Chapter 4: Improvement

JELAILAH'S POV✧

Unting-unting nakilala ko sila Keki, Miss Merline at Wayi.

Si Keki or Kerry Anne Monteverde ay isang Politician Kid like Aron dahil Ex-DSWD Secretary yung tatay niya which is si Dr. Karlo Monteverde. Kilala na ito sa karamihan kahit hindi pa siya naging Special Force. No need na magtrabaho pa si Keki dahil nasa USA ang tatay niya dahil kasalukuyan Ambassador ng Philippine Embassy for USA.

Si Wayi or Walter James Figueroa naman ay dating Junior Basketball Varsity Player ng De La Salle University, mas pinili na lamang niya maging Special Force pumasok sa Seniors for UAAP. Shooting Guard ang Position niya with 6'4 ang height and he's Captain Bolt sa kanila, pero gaya na sinabi ko ay mas pinili niyang maging Special Force dahil tatay at nanay niya is Special Force too at tanging sila lang ang Protector sa kanila.

Si Miss Merline naman is anak siya ni Macario Hontaleza (S.F Hall of Famer sa Scout Agent Unit), mayroon siyang anak which is si Maylene pero biyuda siya dahil namatay ang asawa niya dahil sa Serbisyo niya as Special Force. Estudyante siya ni Ikalawang Chairman na si Theodore Savel at  naging Scout Agent Special Force siya.

Nakilala ko na sila at nakilala naman rin nila ako, at makikilala't makikilala pa namin ang isa't isa.  Sa unang mga araw sa training, lagi daw ako ang nagiging successful kaysa sa dalawa. Tinutulungan ko naman ang dalawa para maka-pasa sa training at challenges since we are in the same team. Na-overcome ko ang weakness nilang dalawa at natulungan ko silang dalawa doon. As a Special Force, tungkulin kasi ang tulungan ang iba pang Special, inside or outside the unit. Reason is to overcome their struggles at isa lang ang hangarin namin which is to bring the state still safe upon darkness.

✧✧✧✧✧✧✧✧

A few days later...

Pumunta muna ako sa puntod nila Ate Mildred at Ate Ree. Kaagad na nilagay ko ang mga bulaklak roon, isang pitad kay ate Ree at isa rin kay Ate Mildrette.

Napaupo muna ako sa harapan na iyon at sabing "Hello Ate Ree at Ate Mildrette, si Jelailah po ito." Napangiti ako bigla after ko masabi iyon.

"Sorry kung ngayon lang ako nadalaw since when I was eight, busy kasi ako sa pag-aaral noon kaya hindi ako nakadalaw simula noon." ani ko. "Actually eh nandito ako ngayon para pasalamatan ko kayo dahil inaalagaan ninyo ako noong namatay si Mama." Napaluha bigla ako na hindi ko namamalayan.

"Ate, miss ko na po kayo." sabi ko na may konting hagulgol. "Miss ko yung early child days ko na parang sarap balikan, pero wala na yun dahil nauna kayo kaagad sa akin at iniwan nyo ko."

Dito na ako nagsimulang umiyak dahil miss ko sila Ate Ree at Ate Mildrette.

"Nagpapasalamat ako dahil kung wala kayo eh hindi pa ba mag-aalaga sa akin? Hindi ko nga kilala ang lolo't lola ko at maging mga pinsan at iba pang relatives." ani ko pa. "Salamat talaga dahil kahit hindi kayo kaano-ano eh kinupkop ninyo parin ako, tapos gumagawa pa kayo ng paraan na magkaroon ng pera para lang sa sarili ko at sa kinabukasan ko."

Hinimas ko yung buntod nilang dalawa at sabi ko pa na "Sa lahat ata na batang kasing edad ko eh ako ata siguro na minalas na may swerte, namatay man nanay ko atlis may tao pang nag-alaga sa akin at sinabi pa ang totoo about sa mother ko."

Napangiti ako habang umiiyak, ang mga alaala ko ay umaandar sa utak ko tungkol sa aming tatlo nila Ate Ree at Ate Mildrette.

"Mahal na mahal ko po kayong dalawa at maraming salamat talaga sa inyo dahil kung hindi sana ganito estado ang buhay ko kung wala kayo at kung hindi kayo mabait, mapagmahal at maalaga sa akin."

Hinalikan ko ang mga buntod ng dalawa habang tatlong patak na luha roon ay dumadakadakdak roon. Tumahimik na lamang akong umalis roon habang nahimasmasan ko muna ang sarili ko. Na-miss ko rin sila. Hindi ko sila makalimutan dahil sila lang naman ang nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Hindi man lang nagtagal ang buhay nila at hindi man lang nila naabutan na naging Special Force ako, ang mahalaga ay naging katulad ko naman sila.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang oras na nakalipas, nakarating naman ako sa San Lorenzo Ruiz Church sa Navotas kung saan dito nagseserbisyo si Inay bilang Madre.Nang pumasok ako sa simbahan ay nag-sign of the cross ako with holy water na isinawsaw sa kamay ko at saka na ako pumunta sa pinaka-unahan ng gitnang row sa simbahan.

Kaagad na umupo ako roon habang tahimik na kinuha ko ang rosario ko sa bag ko, kulay pink yung mga balls pero silver yung sa may Cross sign. Nilapag ko iyon sa upuan at saka na ako lumuhod sa harap ng altar.

Ngunit may isang babaeng dumating at tumabi sa akin, lumuhod sita bigla sa tabi ko at sabing "Tara, dasal tayo."

Napatingin ako sa kanya dahil nagtataka ako kung sino iyon, hindi ko pala aakalain na si Inay pala iyon. "I-i-inay?!"

Nakangiti siya sa akin na parang angel ang peg, hindi ko alam kung paano siya nakarating sa akin, magdasal lang sana ako roon instead na bisitahin ko si Inay.

"Pa-paano-"

"Just pray, Jelailah." Kaagad na sabi ni Inay at tumahimik na lamang ako at ngumiti ng konti sa kanya.

Dito na kaming nagdasal ng Ama namin, sampung Aba Ginoong Maria at Luwalhati ng limang beses hanggang sa matapos ang cycle ng rosary na hawak ko. Ngayon lang ako nagdasal dito sa simbahan na ito as Witchcraft Special Force. Kasama ko pa si Inay na isa sa mga madre dito sa simbahan na ito. Hindi ko aakalaing ganito ang magiging bungad sa pagbalik ko dito.

✧✧✧✧✧✧✧✧

A few hours later sa bahay, I mean sa bahay ni Inay eh nag-Dinner Date na naman kaming dalawa. Ako ay nakaupo sa upuan na may table while nakaharap si Inay.

"Maayos naman ako ngayon, Jelailah." Ito ang sabi ni Inay sa akin dahil kinamusta ko ito. "Salamat sa diyos at wala nangyayaring hindi kaganda-ganda sa buhay ko ngayong araw na ito."

"Ikinagagalak ko po na marinig 'yon, Inay."

"Ikaw naman, kamusta ka naman sa pagiging Special Force mo?" Pangangamusta naman ni Inay sa akin.

"Maayos naman ako ngayon at masaya po ako na ginagawa ko ang lahat para maging Junior Rookie ng Special Force." Wika ko naman.

"Naku! Masaya kong marinig 'yan, anak." Komento naman ni Inay. "Ipagpatuloy mo 'yan."

"Pangako po, ipagpatuloy ko po ito hanggang sa dulo ng buhay ko." Wika ko naman at dinaan naman ako ni Inay sa ngiti. Tumahimik na lamang kaming dalawa ng ilang segundo, miss na miss ko si Inay kahit ilang araw o linggo na nakalipas.

Ngunit may isang bagay na kailangan kong malaman sa kanya. Kailangan ko ito malaman as future reference at paghahanda sa kung ano ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw, linggo, buwan o maging sa susunod na mga taon.

"Inay, a-ano po ba kakayahan ng Priest Mode na sinasabi mo?" Tanong ko kay Inay kaya hindi na ito makapagsalita. Nakita ko sa mata at mukha niya ang pagkagulat at pagtataka kung bakit ko ito tinanong sa kanya. "Inay, ano po ba ibig sabihin ng Pries Mode?" Dagdagan kong tanong ko pa.

"Jelailah, bakit mong-"

"Inay, hangga't maaga pa eh gusto ko malaman ang about sa abilities na iyon." saad ko at huminto sa pagsasalita si Inay. "Gusto ko lang po malaman kung ano ang mga abilities about Priest Mode." Paliwanag ko naman kung bakit ko tinanong sa kanya at para malaman ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Sige, anak." Sabi ni Inay at kinuwento na niya ang tungkol sa Priest Mode. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya habang ganoon. "Ang Priest Mode ang isa sa hidden abilities ng mga Witchcrafter. Tanging mga kumagat lamang sa mga slime ang magkakaroon ng powers na ito kahit aksidente ka pang kinagat. Ang mga abilities rito is kayang mawala ang mga projectile ng kalaban hanggang sa maging abo ito by a single glace ot it or nakatingin roon, kaya rin magpossess ng mga spiritual moves by Touching the foe and collapse, mahahati ang water projectiles by walking forward at kung ano-anong mga spiritual moves na mayroong rito."

"Bakit po tinawag na Priest Mode?"

"Tinawag kasi ang Priest Mode dahil mukhang madre raw yung suot." ani pa ni Inay.

"Pero madre ka, tama po ba?"

"Alam mo ang talagang tawag sa galaw na ito is 'Tenka', pero dahil sabi ng iba ay super madre mode raw iyon so doon ko na pinagngalan ng 'Priest Mode." ani pa ni Inay. "Alam mo Jelailah, no need to train sa abilidad na ito. Kung gusto mo talagang magkaroon ng Priest Mode, sa panahon iyan or sa edad ito bumabase."

"Ilang taon ka po pala nagkaroon ng Priest Mode?"

"I was twenty-two years old noong na-activate ang Priest Mode ko." ani pa ni Inay. "At sa kalagitnaan pa ng Artic War iyon noong Nineteen ninety-seven, tinalo ko ang limang mga bad creatures na kalaban namin sa Russia at nakita nila Diane at Leanny ang Priest Mode ko."

"Di-diane?! Le-leanny?! Sila-"

"Sila Diane Stellanna Kalembang at Leanny Quirino nga." saad ni Inay. "Kasama ako sa fifty-man unit na pinalada sa giyera mua sa Pilipinas at mga Witchcrafter lang ang maaring ideploy iyon."

Tahimik akong nakinig sa kanya habang siya'y nagkukuwento.

"Konti lang ang galing sa Pilipinas pero kung wala kami eh madadaig ang kalaban sa buong mundo at mawawala ang mga tao, mga hayop at maging mga halaman." ani pa ni Inay. "May namatay sa amin pero mga apat o lima lang due to na nag-salba yung mga buhay nila to defeat and to end that war."

Napangiti na lamang ako sa sinabi at kuwento ni Inay.

"Basta Jelailah, itaya mo ang lahat para sa Capital State at sa buong bansa." paalala ni Inay sa akin. "Kung ako ginawa ang lahat, ikaw pa kaya na isang-"

"Inay, huwag kang mag-alala." kaagad na sabi ko. "Magagawa ko po ang lahat kahit anong mangyari." Karagdagang sabi ko pa at napangiti na lamang si Inay sa akin dahil sa sinabi ko. "Nga pala Inay, salamat."

"Salamat saan, Jelailah?" Tanong ni Inay sa akin.

"Salamat sa lahat..." Sagot ko naman at ngumit na lamang ulit si Inay at may pamumula pa ang face niya. 

Nagpapasalamat talaga ako sa kanya ng marami dahil kung wala rin ang kumukupkop sa akin after namatay sila Ate Ree at Ate Mildred eh mukhang sa bahay ampunan na ko pupunta niyan. Ang mahalaga ay buhay ako, pero mas masaya kung mabubuhay ako kasama ang tumatayong ina na madre sa simbahan na Special Force Hall of Famer pa.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Kinabukasan sa isa sa mga silid ng  Special Force Center, may announcement na nagbigay sa amin si Miss Merline.

"Ako'y natutuwa sa inyo dahil tayo ang number one unit ang nasa ranking as for the moment. Alam kong Protector tayo pero mas mabuti na tayo ang nasa top." Ito ang narinig ko mula kay Miss Merline.

"Good news po, 'yon." Komento ni Wayi.

"Nga pala, dapat hindi tayo kasama sa mga ranking dahil hanggang Scout Agent lang or Sidesweeper lang naman ang maaring ma-include pero since sa sinabi ng ika-tatlong Chairman ay nasama tayo sa ranking." Paliwanag ni Miss Merline which is true na hindi dapat kasama ang Protector sa ganitong ranking.

"Ano pala ang rason kung bakit tayo nasama?" Tanong ko naman.

"Sabi kasi niya, wala naman tayong giyera na nagaganap ngayon kaya ito siguro ang dahilan." Sagot naman ni Miss Merline. "Need ko pa i-clarify pa sa kanya kung ano-ano pa ang rason kung bakit."

"Okay po."

"Anyway since you both guys are good enough, let's make a Sparring Match at tomorrow siya gaganapin." Ito ang isa pang announcement ni Miss Merline.

"Oh! Excited naman, Miss Merline." Sabi ko naman.

"Well Jelailah, ikaw ang isasalang ko for this against Keki."

"I'm so glad naman na mapili po ako." Keki stated.

"Ako din po, Miss Merline." Sabi ko naman.

"Magandang match po ito." Ito naman ang komento ni Wayi. "Ako po, ano po mangyayari?" Tanong naman niya kay Miss Merline.

"Well, kung sino mananalo sa kanilang dalawa ay makakalaban mo sa next week, Wayi." Sagot naman ni Miss Merline sa tanong ni Wayi. Nice Idea naman din para malaman din ni Wayi ang magiging strategy niya. "And the winner, ako ang makakalaban ninyo." Karagdagang sabi pa nito.

"Gandang idea naman po." Tugon ko naman.

"Well Keki and Jelailah, Goodluck for tomorrow."

✧✧

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top