sa Organisasyon na under nila.
"By the way, I have to go." Iwan niyang linya ay tumayo para siya'y makaalis papunta kila Fifth Chairman sa Capital Palace.
Naiwan nalang ako sa aking table na mag-isa. Tumingin nalang ako sa paligid dahil wala naman akong gagawin. Hintayin ko nalang maubos ang juice ko at pupunta ako sa susunod na paroroonan ko.
****
Gabihan, nakarating ako sa isang Hospital malapit sa Marikina City Hall para dalawin lang ang isang pasyente na naging kaibigan ko pa noong naging Senior Rookie pa lamang ako.
Lumapit ako sa Nurse na nasa Reception area at tinanong. "Nurse, ano po status parin ng pasyente na nasa Two-Zero-two?"
"Ahhhh... Normal po ang temperature niya and also ay normal din ang blood pressure niya." Sagot ng nurse habang tinignan niya ang papel about doon sa pasyente na tinutukoy ko. "Still hindi parin ito nagigising at hindi parin gumagalaw. Buhay parin at maayos naman pero paralisado parin."
"Ah sige po, pwede ko po bisitahin siya?" Pakiusap ko muna sa kanya.
"Opo, Madam." Sagot ng nurse kaya pinayagan ako na nakadalaw sa kanya.
"Salamat po." Sabi ko sa kanya at daling umalis papuntang room Two-Zero-two dahil nandoon ang pasyente na tinutukoy ko.
Habang naglalakad, bitbit ko ang isang basket na nilalaman ng mga pagkain na para sa pasyenteng dadalawin ko. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan habang may naiisip akong kakaiba related sa pasyente na iyon.
Nang makarating na ako sa pinto ng room Three-Zero-Nine, napaisip ako na bakit ganito ang pasyente na nasa loob? Ano ba ginagawa niya talaga sa kanila?
Parati ko iyon iniisip araw-araw, sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng mga iyon ay kumukulo ang dugo ko, ibang-iba ako once na makita ko sila kaya ganoon ang inaakala nila. Hindi lang nila alam kung bakit ganoon dahil may rason.
Binuksan ko ang pinto at dito ako pumasok sa loob ng room Two-Zero-two. Nabungad ko ang isang pasyente na nakahiga, may dextrose at apparatus na nakakabit sa kanya braso at tuloy lang.
Dahan dahan ko sinara ang pinto para hindi lumabas ang lamig na nasa Aircon. Pagkatapos ay nilapag ko sa mesa ang dala kong basket at umupo sa tabi niya.
Mahigit isang taon na itong hindi magising dahil sa pangyayari noon. Ang totoo niyan, siya ang tunay na Luanne. Not Luanne Querimit, she is Margareth Luanne Nowitzki. She is my bestfriend and also my night and shining armor ko.
Hindi ko aakalaing na ganito ang nangyari kay Luanne. Hindi ko alam kung paano nila ito nagawa dahil wala akong alam sa pangyayari na iyon.
Actually, kami na ni Mom ang tumatayong pamilya niya. Wala siyang magulang noong nakilala ko siya at noon ay isa lang siyang pulubi. Naging Special Force si Luanne pero Offender nga lang. Sayang lang kasi dahil hindi siya nag-aral ng High School kaya Offender lang ang naging unit niya.
Ngayon ay naka-confine si Luanne sa Hospital na kinaroroonan ko ngayon.
Ang kadahilanan ng pagka-confine niya ay ang kanyang ulo niya ay mayroon fracture, may brain damage sa bandang celebrum niya at nanatiling paralisado na hindi tulog ang aking kaibigan.
"Luanne, nandito na ako ngayon." Sabi ko sa kanya kahit hindi ito makarinig, makakita at makatayo dahil tulog ang kinakausap ko. "Kakarating ko lang galing sa mission. Alam kong lumalaban ka parin kahit halos isang taon na ang nakalipas mula noong nangyari ang hindi ko inaasahan sa buhay ko. Ang mahalaga ngayon ay pinagpatuloy mo parin ang laban dahil alam kong gusto mo pang mabuhay at tumagal tayong dalawa."
"Sabi mo pa nga na walang iwanan, diba? Sabi mo noon na once na may balita tungkol sa akin eh ikukuwento ko. Ngayon, nasa kalagitnaan parin ako ng mission na tanging kalaban mo ay ang taong kalaban mo noon."
"Alam kong hindi mo ko naririnig, pero sana pagkagising mo ay maalala mo iyon or maaring malaman mo ang balita tungkol sa akin na hindi ko pa sinasabi sa iyo."
"Alam mo, hinihintay kong gumising ka at iyon ang tanging kahilingan ko sa kaarawan ko. Ang makikita kita na maayos at mabuting kalagayan ang tanging hiling ko."
"Nawa matupad ang hiling ko dahil ayokong mawala ka sa akin. Ayokong mawala ng isang kaibigan, ayokong ikaw ang sumunod kay Eumie at kay Kuya Jack. Ayokong ikaw ang sumunod na mawala dahil ayokong dumagdag pa ang depresyon at anxiety ko."
"Sana gumaling kana Luanne. Pangako ko na ikaw ang una kong yayakapin sa pagiging mo."
"Luanne, mahal na mahal ka namin ni Mom. Magpagaling ka Luanne ah para pagdating ng kaarawan ko ay makarating ka."
Ngumiti nalang ako habang ang luha ko ay dumadaloy mula sa mata ko pababa. Tumingin ako sa kanyang maamong mukha na tila baga'y natutulog lang ng normal.
Sana, nakikita ni Luanne ang lahat ng paghihirap ko mula noong nagkaganito si Luanne hanggang ngayon.
Ipinangako ko sa sarili ko na paghihigantihan ko kung sino ang gumawa sa kanya. Magdudusa siyang hayop na yan.
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top