Chapter 21: The Game Begin
Maraming nagaganap ng giyera ngayon sa pagitan ng mga Gray Army at Special Force sa kung saang panig ng Far East District. Ganun pa man, lamang ang Special Force at nanalo ang mga ito ngunit hindi nila alam kung nasaan napapunta ang founder na si Celestione.
Sa isang lugar sa lungsod ng Marikina, nasa kalagitnaan ng labanan sila Keki at Wayi, lumalaban nito sa mga Gray Army na kinakaya nila itong talunin. Ito na lamang ang kanilang ginagawa pagsamantala habang hinihintay nilang bumalik si Jelailah na nasa Creper Thorp ngayon.
Binabato lang nila Keki at Wayi ang mga Gray Army kada lalapit ang mga ito sa kanila na paulit-ulit. May mga Offender na tumutulong sa kanila ngunit sa sobrang maraming bilang at dumadagdag ito, may mga Offender na nauubusan ng Mana. May mga Offender naman na tanging baril na lamang ang kanilang ginagamit ngunit hindi parin ito sapat para maubos ang mga Gray Army.
Pagkatapos batuhin ni Wayi ang isang Gray Army, sumigaw ito. "PATULOY LANG KAYO SA PAGBATO!" Ito ang bilin sa mga Offender na kanilang kasama.
"Hindi ko alam kung bakit sila dumadami." Wika naman ni Keki habang naka-abang ito sa isang Gray Army. "Kailangan natin malaman kung saan ito napaparami."
"Wala tayong ideya kung saan." Ani Wayi. "Habang hinihintay natin si Jelailah, 'yan na lang sana ang mission nating dalawa para may ideya tayo."
"Dapat talaga 'yan na lang." Tugon na lang ni Keki. "Para pagdating nila Jelailah, may ideya na tayo paano ubusin ito kaagad." Dagdag pa niya at binato niya ang isang Gray Army gamit ang kanyang pinalitaw na fireball mula sa kanyang kamay.
"Mukhang malabong matapos ang giyera na ito ng isang buwan." Wayi.
"Hindi natin masabi, Wayi." Tugon ni Keki sa sinabi ni Wayi habang humarap ito sa kanya. "Baka sa ngayon, hindi natin alam."
"Wala nga tayong alam kung saan natin nagagaling ang mga 'to." Sabi naman ni Wayi. "Sana talaga, 'yan ang mission natin."
"Kailangan parin natin alamin kung ano ang mga ito," Wika pa ni Keki. "dahil baka hindi natin alam na may kakaiba pala sa katawan nila kaya hindi natin ito maubos." Dagdag pa niya habang naka-abang ito sa mga papalapit na Gray Army.
"Wala nga silang kapangyarihan, diba?" Kaagad na giit ni Wayi.
"Hindi porke't wala, 'yun na 'yon." Ani Keki.
"Haaaayz! Bahala na!" Biglang binato ni Wayi ang isang pasugod na Gray Army at ito'y tumama, kadahilanan para ito'y bumagsak.
Patuloy lang sa laban sila Keki at Wayi kasama ang mga Offender laban sa mga Gray Army. Kahit paano, lumalaban ito ng patas sa mga Gray Army kahit alam nilang kaya nila itong talunin, tanging sa kung paano nila ito mauubos ang kanilang problema. Unti-unting naubos ang mga ito sa kinaroroonan nila kaya natapos na nila ang laban na halos hindi umabot ng isang oras.
Kahit ganoon, nag-aabang parin silang lahat sa susunod na mangyayari. Iniisip ng iba na baka may susunod na Gray Army na susugod sa kanila.
"Huwag kayong kumampante dahil baka may susunod na wave." Ito ang sigaw ni Keki bilang bilin sa mga Offender na kasama nila.
"OPO!" Tugon naman ng mga Offender na kasama nilang dalawa ngayon sa kinaroroonan nila.
Dahil rito, may mga Fireball, Waterball o Plant Blade silang hawak sa kani-kanilang mga kamay na kung anong Main Element na mayroon sila. Ang iba ay baril na lamang dahil ang mga ito ay naubusan ng kani-kanilang mga mana sa kanilang mga katawan. Tumahimik ang lahat habang nag-aabang sa kung anong susunod na mangyayari kaya tanging mga tunog ng ibon at hangin na lamang ang nag-iingay sa kinaroroonan nila ngayon.
Mayamaya, napansin ni Keki at Wayi sa isang malayong lugar na may isang nilalang at ito'y palapit sa kanila. "Oh, sh*t..." Bulong na lamang ni Way isa kanyang pinagmasdan.
"LAHAT KAYO, TUMINGIN SA KALIWA N'YO!!!" Sigaw ni Keki. "NINE O' CLOCK WEST!!!" Dagdag niyang sigaw kaya lahat ng mga Offender ayn tumingin sa mga Gray Army na pasugod mula sa malayo.
"Here we go again..." Bulong naman ni Wayi habang may hawak itong waterball sa kanyang kamay at nakatingin sa mga pasugod na Gray Army bilang pag-abang sa pag-atake.
Ngunit isang kakaibang pangyayari ang kanilang nasaksihan. Isang malaking hangin ang natangay sa mga Gray Army kaya hindi pa ito sumugod pa at ang ibang Gray Army ay lumipad na lamang sa lakas na hangin. Unti-unting natatangay ng hanging ang mga Gray Army hanggang sa wala na itong matira.
Dahil sa kanilang nasaksihan, napalula na lamang sila Keki at Way isa kanilang nakita. Maging ang mga ibang Special Force nilang kasama ay tahimik na lamang nilang pinanood ang nangyari sa mga Gray Army.
"A-anong nang... nangyayari?!" Ito ang tanong ng isang Offender.
"Saan nangagaling 'yon?" Tanong naman ng isa pang Offender.
Pagkatapos ng pangayayari na iyon, isang lalaki ang lumitaw mula sa itaas at lumundag ito sa lupa. Nakatalikod ito at tanging mahabang coat ang suot na kulay puti.
Napansin ni Keki ang lalaking ito at nalaman niya kung sino. "Huwag mong sabihin galing sa kanya ang hangin na 'yon?" Bulong na tanong ni Keki. "Huwag mong sabihin..."
"Lahat kayo, may paparating pag Gray Army kaya ihanda n'yo ang sarili n'yo sa susunod na wave." Ito ang bilin ng lalaking naka-coat at siya'y humarap sa mga Special Force.
"Si Third Chairman!" Sigaw ng isang Offender na babae.
"Sa kanya pala galing 'yung hangin kanina." Ani isa pang Offender.
Dito na lumapit sila Wayi at Keki sa kinaroroonan ng ika-tatlong Chairman. "Bakit po kayo naparito, Third Chairman?" tanong ni Keki.
"May alam na ako kung paano talunin ang mga 'yan." Sagot naman ng ikatatlong Chairman. "Nahirapan kayo ubusin, tama?"
"O-opo, Sir." Tugon naman ni Wayi.
"Alam n'yo na po kung saan nangagaling ang mga Gray Army?" Keki.
"May isang lugar na nag-i-spawn ang mga Gray Army at hindi lang isa dahil apat ang spawner ng Gray Army mula kay Celestine sa iisang lugar." Pahayag ng ika-tatlong Chairman.
"Hindi ko po naintindihan, apat na spawner sa iisang lugar?" Tanong ni Keki para klaruhin ang sinabi ng ika-tatlong Chairman.
"Ibig kong sabihin, apat sa isang lugar." Sagot naman ng ika-tatlong Chairman. "Ngunit, hindi lang apat ang spawner ni Celestine dahil higit sa sampu ang nakalap naming inpormasyon." Ani pa niya.
"Nahanap n'yo po?" Tanong ni Way isa ika-tatlong Chairman.
"Isang lugar lang ang nahanap ng Seventh Scout Agent kanina lang." Sagot naman ng Chairman. "Posibilidad, nasa loob ng mga gusali lang makikita ang mga Spawner para sa Gray Army. Ito ang dahilan bakit dumadami sila ngayon at halos buong Far East District ay may mga Gray Army na kumakalat ngayon." Dagdag pa niya.
"Papaano po 'yan, kailangan po naming sirain ang mga Spawner?" Tanong naman ni Keki.
"Mga Offender na lamang ang magagawa 'yan dahil iba ang mission n'yong tatlo." Sabi naman ng Chairman.
"Anong ibig mo pong sabihin?" Wayi.
"Maaring makalaban n'yo si Celestine." Ito ang sinabi ng Chairman sa dalawang miyembro ng Protector.
"P-po?! Akala ko ba, si Jelailah lang po?" Ikinagugulat naman ni Keki.
"For back-up purposes ang reason at si Erika na mismo nagsabi." Paliwanag naman ng Chairman.
"Back-up purposes? Hindi po ba kaya ni Jelailah mag-isa?" Tanong pa ni Keki.
"Sabi niya, kaya niya talunin ni Jelailah 'yon." Wika naman ni Wayi.
Ngunit isang Offender na lalaki ang sumigaw dahil na may nakita ito sa langit. "MAY PAPARATING MULA SA LANGIT!!!"
Dahil rito ay tumingin ang lahat sa langit at nakita nila ang isang babaeng may pakpak at may sungay. Lumapag ito sa lupa at lumapit ito kila Keki, Wayi at sa Chairman ng Capital State.
"Celestine..." Pabulong wika ng Chairman nag masaksihan niya ang babaeng iyon.
"Magaling..." Ito ang wika ng nilalang na ito na si Celestine. "Pinatumba n'yo nga ang mga alagad ko. Nakuha ninyo pang sirain ang mga kagamitan ko sa isang pook kaya wala na akong makitang mga alagad ko na lumalabas roon. Magaling talaga kayo ngunit hanggang doon na lamang ang kagalingan ninyo."
"Celestine, hindi kami papaya na matalo kami sa'yo." Ito ang giit ng Chairman.
"Ikaw pala ang sinasabing Chairman ng Capital State, Theodore Savel." Pangising ani Celestine.
"Ano ba talaga ang nais mo, Celestine?" Galit na tanong ni Keki.
"Gusto ko lang naman masakop kayo at maging parte ng aking kaharian." Ito ang paliwanag na sagot ni Celestine.
"Nagpapatawa ka ba, Celestine?" Ito ang sabi ng Chairman. "Hindi mo siguro alam na Pilipinas ang sinasabi mo. Isa pa, hindi ako ang pinakamataas na ninuno rito dahil pinapamunuan ko lang ang lugar na 'to. Papaliwanag ko lang na kapag natapos kami, hindi ka tatagal dito dahil may mga bansa ang tutulong para pabagsakin ka."
"Hindi ko papaniwalaaan ang sinasabi mo, Theodore." Kaagad naming tugon ni Celestine. "Hindi mo siguro kilala dahil ako ang anak ng reyna ng Creper Thorp."
"Creper thorp sa anong kaharian?" Tanong ng Chairman.
"Communist Kingdom." Sagot naman ni Celestien habang may pangisi-ngisi ito.
"Kalokohan..." Tugon na lamang ng Chairman.
"Kaya ko kayong talunin dahil mga tao lang naman kayo." Wika pa ni Celestine. "Noon pa naman wala kayong kwenta dahil wala naman kayong kapangyarihan noong kabataan ko pa lang. Isa pa, nagkaroon lang kayo ng kapangyarihan dahil sa usok."
"Huwag na huwag mong ila-LANG ang pagiging tao dahil mas hamak na matalino kami kaysa sa inyo." Mahanghang na wika naman ng Chairman. "Kaysa naman sa inyo na mamatay tao at masamang nilalang."
"Hindi mo talaga alam, Theodore." Pangising sagot na lamang ni Celestine. "Malalaman mo kung ito ang gagawin ko sa inyo." Wika pa ni Celestine at tinaas niya ang isang kamay.
"A-anong gagawin mo...?" Tanong naman ng Chairman na may gigil na tono. Tanging ngisi lamang ang tugon ni Celestine sa tanong ng Chairman ng Capital State habang nanatiling nakataas ang isang braso niya.
Biglang dumilim ang kalangitan na paunti-unti, isang malaking bola ang lumitaw sa kalangitan at ito'y dahan-dahang pabagsak sa kinaroroonan ng Chairman at nila Keki at Wayi. Napalula na lamang ang lahat nang makita nila ang malaking bola mula sa kalangitan.
"What the f-ck is that...?" Tanong na lamang ni Keki habang nanatiling nanakalula ito sa langit.
"H-hindi ko alam..." Ito na lamang ang sagot ng Chairman na maging siya ay nakalula sa langit.
"Ito ang katapusan ninyong lahat dahil-" Biglang huminto sa pagsasalita si Celestine nang may isang babaeng lumulutang sa kalangitan. Nakita niyang unti-unting nagiging abo ang bola mula sa kalangitan at ito'y umulan sa kinaroroonan nila Keki. Pagkatapos iyon, dito na lumapit ang babaeng lumulutang sa langit at lumapag sa harapan ni Celestine habang may pasan itong isa pang babae.
"Fanatic Girl?!" Sigaw ng isang Offender dahil ang babae na ito ay si Erika kasama si Jelailah.
"Erika..." Bulong na lamang ng Chairman nang namasdan niya si Erika.
"Wow..." Pagkamangha naman ni Way isa kanyang nakita.
"Talagang babagsakin mo ng Superior Spheroid Technique mo, Celestine." Pangising wika ni Erika kay Celestine. "Kabisado ko na 'yan, noong Arctic War pa."
"Mabuti naman at dumating ka, Erika Romulo." Pangising wika naman ni Celestine. "Hindi ako nagulat sa ginawa mo, tamang oras lang at dumating ka."
"Mana ka talaga sa nanay mo, Celestine." Wika pa ni Erika. "Kilala ko ang angkan mo, mula panahon pa ni Hadhiyah hanggang sa Panahon ng Besfriend ko."
"Si Akane ba ang tinutukoy mo?" Wika pa ni Celestine at ito'y humalakhak pagkatapos.
"Alam kong na-brainwash mo ang bestfriend ko kaya nagkaroon ng Second Atheist Host dito sa Capital State." Ani Erika.
"Sandali lang, Mommy! Ibig sabihin po ba, siya ang may kasalanan ng lahat?" Dito umeksena si Jelailah na tanungin ito kay Erika.
"Tama ka, Jelailah." Sagot naman ni Erika habang nakangising tingin ito kay Celestine. "Siya ang dahilan kung bakit nag-iba ulit ang idol mo." Dagdag pa ni Erika kaya biglang nangagat ito ng labi sa sobrang galit si Jelailah habang tumingin na ito kay Celestine.
"Kalaban mo naman si Akane, hindi baa ko nagkakamali?" Pangising tanong ni Celestine kay Erika.
"Alam ko ang lahat tungkol sa Creper Thorp simula noong nakilala ko si Akane." Ani Erika. "Kagaya ng sinabi ko, alam ko ang lahat mula sa pagmumuno kay Hadhiyah hanggang sa kasalukuyan."
"Talaga?" Binaba ni Celestine ang kanyang kamay habang lumayo ito ng dalawang hakbang kila Erika. "Kung ganoon Erika, hindi ako lalaban sa'yo kaya hihintayin ko ang araw." Biglang naglaho si Celestine sa kanyang kinaroroonan.
Dito naman lumapit sila Keki at Wayi kasama ang ika-tatlong Chairman. "Bakit hindi mo na lang kinalaban si Celestine?" Tanong ng Chairman kay Erika.
"Takot si Celestine sa'kin kaya ito ang rason kung bakit siya tumakas." Humarap si Erika sa kanilang lahat na mayroong asul na balintataw sa kanyang mata. "Fanatic Vision ko pa lang, natatakot na siya."
"Ano na po pala ang susunod na pangyayari?" Tanong ni Keki.
"Kayong dalawa, sumama kayo sa akin dahil may plano na ako ngayon." Ito ang sabi ni Erika sa dalawang Special Force. "Theo, utusan mo na lang ang lahat na Offender na sirain ang Spawner na makita nila sa bawat gusali dito." Sabi naman ni Erika sa Chairman.
"M-may plano kana?" Chairman.
"Hayaan mo kaming i-deploy dahil alam ko na kung saan papunta si Celestine." Tumingin si Erika sa isang lugar habang naging madilim na bughaw naman ang kulay ng kanyang balintataw at nakita niya ang mga pakas ng paa sa lupa na tanging siya lang ang nakakakita dahil sa kakayahan ng kanyang balintataw. "Alam ko na ang kahinaan ni Celestine."
"Okay! I'll deploy four of you guys and bahala na kayo." Wika na lamang ng Chairman. "Ako na bahala sa the rest." Sabi pa niya at ito'y lumayo at umalis sa kinaroroonan nila Erika para gawin ang isa pa niyang plano.
Tumingin si Erika sa langit at isang salit ang kanyang binitawan "Now, the game begins."
✧✧
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top