Chapter 18: The Next Plan
Kinabukasan ng umaga sa isang silid sa loob ng Capital Hall pagkatapos ng isang masalimuot na pangyayari kay Merline Hontaleza at sa iba pang Special Force, may pagpupulong nagaganap kila Erika kasama ang ika-tatlong Chairman ng Capital State at ang mga katas-taaasang ito. "Kailangan natin ng bagong mentor para sa tenth Protector. Hindi natin inaasahan ang nangyari kay Merline." ito ang wika ng ika-tatlong Chairman sa kanila dahil sa nangyari kay Merline, ang Captain ng Tenth Protector.
"Ah... May nakalap kami ang about sa kalaban natin, Chairman." Dito naman nagbigay ng inpormasyon si Leanny tungkol sa lider ng sinasabi nilang kalaban nila ngayon. "May pakpak siya tapos kakaiba ang mata niya, maputi at tao siya pero kakaibang witchcrafter siya kaysa sa atin." Wika pa ni Leanny habang may binigay siya sa ika-tatlong Chairman ng isang folder na nilalaman ng mga dokumento.
"Okay!” Tugon naman ng ika-tatlong Chairman habang binuklat niya ang folder at kanya itong binasa.
"Masyadong malakas ang nilalang na iyon. Lahat ng mga sibilyan na kinidnap niya ay ginawa niyang alagad." Karagdagan pa ni Leanny.
"Mukhang mahihirapan tayo ngayon kung paano natin siya patutumbahin. Kailangan ng malakas na witchcrafter na maari nating i-deploy." ani naman ni ika-tatlong Chairman.
"Nga po pala, Celestine ang pangalan ng tinutukoy ko. Sa kanya rin galing ang mga gray army na naghahasik ng lagim ngayon sa Far East." ani pa ni Leanny bilang dagdag impormasyon sa kalaban nila ngayon.
"Ikaw, Timmy? May plano ka ba kung paano matalo ang sinasabi Celestine?" Tanong ng ika-tatlong Chairman kay Timberline.
"Hindi ko alam, Theo. Wala akong ideya sa mga abilities ng sinasabi ni Leanny." ganito na lamang ang sagot ni Timmy. "Hindi natin kilala ang Celestine na ‘yan. Hindi nga natin alam kung tao ba ‘yan o baka nga alien. Hindi nga rin natin alam kung talag Creper Thorp ‘yang Celestine na ‘yan."
"May nakalap rin pala ako na kayang pumatay si Celestine ng isang kindat lang. Pero karamihan sa mga Special Force natin na may Two-Way Vision kaya naka-survive sa attack niya." ani pa ni Leanny. "Kaya din niya mag-switch place sa target niya through fingersnapping. Hindi talaga birong kalabanin ang Celestine na tinutukoy ko dahil mas mabilis parin ito kaysa sa atin." Karagdagan pa ni Leanny.
“Ang lakas naman pala ‘yang Celestine na ‘yan.” Komento naman ni Timberline. “Mukhang Malabo kung isa-isa tayong lalaban sa kanya. Isa pa, hindi na natin makakaya ‘yang Celestine na ‘yan dahil out of the prime na tayong lahat. Kung sana umusbong ‘yang babaitang ‘yan noong Arctic War at may pag-asa pa tayo.”
“Kahit siguro si Akihiro at Akane kung buhay man sila, hindi natin kaya ‘yang Celestine na ‘yan.” Ito naman ang wika ng ika-tatlong Chairman.
"Ano pa ba kaya gagawin natin d’yan?" Tanong pa ni Amygee sa kanila habang ito’y tumayo sa kanyang kinauupuan. "Alien yata ‘yang Celestine na ‘yan kaya napakalakas ng h*yop na ‘yan.”
"Leanny, do you have a plan to fix this?" Tanong ni Theodore kay Leanny. "Tutal, nasa iyo naman nakalap ang mga scouting report mula sa mga Offenders at scout Agent natin."
"Sa ngayon ay wala pa, Sir." sagot nalang ni Leanny. "Kailangan natin ng malakas, masyadong experiencing at mas batang Special Force kaysa sa atin. Even na ako ang Vice Chairman ng State na ito, wala rin akong kakayahang talunin si Celestine dahil out of the prime na rin ako."
"Kung si Diane kaya?" Ika-tatlong Chairman.
"Hindi kakayanin ni Diane." wika pa ni Leanny. "Siya pa nangaling na baka mam*tay siya kaagad against Celestine." Karagdagan pa nito.
"Eh ikaw, Erika?" Dito naman tinanong ang ika-tatlong Chairman si Erika mula sa dulo ng lamesang kinaroroonan nila ngayon. Ngunit nakayuko na lamang ito si Erika sa kanyang kinauupuan at malalim ang kanyang iniisip. "Erika, may problema ba? Are you okay, Erika?" Pag-aalalang tyanong
"Baka nag-iisip siya kung paano niya talunin si Celestine." Ito naman ang winika ni Timmy habang nakatingin ito kay Erika. "Baka siya may ideya kung paano nga ‘yon talunin dahil siya nga may Macrocosmic Vision."
"Bes?" Kinalabit ni Amygee si Erika at ito’y tumingin sa kanya. “Ayos ka lang?” Tanong pa nito kay Erika pero tahimik lang si Erika habang nakatingin ito sa mga kasamahan niya.
Ilang Segundo lang tumahimik ang kinaroroonan nila, hanggang sa tumayo si Erika sa kanyang kinaroroonan. Kinuha ko ang maliit na Flag ng Pilipinas at ng Capital State.
"Si Jelailah..." sagot ni Erika at biglang nagsitaasan ng tono ang kanyang mga kasama dahil sa gulat. Naglakihan ang mga mata ng ika-tatlong Chairman at maging si Leanny, takip-bibig naman si Amygee habang hindi na makapagsalita si Timberline ng maayos at ito’y nauutal-utal sa kanyang narinig.
"J-jelailah?!" Pagtatakang tanong naman ni Timberline.
"Si Jelailah ang makakatalo kay Jelailah." Paliwanag naman ni Erika. “Anong masama kung si Jelailah?” Tanong naman niya sa kanila.
"Bakit hindi ikaw?" Tanong ni Leanny sa akin. "Nasa iyo naman ang lahat, ah."
"Mas matanda na ako sa ganito at baka hindi ko matatalo si Celestine ng isang araw without rest." ani Erika. "Sabi n’yo na mas bata, di’ba? So, si Jelailah ang mas match or mas mismatch kay Celestine."
"Sigurado ka na si Jelailah?" Pagtatakang wika ng Ika-tatlong Chairman. "Eh kung si Jelailah nga eh sino magiging Mentor niya?"
"Ako muna magmamanage sa Tenth Protector pagsamantala." sabi ni Erika habang nilagay niya ang dalawang maliit na watawat sa lamesa. Nagulat pa lalo ang lahat dahil sa sinabi ko na ako ang substitute mentor ng tenth Protector pagsamantala.
"Erika, kala ko ba for Aron's future ang-" Magsasalita na sana si Leanny pero biglang nagsalita si Erika kaya hindi na ito nagpatuloy pa.
"Anak ko nang ituring si Jelailah kaya gusto ko na ako muna ang mag-mamanage sa Tenth Pro. Alam ko ring kayang talunin ni Jelailah si Celestine at na-predict ko ‘yon."
"Eh bakit si Jelailah pa?" Tanong naman ni Timberline habang tumayo ito sa kinauupuan niya.
"May kakaibang abilities si Jelailah na tanging siya lang at ang isang move niya ang magpapatumba kay Celestine." Paliwanag pa ni Erika habang umupo ito sa kanyang kinauupuan."Mabuti nalang na may ganitong abilities si Jelailah. Hindi ko alam kung ano ang move na iyon pero alam ko na si Jelailah lang ang tanging Witchcrafter na magpapatumba sa Celestine na tinutukoy ni Leanny. Isang napakabanal na teknik ang gagawin niya at sure na sure na tapos ang buhay ni Celestine."
"Erika, anong ibig mong sabihin?" Tanong pa ng ika-tatlong Chairman kay Erika.
"Remember mother Fe? ‘Yung madreng Witchcrafter?" Ani Erika. "Di’ba, inampon ni Jelailah si Mother Fe? Baka sigurado isa sa reason kung bakit magkakaroon ng Priest Mode si Jelailah. Baka nga kinagat nga siya ng Living slime.”
“Saan mo nakwento tungkol d’yan, Erika?” Tanong naman ni Leanny kay Erika.
“Kinuwento sa akin ni Mother Fe during birthday ni Jelailah kasama si Merline.” Sagot naman ni Erika. “Nagbigay siya sa akin ng isang malaking babala na maaring maging makapangyarihan si Jelailah sa isang oras, isang araw o isang minute depende sa kung paano niya gamitin ang Priest Mode.” Paliwanag pa niya.
“Priest… Mode..?” Wika ni Timberline. “Huwag mong sabihin magkaka-ganoon si Jelailah?”
“Yes, Timmy.” Tugon ni Erika. “Kampante akong magkakaroon siya ng Priest Mode.” Dagdag pa niya. “Kaya ako na magtatake-over sa Tenth Protector. Paniguradong tapos ang usapan na ito at paghahanda ko na rin para sa pagiging mentor ko kay Aron at sa dalawang future Protector." Erika.
"S-sigurado ka, Erika?” Ikatatlong Chairman.
"Oo, Theodore." paniguradong sagot ni Erika. “Siguradong-sigurado.”
"O-okay!" Tugon ni Theodore.
"Eh ano ba ang plano mo?” Tanong ni Amygee sa akin.
“Oo nga! Ano plano?” Inulit naman ni Leanny ang tanong ni Amygee kay Erika.
Habang ganoon, tumayo si Erika sa kanyang kinauupuan at ito’y lumapit sa bintana kaya nakadungaw ito sa labas ng Capital Palace. Dito na sinagot ni Erika ang tanong nila sa kanya. "Tanging sa Tenth Protector ko na sasabihin ang plano ko na para sa kanila."
✧✧
JELAILAH'S POV✧
Ako ngayo’y nasa hospital, binabantayan ko ang aking kasintahan na si Jadren. Nakaupo ako sa kanyang tabi habang ito’y natutulog para magpahinga. Kaming dalawa lang ang nasa silid na kinaroroonan ko at tanging pagbantay ko sa kanya ang tanging nagging role ko muna habang wala pa ang komandya ni Mommy.
Mayamaya ay may bumukas sa pinto. "Jelailah..." May isang babaeng tumawag sa akin kaya lumingon ako sa kanya. Si Mommy lang naman at siya’y nasa pintuan.
"P-po?”
Kaagad lumapit si Mommy sa akin ng tahimik at dahil rito ay wala akong ideya sa kanya. Napatayo na lamang ako sa kinauupuan ko at humarap kaming dalawa. "Ako na bahala sa inyo nila Keki at Wayi, Jelailah." Ito ang sabi ni Mommy sa akin kaya biglang nagtaka na lamang ako sa kanya.
"Anong ikaw po bahala, mommy?" Tanong ko naman.
“Ako na bahala sa’yo dahil ikaw ang tatapos ng gulo ni Celestine." Ito pa ang sabi ni Mommy sa akin. Hindi ko na maintindihan kung ano ang kanyang tinutukoy.
"Celestine?" Tanong ko sa kanya. “S-sino po si Celestine? At ano po ibig n’yong sabihin?”
“Celestine lang naman ang pangalan ng nangugulo sa atin ngayon, Jelailah.” Sagot naman ni Mommy. “Papaliwanag ko sa’yo kung ano ang mga abilities niya na pwede mong tapatan sa kanya. Ako na bahala sa’yo kung anong gagawin natin sa kanya at alam ko kung paano natin siya matatalo.”
“N-nagpapatawa ka ba, Mommy?” biglang wika ko sa kanya na may pagtaas ng aking tono ng pananalita dahil hindi ako naniniwala sa kayang sinasabi. “Bakit naman ako? H-hindi mo ba alam kung anong nangyari kay Miss Merline at Eumie? Nam*tay sila sa kamay ng Celestine na tinutukoy mo.”
“Jelailah, ako na nagsasabi sa’yo dahil ikaw lang naman ang magpapabago sa mundong kinagagalawan natin.” Giit pa ni Mommy. “Jelailah, para sa atin ang laban na ito kaya-“
“Mommy, nam*tayan ako ng tinuturin kong magulang, ang anak mo nama’y nam*tayan din ng tinuturin niyang kapatid. Ngayon, sasabihin mo sa’kin na ako ang lalaban sa Celestine na tinutukoy mo?” Tumalikod ako sa kanya habang kausap ko si Mommy. Naka-cross-arm ako at nakayuko ang ulo ko.
“Jelailah, makinig ka muna sa akin.” Kaagad wika ni Mommy.
“Imposible naman ang nais mo sa’kin kaya hindi ako papayag sa nais mo.” Kaagad na tugon ko naman habang nanatiling nakatikod sa kanya.
Tumahimik kaming dalawa ng ilang segundo hanggang si Mommy na naman ang nagsalita. “Alam kong napaka-dreadful ang fate mo simula noong pagkabata, alam kong nawalan ka ng magulang noong sanggol ka pa lamang at nawalan ka rin ng tinurin mong mga kapatid noong pitong taon gulang ka palang, alam kong hinahanap mo parin ang liwanag para mawakasan ang sinasabi mong DREADFUL FATE. Hindi ko naman sinasabi na naranasan ko ang sa’yo dahil mabuti ay hindi ako humantong sa mga ganyang sitwasyon. Alam kong sinisisi mo ang sarili mo ngayon at napa-flashback ang lahat ng nangyari sa’yo noong bata ka pa.”
Hindi na ako tumugon sa kanya at nanatiling nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam kung kailangan kong sundin ang nais niya dahil mapapahamak lang ako sa gusto niya.
“Pero sige! Kung ayaw mo, salamat na lamang.” Ito na lamang ang narinig ko kay Mommy at narinig ko ang footstep palayo sa akin. Biglang pumasok na lamang sa isipan ko ang mga pangyayari sa akin noon. Naalala ko ang lahat kung ano ang nangyari sa akin noon, at may isang bagay na pinangako ko sa sarili ko. Ang mabasag ang DREADFUL FATE na dala ko ngayon at palitan ito ng napakagandang FATE na hinahangad ko.
“Sandali lang Mommy!” Biglang humarap ako sa kanya at nakita kong huminto ito sa paglalakad. Humarap si Mommy sa akin at ito’y lumapit ng kaunti. “May nalaman ako sa’yo na may Shaolin user ka noong Arctic War at si Ikadalawang Chairman ang nagturo sa’yo.” Wika ko dahil naalala ko rin na may binasa ako tungkol sa kanya noong High School ako at nais ko matuto ng Shaolin niya ngayon.
“Tama ka, Jelailah.” Tugon naman ni Mommy. “Bakit mop ala natanong?”
“Gusto ko matutunan kaagad ang shaolin mo.” Paliwanag kong sagot. “Papayag na ako sa nais mo basta turuan mo ako ng sinasabi mong Five Animals: Crane Stance mo.” Dagdag ko pa.
Lumapit si Mommy sa akin lalo at ito’y tumugon. “S-seryoso ka ba sa sinasabi mo, Jelailah?”
“Bakit? Anong masama, Mommy?”
“Isang taon kong natutunan ang Shaolin mula sa asawa ko at isang buwan akong nag-self-study ang Five Animals: Crane Stance.” Wika ni Mommy. “Hindi mo magugustuhan kung gusto mo ng malaking shortcut.”
“Lalaban ako kay Celestine basta turuan mo ako ng Five Animals: Crane Stance mo.”
“Seryoso ka talaga?”
“Seryoso talaga ako, Mommy.”
“Okay!” Biglang naging bughaw ang mata ni Mommy at pumatong ang kanyang mga kamay sa aking ulo. “Wag kang magsisisi. Pumikit ka.” Utos niya at ako’y pumikit. Isang malakas na hangin ang aking nadamhin habang nakapikit at wala akong ideya kung ano ang nangyayari ngayon. “Ngayon, pwede mo na imulat ang iyong mga mata.” Sabi pa ni Mommy at nang aking minulat ang aking mga mata ay nasa ibang lugar na kaming dalawa. Kulay dilaw ang kalangitan at walang kahit anong puno o kung ano-ano ang nasa paligid naming maliban lang sa isang malaking lawa at mga bato-batong lupa.
Palingon-lingon ako sa kinaroroonan ko. Hindi ko akalaing ganito ang lugar na kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako at wala akong ideya kung ano ang lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni Mommy.
“Dito kita tuturuan ng Five Animals: Crane Stance.” Ito ang wika ni Mommy. “Welcome to Creper Thorp.”
✧✧
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top