Chapter 9: Gift's Love
JELAILAH'S POV✧
Kinabukasan, ako na ang nagwalis ng nasa Hardin. Tanging ako lang ang nasa kinaroroonan. Maaliwalas ang simoy ng hangin at hindi gaano kataas ang sinag ng araw.
Hindi ko pa rin mawala sa isip ko na bakit ako naparito. Hindi ba dahil kay Aron na estudyante ko o dahil sa isang lalaki na hindi ko maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.
"Jelailah...." May isang babaeng tumawag sa akin at siya'y lumapit kaya huminto ako sa pagwawalis. Si Ate Richane lang naman.
"Yes, Ate?"
"Kung hanapin ako ni Mama, pakisabi na nauna ako ngayon dahil may mission ako ngayong araw na ito." Ito ang sabi ni Ate Richane sa akin. "Isa pa, si Aron ay nasa School na kanina pa, sabi ni Mama pala na ikaw na daw bahala sumundo sa kanya mamayang tanghali at pwede kayo mag-training dito sa Garden."
"Sige po." Tugon ko naman.
"Pwede ka kumain sa kitchen anumang oras kung nagugutom ka." Ito ang bilin ni Ate Richane sa akin. "Feel at home ka dito sa bahay namin."
"Okay po, salamat po."
"You're welcome." Reply ni Ate Richane. "Nga pala! Mamayang hapon, darating si Tita Diane at isipin mo na tiyahin mo sita dahil nakuwento ko sa kanya about sa'yo. Don't worry, gusto ka niya kausapin at makipag-kulitan sa'yo."
"Okay po! Asahan ko po 'yan, ate Richane."
"Oh siya! Mauna na ako at baka mapagalitan na naman ako ni Senpai." Kaagad na tumakbo si Ate Richane paalis ng bahay para sa mission niya.
"Ingat po!" Sigaw ko naman habang palayo na palayo si Ate Richane hanggang nakalabas na ito ng Gate. Bumalik na lamang ako sa pagwawalis dahil ito muna ang aking inaasikaso pagsamantala habang wala pa ang oras ko para sa training ni Aron.
Mas komportable ako bigla sa pagpasok ko dito sa bahay nila Aron. Ramdam kong ito ang lugar na nararapat para sa akin.
✧✧✧✧✧✧✧✧
Ilang minuto na nakalipas, nasa kusina ako mag-isa. Uminom ako ng hot chocolate habang nagbabasa ng libro na isang novel na galing sa library ni Mommy. Malapit na ako makaupo sa lababo habang nasa tabi ko ang cup na may hot chocolate at hawak ko ang libro na binabasa ko.
Ilang segundo sa pagbabasa ay may isang lalaking nagsalita sa kinaroroonan ko. "Good morning, Miss."
Lumingon ako sa lalaking iyon para tumigil sa pagbabasa, ngunit hindi pagbabasa ang pinatigil kundi ang mundo ko na naman ulit dahil ang lalaking nasa tabi ko ay si Jadren. Tumahimik na lamang akong tumingin sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Tumingin naman si Jadren sa akin at tinaas niya ang kanyang kilay bilang pagtataka niya.
"Ayos ka lang ba, Miss?" Tanong niya sa akin at ako'y hindi makasagot dahil sa kanya. "Namumula ang mukha mo, Miss."
"Ah eh..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko talaga alam bakit ganito ulit ang katawan sa tuwing nakikita ko si Jadren.
"Alam kong nagugutom ka pero nahihiya ka lang sabihin sa amin." Jadren giggled. "Don't worry, hindi kami magagalit kaya it is free naman lahat ng foods na nandito sa bahay." Karagdagan pa niyang sabi.
"Ehhh... H-hindi n-naman po sa... nahihiya..." Pautal-utal akong nasasalita sa harapan niya habang nakangiti parin ito.
"Are you okay talaga, Miss?"
"Yes, I am."
"Are you sure, Miss?" Tanong pa ni Jadren sa akin dahil alam ko sa kanya na hindi talaga ako maayos ngayon. Tulala na lamang ako ngayon dahil sa kanya at hindi ako mapagsalita. Hindi ko maintindihan talaga bakit nanghihina ang katawan ko sa tuwing nakikita ko siya at hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko.
"Seems like you don't have any respond, you're not okay for today." Sabi niya habang binuksan niya ang cabinet na asa taas ng kitchen at may kumuha siya ng mga jar na nasa loob. "Kung may sasabihin ka, pwede mo naman sabihin sa akin. Hindi ko naman ikakagalit kapag sinabi mo 'yan." He added while putting the jar on the kitchen.
"O-okay lang... n-naman ako..." Reply ko sa kanya.
"Sinasabi mo lang 'yan kasi nahihiya kang sabihin sa akin ang nararamdaman mo ngayon." Kaagad sabi ni Jadren habang tumingin siya sa akin.
"Sure po talaga ako, okay po ako ngayon."
"Oh baka may gusto ka sa akin kaya ganyan ka." Ito ang narinig ko sa kanya at naglakihan na lamang ang mga mata ko at hindi na ako makapagsalita. "Tumahimik ka na lang, Miss Jelailah. Tama ba ang sinabi ko?" Ito pa niya ang kanyang tanong habang ngumingisi ito.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging sagot ko rito. Alam ba niya na gusto ko siya? Alam ba niya dahil sa ganito ako ay may nararamdaman ako sa kanya na kakaiba?
Ano ang mayroon sa iyo, Jadren?
"Hindi ka makapagsalita, Miss."
"Hindi totoo 'yan, Jadren." Kaagad na deny ko sa sinabi niya. "Kung gusto kita, sana may regalo pala ako sa'yo." Karagdagang wika ko pa bilang paliwanag.
"Okay! Sabi mo 'yan." Reply na lang niya habang sinimulan niya magtimpa ng kanyang kape. "Don't worry if may gusto ka sa akin dahil kung mayroon man ay gusto ko lang kita kilalanin lalo para malay mo ay liligawan kita." He added while still brewing his coffee.
"Talaga ba, Jadren?!" kaagad na hagikgik ko habang lumapit ako sa kanya. Lumingon bigla si Jadren sa akin at siya'y huminto sa pagtimpla ng kanyang kape.
"See? May gusto ka nga sa akin, Jelailah." Sabi naman niya sa akin at biglang tumahimik na lamang ako at parang nanginginig ang katawan ko. "Umamin ka na kasi." Hirit pa nito sa akin.
"Masama bang maniguro, Jadren?"
"Bakit naman? Halata ka na kaya, Jelailah." Kaagad na sagot ni Jadren sa akin at dito na lamang tumikom ang aking bibig habang lumayo ako sa kanya ng halos isang talampakan ang layo. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit ganito ang umaga ko ngayon.
Bakit ganito ang araw ko?
"Hindi ka na naman ulit makapagsalita, Jelailah." Ito ang sabi pa ni Jadren sa akin habang nagtitimpla na ito ng kanyang kape para tapusin niya ang kanyang gawain dito sa kusina. "Sa madaling salita, totoo ang mga sinasabi ko sa'yo."
"Hindi naman kasi ganoon 'yon, Jadren." Buwelta ko naman sa kanya. "Kung may magkakagusto ako, hindi naman ikaw 'yon dahil hindi naman kita close." Hirit ko naman sa kanya.
"Naku! Dami mong satsat, umamin ka na lang." Ito ang huling sabi ni Jadren sa akin habang tumalikod ito sa harapan ko at lumayo na ito sa akin para umalis sa kinaroroonan ko at bitbit niya ang basong may kape na kanyang itinimpla.
"HOY! ASSUMING KA MASYADO!" Kaagad na sigaw ko. Narinig ko ang hagikgik niya habang lumalayo ito sa akin.
Noong ako na lamang ang mag-isa sa kinaroonan ko which is the kitchen, nagpatuloy na lamang ako sa pagbabasa ng libro na ginamit ko ngayon. Bumalik na ulit sa dating ayos ng katawan ko dahil umalis na si Jadren. Isa lang ang masasabi ko kung bakit nanghihina ako sa tuwing nakikita ko si Jadren.
May gusto ako sa kanya.
✧✧✧✧✧✧✧✧
"Okay! Let's move to the right." Utos ko kay Aron para tumalon ito pakaliwa. Tinuturuan ko siya ilagan ang mga bato o kahit anong bagay na maaring ibato sa tao. Sumunod naman si Aron sa utos ko kaya tumalon ito pakaliwa habang ginagawa niya iyon sa aking harapan.
Hapon ngayon kaya nasa kalagitnaan na ako sa pagtuturo sa batang ito na si Aron. Sa ngayon ay ako ang sumusundo kay Aron magmula ngayon. Alam ni Mommy about dito at siya mismo nagsabi na ako na bahala kay Aron sa pagsundo sa kanya sa school niya.
"Paano po kung bala ng baril po?" Tanong niya bigla sa akin.
"Binabato ba ang bala ng baril?" Kaagad tanong ko sa kanya.
"Eh diba Ate Jelailah, mabilis ang bala ng baril?" Sagot naman ng bata.
"Pero binabato ba ang bala ng baril, Aron James?" Inulit ko pa ang tanong sa kanya at ito'y tumahimik na lamang. "Okay! Ulitin natin, Aron. Kapag binato ka, tumalon ka sa kanan o sa kaliwa para masalagan mo ang bagay na binabato ng kalaban mo sa'yo, maliwanag ba?"
"Opo, Ate Jelailah." Tugon ni Aron at bumalik siya sa pwesto niya kanina kung saan siya nanggaling kanina bago ito tumalon.
"Okay! Simple thing lang naman kaya madali mo na ito maayos pag nasa battlefield kana pagdating ng araw, Aron James."
Papaulitin ko sana kay Aron ang tinuturo ko sa kanya ngayon, ngunit biglang tumunog ang selpon na nasa bulsa ng palda ko.andali lang, Aron." Nag-excuse muna ako kay Aron habang kinuha ko ang selpon ko at tumalikod sa bata. Sinagot ko ang tawag kahit hindi nasa contact ang number na tumatawag sa akin.
"Hello?"
"Mabuti naman at sinagot ko ang tawag ko, Jelailah." Pamilyar ang boses ng nagsasalita sa selpon ko.
"Sandali! Paano mo nalaman ang number ko?" Ikinagugulat ko dahil ang kilala ko ang tumawag sa akin. Paano niya nalaman ang number ko?
Si Jadren lang naman ang tumawag sa akin.
"Tumawag kasi ako sa'yo para sabihin na umuwi raw kayong dalawa ni Aron."
"At bakit naman, aber?"
"Kasi naman ay nandito na si Tita Diane at gusto ka raw niya makilala. Isa pa, may pagkain dito ngayon at si Tita na mismo nag-provide."
"Nandiyan na ba siya?"
"Yes, she's here na."
"Okay! Pupunta na kami para umuwi kasi nasa kalagitnaan kasi ako ng pagtuturo sa kapatid mo. Hindi ko akalain na tumawag ka ngayon Jadren, akala ko naman kung sino."
"Why? Is there something wrong?"
"Bakit mo pala nalaman ang number ko, aber?"
"May wallet kasi na nasa lamesa kanina at hindi ko akalain na sa'yo pala 'to-"
"Wait! W-wallet ko?"
"Oo, Jelailah. Naiwan mo rito sa kusina."
"Wait..." Kinapa ko ang bulsa ng palda ko at na-realize ko na hindi ko pala dala ang wallet ko simula noong umalis ako sa bahay para sunduin si Aron at maging sa pagpunta naming dito ay wala sa bulsa ko. "P-paano nasa sa'yo 'yan?"
"Burara ka kasi, Jelailah."
"Tumawag ka ba sa akin para mang-insulto?"
"Okay! Sorry na, Jelailah. Tumawag lang naman ako sa'yo para pauwiin kayong dalawa ng kapatid ko at sa Garden ninyo na lang ipagpatuloy or pwede sa Dojo kung gusto ninyo doon dahil doon ako parati nag-training kasama si Tita Diane at maging si Ate minsan."
"Okay! Uuwi na kami. Kausapin ko lang kapatid mo na ipagpatuloy namin ang training niya sa kanya sa bahay."
"Okay! Mag-ingat ka, aking mahal." Narinig ko ito mula sa selpon ko at biglang tumahimik na lang ito bigla.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at nag-iba na naman ang nararamdaman ko. Hindi ko na naman alam kung ano ang nangyayari sa akin. Sadyang ganito talaga kapag may gusto ako sa isang tao?
"Tumahimik ka na naman, Jelailah. Umamin ka na lang kasi para hindi ka na tumahimik. I'm here always just you are serious-"
"HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA'YO! IBABABA KO NA DAHIL UUWI NA KAMI D'YAN!" Sigaw ko kaagad at kaagad binaba ko ang tawag bilang pagtatapos ng conversation naming dalawa. Binulsa ko ang selpon sa nag-iisang bulsa sa palda ko at humarap ako kay Aron.
"Aron, mauwi na tayo sa bahay at sa garden na natin ipagpatuloy ang training mo mamaya." Ito ang sinabi ko kay Aron. "Nasa bahay na si Tita Diane at may pagkain sa bahay ngayon."
"Ano ng pagkain ba?" Tanong ni Aron sa akin. "May spaghetti ba doon?"
"Malay natin, Aron James." Reply ko na lang sa kanya. "Hindi ko alam kung anong pagkain ang nandoon pero sana Spaghetti nga."
"Lagi kasi Spaghetti ang lagging dinadala ni Tita Diane sa amin." Paliwanag naman ng bata. "Favorite ko kasi Spaghetti kasi ito ang pagkain lagi sa handaan. Isa pa, kahit si Mama, si Tita Diane o kahit si Ate Richane ang magluto ng Spaghetti, masarap dahil iisa lang ang paraan paano sila magluto."
"Mukhang kailangan na talaga natin umuwi dahil sa Spaghetti niya." Ito na lamang ang sinabi ko sa bata. "Tara na at uwi na tayo."
"Opo, Ate Jelailah." Tugon naman ni Aron at dito na naming sinimulan maglakad paalis sa kinaroroonan naming dalawa ngayon para umuwi sa bahay.
Excited kasi ako makita at makilala si Diane Kalembang which is isa sa future Special Force Hall of Famer at isa sa pinakamalakas at pinakamayamang Special Force sa buong Pilipinas.
✧✧
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top