Chapter 3: Enter The Swamp

JELAILAH'S POV✧

Bago pumasok sa pagiging Special Force, nagtapos muna ako ng High school not just as my requirements para makapasok sa Special Force kun'di para magkaroon ng isang karangalan para masabi sa magulang ko na nakaka-proud sila sa akin. Alam kong nakikita nila ang lahat about sa akin at naniniwala akong proud sila sa akin.

Nagtapos ako sa High school with honors. May iba pang mga honors at awards pa akong natanggap at marami pang iba na nakaka-proud kung iisipin at tignan. Si Inay naman ay sobrang bilib at proud sa akin at siya mismo ang nagsuot ng medal ko sa graduation.

Nagpapasalamat talaga ako kay Inay dahil siya yung tumayong Nanay ko noong nawala sila Mama, Ate Ree at Ate Mildred.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Kinaumagahan ng Sixteenth of May year 2010, nasa simbahan parin ako. Ilan oras na lang eh aalis na ako papuntang Special Force Center. Ito na ang panahon para gawin ko ang dapat kong gawin kung ano ang naging estado ng mga nagkasama at nag-alaga sa akin.

"Jelailah, anak?"

"Po?"

"Parati kang mag-ingat ah." bilin ni Inay sa akin "Lagi mo ng ilagay ang panginoon sa puso't isipan mo."

"O-opo, Inay." tugon ko naman.

Nakita ko ang orasan na alas-otso nang umaga at mukhang mahuhuli na ako sa Special Force Program. Kailangan ko na mauna roon baka hindi ako makapasok.

"Ay!!! Mauna na po ako"

"Sige, mag-ingat ka parati."

"I love you Inay."

Bumeso muna ako kay Inay at saka na ko daling umalis na roon. "I love you too, Anak." Reply naman ni Inay.

Actually hindi na ko babalik sa simbahan ng iilang taon due to Special Force na ako kung mapalad nga. Mamimiss ko talaga Inay. Kailangan ko na mag-stay in malapit sa Special Force Center at maghanap ng sideline job habang wala pang mission.

Babalik ako, Inay. Sandali lang.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang oras na nakalipas ay dumating na ako sa Special Force Center. Ako lang mag-isa at walang Kasama.

Pumasok ako sa loob ng Special Force Center at daling pumunta sa Main Room para sa Orientation. Umupo ako sa dulu-duluhan ng room na iyon at doon na ako nakikinig sa sinasabi ng Witchcraft Special Force Officer Chief. Saktong magsisimula ang Orientation ngayon at kahit Orientation pa lang ay natatakot ako na baka sa mataas na posisyon pa talaga ako ilalagay.

"Goodmorning, ladies and gentlemen. My name is Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez, currently the mayor or Pasay City and also the Officer Chief of Witchcraft Special Force." Pagpapakilala ng Officer Chief na iyon which is si Misis Erika Landez.

Mukhang istrikto itong Officer Chief na ito. Kilala ko siya sa pangalan dahil maliban na siya ang Mayor ng Pasay City at First Lady ng Second Chairman, naging Special Force ito bago humantong sa ganito.

"For today before we start the first day as a Special Force, I'm going to orient to all of you about the Special Force Program which all of the inhabitants aged fifteen to twenty-one years old who want to help our State will train and enhance their skills as Special Forces. Before anything else, let me tell you when the program was founded." Ito ang narinig ko mula sa Witchcraft Special Force Chief na si Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez. "The Special Force Program was formed as a law by the first chairman of the Capital State, Mr. Ellenardo Buenacarpio. On the first S.F.P, one hundred and seventy-eight inhabitants participate but ninety-nine inhabitants are assigned as a Special Force."

Kapag siya ang magiging teacher ko, hindi ako tatagal sa Special Force.

"As of the program, the security of the State will be much stronger and bolder, he enhancement of the Military Support will increase and currently, sixty percent of our State today are now a Criminal-free, Drug-Free and War-Free." Karagdagang pa nito. "Also, we are currently rank number twenty for the most strongest military in the world. If you ask that are we belong to Armed Forces of the Philippines, I'm going to answer by Yes and I guess you know the reason." Tuloy lang siya sa pag-orient sa aming lahat at ang dami niyang sinabi about sa Witchcraft Special Force.

Sa Witchcraft Special Force, may limang unit ang nakapaloob dito. Ang lima ay ang Offender, Medical Unit, Scout Agent, Sidesweeper at ang pinakamataas, ang Protector. Ang Offender ang pinakamababa sa lima pero dito mas maraming unit dahil mas madali kang makakapasok dito depende sa percentage ng Mage or Witchcraft substance ng katawan ng mayroon ka.

May mga pumapasok naman na hindi na kailangan dumaan sa Witchcraft Test kagaya ko kahit wala kang sinabi ng kahit ano kagaya ng Magulang mo ay Special Force, bumalik ka sa serbisyo, nagpaturok ka ng kung ano-ano at iba pa. Hindi ko alam kung anong clarifications sila tumitingin o sadyang may backer ako which is si Inay.

Sa ngayon, ang ika-tatlong Chairman ang Commander-in-chief ng Witchcraft Special Force habang si Ma'am Erika ang Officer Chief. Si Ma'am Leanny Quirino naman Major General at si Sir Simoune Crisologo naman ang Deputy Chief. May iba't ibang head naman ang bawat unit maliban sa dalawang mataas na unit which is Sidesweeper at Protector dahil ang Commander-in-chief ang nagma-manage dito.

Maraming naging benefits ang Witchcraft Special Force Program pero may mga bagay na nakakasira din. Example ng pagkasira ng mga bahay-bahay kapag may giyera, mga road whitening project galing sa giyera na maaring maging dulot ng malaking traffic, may mga dating Special Force na ginagamit ang kapangyarihan nila sa masama at marami pang ibang bagay na negative kung iisipin. Hindi lahat ng magandang bagay ay walang negative effect which is lahat naman ay nagkakamali at nagkakaroon ng something inappropriate thing na hindi natin inaasahan.

Ngunit sa totoo lang, mas maganda kung pumasok talaga ako dito kaysa sa maghanap ng trabaho na daming requirements na kailangan at mababa pa ang sahod. Mas malaki ang sahod ng Special Force at mas maluwag ang pag-apply nila. Walang passing score kung pasok ka o hindi sa exam nila na hindi ko naman na-take dahil hindi naman ako 25 and above at nakapagtapos ako ng Highschool, sa mga kapus-palad lang naman ang test pero kapag na-take mo ay pasado ka na, may grade na sinusundan sila like pag 0 to 100 ay offender o medical unit ka, kapag 100 to 150 ay Scout Agent at kapag 150 to 200 our of 200 ay Sidesweeper or Protector ka. Mahirap makapasa kapag Protector dahil sabi nila ay mahirap ang Exam nito kaysa sa lahat. May mga Exam na hindi makita ang tanong pero may choices na pagpipilian. Ganun ang WSFEx or Witchcraft Special Force Exam.

Sa ngayon, hindi ako kampante kung anong unit ang i-assign sa akin. It's very honor kung mataas pero nakakatakot dahil sa akin ang bato ng sisi. Mas okay na sa akin sa Scout Agent kaysa sa mas mataas pa kaysa dito.

✧✧✧✧✧✧✧✧

A few hours later, lumabas na ako sa Main Room pagkatapos ng Orientation at naghintay sa mismong Pinto ng Main Room.

Ay! Nakalimutan ko na pumunta pala sa room two-o-one.

Kaagad na pumunta na ako sa room two-o-one or room two-zero-one dahil doon raw ako pupunta. Pagkapasok ko sa two-zero-one na napakalaking room is kaagad na umupo na ko kaagad sa isang upuan doon. Walang nakakapansin at walang lumalapit sa akin ni kahit mga Special Force pa.

Hayzzz!!! Baka hindi ata ako matanggap bilang Special Force.

Ngunit may taong dumating sa akin, isang babae at medyo familiar yung face niya. "Ikaw ba si Jelailah Dela Vega?"

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako na isang Special Force ang nagtanong about sa name ko. "O-opo..."

"Halika't sumunod ka sa akin." Anyaya ng babaeng iyon habang naguguluhan ako. Ang iniisip ko ay baka dalhin niya ako sa isang puting van at wala na ako sa mundo.

"Bakit po? Sino po kayo?" Tanong ko naman.

"Ako ang mentor mo." Saad pa niya sa akin. "Nga pala ako nga pala si Merline Hontaleza." Pagpapakilala pa niya sa akin.

"Hontaleza..? Kaano-ano po ninyo si Macario Hontaleza?" Tanong ko naman sa kanya. Kilalang-kilala ko si Macario Hontaleza dahil idol ito ni Inay when it comes of this industry. Lalo akong naguluhan sa kanya at napapaisip ko na baka isa itong trap.

"Tumayo kana diyan dahil estudyante kita ngayon." Ito ang kanyang sinabi ni Miss Merline.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko, nahihiya talaga ako na baka scammer ito o sindikato dahil ayokong sumama sa hindi ko kilala.

"Huwag kang mag-alala, Special Force ako.", may pinakita siyang patunay na Special Force siya thru her I.D. Totoong Special Force siya at siya'y Manage Officer.

"Ah.... O-okay po!" Naging komportable na ako dahil sa kanya. ID lang naman pala ang ebidensya.

"Naghihintay na ang mga ka-teammates mo sa room kaya let's go na, iha." Anyayahan pa ni Miss Merline at nagsimula ito maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya ng tahimik. Kahit alam kong Special Force ang kasama ko, hindi ko maalis ang kaba dahil first day as Special Force.

Ilang segundo na nakalipas ay nakarating na kami sa magiging headquarters namin. Pagpasok namin ay napabungad ko yung dalawa pang magiging Teammates ko, isang lalaki at isang babae.

"Guys, meet your another Teammate." sabi ni Ma'am Merline sa kanila at pinakita't pinakilala naman niya ako.

"H-h-hello..." Pagbati ko naman habang nanginginig sa sobrang kaba.

"Iha, ano name mo?" Tanong ni Miss Merline sa akin.

"Ah... Ako po si Jelailah Dela Vega." sabi ko sa kanila.

"Jelailah, ah..."

"Nga pala, sila Kerry Anne nga pala at si Walter James." pinakilala naman ni Ma'am Merline sa bago kong Teammates. "Sila ang mga teammates mo."

"Eh, ano po ang unit namin?" Tanong ko kay Miss Merline bilang clarification lang

"Protector." sagot naman ng tatlo at biglang tumaas ang balahibo ko at naglakihan ang aking mga mata sa narinig ko.

Bakit ang taas ng unit ko? Akala ko, Scout Agent pero bakit? Dahil may backer ako na hindi naman counted o dahil may something sa akin na hindi ko maintindihan?

"Oo, Jelailah." Linya pa ni Ma'am Merline. "Well, Protector unit is the most powerful in Special Force Unit. Besides the number one goal is to protect the state under vast danger, the protector is also hold the seven elements as a Witchcrafter."

"Sandali lang! Bakit naging Protector pala ako?" Tanong ko pa kay Miss Merline.

"May information kami nag-base kung saan kayo maaring ilagay sa unit. Since ikaw ay honored student plus may guardian ka na naging member ng Fifth Scout Agent which is si Mother Fe, possibly iyon ang reason kung bakit napadpad ka dito."

"Kahit hindi ako nag-take ng Witchcraft Test?"

"Well Jelailah, swerte lang makapasok sa Protector dahil lahat ng tao sa buong Pilipinas or halos lahat ay nangarap na maging Protector." Karagdagang sabi pa ni Miss Merline. "Sa case mo, hindi chamba ang nangyari kun'di may something na nararamdaman ng mga higher heads noong nakita nila ang biodata mo kaya nilagay ka sa unit na ito." Ito pa ang sinabi niya sa akin.

"Ganoon ba din ang nangyari sa dalawa kong kasama?" Tanong ko kay Miss Merline pero ang lalaking magiging kasama ko sa unit ang sumagot.

"Nakapasa ako sa WSFex." Ito ang sagot ni Walter. "One hundred and sixty-four over two hundred lang naman at akala ko Sidesweeper ako."

"Nakapasa din ako sa WSFex, tapos ang score ko ay one-fifty-four." Ito naman ang sinabi ni Kerry Anne.

"Wait! P-paanong nangyari?!"

"Saka na natin 'yan pag-usapan." Ito ang sagot ni Miss Merline sa akin. "So-"

"Pero teka lang, ano po pala ang Seven Elements ng Witchcraft?" Tanong naman ni Keki kaya huminto na lamang sa pagsasalita si Miss Merline.

"Well kasama na yung apat which is Water, Earth, Fire and Air or Wind." Sagot naman ni Miss Merline. "Then yung Lightning, Nature and Cosmos."

"Wait! Give me famous person na Protector ang Special Unit?" Tanong naman ni Wayi.

"Oo nga." Ito naman ang tugon ko dahil wala akong ideya o kaunti lang ang ideya ko sa Special Force.

"Syempre! Si The Second Chairman, si Mayor Erika at si Akane."

"A-akane??! Akane Mendoza?" Ito ang kinagugulat ko dahil sa sinabi niya.

"Oo naman, Jelailah." sabi ni Miss Merline.

"Idol ko si Akane," sabi ko naman. "kaso kulang pa ko sa Stalk about her."

Ang pagkaalam ko lang sa kanya, isa siyang Special Force from 1991 to 1998. She's the first Special Force Hall of Famer who introduced. I read some based on true stories sa mga novels and some movies na din about sa kanya, lalo na noong Artic War na kung saan siya ang isa sa dahilan kung bakit niligtas niya ang buong mundo. Hinahangaan ko kasi si Akane not just about her powers but also about what she did.

"Well Jelailah, gusto mo maging Protector's Lung like her?" Miss Merline.

"Po-Protector's Lung? Anong ibig sabihin nung?"

"Siya ang bugtong-hininga ng team." ani Ma'am Merline. "So-"

"Sige po, Ma'am Merline." tugon ko naman kaagad sa sinabi niya.

"Can I be Erika Romulo? Pwede rin Diane Kalembang?" Keki.

"Actually, gusto ko maging kagaya ni Jack Ashford.." Wayi.

Napangiti na lamang si Ma'am Merline sa mga sinasabi namin. Maya-maya, sinumula pa ang iba pang explanation and lesson about sa mga elements na hahawak namin as a Protector for Orientation na rin.

Protector is the highest rank of Witchcraft Special Force. Kagaya ng sinabi ni Miss Merline, seven elements ang hawak namin. Ang alam ko lang ay apat which is Fire, Water, Wind and Earth. Gusto ko lang ito malaman na bakit pito at hindi lang apat. Also, malaki ang sahod ng Special Force even sa training pa lamang kaysa sa iba pang units.

We are now the Tenth Protector. Ang goal naman namin as for the moment is to secure the state upon danger. Wala naman nararamdaman ng matinding threat, politically or not. Sinadya lang ito dagdagan ang Protector for this Special Force recruitment dahil sa future DAW ng state.

I know it is unexpected, but it is a real honor na naging part ako ng Protector. May kasama pa akong nakapasa ng WSFex while ako lang ang hindi nag-take ng examination. Ito ang pala-isipan sa akin kung bakit nilagay nila ako sa mataas at malakas na unit sa Witchcraft Special Force.

How?

✧✧

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top