Chapter 8: Meet the Powerful Family

JELAILAH'S POV✧

Isang linggo na nakalipas bago matalo ako kay Miss Merline sa Sparring Match. Nagpatuloy muna ako sa pagiging trainer ng bata na ito na si Aron. As for the moment kasi, wala pang mission na mai-conduct sa ngayon at kasalukuyang nasa Sparring match naman ang dalawa.

Si Aron ngayon ay takbo lang ng takbo na pabalik-balik, ito lang naman kasi ang maari kong gawin para sa kanya. Pinapagawa ko rin sa kanya ang stretching, high jump at kapag may oras kami ay tinuturuan ko siya sumalag at mag-counter attack.

Kagaya ng sinabi ko, wala akong Martial Arts na mayroon ako pero dahil sa Sparring, gusto ko i-share sa kanya ang natutunan ko.

Ngayon, pahinga si Aron ngayon. Nakaupo lang siya sa tabi ko ngayon at hingal na hingal. Gusto niya talaga

"Aron?" kaagad na lumapit ako sa batang Aron.

"Po???" tumingin si Aron sa akin, balot na balot na siya ng pawis.

Kaagad na pinunasan ko ang likuran niya gamit ang tuwalya habang tinanong ko si Aron na  "Ano ba parangap mo pag naging Special Force kana???"

"Pa-ra-ngap??"

"Oo...", kaagad na pinunasan ko naman ang ulo niya habang sabing "Gusto mo ba na maging Chairman ng Capital State kagaya ng Papa mo???"

"Ah! Opo!" sagot ni Aron.

"Talaga? Baka sa sinabi ko lang yan sayo dahil ganoon ang trabaho ng Papa mo before."

"Parangap ko na po talaga na maging kagaya ni Papa." ani Aron at napangiti nalang ako sa kanya habang pinunasan ko si Aron.

"Bakit po namumula ang mukha mo, Ate Jelailah?" pagtataka ni Aron.

"Napakamasayahin mong bata, Aron." sabi ko naman.

"Ikaw po, ano po pangarap ninyo?" tanong naman ni Aron sa akin.

"Pangarap ko?", napaisip muna ako at sinabi ko nalang na "Maging Special Force tapos magkapamilya kagaya n'yo."

"Pamilya?" pagtataka naman ulit ni Aron.

"Oo naman! Kahit ako lang ang anak sa pamilya, masaya na ako."

"Wala ka pong mama at papa?" tanong ni Aron.

"You're right, Aron." malungkot na pagkasabi ko. "Sana huwag na mangyari sa iyo ang nangyari sa akin na nawalan ako ng Mama at Papa."

"Kung ganun po, kapatid na kita." linya ni Aron.

Dito ako nagulat sa sinabi niya, napataas-kilay ako napalaki-mata ako nang marinin ko ang sabi ni Aron. "K-kapatid?"

"Opo!" sagot pa ni Aron. "Kaya Ate Jelailah eh, diba? Kapag ganun, parang kapatid na ang tawag ko sa iyo."

Yumuko nalang ako ulo ko na may kasamang ngiti at pikit-mata habang binaba ko ang mga kamay ko. "Sige na nga."

"Teka! May papakilala ako sa iyo." sabi ni Aron.

"Sino?" nakatingin ulit ako ng tuwid kay Aron.

"Tara sa bahay.", kaagad na tumakbo si Aron.

"Aron!" Sumigaw ako at nagdadalawang isip ako kung susundan ko ang bata o hindi.

Wala na ko choice.

Sumunod na lang ako kay Aron. Mukhang sa bahay ata siguro pupunta ito.

✧✧✧✧✧✧✧✧

A few minutes later, nakarating na ako sa bahay nila Aron na napakalaki. Kausap ngayon ni Aron ang nanay niya na si Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez, parang medyo galit siya ngayon. Narinig ko ang usapan nila sa malayo at parang tutol siya na paamponin niya ako.

"Ano?! Aampunin ko siya rito?!" sabi ni Miss Erika. "Saan mo nakuha yang word na yan?"

"Eh, mabait naman si Ate Jelailah." linya naman ni Aron.

"Anong mabait? Baka kawatan yan." sabi pa ni Miss Erika. "Diba sabi ko sa iyo na huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala."

Maya-maya ay may dumating sa kinatatayuan nila, ang kapatid naman ni Aron na lalaki. Tinignan niya ako na mabuti sa malayo, at napangiti siya sa akin. Muling tumigil na naman ang mundo ko dahil sa kanya. Si Jadren lang naman ang taong tinutukoy ko.

Dito nalang sinabi ni Jadren sa kanilang ina. "Mama, Special Force siya. Siya si Jelailah Dela Vega, under siya ni Merline Hontaleza which is member siya ng Tenth Protector."

"Eh ba't siya naparito?" tanong naman ni Miss Erika.

"Eh, wala siyang pamilya." sabi ni Aron.

"Walang Pamilya?" pagtataka at pagkagulat ni Miss Erika.

"Opo, Mama." sagot pa ni Aron.

Tumingin si Miss Erika sa akin na mabuti, seryoso ang expression niya at parang nakakatakot siyan tignan.

"Mama, ano na po?"

"Ako na bahala.", lumapit si Miss Erika sa akin. Baka papaalisin na niya ako. Sumunod naman si Aron kay Miss Erika from behind.

"Neng..."

Kaagad na sinabi ko na "Pagpasensyahan na po, Miss Erika. Aalis nalang po ako-"

"Belong ka na rito, neng." saad ni Miss Erika. Naglakihan ang mga mata ko sa narinig niya. Ibig sabihin nito ay

"Just make sure na hindi ka kawatan, scammer, kidnapper o kung ano pa man..." sabi ni Miss Erika sa akin at umalis siya papasok sa bahay nila.

Napangiti nalang si Aron sa akin. "Kapatid ka na namin, ah?" Wika pa ni Aron na may kasamang ngiti at ito'y tumakbo papasok ng bahay nila.

Tumulo na ang luha ko nang magiging kapatid ko na si Aron. May bagong pamilya na naman akong makakasama at ang pamilya na ito ay ang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa buong Pilipinas.

Wow...

✧✧✧✧✧✧✧✧

A few hours later ay nasa hapag kainan na kami kasama si Aron, Miss Erika at ang panganay na kapatid ni Aron na si Richane. Habang Kumakain kaming tatlo, nag-uusap kami ngayon about sa akin.

"Ano name mo ulit?" tanong ni Miss Erika sa akin.

"Jelailah po, Jelailah Dela Vega po." sagot ko.

"Okay, Jelailah."

"May tanong ako sayo. Crush mo ba si Aron?" kaagad na sabi ni Richane sa akin.

"P-po?!" pagtataka ko.

"Richane?" kumunot ang noo ni Miss Erika kay Richane.

"Ah, sorry...", kumain nalang si Richane habang nakatingin siya sa amin. "Nagbibiro lang naman ako, Jelailah. Huwag mo sasambahin."

Tumingin naman si Miss Erika sa akin at sabing "So, under ka ni Merline Hontaleza."

"Opo, Miss Erika."

"Magaling ang taong nag-manage sa inyo, she's the best Scout Agent of all time." ani Miss Erika. "Anak siya ni Mayor Macario Hontaleza, yung dating mayor ng Maynila, at saka under naman siya ni Third Chairman."

"A-alam ko po 'yun, maliban lang sa naging under pala siya ni Third Chairman dati."

"Alam mo rin ba na kasabayan siya ni Diane dati."

"Diane Kalembang?"

"Oo..." sagot naman ni Miss Erika. "Fifth Scout Agent member naman si Merline."

"Wow!!!" paghanga ko. "Hindi ko akalain na kasama din niya si Inay."

"Inay?"

"I mean, si Mother Fe Ochea po." Pagkaklaro ko.

"Ahhhh... Yes! Merline and Fe are members of Fifth Scout Agent." Ani Miss Erika. "Kaano-ano mo pala si Mother Fe?"

"Siya po nag-ampon sa akin."

"Nice ah! Gusto ko makita si Mother Fe in personal again." Ito pa ang wika ni Miss Erika. "Pero balik tayo sa pagiging coach mo or trainer kay Aron. Kaya pala minsan medyo gabi na umuuwi si Aron dahil sa training niya, pero nice 'yan."

"Eh kasi na-"

"Naunawaan ko, pero ang bata pa ni Aron." kaagad na sabi ni Miss Erika laya huminto na lang ako da pagsasalita. "Hindi pa siya Handa sa ganyan. Pero mas maganda kung kahit walang element na matuto mo sa kanya. Kagaya ng kung paano siya lumaban para iwas lang sa mga nangkikidnap. Baka may mangyari sa anak ko dahil mayora ako ngayon ng lungsod ng Pasay."

"Ayon po ang tina-training ko po sa kanya. Kahit pilitin niya ako na turuan ko siya ng Witchcraft eh ayoko siyang turuan ng ganoon."

"Teka lang, wala ka na pala magulang?" tanong ni Miss Erika sa akin.

"Opo..." napayuko nalang ang ulo ko nang masabi ko iyon. "Nag-alaga sa akin yun Ate-atehan ko kaso namatay din po dahil sa Atheist Rebellion po, sabi daw na pinatay daw ni Atheist Girl yung ate ko."

"Paumanhin ah, ganun lang kasi si Atheist Girl." sabi ni Miss Erika habang hinawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya at tanong na "Kaano-ano mo po yun Atheist Girl?"

"Sasabihin ko sayo pagkatapos kumain." sabi naman ni Miss Erika.

"Si-sige po, pero ang sarap ng luto ninyo." linya ko at kaagad na kumain na.

Napangiti nalang si Miss Erika nang marinig niya ang sabi ko. Kumakain na kaming apat na sabay at masaya.

✧✧✧✧✧✧✧✧

A few minutes Later, nasa kuwarto ako ngayon ni Aron. Tulog si Aron while ako nama'y nakaupo sa Kama sa tabi niya, tinitingnan ko ang maamong mukha ng batang Aron. Iniisip ko na magiging Special Force si Aron balang araw, dadaigin niya kaming lahat at siya ang magbabago or mag babalik buhay sa Witchcraft Industry. Sa ngayon sa kwarto ako ni Aron natutulog. Ako na rin ang tumatayong babysitter niya para maalagaan ko siya ng maayos kapag wala si MIss Erika since hindi niya maasikaso ang bunso niyang anak.

Maya-maya ay may kumakatok sa pinto ng kwarto ni Aron. "Sandali lang...", kaagad na tumayo ako, lumapit sa pinto at binuksan ko iyon.

Pagbukas ko ay nasa harapan ko pala si Miss Erika.

"Jelailah, pwede ba tayo mag-usap?" sabi ni Miss Erika.

"Ano po yung pag-uusapan namin?" tanong ko.

"About kay Atheist Girl." sabi ko.

Napatingin muna ako kay Aron, baka magising siya kasi.

"He's sleeping." sabi ni Miss Erika. "Hayaan muna natin siya."

Kaagad na lumabas ako sa kuwarto at sinarado ko ang pinto, iniwan ko si Aron na mag-isa room.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Few seconds later ay nasa sala kaming dalawa ni Miss Erika. Nakaupo kaming dalawa sa sofa habang nag-uusap kami about kay Atheist girl o si Idol Akane.

"Idol ko pa naman si Akane." sabi ko naman. "Alam mo, gusto ko magka-Atheist vision kagaya niya kaso kakaiba yung vision iyon. Kaso..."

Hindi nakapagsalita si Miss Erika ngayon sa akin.

"Teka lang, bakit Atheist Girl ang tawag sa kanya?" tanong ko. "At bakit Atheist vision ang tawag sa mata niya?"

"Hindi siya naniniwala na may diyos rito, kahit hindi rin siya naniniwala na nag-exist si Jesus Christ rito at maging si Buddha. Hindi rin siya naniniwala na may Satanas nga." sabi ni Miss Erika. "Sabi niya na kung may diyos daw rito eh dapat nandito daw siya sa lupa at siya daw dapat ang leader ng mother Earth."

"Ganoon..."

"Ang sagwa daw pakinggan kasi sabi ni Akihiro na Illuminati girl si Akane, dahil maging hindi rin siya naniniwala na may imperno eh kaya Atheist Girl ang tawag sa kanya." Sabi pa ni Miss Erika. "Pero sabi niya na isa lang ang kilala niyang diyos na nakikita niya at ang kanyang ina lang niya iyon."

"Sino ba nanay ni Akane Mendoza?" tanong ko pa.

"I already met her but I don't know the real name." ganito lang ang sabi ni Miss Erika. "Sabi niya ay prinsesa siya ng lugar nila na kung tawagin ay Creper Thorp."

"Creper Thorp?"

"Nakapasok ako roon sa lugar na iyon, mala-Venus yung itsura niya but malamig pa kaysa sa Baguio, pero sanglitan nga lang kasi hindi ko kaya ang lamig roon." ani Miss Erika. "Hindi ko nakilala pa ang mga magulang ni Akane simula't sapul."

"Ganoon po."

"Pero ako na ang humihingi ng pasensya sa nangyari sa ate-atehan mo." sabi naman ni Miss Erika. "Alam ko na masakit na mawala ng minamahal like what happen to me in that day."

"Kagaya po nung kay-"

"Kay Second Chairman." saad ni Miss Erika.

"Eh parang mas masakit ang sa'yo."

"Kahit hindi mo kadugo, pag inaalagaan ka nila o niya ng iilang taon eh pamilya na ang turin doon, Jelailah." ani Miss Erika at tumahimik nalang ako nang marinig ko iyon.

"Ang pamilya ay isang maliit na unit pero may namumuong pagmamahal. Wala naman na sinabi na ang pamilya ay nakabatay sa lahi at kadugo, kahit nga sa diksyunaryo ay walang ganyan." sabi pa ni Miss Erika. "Nandito naman kami, pwede mo ring mag-spar kay Jadren or minsan eh shopping-shopping din kayo ni Ate Richane mo, pero huwag mo kaming hiwalayan. Promise?"

"Promise po, Miss Erika."

"Huwag mo kong tawagin na Miss Erika, 'Mommy' na lang ang tawag mo sa akin." saad pa ni Miss Erika.

"Mommy?"

"I want to care you like a child kahit teenager kana." saad ni Miss Erika.

"Si-sige po, Mommy.", kaagad ko niyaka si Miss Erika. "Promise po Mommy, hindi po ako maghihiwalay sa inyo."

May binulong si Mommy sa akin. "Ako na bahala sayo, Jelailah. Tuturuan kita kung paano maging kagaya ng idol mo."

✧✧

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top