Chapter 19: Waiting For So Long
Sa isang lugar sa lungsod ng Marikina, isang malaking batalyon ng mga Special Force ang nagtipon-tipon sa iisang kinaroroonan ngayon. Sila'y nag-aabang ng kanilang mga kalaban at ang inaasahan nilang Gray Army ang kanilang kalaban.
Hindi maganda ang kalangitan ngayon dahil malapit na ito dumilim, hindi maganda ang
"Lahat kayo, magsihanda!" Sigaw ng isang Special Force bilang bilin ito sa mga kasamahan nila. Dito na nagsihanda ang mga ito, hawak ang kani-kanilang mga sandata at ang iba naman ay may bitbit ng mga Fireball o mga Waterball.
Ngunit isang babaeng may pakpak ang lumabas sa gusali mula sa pinto, naglalakad ito palabas ng gusali at tanging sarili lamang niya ang kanyang kasama. Rosas ang kulay ng buhok, may pakpak sa likod nito, may hugis ekis sa buong mukha, may sungay sa gitnang noo at halos kulay rosas ang kanyang suot. "Kayo pala ang mga kawal sa lugar na ito." Wika ng nilalang na ito.
"HOY! NASAAN ANG MGA KINIDNAP MO?!" Ito ang sigaw ng isang Offender ngunit hindi lamang ito sinagot ng nilalang na iyon.
"Mukhang ako ata ang gusto nilang kalabanin." Pangising wika ng nilalang na ito. "Hindi nila kilala kung sino ako dahil ako lang naman si Celestine, ang makapangyarihan sa buong kalawakan." Ito pa ang dagdag niya bilang pagpapakilala ito sa kanyang sarili.
"HOY! TANGGAPIN MO ITO!" May isang offender ang biglang binato ng isang malaking fireball papunta kay Celestine, ngunit dahan-dahan ito naglaho papunta sa kanya kaya hindi naging matagumpay ang atake na iyon.
"Sandali! P-paanong nangyari 'yon?" Ito ang ikinagugulat ng isang Offender nang masaksihan niya ang pangyayari.
"First time ko makita ng ganyang pangyayari." Ito naman ang komento ng isa pang Offender. "Hindi ko akalain na maglalaho 'yon na parang bula."
"Ako si Celestine, at kung sino ang kumalaban sa akin ngayon ay tiyak kong hindi kayo mananalo sa akin." Wika ni Celestine bilang pagpapakilala ito sa lahat ng Offender na nasa harapan niya. "Alam ko sa sarili ko na napakalakas ko kaysa sa inyo kaya kung ako sa inyo ay sumuko na lamang kayo at maging parte na lamang kayo ng aking magiging imperyo." Dagdad pa ni Celestine.
"Hindi kami papayag sa nais mo!" Sigaw ng isang Offender na babae. "Pinatay mo na lahat ng mga kasapi namin, lalong lalo na si Miss Merline at ang panganay na anak ni First Vice Chairman na si Eumie! Wala ka pang konsensya!" Dito na nagkagulo ng matinding ingay pagkatapos nito.
"Mamatay tao!"
"Dapat sa'yo, mamatay!"
"KILLER!"
"SALOT SA LIPUNAN!"
"Talaga lang ah..." Komentong bulong lamang ni Celestine dahil sa sobrang ingay na kanyang naririnig. "Tignan natin kung ano kaya ang kaya nilang magawa." Dito na lumabas mula sa kanyang likuran ang maraming bilang ng mga Gray Army at ang mga ito'y sumugod papunta sa mga Offender. Nanatiling nakatayo lamang si Celestine sa kanyang kinaroroonan habang pinapanood niya ang labanan sa pagitang nga mga Special Force at ang kanyang mga sundalo.
Dito na nagbabatuhan ng mga Fireball at Waterball ang mga Offender sa mga kalaban nilang Gray Army. Iniisa-isa nilang pinagtutumba ang mga Gray Army na lumalaban sa kanila kahit kamao pa ang kanilang ginagamit sa pakikipaglaban. May mga Offender Special Force na hindi nila makaya pang talunin ang mga Offender ngunit may mga kapwa Offender ang tinutulungan ng mga ito kaya nakakaligtas ang mga karamihan na Offender sa mga Gray Army.
"Kahit anong gawin pa nila, hindi nila ako matatalo." Wika naman ni Celestine habang pinapanood niya ang laban na giyera ang nangyayari. "Kung may kakayahan silang maging kagaya ako, dapat lang may mga kapangyarihan sila na kayang na kagaya ko dahil ang kanina ay galing sa akin kung paano naglaho ang bolang gawa sa tubig. Hindi nila alam na kaya ko gumamit ng kapangyarihan gamit lamang ng aking utak at ito ang wala sa kanila kaya ayokong umatake sa kanila dahil alam kong mananalo ako. Mas mabuti na lamang sila mismo ang umatake sa akin at kung sino man kagaya nang kay Eumie at Merline ay hindi rin sila mananalo sa akin."
Hindi na lamang ito tinapos ni Celestine na panoorin pa ang laban kaya ito'y pumasok na lamang sa gusali na kanyang pinagtataguan habang ito'y nag-iwan ng isang salita. "Hindi ito mahirap sa akin kung sino man ang makakalaban ko at madali ko nang sakupin ang lugar na ito."
✧✧✧✧✧✧✧✧
Sa Capital Palace naman, may nakalap ng balita mula kay Leanny at kay Theodore mismo ito sinabi. "Si Erika ay nasa Creper Thorp?!" Ikinagugulat ni Theodore, ang ika-tatlong Chairman at kasalukuyang Chairman ng Capital State.
"Tinuturuan niya raw si Jelailah." Wika ni Leanny bilang dagdag itong kwento. "Since gusto niya si Jelailah ang makakatapat kay Celestine, nais niyang isanay si Jelailah at turuan niya ang isa sa kanyang signature move na kanyang pinatumba sa mga Fallen Angel noong Arctic War." Karagdagang wika pa ni Leanny.
"Ano naman ang kanyang tinuturuan?" Tanong naman ni Theodore kay Leanny. "At bakit nais niyang turuan si Jelailah sa mismong Creper Thorp?" Isa pang tanong ni Theodore.
"Hindi ko po alam kung ano ang rason kung bakit sila nandoon ngayon." Ito na lamang ang sagot ni Leanny dahil wala siyang ideya kung bakit. "Ang alam ko lang ay nasa Creper Thorp po sila at sinabi niya ito ng isang Clone niya na nasa City Hall ng Pasay City ngayon."
Biglang tumunog ang telepono ni Theodore kaya dito na sinagot ang tawag na ito. Kinuha niya iyon at hawak ito habang nakalagay ang speaker sa tenga. "Hello?"
"This is the spokesperson of the President. What is the status of the war right now?" Isang lalaki ang nagsalita kaya nagsimula ang pag-uusap nila sa telepono.
"Sir, it is still going the war, pero kinakaya naman ng mga Offender Special Force dahil mga walang kapangyarihan ang kalaban. Musta na po pala si Mister President?"
"Still nasa bahay lamang ito sa Tarlac dahil delikado talaga ngayon sa Capital State. Well, para lang naman din ito sa kaligtasan ng ating pangulo kaya mas mainam na siguro dahil sinabi niya na baka madawit pa siya sa gulo pero hinahanap parin kami ng paraan para masugpo ang kaguluhan na 'yan lalo na sa Marikina at Pasig. Ikaw ba, kamusta naman?"
"Sa ngayon, maayos naman at safe parin rito sa Capital State. Mas gugustuhin ko pa nga i-deploy ang aking sarili pero wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko kaya naghahanap parin ako ng paraan para sumabak muli ako sa giyera na ito."
"Para lang din sa kaligtasan mo, huwag ka na lang siguro pumunta at hayaan mo na lamang si Madam Mayora ang magtapos ng giyera na 'yan."
"Pero Ispoks, isa rin akong Special Force kaya gusto kong sumabak doon."
"Alam ko 'yon, Chairman. Ngunit nag-aalala rin kami sa'yo dahil isa kang Chairman ng Capital State. Maging kay Erika ngayon dahil balita ko ay nasa ibang lugar na ito kasama ang isang Estudyante ng yumaong Merline Hontaleza."
"May tiwala ako kay Erika kahit anong mangyari pero nais ko ring lumaban kaya hihintayin ko na lang kung anong araw na ako na or kami na nila Erika, Leanny at mga First Unit."
"Siya nga pala, kami'y nakikiramay sa pagkawala ng iyong estudyante na si Merline at ang unang anak ng unang Vice Chairman ng Capital State na si Eumie Chen. Sabi ng ating pangulo, idedeklara sila bilang bagong mga pambansang bayani ng Pilipinas pagkatapos ng giyera na nagaganap ngayon sa Far East District."
"Nakakalungkot po kasi na siya pa nauna sa akin, pero ginagawa rin ni Merline ang lahat kaya proud na proud ako sa kanya na lumaban siya sa Mastermind ng giyera na ito. Maging din kay Eumie dahil pinili niyang maging kagaya siya ng kanyang ina na si Lady Euanne."
"Siya nga pala, magpapadala ng maraming Battalion ang Philippine Army at Air Force para dagdag lakas lang ito sa mga kalaban natin at galing na ito sa ating mahal na pangulo."
"Mabuti po kung gano'n, Ispoks."
"Oh siya! Ito na lamang ang aking balita kaya mag-ingat ka parati, mahal naming Chairman ng Capital."
"Ingat po." Ito ang huling wika ni Theodore kaya binaba niya ang tawag at nilagay ang telepono sa kanyang mesa.
"Sino kausap mo?" Tanong ni Leanny kay Theodore.
"Si Ispoks lang naman dahil nakikiramay siya sa pagkawala nila Eumie at Merline." Sagot naman ni Theodore. "Isa pa, magdadagdag pa ng batallion ang Army at Air Force agad-agad habang nagaganap ang giyera roon."
"Magandang plano, Theo." Komento naman ni Leanny. "Sige na at kailangan ko na pumunta ng Far East District para kamustahin ang mga nandoon." Ito nag huling wika ni Leanny kay Theodore at dito na siya umalis sa kanyang kinaroroonan kaya't si Theodore na lamang ang naiwan sa kanyang opisina.
Pagkatapos iyon, may binulong si Theodore sa kanyang sarili. "Erika, pakibilisan naman at gusto ko nang tapusin ang giyerang ito."
✧✧
JELAILAH'S POV
Nakatayo ako sa isang malaking bato habang nakataas ang isang paa ko at may bitbit akong mga bato sa magkabilang kamay ko. Ito kasi ang parte ng pagsasanay sa akin ni Mommy about sa Five Stance na sinasabi niya kaya ko ito ginagawa. Medyo masakit ang aking paa dahil halos 20 minutes na ako nakatayo na ganito sa mismong bato pa.
"Mommy... M-matagal pa po ba?" Tanong ko kay Mommy habang nakatayo parin ako sa ibabaw ng malaking bato at nakataas ang kaliwang paa ko.
Si Mommy naman ay naka-indian seat lamang ito sa lapag habang may ginuguhit ito sa sahig. "Forty minutes pa, Jelailah."
"Hindi mo pa pwede gawing trenta na lang?" Pakiusap ko naman.
"Intense kasi ang training natin kaya isang oras kang tatayo d'yan." Sabi pa ni Mommy habang may ginagawa ito sa sahig. "Kailangan natin matapos ang Training na ito sa lalong madaling panahon per huwag ka mag-aalala dahil iba ang timezone rito kumpara sa tunay na mundo natin."
"Ano pong ibig mong sabihin?"
"One hour here is equal to 6 hours in earth." Sabi pa ni Mommy at huminto ito sa kanyang ginagawa habang lumingon ito sa akin.
"Wait! Ang bilis naman kapag ganoon, Mommy?" Giit ko naman habang nanatling nakataas ang isang paa at nakatungtong sa ibabaw ng malaking batong aking kinatayuan. "Paano po natin mapapabilis ang lahat kung 4 hours rito ay isang araw na sa mundo natin?" Tanong ko naman.
"You're become stronger after we left here." Sagot lamang ni Mommy habang tumayo ito ng maayos. "Sabi kasi ni Akane, malaki ang impact kapag dito tayo magsasanay o makipaglaban kaya kapag umalis tayo sa mundong ito kaagad-kagad at makabalik tayo roon ay magiging iba ang galaw mo dahil parang bumilis ang galaw mo kaysa sa kanila."
"Hindi ko po gets, Mommy." Sabi ko na lang sa kanya.
"Malalaman mo 'yon kapag kakalabanin mo na si Celestine." Ito na lang ang sinabi ni Mommy sa akin habang siya'y lumapit. "You got thirty minutes left kaya galingan mo pa sa pagbalanse mo d'yan, Jelailah." Bilin ni Mommy sa akin kaya hindi ko alam kung tatagal pa baa ko rito.
"Paano po pala kapag hindi ko natapos ito sa loob ng isang oras?" Tanong ko kay Mommy.
"Kapag ganyan, uulit tayo sa simula." Sagot naman ni Mommy at dahil dito ay nawalan ako ng balance at nahulog na lamang ako sa ibabaw ng bato, nakahiga na lamang ako sa lupa at dahil rito ay nabitawan ko ang hawak kong mga bato sa mga kamay ko habang nakaramdam ako ng kirot sa aking isang paa at maging sa aking likod. "Kagaya 'yan, uulit ka ng isa pang oras."
Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinaroroonan ngayon habang kumikirot parin ang aking paa at ang aking likod. "I-isang... o-oras... p-po ba?" Tanong ko naman.
"Yes, Jelailah." Pangiting sagot ni Mommy. "You should rest for fifteen minutes for a while and later on ay uulit tayo."
"Bakit po fifteen minutes?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na lang po twenty?"
"Like what I said, intense ang training natin." Sagot naman ni Mommy kaya hindi na lamang pa ako tumutol. "So, you should rest muna at babalikan kita mamaya dahil may pupuntahan ako rito." Ito ang huling sabi niya at dito na siya naglakad palayo sa akin kaya naiwan na lamang ako rito sa kinaroroonan ko. Pinanood ko na lamang si Mommy na umalis habang ako'y nakaupo na lamang sa lapag at nakasandal ako sa malaking bato.
"Jusmeyo! Hindi ko alam kung nasa tamang desisyon ako ngayon." Bulong ko na lamang sa sarili ko habang nakayuko na lang ang aking ulo at nakaupo. "Hindi ko alam kung bakit ito ang tinadhana sa akin pagkatapos nam*tay si Miss Merline."
Tumingin ako sa langit habang nagsalita ako. "Lord, ito po ba ang itinadhana sa akin?"
✧✧
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top