Chapter 10: Comfort Zone
JELAILAH'S POV✧
"Kinatutuwa kong makilala kita, Miss Diane." Ito ang sinabi ko sa kanya. Magkatabi kaming dalawa ni Miss Diane sa isang mahabang sofa habang magkaharap kaming dalawa sa isa't isa. Kaming dalawa lang ang nasa sala dahil si Jadren at Aron ay nasa kani-kanilang kwarto habang hindi pa umuuwi si Mommy at si Ate Richane.
"Hindi ko po akalain na sa lahat po na makikita kita, sa lugar na'to pa kita makikita at makilala." I added.
"Ikatutuwa ko din naman, Jelailah." Reply naman ni Miss Diane. "Kamusta naman pala rito?" Dito niya ako kinamusta ni Miss Diane.
"Maayos naman po ngayon, Miss Diane." Sagot ko naman sa pangangamusta niya sa akin.
"Tumutulong ako sa mga katulong na nandito ngayon dahil kakatapos lang po ang Preliminary Mission namin noong last week."
"Oh! Glad to know, Jelailah." Comment niya.
"Ikaw po Miss Diane, kamusta po kayo?"
"Maayos naman ako ngayon, Jelailah." Sagot naman ni Miss Diane. "Anyway, thank you for that at mabuti naman na nakita kita ngayong araw na'to."
"Nga po pala, kilala mo po si Fe Ochea?" Tanong ko kaagad sa kanya at unimon ako ng juice ng dalawang lagok. Naalala ko kasi si Inay na naging Scout Agent ito before at sa Fifth Unit siya kaya kay Miss Diane ko na lang tinanong.
"Oh! Si Mother Fe, I still remember her." Kaagad niyang sabi. "Siguro, alam mo naman na naging mag-teammate is Merline at si Fe since both of them are members of Fifth Scout Agent." Karagdagan pa ni Miss Diane.
"Yes, I know." Sagot ko naman. "But hindi naman ito na-kwento sa kanya na magka-teammate sila before.
"Sandali! Bakit mo pala natanong sa akin 'yan, Jelailah?"
"Si Fe Ochea po ang nag-ampon sa akin noong bata pa ako hanggang sa nagtapos ako ng High School." Ito ang sagot ko sa tanong ni Miss Diane.
"Mabuti naman na tinurin niya akong anak kahit madre siya at tinurin ko naman siyang nanay kay Inay ang tawag ko sa kanya." Paliwanag ko pa.
"Alam mo si Fe, isa sa magaling sa Scout Agent 'yan noong kapanahunan niya na Special Force siya." Ani Miss Diane. "Magkasama sila ng Mentor mo na si Merline, isa rin 'yon magaling sa wind element attacks."
"Opo, Miss Diane." Tugon ko naman na may kasamangt ngiti. "Alam ko po 'yon pero hindi po kinuwento sa akin ni Inay."
"Pero hindi ko akalain na may kakaibang kapangyarihan si Fe at nasaksihan ko ang lahat noong ginamit niya ang pinakamakapangyarihang ginawa niya noong nasa Sweden kami during Arctic War."
"Like... paano po?"
"Hindi ko akalain na masyadong... H-hindi ko siya maipaliwanag dahil kaya niyang patumbahin ang mga fallen angels ng isang kapa doon." Paliwanag ni Miss Diane at napapaisip ito kung paano niya iyon sasabihin sa akin. Alam kong hindi niya alam ang Priest Mode na tinutukoy ni Inay kaya nahihirapan siya magkuwento. "Basta may ginawa siyang kakaibang hindi ko maipaliwanag at tanging siya lang ang kayang sumagot."
"May kinuwento siya sa akin about po sa Priest Mode na tinutukoy niya, Miss Diane." Dito na ako umeksena para sabihin about sa nakalap ko kay Inay.
"Ano ba 'yun?" Tanong ni Miss Diane. "At paano pala naging Priest Mode ang tawag doon?"
"Sandali lang po pala, ano po itsura ni Inay or ni Sister Fe noong nakita mong may ginawa siyang something noong Antarctica War?" Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil gusto ko muna malaman about sa sinasabing Priest Mode ni Inay kaya tinanong ko ito sa kanya.
"Jelailah, it's Arctic War."
"I mean, Arctic War po. Anong itsura niya, Miss Diane?"
"Ang pagkaalam ko, mukha siyang Madre na hindi ko alam kung galing ba siya sa langit o parang galing siya sa Vatican City sa suot niya." Ito ang sagot ni Miss Diane habang nakatingala sa kisame sa kakaisip niya. "Hindi ko siya ma-specific kasi 'yung suot niya at that time but pure white a ng kanyang suot." Karagdagan pa ni Miss Diane.
"May sinabi si Inay sa'kin na kaya niyang maging abo ang kahit anong bagay na maaring tumama sa kanya sa isang tingin lang." Wika ko naman habang lumingon at tumingin si Miss Diane sa akin. "Mapa-fireball daw, waterball o kahit anong bagay po basta magiging abo sa isang tingin."
"Isa sa nasaksihan ko 'yan, Jelailah." Sabi niya habang nakaturo ang kanang kamay niya sa akin. "Ang mas namangha ako sa kanya is noong nahati niya ang isang malaking alon ng tubig na ginawa ng kalaban naming fallen angel noong panahon na 'yon." Karagdagan pa ni Miss Diane habang nakasarado ang kamay niya at nakalinga sa itaaas dahil napansin kong may iniisip ito habang nagsasalita.
"Mabuti at nasaksihan ninyo po ang nangyari noong naging part po si Inay noong Arctic War. Nakakatuwa po dahil nakatrabaho ninyo po si Inay at si Miss Merline noong panahon na 'yon." Wika ko.
"Oo nga eh..." Ito na lamang ang tugon ni Miss Diane at uminom ito ng kanyang juice. "Musta na pala siya?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya uminom at nilapag niya sa maliit na lamesa.
"Sa ngayon po, maayos naman ang lagay ni Inay, Miss Diane." Sagot ko naman sa kanyang tanong.
"Hindi ba'y naging Full-time Madre na siya?"
"Sabi niya kasi na naging Madre na talaga siya after ng Arctic War." Sagot ko pa sa kanyang tanong. "Hindi na siya sumalang pa sa iba pa niyang mission pagkatapos pa nu'ng. Noong kinopkop niya ako, siya na ang tumayong magulang ko hanggang sa nagtapos ako ng High School."
"Speaking of magulang, nasaan pala ang tunay mong mga magulang, Jelailah?" Tanong ni Miss Diane sa akin kaya naiba ang topic naming dalawa. Dito na nag-iba ang pakiramdam ko sa tanong niya.
"Wala na po sila, Miss Diane." Pakumbabang sabi ko habang napayuko na lang ang ulo ko dahil sa tanong niya. Tumahimik na lamang kaming dalawa ni Miss Diane pagkatapos. Alam kong masakit dahil ipinanganak akong nawalan kaagad ng magulang at hindi ko man sila naabutan noong panahon na mulat na ako sa katotohanan.
"Ano nangyari sa kanila pala, Jelailah? N*matay sila?" Tanong pa ni Miss Diane at tumungo na lamang ako habang nakatingin sa kanya bilang sagot kong Opo or Oo.
Kinapa ako ni Miss Diane sa balikat ko habang sabi pa niyang "Alam kong masakit pero hindi mo naman kasalanan na mawalan ka ng magulang, Jelailah."
"Alam ko po 'yon, Miss Diane." Tanging tugon ko na lamang sa kanyang sinabi. "Gusto ko maranasang yakapin ako ng tunay kong ina pero talagang tinadhana sa'kin na mawala siya sa piling ko. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa'kin kung bakit." Karagdagang sabi ko.
"Since you're currently a Special Force, nanood ang mga magulang mo mula sa itaas at hindi ka nila makakalimutan." Wika ni Miss Diane. "Since you are now the Junior Rookie, gawin mo na ang nararapat dahil para sa'yo ang ginagawa mo. Saksi sila sa ginagawa mo at alam kong proud na proud sila sa'yo."
"Alam ko po 'yon, Miss Diane."
"Kaya Jelailah, huwag kang mawalan ng pag-asa." Ito pa ang sabi ni Miss Diane. "Hindi porke't nawalan ka ng magulang.
"Salamat po, Miss Diane."
"Call me Ate Diane." Ito ang nais ni Miss Diane kung paano ko siya tawagin. "Since we are both orphan, kung kapatid na ang maituturin ko sa'yo simula ngayon." Sabi pa ni Miss Diane. Nagdadalawang isip ako sa sinabi niya na bakit niya ito sinabi.
"Opo, Ate Diane." Tugon ko na lamang. "Tuturin din po kitang nakakatandang kapatid ko."
✧✧✧✧✧✧✧✧
"Matulog kana, Aron James." Ito ang sabi ko sa bata na si Aron dahil mag-alas onse na ng gabing ito.
"Opo!" Tugon naman ni Aron at ito'y pumikit ang kanyang mga mata habang nakahiga ito sa sarili niyang kama. Dito ko na pinatay ang ilaw sa kwarto niya bago lumabas at sinarado ang pinto ng kanyang kwarto.
Noong nasa hallway na ako, isang lalaki na naman ang nakasalubong sa akin. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya sa akin habang napatalon na lamang ako sa gulat at lumingon ako sa kanya.
"Ahhhhh..." Dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon, lalong nanghina na naman ang katawan ko at tumahimik na lamang ako habang nakatingin sa kanyang pagmumukha. Si Jadren lang naman ang tinutukoy kong lalaki na nasa harapan ko ngayon, may nakasabit ng tuwalya sa balikat niya at nakasuot ito ng short at puting sando.
"Tumahimik ka na naman, Jelailah." Jadren Grinned while his hands is on his back waist. "Umamin ka na lang na may gusto ka sa akin."
Dahil sa narinig ko, pumikit na lamang ako habang nagsalita ako ng pagigil. "Ilang beses ko na sinabi sa'yo na wala akong gusto sa'yo, Jadren." Ito ang sinabi ko sa kanya at dumilat ang aking mga mata ko.
"Ganyan kasi ang nagkakagusto sa isang tao." Hirit pa ni Jadren. "Nakikita kita sa mata mo na may gusto ka sa akin." Karagdagan pa nito.
"Hindi pa porke't tahimik, may gusto kaagad?" Reply ko sa kanya. "Pwede naman sabihin na wala lang siyang masasagot ng matino o nag-iisip kung ano ang sasabihin."
"Bakit matagal ka mag-isip?" Tanong pa nito sa akin.
"Alam mo Jadren, ang dami mong tanong. Maligo ka na nga lang sa banyo." Ito na lamang ang sinabi ko sa kanya dahil ayokong sagutin ang tanong niya. Lumihis akong dumaan sa kanya para bumaba na sa papuntang kusina.
Ngunit biglang nagsalita ito si Jadren. "Iniiwasan mo lang ang tanong dahil may gusto ka nga sa akin."
Dito ako huminto na dapat bababa na ako ng hagdan. Pumikit na lang ang mga mata ko sa sobrang gigil. Naglalaban ang kahinaan at pasensya ko dahil gusto ko lang mainis, hindi dahil kay Jadren dahil gusto ko galitin ko ang sarili ko kung bakit ang juicy kong tao.
Bumaba na lamang ako sa hagdan kaya hindi ko na lamang siya sinagot ng kahit ano kay Jadren. Noong pagkababa ko sa hagdan, si Mommy naman ang bumungad sa akin kaya huminto ako sa harap niya. Nakasuot lang ito ng Blue Coat na pantulog at nakangisi ito na tila ba hindi ko maintindihan kung nang-aasar siya sa akin o masaya lang.
"Ngayon ko lang nalaman na mas mataas ang juiciness mo, Jelailah." Ito ang sabi ni Mommy sa akin. "Narinig ko pinag-uusapan ninyong dalawa ng anak ko at naaalala ko ang araw na ganyan kami ng Second Chairman noong dalaga't binata pa."
"Po?" Sagot ko naman habang ako'y nagtataka. Lumingon pa ako sa taas at bumalik ako kay Mommy.
"Napapansin kitang tulala kapag kausap mo ang anak ko na si Jadren." Sabi ni Mommy. "Kung ako sa'yo, umamin ka na lang sa kanya para tumahimik siya."
"Paano kung ligawan niya ako?" Ito ang kaagad na tanong niya sa akin.
"Edi payagan mo, Jelailah." Ito lang ang sagot ni Mommy kaya nagsilakihan ang mga mata ko sa aking narinig mula kay Mommy. "Gusto mo naman kaya payagan mo pero huwag mong sasagutin agad."
"Mommy, wala po ako panahon sa mga ganyan dahil hindi naman importante ngayon."
"Ano ka, ako noong ganyan edad mo?"
"What do you mean, Mommy?"
"Ganyan parati sinasabi ko noong araw kaya ang ending niyan ay nagkabalikan kami ng asawa ko at nagkaroon kami ng tatlong supling." Paliwanag ni Mommy. "Ayaw mo, ikaw na ang susunod sa yapak ko?" Sabi pa niya at hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o seryoso niya itong sabihin dahil sarcastic kasi ang tono ng pananalita niya.
"Mommy, hindi po ako naparito para landiin ang anak ninyo." Sabi ko naman. "Nandito ako dahil bilang parte ng pamilya ninyo at kagaya ng sinabi mo na magiging anak mo."
"At Bakit, Jelailah? Ayaw mo bang maging Mother-in-law mo ako?" Tanong ni Mommy habang ito'y ngumisi. "Parte ng pamilya, hindi ba?"
Bakit pati si Mommy ay gusto rin? Sadyang ito na ba ang panahon para magkaroon ako ng lovelife?
"Mommy, please..." Lumihis na lamang ako sa kanya habang nakayuko ang aking ulo para pumunta ng kusina.
"Pwede ka naman pumunta sa kwarto niya para umamin, Jelailah." Sigaw pa ni Mommy at narinig ko ang footsteps niya na umakyat na ito ng hagdan. Dahil doon ay huminto na lamang ako sa paglalakad at lalong nanghina ang katawan ko.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon gabi na ito. Sadyang ganito ba ang gabi ko ngayon?
Lord, please explain this thing...
✧✧
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top