Chapter 5: Power

JELAILAH'S POV✧

Kinabukasan, Sparring Match na namin ni Kerry Anne. Take note, the winner for this match will face Wayi for next week's match. Alam kong ako ang top number 1 sa aming unit but hindi ko masasabi na ako ang malakas sa kanilang dalawa. Sabi kasi nila Inay, dito bumabase sa Sparring Match kung sino ang pwede maging Leader sa aming tatlo.

"Jelailah, are you ready?" Tanong ni Miss Merline sa akin na nasa gitna siya ng kinaroroonan naming dalawa between me and Kerry Anne.

"Opo, Miss Merline." Tugon ko naman habang nakatingin ako sa magiging kalaban ko.

"Kerry Anne, are you ready?" Tanong naman ni Miss Merline kay Kerry Anne at tumango na lamang si Kerry Anne bilang sagot na Oo.

Seryoso ang mukha ni Kerry Anne habang nakatingin ito sa akin. Ramdam kong hindi madali ang laban naming dalawa kahit sabihin nila na mananalo daw ako. Sabi ni Wayi at Keki sa akin na mas malakas daw ako kaysa sa kanila at maging si Miss Merline ay halos pareho rin ang kanyang sinabi. Gusto ko man manalo, ngunit dahil unang laban ko ito sa buong buhay ko ay bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Kakaunti lang ang kapangyarihan na mayroong ako at isa pa ay wala akong alam sa pakikipaglaban kahit sapakan man lang.

"Okay..." Naka-straight forward ang kanyang kanang braso ni Miss Merline bilang paghahanda. Dito na ako huminga ng malalim at ihanda ang sarili ko sa sparring session ngayon araw.

"FIGHT!" Sigaw ni Miss Merline na kasama ang pagtaas ng kanyang kanang braso bilang panimula ng laban namin ni Keki.

Kaagad binato ako ni Keki ng kanyang Fireball sa akin as her starting attack. Dito naman ako yumuko kaagad, lumihis na lamang ang fireball niya at tumayo na ako ng diretso. Panimula pa lang, ramdam ko ang kaba ko at nanganganib ako na kahit anong mangyari. Pagkatapos ng pangyayaring iyon. Dito biglang tumakbo si Keki sa akin para sumugod. Naglakihan ang aking mga mata sa nakita ko at lalong tumaas ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Sa takbo pa lang, wala na ako.

Nang lumapit, tinaas niya ang kanyang kaliwang paa para sipain niya ako at target niya ang panga ko. Kaagad tinaas ko ang braso ko para harangan ang pagmumukha ko kaya na-guard ko ang sipa niya at imbes sa mukha ko ay sa kanang braso ito tumama. Hindi naman gaano kasakit or medyo masakit siya pero mas ayos na ito kaysa sa hayaan ko na lang ang sarili kong magpapabugbog sa kanya.

Nang binaba niya ang paa niya, napansin kong naka-buwelo ang kanang kamao nito at alam ko na ang susunod na mangyayari. Ang iniisip ko ay left hook or left jab at tama ang prediction ko. Nagpakawala ito ng kamao niya pa-diretso at sa mukha ko na naman ang puntirya niya. Kaagad naman na sinampal ko ang kanang kamao niya at lumihis na lamang ito sa mukha ko.

Ngunit hindi ko akalain na tinamaan pala ako ng Water ball niya sa mukha. Dito na lamang pumikit ang mata ko at humapdi ang mata ko. Paikot-ikot na lang ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na alam kung nasaan na si Keki. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang Water ball niya dahil sobrang bilis ng pangyayari after ko masalag ang left punch niya.

Habang nanatiling nakapikit ang mata ko sa sakit at hapdi, nakaramdam ako ng something sa mukha ko na sinapak niya ako sa pisngi. Dito na lang ako natumba sa kinaroroonan ko at gumulong ng isang beses. Nahilo ako bigla sa pangyayaring iyon at nanghihina na kaagad ako. Sa Sparring pa lang, alam kong wala na akong pag-asa.

"Jelailah, kaya mo pa ba?" Ito ang narinig ko at si Miss Merline ang nagsalita.

Dahan-dahan akong tumayo habang dumilat ang aking mga mata. Luhang-luha ako sa pangyayari at masakit ang aking ngipin sa kanang kaliwang bahagi. Ito ang dapat kong pag-aralan during this sparing session.

"Kaya mo pa ba, Jelailah?" Tanong pa ni Miss Merline sa akin at lumingon ako sa kanya.

"Opo..." Sagot ko naman habang nanatiling masakit ang ngipin ko. Nawawala naman ang hilo ko kahit paano pero may kirot pa rin ang iba pang katawan ko.

"Sorry, Jelailah." Ito naman ang narinig ko kay Kerry Anne. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin para kamustahin niya ako.

"Ayos lang ako." Sagot ko naman sa kanya. "Patuloy pa natin?"

"Okay! Simulan ko."

"Ikaw bahala."

Ngayon, paano naman ako mabawi sa kanya kung wala akong alam sa suntukan? Hindi talaga ako nakaranas ng kahit makipag-sabunutan sa kahit na sino. Sa madaling salita, b*b* ako sa bardagulan. 

Kaagad na tumalon si Keki paabante sa akin para sumugod. Lalong bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa kaba. Napaisip ako kung anong atake ang gagawin niya.

Hindi na bale!

Kaagad na bumuga ako ng apoy sa kanya para ako naman ang umatake sa kanya. Kaagad naman tumalon ito ng pa-kanan at nakalayo ito sa harapan ko kung saan ako nagbubuga. Huminto naman ako sa pagbubuga ng apoy at humarap naman ako kay Kerry Anne.

Since malayo, may naisip akong move sa kanya.

"Ano ba yan! Walang storyline!" Ito ang narinig ko kay Wayi at hindi na nagpatuloy ang plano ko kay Keki.

Lumingon naman ito si Keki kay Wayi at sumigaw naman ito bilang reply niya. "MANAHIMIK KA NGA!"

"Mas maganda kung may storyline na ginagawa ninyong dalawa." Ito naman ang sinabi ni Miss Merline sa aming dalawa. "Diyan magiging intense ang laban ninyong dalawa at magkaroon kayo ng thrill once na may storyline kayo while battle." Karagdagang sabi pa ni Miss Merline.

"Wait! WWE ba 'to?" Tanong ko sa kanila.

"Nagmumukhang friendly match ang nangyayari sa inyo." Paliwanag pa ni Miss Merline. "Parang nag-training lang kayo kaya pinapatagal ninyo ang laban."

"Okay! Ano pala ang magiging storyline namin?" Tanong ni Keki kay Miss Merline.

"Kahit ano basta kung saan kayo mas thrill." Ito naman ang kanyang sagot. "Pwede nga, mag-asaran kayong dalawa o mag-trashtalk ng kung ano-ano basta no hard feelings parin." 

"Okay!" Tumingin naman si Keki sa akin at tanong niyang "ano kaya?"

"Ikaw bahala basta about sa nangyari sa akin kanina." Ito naman ang sinabi ko.

"Okay!" Dito na gumawa ng storyline about me and Keki. "Mahinang nilalang Jelailah! Walang alam sa sparring. Paano na lang kung tunay na laban?"

Sandali pala! Mahina ako rito.

"Aba! Swerte ka lang dahil pumikit lang ako noong sinuntok mo ako sa mukha." Dito ko naman sinakyan ang trip niya as our storyline.

"Okay! Ano naman ang susunod mong gawin?" Nakangiti lang si Kerry Anne pagkatapos niya ito sabihin. Tumahimik na lamang ako dahil wala akong magawa at the same time ay sinasabayan ko ang trip niya. Maging si Kerry Anne ay napatingin na lamang sa akin ng mayroon pagtataka which is biglang na-out of the character na ito.

Napatingin na ako sa kanang kamay ko at nag-iisip ako kung ano ang dapat kong mangyari. Tanging Fire Mist lang ang maari kong magamit bilang kapangyarihan ko ngayon at wala nang iba pa. Hindi ko alam kung ano ang kapangyarihan na mayroon ako. Ngunit isang element na gusto ko at gusto kong gawin sa laban na ito. Sabi kasi ni Inay, sa four major nature elements ng mundong ginagalawan natin, ito ang pinakamalakas sa lahat. Ang tinutukoy ko ay apat na elements at hindi pitong elements ng nasa Special Force.

"Ano ba susunod mong atake?" Binalik ko lang ang tanong niya kay Keki. Dito naging in-character si Keki ngunit wala siyang ideya kung ano ang gagawin ko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko, Jelailah." Ito ang reply niya sa akin. "Wala ka bang utak para sagutin mo ang tanong ko?"

"Sagutin mo muna bago ko sasagutin." Ito lamang ang reply ko sa kanya para sabayan ang storyline na nais niya. Ngumiti na lang si Keki and sa palagay ko ay nagugustuhan niya ang storyline na ginagawa naming dalawa.

"Okay!" May isang Water ball na lumitaw sa kanang kamay niya at possible ito ang kanyang atake. "Ano ipaglalaban mo dito? Tanging fire mist lang ang mayroon sa'yo, Jelailah." Sabi pa niya sa akin at tumahimik na lang ako dahil hind pa ako sigurado sa magiging atake ko sa kanya.

Gagawin ko na...

"Sige! Sabay tayo!" Ito naman ang sinabi ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Ano nga ang panglaban mo sa Waterball ko?" Tanong ni Keki sa akin.

"Basta..." Sagot ko na lang.

"Okay!" Kaagad na binato ni Keki ang Waterball niya bilang atake niya.

Dito ko na gumawa ng isang move na sinasabi ni Inay na ito dapat ang gagamitin ko sa lahat ng bagay. Tinulak ko ang harapan ko gamit ang dalawa kong kamay at isang hangin ang na-damhin ko mula sa akin kamay. Naglaho na lamang bigla ang Waterball ni Keki na dapat tatama ito sa akin sa hangin na pinakawalan ko at ito na lang natumba si Keki sa kinatatayuan niya. Naglakihan na lang ang mata ko sa aking nakita. Ang lakas ng hangin na pinakawalan ko kaya natumba ang kalaban ko.

Wow...

Dahan-dahan tumayo si Keki sa kinaroroonan niya at napansin kong nakangisi ito. Mukhang nagugustuhan niya talaga ang storyline naming dalawa na sinakyan ko.

"Isang tumba na lang kung sino sa inyong dalawa, tapos na ang laban." Ito ang sinabi ni Miss Merline sa amin. Kailangan ko na ingatan ang sarili ko sa bawat atake ni Keki at ang tanging strategy ko lang ay depensa lang at magpakawala ng counter attack.

"LET'S GO!" Kaagad binato ako ni Keki ng kanyang Fireball ng tatlong beses habang tumatakbo ito palapit sa akin para sumugod ulit. Ang ginawa ko naman ay parang sumasayaw sa kinatatayuan ko dahil yuko-tayo-yuko at tayo ang nangyari para masalag ko ang mga fireball na binato niya sa akin.

Tumalon naman ito si Keki palapit sa akin at daling sinipa niya ako habang lulundag na ito sa lupa. Kaagad na umabante ako habang naka-bend ang katawan ko pa-backward kaya lumihis na lang ito sa harapan ko at nakatalikod na si Keki sa akin. Biglang siniko niya ako patalikod at imbes na tinamaan ay kaagad hinawakan ko ang kaliwang braso niya na pang-siko sa akin. Nakatayo kaagad ako ng maayos habang hawak ko ang braso niya. Ngunit biglang pumiglas ito at balak niya akong sampalin ng Waterball niya sa mukha. Dito na lang tinulak ang kamay niya at hindi ko inaasahan na may hangin pala ang pagtulak ko sa kanya, ito ang dahilan ni Keki ng pagbagsak niya, gumulong-gulong ito sa sahig palayo sa akin at nakahiga na lang ito.

"STOP!" Ito ang sigaw ni Miss Merline kaya nahinto ang laban. Lumapit siya at si Wayi kay Keki na nakahiga na lang sa lupa. Maging ako ay lumapit habang nakatingin ako sa kamay ko.

Hindi ko siya sadya...

Napaupo ako sa tabi ni Keki at pangambang tanong "Ayos ka lang?"

Nagkamalay naman kahit paano si Keki, walang sugat na natamo at mukha naman itong maayos.

"Are you okay?" Tanong ni Miss Merline kay Keki.

"I'm... Fine..." Ito naman ang sagot ni Keki habang bumangon ito sa lupa.

"Okay! Sure ka?" Panigurado pa ni Miss Merline kay Keki.

"Opo, Miss Merline." Sagot pa ni Miss Merline.

"Anyway, nice game sa inyong dalawa and obviously the winner is you, Jelailah." Ito ang narinig ko kay Miss Merline. Ngumiti na lang ako sa narinig ko dahil ako ang nanalo.

"Nice game and congratulations, Jelailah." Pagbati naman ni Keki at hinawakan niya ang kamay ko para sa shake hands niya. Tinanggap ko na lang ang pagkapanalo ko kahit unexpected.

Nanalo pa ako roon?

✧✧✧✧✧✧✧✧

"Nice performance naman pero may kulang about sa powers mo na same kay Keki." Narinig ko kay Miss Merline. Nasa isang silid kami at tanging kaming dalawa lang ang nandito. Coaching season about sa sparring kanina with Keki. Well, gusto ko lang marinig ang comment niya about sa performance ko.

"Ano po pala ang kulang, Miss Merline?"

"Both of you ay hindi gumamit ng napakadaling move sa lahat. Ang Plant Blade."

"Ay! Oo nga pala!" Na-realize ko about sa Plant Blade. Hindi ko nagamit sa laban naming dalawa. May Plant Blade ako pero siguro ayaw naming dalawa na magka-sugat kaya hindi siguro namin nagamit. 

"Looking forward na lang sa next sparring session with Wayi." Sabi na lang ni Miss Merline. "Nga pala, nice move pala noong ginamit mo ang Cataclysm Shunt against her to counter the water ball. Alam kong wala kang alam sa pakikipaglaban or suntukan pero maganda pa rin ang napakita mo sa akin at sa Sparring Match kanina mk pinakita." Komento pa ni Miss Merline.

"Oo nga po eh, wala po alam sa suntukan kasi hindi naman ako war freak." Sabi ko naman.

"Alam mo when I was a trainee, wala din akong alam sa pakikipaglaban." Kwento ni Miss Merline. "Kahit sabunutan pa ng kaibigan ko ay never ko nagawa noong elementary at highschool ako. Sa Sparring ko lang din nilabas."

"Ganoon po ba, Miss Merline?"

"Well, sanayin mo na lumaban dahil Special Force ka na." Ito ang sabi ni Miss Merline bilang advise.

"Opo." Tugon ko.

"Okay! Goodluck sa next sparring match mo against Wayi." Ito pa ang sabi ni Miss Merline. "So, tapos na ang coaching session natin kaya need mo na magpahinga."

"Salamat po."

✧✧

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top