Chapter 6: Present meets Future

JELAILAH'S POV✧

A week later...

"Ang nanalo, Jelailah Dela Vega." Ito ang narinig ko mula kay Miss Merline. Nanalo naman ako sa Sparing session between me and Wayi. Sa totoo lang, mas mahirap kalabanin si Wayi kumpara kay Keki, not just he's a boy or a man but more counter attacks ang moves niya. Nanalo lang naman ako dahil Wind user ako at tanging Cataclysm Shunt lang ang gamit ko sa kanya.

Tumayo ito si Wayi at daling shake hands siya sa akin. "Galing! Congrats." Pagbati ni Wayi sa akin habang tamang ngiti naman ako.

"Naku! Salamat at congratulations naman sa'yo." Ito naman ang pagbati ko sa kanya.

"Anyway! Nice game sa inyong tatlo, especially kay Jelailah na naka-dalawang panalo na sa Sparring natin. Kaya siya na ang leader ninyo." Ito ang sabi ni Miss Merline at ikinatuwa ko naman na ako ang leader ng unit na ito. "Also, both of you guys are now promoted to Junior Rookie and we have a celebration after the coaching ng dalawang nag-sparring ngayon."

"Saan po pala tayo mag-celebrate?" Tanong naming tatlo.

"Sa isang restaurant malapit dito at ako na bahala sa gastos since ako naman ang Captain ninyo." Miss Merline.

"Okay po!"

"Anyhow by next week Jelailah, may Sparring Match tayong dalawa since you are now the leader of the unit." Ito naman ang announcement na binigay sa akin ni Miss Merline. "Don't worry, hindi maaapektuhan ang rank mo since you are now a Junior Rookie, like test of strength lang naman which is i-endorse ang kakayahan mo sa Chairman ng Capital State at sa Special Force Chief." Karagdagang sabi pa ni Miss Merline.

"Ah okay po." Tugon ko naman.

"Wayi, next ka mag-coaching and while waiting ay training kayong dalawa ni Keki sa Waterball training to improve your aim and also enhance your skills na din sa ganyan."

"Opo, Miss Merline." Tugon naman ni Wayi sa sinabi ni Miss Merline.

"Okay! Let's go, Jelailah." Umalis na nga ito si Miss Merline at ako'y sumunod sa kanya para makapunta na kami sa room niya.

✧✧✧✧✧✧✧✧

"Nice performance, Jelailah." Komento ni Miss Merline about sa nangyaring Sparring kanina with Wayi. "You're enhance your skills about the usage of Cataclysm Shunt and nakagamit ka na ng Plant Blade."

Nanatiling nakaupo kaming dalawa sa mga kinauupuan namin. Si Miss Merline ay nagta-type ng isang word document sa computer na ginagamit sa silid na kinaroroonan namin.

"Naku po! Maliit na bagay po pero ginagawa ko po ang lahat para ma-improve ko po ang sarili ko bilang isang Witchcraft Special Force." Sabi ko naman.

"Keep it up, Jelailah."

"Pero Miss Merline, nahihirapan pa rin ako sa combat attack." Sabi ko pa sa kanya." May specific training po ba 'yon?" Tanong ko naman sa kanya.

"Pasensya na Jelailah, wala tayong Specific Training about d'yan." Ito na lamang ang sagot ni Miss Merline. "Isa pa, depende na kasi sa Martial Arts na gusto mo, eh ako naman ay walang alam sa ganyan kaya bardagulan na sapakan lang ang alam ko lang which is walang training ang about d'yan."

"Ganu'n po ba? Ano po pala ang mostly na martial arts na ginagamit sa Special Force?"

"Hindi ko din masasagot ang tanong mo dahil kagaya ng sinabi ko, Street Fighting lang ang Martial Arts ko." Ito naman ang sagot niya. "Kung gusto mo malaman kung anu-ano ang Martial Arts ng mga Hall of Famer, pwede ko naman sabihin sa'yo as your reference."

"Sige lang po."

"Si Second Chairman ay Tai-chi, si Mayor Erika or ang ating Special Force Chief ay Shaolin noong naging Special Force na siya, si Akane Mendoza ay Karate naman which is sa tulong nila Madam Erika at Second Chairman during Arctic War since she doesn't have any specific martial arts na ginagamit niya. Sa Fifth Protector, ang alam ko lang ay kay Councilor Diane which is Tai-chi din at kay Second Chairman siya na-train."

"Dami pala."

"May mga Special Force na mayroon at ang iba naman ay wala. Normal naman ito ngunit recommended na siya sa ibang unit especially sa Offender. "

"Nakakatuwa naman na may Martial Arts po ang ibang Special Force." Ito na lang ang sinabi ko. "Sana po, magkaroon din ako kahit pinakamahirap na martial arts na matutunan ko."

"Don't worry about it. Alam kong 'yan ang concern mo dahil kagaya ng sinabi mo na wala kang alam sa pakikipaglaban lalo na't hindi ka nakakaranas na makipag-sabunutan o suntukan man lang. Parehas din tayong pumasok na walang alam sa ganyan pero ang sa akin ay hindi ko nagawa na mag-training ng ganyan kasi may kapangyarihan na ako kaya no need ng Martial Arts ay tanging bahala na ang kamao ko kung ano ang gagawin." Sabi pa ni Miss Merline. "Pero to be honest, I'll recommend to you na mag-train ka either self training or kahit training with your possibly mentors which us allowed naman sa akin kahit mas mataas o mas mababa pa ang rank niya kaysa sa akin at pwede nga i-train din niya ako." Karagdagang sabi pa niya at dinaan niya ako sa ngiti.

"Ayos na po muna sa akin na wala pa muna." Sabi ko naman. "Sa ngayon po, Witchcraft ability muna ang pagtuunan ko ng pansin at pagkatapos ay pag-iisipan ko naman kung kailangan ko na mag-training about d'yan."

"Okay! Sabi mo yan." Tugon naman niya at nagpatuloy na ito sa ibang topic like preparation ko for next week against her.

May binalaan siya akin na i-practice ko magpa-counter attack using my fist dahil sa Sparring daw namin ni Wayi ay puro Cataclysm Shunt lang daw ang ginagawa ko. Isa pa, sanayin ko raw na gamitin ang Plant Blade as confusion sa kalaban before Fire Mist or Cataclysm Shunt dahil kapag ang inuna ay isa sa mga nabanggit ko ay maaring ma-out of direction ang Plant Blade.

Ang daming bilin niya sa akin nguni't ayos lang naman ito sa akin kaysa sa hindi niya ako mag-coaching sa araw na ito. Ang dami kong natutunan sa kanya even about sa Martial Arts na tinutukoy niya ay hindi niya maituro dahil wala siyang Specific Martial Arts na mayroon siya.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Kinagabihan, kasama ko si Keki sa paglalakad dahil uuwi na kami sa kani-kanilang mga bahay. Bumalik lang naman kami sa Special Force Center after dahil may aasikasuhin lang muna akong something about sa documents ko.

"Sana first mission na natin bukas." sabi ni Keki sa akin. "Excited na ako maging Special Force. Isa pa, ikaw ang leader namin kaya excited ako na makatrabaho ko kayo."

"Ako rin." Tugon ko naman. "Excited naman ako para sa next week dahil sa Sparring Match namin ni Miss Merline." Ito naman ang karagdagang sabi ko dahil sa sobrang excited at dala ang ngiti ko habang ako'y nagsasalita.

"Magandang ideya nga na may Sparring Match kayo ni Miss Merline dahil ikaw ang leader." Sabi naman ni Keki. "Siguro, may gusto siya malaman na mayroon kang patunay na karapat-dapat ka maging Protector's Brain."

"Keki, mas gusto ko maging Protector's Lung kaysa sa Protector's Brain."

"Jelailah, past two Protector unit ay Protector's Brain ang leader like Second Chairman at si Diane Kalembang."

"Basta ako, mas gusto ko maging Protector's Lung kaysa sa maging Protector's Brain." Giit ko naman.

Maya-maya ay biglang ma narinig akong tunog sa phone ni Keki, nabasa niya iyon at isang message na mag-date raw sila ng bf niya. "Ay Jelailah, kailangan ko na umuna sa iyo." Ito ang sabi ni Keki sa akin at sa gesture pa lang niya ay gusto na ito umalis sa Special Force Center na kinaroroonan namin.

"Ikaw ah! May Ka-date ka siguro, Keki?"

"Sige na Jelailah, Bye!", kaagad na tumakbo si Keki palayo sa akin at makalabas sa Special Force Center.

Ako nalang ang mag-isa roon, huminto muna ako saglit at kaagad na uminom muna ng tubig.

Ngunit habang umiinom ako ng tubig eh may narinig akong sigaw na isang bata mula sa loob ng room na kinatatayuan ko.

"Walang Kuwenta... Walang Kuwenta... Walang Kuwenta..." ganito yung naririnig ko sa loob.

Nang masilip ko iyon, dito ko na nakita ang isang bata, naka-upo na lang siya sa sahig habang siya'y patuloy sa pag-iiyak. Napa-isip ako kung tutulungan ko siya or pababayaan ko nalang siya. Nakakaawa kasi tignan ang batang ito at gusto ko malaman kung bakit siya naparito.

"Bakit nandito siya sa Training Camp ng mga Sidesweeper?" Tanong ko na pabulong.

Wala na Ako choice kun'di lumapit na ako sa kanya. "Bata?"

"ANO?!!" Pasigaw na sabi ng bata at lumingon siya sa akin, galit siguro.

"May problema ba?" Tanong ko at tumabi ako sa batang umiiyak.

"Sino ka???" Tanong niya sa akin.

"Ako si Jelailah." Sagot ko naman bilang pagpapakilala ko. "Tawagin mo nalang ako Ate Jelailah. Ikaw, Ano name mo?"

"A-aron po... Aron James..."

"Ah Okay Aron, eh bakit ka umiiyak?" Tanong ko pa sa batang ito na si Aron James. "At saka bawal bata rito, diba?"

"Mama ko." sagot naman ni Aron habang patuloy siya sa pag-iyak.

"Mama mo?" Pagtataka ko naman dahil wala akong ideya kung ano ang tinutukoy ng batang ito. "Bakit? May problema ba yun Mama mo?"

"Hindi ako magiging Special Force kagaya ninyo." Sabi ni Aron.

"Sinabi niya yan?!" Kinagugulat ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko aakalain na

"Opo." Sagot ni Aron na may malungkot na ekspresyon. Dito na ako napa-isip kung what if share ko sa kanya ang natutunan ko as S.F sa kanya, kaso iniisip ko is baka hindi siya magiging Special Force dahil hindi ko naman kilala ang batang iyon noong panahon na iyon.

Nevermind! Bahala na!

"Pero gusto mo ba maging Special Force?"

"O-opo."

"Talaga?"

"Opo."

"Parang ayaw mo, eh?"

"Gusto ko po." Sabi ni Aron.

Dahil rito ay sinabi ko sa kanya na "Bukas tuturuan kita kahit hindi Witchcraft ewan muna." at sabay smile kay Aron.

"Talaga po?" Pagkagulat na sabi ni Aron.

"Oo..."

"Salamat po." Sabi ni Aron at niyakap niya ako.

Dahil sa yakap ni Aron, namutla ang beautiful face ko dahil sa yakap niya. Wala na rin akong choice kundi yakapin ko rin siya.

✧✧✧✧✧✧✧✧

A day later dahil bukas ay weekend na naman at wala naman ako gagawin sa bedspace ko. Wala naman daw gagawin sabi ni Miss Merline kun'di mag-training. Nagpaalam naman ako about dito via text at laking tuwa niya na may bata daw akong tinuturuan even na wala akong Martial Arts kaya pinayagan ako pero isang araw lang naman daw.

Ngayon ay nasa isang eskinita kami ngayon. Hinihintay ko ang batang kinausap ko kagabi. Nakasandal lang naman ako sa pader habang nakatingin sa isang daan palabas ng eskinita.

Maya-maya ay dumating na nga ito ang bata na iyon. Tumatakbo ito palapit sa akin at huminto sa harapan ko. "Ate Jelailah, anong gagawin ko po?" Kaagad niyang tanong kaya naglakihan ang mga mata ko sa tanong niya. Ramdam ko ang excitement niya dahil tuturuan ko ang bata.

"Magpahinga ka muna kaagad dahil kakarating mo lang naman, LeBron."

"Aron po at hindi LeBron." klinaro naman ng bata about sa name niya.

"Okay Aron! Pahinga ka muna ng kahit five minutes lang dahil-"

"Gusto ko mag-training ngayon sa'yo, Ate." Kaagad niyang sinabi at huminto na lamang ako sa pagsasalita. Willing talaga siya sa kung ano ang nais niya paglaki.

"Hmmmm..." Napa-isip muna ako kung anong gagawin ko sa batang ito. Wala akong ideya about sa ganito.

Bakit mo naman pinayagan na ganito kung bata ang tuturuan mo? Bahala na nga!

"Tumakbo ka." Ito lang ang naisip ko sa kan

"Tumakbo?!" Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. Hindi ko naman pwede gawin ang nasa training ko dahil nasa murang edad ito.

"Takbo o hindi ka na magiging-"

"Oh sige na!, tatakbo na po..." Sabi ni Aron at tumakbo sa malayo. Huminto siya sa sulok, isang metrong layo pagitan naming dalawa.

"TAPOS NA PO!" Sigaw ni Aron. Pagod na agad si Aron sa pagtakbo niya.

"BALIK!" Sigaw ko naman.

"SIGE PO!" Tumakbo si Aron pabalik sa kanyang puwesto at daling tinanong na "Special Force na ba ako?"

"Ah... Pwe-pwe-"

"Pwede na? Yehey!" Nakita ko sa mukha ni Aron ang saya.

"Pero hindi pa tapos." Daling sinabi ko sa kanya at tumahimik bigla ang bata.

"Bakit?"

"Takbo ulit..." Utos ko ulit kay Aron.

"Nanaman?! Eh..."

"Gusto mo maging Special Force, diba?"

"Eh..."

"Bahala ka na nga di-"

"Ito na! Tatakbo na!" Sabi ni Aron at dali siyang tumayo. Tumakbo si Aron na tatlong beses na pabalik-balik. Ito lang naman ang tinuro ko sa kanya dahil ito lang ang ikabubuti niya.

Kahit tinuruan ko lang ang bata, may natutunan ako sa kanya dahil nakikita ko ang sarili ko noong bata ako. Sobrang kulit pero ang kaibahan niya ay mas malala ang kulit niya kaysa sa akin.

✧✧

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top