Chapter 14: Locked Down

JELAILAH'S POV

Nang pinayagan kong ligawan si Jadren, nirerespeto niya ako sa kung ano ako at tanggap niya ako. Hindi siya masyadong seloso dahil minsan ay puro lalaki ang kasama namin sa mission, madalas ay ako lang ang mag-isa sa mission at puro lalaking Offender at minsan ay mga lalaking pulis ang kasama ko. Hindi siya kagaya ng iba na naninigarilyo, pala-inom at kahit anong masamang bisyo, laging nasa tamang landas si Jadren at alam niya ang tama at mali, napaka-matured ni Jadren kumbaga kaysa sa akin. Ilang beses na kaming nag-date ni Jadren at parati siya ang sagot, nireregaluhan niya ako every week ng bagay na gusto ko at minsa'y sinasamahan niya ako sa kung saan ako pumupunta kapag rest day ko o mga araw na wala akong natatanggap ng mission.

Nakakatuwa lang na pinapakita ni Jadren kung sino siya talaga in a good and bad side. Hindi naman gaano ka-big deal ang bad side niya at wala siyang kahit anong itinatago sa akin dahil lahat ng secret niya at sinasabi niya sa akin. Ang weird lang sa kanya dahil hindi na ito kumakausap sa ibang babae except kila Mommy, Ate Diane, Ate Eumie, Ate Richane, Miss Leanny at sa iba pa niyang kamag-anak, ang weird lang pero hindi naman gaano ka-big deal sa akin dahil parang ayaw niya siguro magselos ako kahit hindi naman ako masyadong selosa, kahit kay Keki at Miss Merline ay bihira na lamang ito kumausap.

Mostly, good side ang nakaka-akit kay Jadren kaya ilang linggo na nakalipas ay sinagot ko na ng matamis ng oo at kami'y naging magkasintahan na. Tanggap naman nila Mommy, Ate Richane at sa mga kaibigan niya na ako ang kasintahan ni Jadren. Tinanggap naman ni Inay na siya ang kasintahan ko at pinayuhan ito ng kung ano basta sa ikinagaganda ko at maging sa aming dalawa.

He's my boyfriend now...

✧✧✧✧✧✧✧✧

Isang linggong nakalipas mula noong naging kami, nasa loob ako ng City Hall ng Pasay City. Naglalakad ako sa hallway papuntang Office of the Mayor na may bitbit ng isang pouch na may lamang container. Ramdam kong magugustuhan ni Mommy ang pagkain na dala ko para sa kanya, ako lang naman kasi ang nagluto ng pagkain na dala ko at favourite food lang naman ang dala ko.

Nang nasa Office of the Mayor ako, tinanong ko muna sa mga empleyado kung nasaan si Mommy. "Pwede po ba magtanong. Nasa loob po ng office si Mayor Erika?"

"Bakit po? Sino po kayo?"

"Ako po si Jelailah which is-"

"Ay sandali lang po, kausapin ko si Mayora." Biglang sabi ng empleyadong kausap ko kaya huminto na lamang ako sa pagsasalita. Umalis siya sa harapan ko para pumunta siya kay Mommy habang hinihintay ko na lamang ito bumalik.

Ilang segundo na nakalipas ay bumalik ito sa harapan ko. "Pasok ka po sa kanyang office, Ma'am Jelailah." Wika niya sa akin.

"Salamat po." Tugon ko naman at dito na ako dumiretso papunta sa office ni Mommy.

Binukson ko ang pinto ng office niya at pagbungad ko ay nakaupo si Mommy sa kamyang upuan habang nakatingin siya sa laptop. "Mommy?" Sambit ko habang pumasok ako sa office niya at sinarado ko ang pinto.

Tumingin si Mommy sa akin at bigla itong ngumit. "Oh, Jelailah..."

Kaagad na lumapit ako sa kanya at nilapag ko ang dala kong food sa lamesa niya. "Kain na po kayo, Mommy." Sabi ko sa kanya at dinaan ko ito sa ngiti.

"Nag-abala ka pa, Jelailah." Tugon naman ni Mommy habang tiniklop niya ang laptop at kinuha niya ang maliit na pouch na nilapag ko sa lamesa niya. "Mukhang masarap ito." Sabi pa ni Mommy.

"Mommy, baka kasi nagugutom ka." Paliwanag ko naman sa kanya kung bakit nagdala ako ng pagkain sa kanya.

"Ang Inay mo ba?"

"Pinadalhan ko rin po si Inay ng foods niya." Sagot ko naman sa kanyang tanong at ngumiti na lamang na nakatingin sa akin. "Kain kana po, Mommy." Sabi ko pa kay Mommy.

"Ano ba 'to?" Binuksan ni Mommy ang container ng dala ko para sa kanya. "Wow! Shanghai na may kanin at may kasamang konting kaldereta."

"Sa shanghai po, kami ni Jadren po nagluto." Ani ko naman. "Ako naman mismo nagluto ng Caldereta po."

"Salamat, Jelailah." Tugon ni Mommy sa akin at nakita ko na siyang kumakain na ng pagkaing piandala ko sa kanya.

"Walang anuman po 'yon, Mommy." Ito naman ang tugon ko sa kanya habang sinimulan na kumain si Mommy.

"Kain tayo!" Anyaya ni Mommy sa akin at dinaanan ko na lamang ito sa ngiti. "Sarap kaya ng pagkaing niluto mo."

"Naku po! Salamat na lang po at enjoy ninyo ko ang pagkain na para sa'yo." Tugon ko na lamang habang napaupo ako sa isang upuan sa harapan niya at pinapanood kung paano kumain si Mommy. "Enjoy your meal, Mommy." Pangiting wika ko pa sa kanya at nakita ko sa kanya na ine-enjoy niya ang pagkaing pinadala ko sa kanya. Nakakatuwa lang na na-appreciate niya ang

"Alam mo ba, ang swerte ng anak ko dahil ang sarap ng luto mo. Kuhang-kuha mo ang luto ko a Caldereta." Komento ni Mommy pagkatapos lunukin ang pagkaing nasa bunganga niya.

"Po? P-paano po?" Naglakihan na lamang ang mata ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Medium rare 'yung beef na niluto mo, tapos 'yung sauce ay napaka-saucy talaga." Komento ni Mommy sa luto ko at nakikita kosa mukha niya na nasarapn talaga siya sa pagkaing niluto at pinadala ko para sa kanya. "Gusto mo Jelailah, share tayo?" Anyaya pa ni Mommy sa akin.

"Mommy, kayo na lang po." Sagot ko na lamang sa kanya bilang pagtanggi pero mas gustuhin kong mag-enjoy si Mommy sa niluto namin at kumain na ako ng pagkain na iyan bago ko siya padalhan.

Ngunit biglang nag-ring ang telepono ni Mommy kaya napahinto na lamang ito sa kanyang kinakain. Binaba niya muna ang kutsara't tinidor at nilapag iyon sa kanyang mesa. "Sandali lang..." Kaagad na sinagot ni Mommy ang tawag, may pinindot siya sa telepono niya kaya naka-loudspeaker na lamang ang tawag nilang dalawa ng kasaup niya at ganito na ang narinig ko mula sa conversation nilang dalawa. "Hello?"

"This is Presidential Spokesman from the office of the President, nasa kalagayan na ngayon ang Capital State dahil may isang nilalang na nanggugulo ngayon sa Pasig at sa Taguig." Boses lalaki ang narinig ko mula sa telepono niya at mukhang seryoso ang tono niya.

"A-ano-"

"Mayor Erika, kailangan ninyo na i-lockdown ang syudad mo dahil nasa peligro na ang Capital State ngayon. Utos na ito ng ating mahal na pangulo dahil kapag nagkataon ay delikado na ang Pilipinas."

"Alam na po ba ni Third Chairman ito?"

"Oo naman, Mayora."

"Sige po, State Lockdown ko na po ang Pasay ko ngayon na mismo."

"Sige." Dito na lamang natapos ang usapan nilang dalawa. Tama ba narinig ko? Lockdown ni Mommy ang Pasay City?

"Mommy, what happen?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Ano tawag nga rito sa syudad na 'to?" Tinanong naman niya ako.

"P-pasay City po." Pautal-utal ko namang sagot at napapansin kong may kakaiba si Mommy ngayon. Maganda ang mood niya kanina pero tila ba'y naging seryoso ito. "A-ano po meron, Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Ila-lockdown ko ang Pasay." Sagot naman ni Mommy at kaagad naman itong tumayo sa kinauupuan niya.

"Lockdown? Mommy, ano nangyayari?" Dala ang aking pagtataka kung bakit iba na ang gesture ni Mommy ngayon. Napansin kong naka-activate ang Fanatic Vision niya o ang mata niya'y naging color blue. Ibig ba sabihin nito, may something sa Capital State na hindi ko alam o nararamdaman ngayon?

"Wala ka bang balita sa Mentor mo na may isang nilalang na nanguguli sa Pasig at Taguig ngayon?" Wika ni Mommy habang tumalikod ito sa nakadungaw sa bintana.

"W-wala po..." sagot ko na lamang. "Pero paano po nang-" biglang huminto na lamang ako sa pagsasalita dahil napansin ko si Mommy na biglang napatalon sa kinaroroonan niya. Napatayo na lamang ako bigla dahil sa kanya at nadala ang aking pag-aalala ko para sa kanya. "Ano po nangyayari, Mommy?"

"Mukhang gusto niya makipaglaro sa atin..." humarap si Mommy sa akin at hindi na Fanatic Vision ang nasa mata niya dahil kulay navy blue na ang pupil niya na may parang star na kulay puti. Ibig bang sabihin, may nararamdaman si Mommy na napakalakas na delubyo sa Capital State ngayon?

Kaagad naman dumating si Ate Diane sa kinaroroonan naming dalawa ni Mommy at lumapit kay Mommy. "Madam may nangyayari na-" Magsasalita pa siya pero pinigilan ko si Ate Diane dahil alam ko na ang sasabihin niya sa amin.

"Ate Diane, alam namin kaagad." Tumingin ako kay Ate Diane na diretso

"Diane, pakisabi sa lahat na dismiss ang trabaho nila ngayon hanggang nineteenth next month dahil State Lockdown na ang Pasay ngayon." utos ni Mommy kay Diane habang napatingin ako sa kanya.

"Si-sige po, Madam..." kaagad na umalis si Diane para gawin ang utos ko sa kanya. Pinanood ko na lamang umalis si Ate Diane sa kinaroonan namin kaya kaming dalawa na lamang ang natira ni Mommy.

"Jelailah, punta ka muna ng S.F Center para ihanda mo na ang sarili mo." Ito naman ang inutos sa akin ni Mommy kaya napalingon at tumingin ako sa kanya ng diretso.

"P-po? B-bakit po?" Tanong ko sa kanya at mayroong pagtataka parin ang aking utak kung bakit ganito na lamang ang nangyayari ngayon.

"Possibleng hinihintay kayo ni Merline sa Special Force Center dahil emergency na ito." Ito na lamang ang narinig ko mula kay Mommy. "Possibleng hanggang kayong mga Protector mismo ang i-deploy ng Ika-tatlong Chairman dahil ang nangyayari ngayon ay isang malapit na giyera." Paliwanag pa ni Mommy at naglakihan ang aking mga mata at tinakpan ang aking bibig ssa gulat. Giyera? Giyera for what?

"Pero paano ka, Mommy?"

"Kaya ko na ang sarili ko, don't worry." sagot naman ni Mommy. "Go to the Special Force Center right now."

"Si-sige po...", kaagad naglakad ako palabas ng office. Napapansin ko sa dinadaanan ko ay nagsiligpitan na ng mga gamit ang mga empleyado ng City Hall sa loob ng Office of the Mayor.

Nang ako'y nasa hallway at nanatiling naglalakad, kinuha ko ang selpon ko sa bulsa para tawagan si Jadren. Naisipan ko lang naman tawagan siya dahil gusto ko rin malaman na alam ba niya ang nangyayari ngayon o hindi. Kung hindi, kailangan ko talaga sa sabihin sa kanya ang lahat.

"Hello, Honeylabs?"

"Honeylabs, bakit ka napatawag? Alam mo ba ang nangyayari ngayon?" Ito ang mga tanong na narinig ko mula sa kanya. Sa madaling salita, alam na niyang may nangyayari sa Capital State ngayon.

"Alam ko, Jadren." Sagot ko naman sa kanya via phone call habang patuloy ako sa paglalakad at ngayo'y pababa na ako ng hagdanan. "Sino naman nagsabi sa'yo?"

"Tinawagan ako ni Senpai Leanny kanina bago ka napatawag at narinig ko sa balita na naguusap na ang Presidente natin kaya ngayon ay nagbibihis na ako ng damit para pumunta ng Special Force Center. Isa pa, kasama kayo palang mga Protector dahil hanggang Protector na raw ang na-deploy ni Third Chairman."

"Okay! Magkita na lang tayong dalawa sa Special Force Center dahil papunta na ako kaagad doon."

"Si Mama, nasaan pala?"

"Nasa Office parin niya at siya mismo nagsabi sa akin na pumunta na raw ako sa Special Force Center."

"Sige, magbibihin ako Honeylabs."

"Papunta na ako sa Special Force Center. Hintayin na lamang kita pag ako ang nauna sa mismong main entrance."

"Sige, Ingat Honeylabs." Ito na lamang ang huling sabi ni Jadren sa selpon ko at binaba nia niya ang tawag.

Nang tumingin ako sa selpon ko, napansin ko sa selpon ko ay dalawang notificationa ng nabungad ko at sa notification na iyon, dalawang MISSED CALL ang aking natanggap at mula pa ito kay Miss Merline. Dito ko kaagad tinawagan si Miss Merline para malaman ko kung bakit at mabuti naman ay kaagad niyang sinagot. "Hello po, Miss Merline?"

"Hello Jelailah, alam mo naman siguro ang nangyayari ngayon?" Tanong ni Mis Merline sa akin.

"Opo, Miss Merline. Papunta na po ako ng Special Force Center." Sagot ko naman habang palabas na ako ng Pasay City Hall.

"Good! Kasama natin ang Nineth Sidesweeper sa magiging operation natin at dito na namin ipaliwanag sa inyo."

"Opo, Miss Merline." Tugon ko naman habang patuloy ako sa paglalakad palayo sa Pasay City Hall.

"Okay! Maasahang makapunta ka dahil emergency ito at utos na ito ng Ika-tatlong Chairman ng Capital State."

"Okay po." Ito ang huling sabi ko at binaba na lamang ang tawag. Daling binulsa ko ang selpon ko at dito na ako kumaripas na tumakbo dahil kailangan ko magmadali papunta sa Special Force Center.

Kahit hindi ko alam ang nangyayari ngayon, kailangan ko pumunta sa Special Force Center at gawin ang tungkulin ko bilang isang Special Force. Noong nakita ko sa mata ni Mommy, masyadong delubyo na ang nangyari ngayon dito kahit hindi ko alam kung saang parte ng Capital State.

Now, Capital State is Locked down. What's next?

✧✧

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top