Chapter 1: Dreadful Before Was Born

Twenty-five years ago...

Sa Probinsya ng Bulacan, isang lugar sa labas ng Estadong Kapitolyo ng Maynila, may isang mayamang pamilya, walang iba kun'di ang mga Dela Vega. Sila ang numero unong pamilya na nagpapa-ani ng mga pinya, mga patatas, at mga karot. Sila din ang pinakamayaman pamilya sa Bulacan noong dekada nobenta. Si Fernando Dela Vega ang tumatayong may-ari ng kompanya nila at siya rin ang may-ari ng isang siyam na hektaryang sakahan. Ang kanyang asawa naman ay si Jomarie Claire Dela Vega ay isang CEO naman ng kanilang kompanya at sa panahon na iyon ay may dinadalang-tao.

Noong mga panahong iyon ay kakarating ni Jomarie sa kalagitnaan ng siyam na hektaryang sakahan nila. Isang basket ang kanyang dala habang hinihintay niya ang kanyang asawa na matapos mang-utos sa kanilang mga trabahador. "Mahal, kain muna ng meryenda!" sigaw ni Jomarie para mapansin siya ng kanyang asawa na si Fernando.

"Sandali lang, mahal," agad sabi naman ni Fernando sa kanyang asawa at patuloy siya muna sa pag-uutos sa kanyang mga trabahador. Mayamaya ay natapos ni Fernando ang mga iyon at pumunta na siya kaagad sa kanyang asawa. "Oh mahal, dapat sa loob ka lang ng bahay."

"Eh mahal, baka malipasan ka ng gutom," pag-aalala naman ni Jomarie. "May dala akong meryenda para sa'yo."

Kaagad kinalikot ni Fernando ang basket na dala ni Jomarie at kumuha siya ng isang pirasong Maruya para kaagad na kinain niya nang makuha niya iyon.

"Masarap ba, mahal?" ngiting tanong ni Jomarie.

Nang malunok niya ang isang kagat, ramdam niya ang lambot ng Maruya habang siya'y kumakakin. "Kahit anong luto mo ay masarap parin sa panlasa mo," komento ni Fernando kaya ngumiti na lamang si Jomarie kay Fernando dahil sa sinabi ng kanyang asawa sa kanya.

Ngunit maya-maya ay may nangyari sa katawan ni Jomarie, sumasakit ang kanyang tiyan at ang bata sa loob ay gumagalaw. "Ma-mahal... Sumasakit ang tiyan ko..." Naiinda si Jomaria sa sakit mula sa kanyang tiyan at hindi na ito mapigilan pa.

"Mahal, ano nangyayari?!" pagtatakang tanong ni Fernando na may halong pangamba.

"Yung ba-bata... Pa-parang manganganak na ako..."

Dahil sa sinabi ni Jomarie, kaagad na binuhat ni Fernando ang kanyang asawa habang hawak niya ang Maruya sa isang kamay niya at sumigaw siya, "Tulong! May Manganganak!"

Ang ibang trabahador nila Fernando ay pumunta sa mga malalapit na bahay roon para makatawag ng telepono para makahingi ng tulong sa hospital, ang iba naman ay inihinto ang pag-aani nila at kaagad na tumakbo sa mismong bahay nila Fernando para kumuha ng mga kung ano-ano para mahimasmasan si Jomarie.

Dahil sa araw na iyon ay dito na isinilang ang isang babaeng Witchcraft na isa sa magpapabago sa bansa.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang araw na nakalipas mula noong isinilang ang bata, kaagad kinarga ni Fernando ang bata habang papasok siya sa kuwarto ni Jomarie kung saan siya'y naka-confine. Nang makita ni Jomarie ang kanyang asawa na may dalang bata ay napuno ang kanyang ngiti sa kanyang mukha.

"Mahal, siguro ay alam mo na kung ano ipapangalan natin sa anak natin?" sabi ni Fernando.

Nang nilagay ni Fernando ang bata sa tabi ni Jomarie, niyakap niya ang bata at dito niya sinabi niya ang pangalan ng kanilang magiging anak, "Jelailah... Jelailah ang maaring ipangalan sa anak natin, Mahal."

"Jelailah?!" Naglakihan ang mga mata ni Fernando sa kanyang narinig. "Bakit Jelailah?" tanong pa ni Fernando.

"Pinagsamang 'Jelai' at 'Laila', ibig sabihin ay 'The gift of god and the beauty of the night' ang pangalan na Jelailah," paliwanag naman ni Jomarie bilang sagot niya kay Fernando habang nakatingin siya sa sanggol. "Isang tawag lang niya, siguradong alam na niya ang lahat," dagdag pa ni Jomarie.

Wala nang magagawa pa si Fernando kundi sumang-ayon siya na ang pangalan ng kanilang anak ay Jelailah.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang linggo pagkatapos makalabas sila Jomarie sa ospital kasama ang kanilang bagong miyembro ng pamilya na si Jelailah, nanonood si Fernando ng balita mula sa Telebisyon habang tulog ang mag-iina.

"Ilang balota na lang ang natitira ay matatapos na ang State Election. Sa pagiging Chairman ng Capital State, si Akihiro Landez at Euanne Chen ay nanggigitgitan kung sino ang mananalo, habang sigurado na si Theodore Savel naman ang mananalo bilang Vice Chairman ng Capital State."

"Ang swerte ng Capital State kung si Landez o si Chen ang mananalo," Komento ni Fernando.

Habang nanonood ng balita si Fernando ay may narinig silang isang sigaw, "Dela Vega!"

Nagtataka si Fernando kung bakit may sumisigaw sa kanilang pangalan.

"Dela Vega, Lumabas ka d'yan!" inulit pa ang sigaw at mula iyon sa labas.

Sinilip ni Fernando mula sa bintana ang labas nila, at nakita niya na may maraming lalaki na nakaabang sa labas ng bahay nila at may mga dalang baril ang mga ito. Dahil rito ay patahimik na kinandado ni Fernando ang pinto at bintana para hindi ito makapasok.

"Dela Vega, Ano na!? Labas ka d'yan!" patuloy pa sa sigaw ang isang lalaki na nasa labas.

Kaagad pumunta si Fernando kila Jomarie at ginising niya ito. "Mahal.... mahal...."

Mabuti na gumising si Jomarie. "Mahal, ang aga naman-"

Kaagad tinakpan ni Fernando ang bibig ng kanyang asawa bilang pagka-tahimik niya. Bakas sa mukha ni Jomarie ang kanyang pagtataka kung bakit ganito na ang kinikilos ni Fernando. "Nandito sila, kailangan niyo tumakas na rito..." bulong ni Fernando.

"Ano?! Sinong sila?" bulong naman ni Jomarie na may halong pagtataka.

"Dela Vega, pagbilang ko ng tatlo at hindi ka lumabas ay hindi ako magdadalawang-isip na pasukin sa bahay n'yo!" Sigaw pa ng lalaking nasa labas at narinig nila Fernando at Jomarie ang sigaw na iyon mula sa kuwarto.

"Anong ibig sabihin-" biglang tumahimik si Jomarie sa kanyang nakita muka sa kanyang asawa.

Kaagad kinuha ni Fernando ang mga gamit ng bata at bag na kung saan ay mga damit at maging dokumento ng bata ang laman. "Tara na, mahal!"

Kaagad kinarga ni Jomarie ang batang sanggol na si Jelailah at tumayo.

"Isa!"

Kaagad lumabas ang dalawa sa kuwarto at pumunta sa isang bintana. Dito na nakalabas ang mag-ina habang si Fernando ay hindi ito nakalabas sa bintana.

"Dalawa!"

Lalong nagtataka ngayon si Jomarie dahil dito. "Mahal, ano na nangyayari ngayon?" tanong pa niya.

"Kayo na lang ang tumakas dito," pakiusap naman ni Fernando habang nilabas niya ang mga bag na kanyang bitbit sa kinaroroonan ngayon ni Fernando.

"Fernando?" biglang naglakihan ang mga mata ni Jomarie dahil sa narinig niya.

"Witchcrafter ako, hindi ba?" paliwanag na lamang ni

"Witchcrafter rin ako," sagot bigla ni Jomarie habang nagsimula tumulo ang kanyang mga luha.

Ngunit hindi na nagsalita pa si Fernando at daling hinalikan na lamang niya si Jomarie sa labi. Dahil dito ay wala nang magagawa pa si Jomarie kundi sundin ang utos at bilin ni Fernando. Nang humiwalay ang dalawa. Hindi na lamang nagsalita pa muli si Jomarie.

"Alagaan mo ang bata." bilin ni Fernando kay Jomarie. "Tandaan mo Jomarie, mahal kita," ganito na lamang ang huling salita ni Fernando at sinarado kaagad niya ang bintana kaya naiwan na lamang siya sa bahay nila mag-isa.

Kaagad tumatakbo na lamang si Jomarie palayo sa bahay mula sa bakod. Habang siya'y tumatakbo ay umiiyak ito at bitbit pa rin niya ang bata.

Ngunit, may nakita ang mga lalaki na may tumatakbo palayo sa bahay. "May tumatakbo!"

"Habulin n'yo!" sigaw na utos ng isang lalaki na lider ng grupo.

Maya-maya ay sinimulan na pasukin ang bahay nila Fernando habang ang isang lalaki ay sinundan si Jomarie. Tuloy sa kakatakbo si Jomarie habang bitbit ang kanyang sanggol, iyak at lungkot ang kanyang dinadalang emosyon ngayon.

Nang pumasok siya sa isang eskinita ay wala nang magawa kundi huminto si Jomarie dahil sa pagod. May nakita siyang tumatakbo papunta sa kanya, dito na inisip ni Jomarie na magpakawala ng malalakas na hangin habang bitbit ang kanyang anak na sanggol na si Jelailah.

Dahil rito ay lumayo ang lalaki dahil sa hangin na pinakawalan at tumalsik ito pero nakatayo parin na maayos. Kaagad tumakbo bigla si Jomarie palayo sa lalaking humahabol sa kanya. Nang dumating na nga sa bayan, kaagad nagtago si Jomarie sa isang eskinita. Nang masilip niya na paparating ang lalaking humahabol sa kanya, dito na pagpasyang iwanan ang bitbit niyang sanggol sa isang basurahan, maiyak-iyak siya habang nilapag niya ang kanyang anak roon at maging mga damit at bagahe ng bata.

Maya-maya ay nagpakita si Jomarie sa lalaki habang siya'y umiiyak. Ngunit daling binaril ng lalaki si Jomarie, dalawang putok ang kanyang pinakawalan na tumama sa tiyan at dibdib ni Jomarie. Dahil rito ay dumapa na lamang si Jomarie at unting-unting pumikit ang kanyang mga mata. Dito na nabawiang buhay si Jomarie, ang mga dugo ay nagkalat sa lupa. Kaagad tumakbo ang lalaking bumaril sa kanya palayo, maiwanan lang ang bangkay ng biktimang binaril niya at binawian ng buhay.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang minuto na nakalipas ay may dumating na isang basurero sa daan, papikit-pikit siyang sumisipol habang naglalakad sa daan mula sa eskinita. Nang makarating siya sa basurahan ay kaagad siyang umupo at nangalakal habang siya'y sumisipol. Ngunit hindi niya alam na may nangyari pala sa kinalulugaran niya ngayon. Maya-maya ay umiyak bigla ang sanggol, dito na narinig ng basurero at siya ay nagtataka ukol dito.

"Ano 'yon?!" pagtataka ng basurero dahil sa naririnig niya.

Napansin niya na may gumagalaw-galaw malapit sa kanya, nakita niya na may sanggol na nakalapag at nagkalat ang basura sa kanyang katawan.

"Oh! Jusko po, may bata!" halos naglakihan ang mga mata ng basurero sa kanyang nakita dahil isang bata ang kanyang nakita.

Habang ganoon ay may isang babaeng dumating sa kanya, gumagapang na ito papunta sa kanya at dugu-duguan. Ang ina ng bata na si Jomarie ang dumating sa kanya. Nang lumingon ang basurero roon, nagulat pa lalo siya sa nakita niya. "A-ale?! Ano nangyari sayo?!" Daling hinawakan ng basurero ang kamay ni Jomarie.

"M-may mga dokumento, damit at mga gamit sa loob ng para sa anak ko. K-kunin mo ang mga iyon at pati na rin ang anak ko," wika ni Jomarie habang halos dugo ang lumalabas sa kanyang bibig. "A-alagaan mo si Jelailah... M-ahal na mahal ko ang anak ko..." ito ang huling wika ni Jomarie bago mawalan na ng malay.

"A-a-ale?!" Pinapagising ng basurero si Jomarie pero huli na ang lahat. "Tulong!" sumigaw na ito para makahingi ng tulong at mabuting palad ay may mga taong lumapit sa kanya.

Dito na tinulungan ang basurero na idala si Jomarie sa hospital at maging na rin ang bata. Simulang sanggol pa lamang si Jelailah, nawalan na ito ng kanyang mga magulang.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang minuto ang nakalipas sa hospital, nakatambay ang basurero sa labas ng Emergency Room habang hinihintay ang resulta. Ang bata naman na si Jelailah ay naka-confine naman ito sa isa pang kuwarto, maayos naman ang kalagayan nito.

Nabalitaan naman na basurero na kabilang ito sa mga biktima na nangyari sa isang bahay na nilooban ng mga bandito. Ang asawa naman ito na si Fernando ay nasawi rin matapos barilin ito sa ulo at leeg.

Maya-maya ay dumating ang kapatid na basurero dahil sa pangyayari. "Ate Ree.."

"Mildrette, maayos ako ngayon," agad sagot ng basurero na nagangalang Ree.

"A-anong nangyari?!" tanong ni Mildrette kay Ree habang sabay sila umupo sa isang mahabang upuan.

Ngunit biglang lumabas ang doctor sa isang kuwarto. "Sino po kaanak ng pasyente?" sigaw na tanong ng doctor.

Agad tumayo si Ree sa kanyang kinauupuan. "Ano po nangyari sa kanya?"

"I'm sorry, ginawa namin ang lahat pero huli na ang lahat. Time of death, eight o'clock in the afternoon," sabi na lamang ng Doktor at kaagad na umalis sa kinaroroonan nilang dalawa. Hindi na makapagsalita si Ree sa sinabi ng doktor, inisip niya ang batang sanggol kung sino na mag-aalaga rito.

"Ate Ree?!" Naglakihan ang mga mata ni Mildrette sa kanyang narinig. "P-paano na 'yan?" tanong na lamang niya sa Ree.

"Wala nang mag-aalaga sa bata..." Yumuko na lamang ang ulo ni Ree habang halong lungkot at hinayang ang kanyang nararamdaman. Bumabagabag sa kanyang isipan dahil sa pangyayari.

Hindi na pa makagawa pang makapagsalita si Ree sa resulta. Nagdadalawang isip na ito kung aalagaan ba niya ito o dalhin ito sa bahay-ampunan. "Ate Ree, wala na tayo magagawa ka kundi tayo ang mag-alaga sa kanya," sabi pa ni Mildrette.

"Mildrette, wala nga tayong pangkain sa araw-araw tapos mag-aalaga pa tayo ng bata?" malumbay na sabi ni Ree. "Wala nga tayo pambili ng gatas at kahit gamot ng bata. Maski pang-libing sa magulang ng bata ay wala tayong pang-tubos," dagdag pa niya habang nanatiling nakayuko ang kanyang ulo.

"Alam ko pero wala na tayo magagawa pa, Ate Ree." sabi na lamang ni Mildrette habang hinimas-himas niya ang likod ni Ree.

Wala na itong magawa kundi ampunin ang sanggol sa puder nila. Bilin ito ni Jomarie sa kanya bago ito mawala sa mundo at kailangan niya sundin ang bilin ng ina ng bata.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Isang buwan na nakalipas mula noong namatay ang mga magulang ni Jelailah, dito na nadesisyunan ni Ree na amponin na lamang ang bata. Sila ngayon ang nag-aalaga sa sanggol bilang pangako ng ina ng bata sa kanya bago mawalan ng buhay sa pangyayari.

Nilibing sa libingan ng mga bayani sila Jomarie at Fernando dahil sila ay naging Special Force. Aprobado naman ng gobyerno ng Bulacan na ampunin nila Ree at Mildrette ang bata dahil maski magulang ng biological parents ay namatay na rin bago sumunod sila Fernando at Jomarie, binigyan din ng lokal na pamahalaan ng Bulacan ng financial assistance para sa bata na si Jelailah dahil kinabibilangan ang dalawa sa poorest of the poor.

Kahit may mga tumulong sa kanila, hindi parin ito sapat para palakihin ng maayos si Jelailah. Umaasa sila na maging maganda ang buhay kahit kay Jelailah lamang.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Limang taon na nakalipas...

Mula noon ay naging magkapatid na Mildrette at Ree si Jelailah. Hindi nila inapi ang batang Jelailah dahil sa pangakong bilin ng kanyang ina na si Jomarie kay Ree. Si Ree at Mildrette ay pumasok sa Special Force program bilang Offender. Alam nilang mahirap ang tatahakin nila pero gagawin nila ang lahat para sa kinabukasan ni Jelailah at dito na sila kumakapit para sa kanilang kapatid.

Sa bagong bahay sa South District, dumating si Mildrette kasama si Jelailah, naka-estudyanteng suot si Jelailah dahil kakarating lang ito sa kanyang paaralan.

"Ate Ree, I'm Home!" sigaw ni Jelailah.

Nang makatingin si Ree kila Jelailah, laki ang kanyang ngiti. "Oh Jelailah, ang aga mo naman umuwi ngayon," bungad naman niya kay Jelailah.

"Ate, sarado kasi pasyalan kaya maaga kami nakauwi po," sabi naman ni Jelailah.

"Ate Ree, malapit na pala graduation ni Jelailah. Baka may pangbayad na daw tayo sa toga?" tanong naman ni Mildrette.

"Meron na, Mildrette," sagot naman ni Ree. "Natapos ko mission ko at mabuti na lang na nagka-sweldo ako kaagad," karagdagang wika pa nito at ngumiti na lamang si Mildrette nang marinig ang sinabi ni Ree ukol kay Jelailah.

"Mildrette, palaging tatandaan ang pinangako ng ina ni Jelailah sa atin," ani pa ni Ree.

"Oo naman, Ate Ree," Tugon naman ni Mildrette. "Lagi ko isipin yan kaya huwag kang mag-alala."

Lumuhod naman si Ree kay Jelailah at may biling ito sa kanyang tumatayong kapatid, "At ikaw naman, kailangan magpakabait ka sa amin ah para matuwa syempre si Mama mo sa heaven, ah?"

"Opo, ate Ree," ngiting tugon naman ni Jelailah at Ngumiti na lang si Ree sa harapan kay Jelailah, dito siya lalo sumaya pa.

Mabuting nag-aaral si Jelailah noong kabataan pa niya at hindi niya pinababayaan ito ni kahit may mga batang nangungutya sa kanya na ampon lang sa kanilang bahay. Hindi parin madali kay Jelailah ang lahat ng pagsubok kahit kasama pa sila Ree at Mildrette hanggang sa nagtapos na ito.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang araw pagkatapos ang pagtatapos ng kinder si Jelailah ay nasa parke ng Kapitolyo silang tatlo dahil sa isang kasiyahan nila. Dahil nakapagtapos ito ng kinder at nagkaroon ng honor at medalya, dito na nila pinagdiwang nila Mildrette at Ree sa ginawa ni Jelailah sa kanyang pag-aaral dahil may mataas na karangalan ito.

Silang tatlo ay namamasyal sa parke, habang sila'y naglalakad ay ngumiti si Jelailah sa saya. Bawat mga bata ay nakikipagsalamuhat siya ng isang salita.

"Kamusta...."

Hawak-kamay nila Mildrette at Ree si Jelailah magkabilaan, hindi sila bumibitaw kahit anong mangyari. Hanggang sila'y huminto na lang sa isang mahabang upuan sa parke. Dito sila muna nagpahinga, umupo silang tatlo roon.

"Makukuha lang ako na makakain kaya dito lang kayong dalawa," Kaagad umalis si Ree para bumili ng makakain malapit sa upuan na kinauupuan nila ngayon.

"Ate Mildrette, laro tayo ng nanay tatay?" anyaya ni Jelailah.

"Ah... Sige naman," ngiting sagot naman ni Mildrette at dito sila naglalaro ng Nanay-Tatay, apir sila na apir sa isa't isa bilang mekaniks ng larong ito.

"Nanay, tatay, gusto ko tinapay. Ate, Kuya, gusto kape. Lahat ng utos ko ay susundin mo. Kapag nagkamali ay pipingutin ko."

"Isa!"

Papalakpak sana silang dalawa pero dito na nagkaroon ng isang malakas na pagsabog na rinig na rinig ng lahat na tao sa Parke ng Kapitolyo. Dito nagulat sila Jelailah at Mildrette sa pangyayari.

"A-ano?!"

"Ate!" Agad niyakap ni Jelailah si Mildred dala ng kanyang takot sa pagsabog. Mayamaya ng ilang segundo ay maraming mga tao na nagsitakbuhan. Dito nagtataka si Mildrette, tumayo siya sa kinauupuan niya habang yakap niya si Jelailah.

Kaagad naman dumating si Ree na may dalang isang mahabang hotdog sandwich, nagtataka rin siya sa pangyayari kaya tanong niya na "Anong nangyari rito ngayon?"

"Hi-hindi ko alam," pagtatarantang sagot naman ni Mildrette. "Umalis na tayo?!" anyaya agad ni Mildrette.

"Si-sige!"

Kaagad na tumakbo ang dalawa para makaalis sa Parke ng Kapitolyo, bitbit ni Mildrette si Jelailah na takot na takot dahil sa pagsabog.

Ngunit isang saglit ay nagkaroon ng isang pagsabog malapit kila Ree, Mildred at Jelailah. Dito na nagsitaksikan at nagsibagsakan ang mag taong nandoon kasama sila Mildred, Ree at Jelailah.

Ilang minuto na nakalipas ay nagising si Jelailah, mayroong sugat sa noo, kanang balikad at sa kaliwang tuhod. Tumingin siya sa kung saan-saan habang siya'y bumabangon. Tumingin siya kay Ree at Mildred na nakahiga sa sahig at ang kanilang mga mata ay nakapikit.

Ginising ni Jelailah ang mga ito habang siya'y umiiyak na paulit-ulit. "Ate Ree... Ate Mildrette..." Paulit-ulit kinapa ni Jelailah ang dalawang ate-atehan niya ngunit hindi niya alam, wala nang malay ang dalawang ate-atehan niya.

Maya-maya ay may dumating na mag Medic unit at mga Offender na Special Force at maging mga kasundaluhan. Dito na tinulungan ang mga biktima ng pagsabog kasama sila Jelailah, Ree at Mildrette.

✧✧✧✧✧✧✧✧

Ilang oras na nakalipas ay nasa isang kuwarto si Jelailah, siya'y naka-confine ngayon dahil sa mga sugat na natamo sa pagsabog. Maya-maya ay may dumating na isang doktor at isang madre na kilalang-kilala ni Jelailah, si Sister Fe.

"Jelailah, my sweetheart." Kaagad niyakap ni Sister Fe si Jelailah.

Kaagad naman niyakap rin ni Jelailah si Sister Fe habang siya'y umiiyak. "Sister..." hagulgol ni Jelailah habang nanatiling kayakap niya si Fe.

"Tahan na, Jelailah." Pinatahanan muna ni Sister Fe si Jelailah. Naimasmasan niya ito para mawala ang kanyang lungkot. Hindi nakalimutan ng bata ang nangyari kanina kung saan kina-trauma niya ang pangyayaring iyon.

Nagkakilala ang dalawa dahil si Sister Fe ang kumupkop kila Ree at Mildrette, siya ang nag-alaga sa kanilang dalawa hanggang sa naging dalagita na ang dalawa at nagkaroon ng sariling buhay. Sinuportahan naman ni Fe ang dalawa kahit kinabibilangan ito sa Poorest of the poor at maging sa Special Force na silang dalawa. Nakilala naman niya si Jelailah noong kaarawan nito, at alam ni Jelailah na ito ang kanyang magulang.

"Ano na po nangyari kay Ate Mildred at kay Ate Ree?" tanong ni Jelailah habang humiwalay ito sa pagyakap. Ngunit tumahimik na lamang bigla si Sister Fe, hindi niya masagot ang tanong ni Jelailah. "Sister..."

"Sorry Jelailah ngunit kinuha na sila ni Lord," pakumbabang sagot ni Sister Fe habang tumulo ang luha sa kanyang mukha.

"Ano pong ibig sabihin? Patay na sila Ate Ree at Ate Mildred?" tanong pa ng bata kaya tumungo na lang si Sister Fe sa tanong ni Jelailah habang tumutulo pa rin ang luha niya dahil sa awa.

"Hindi... Hindi!" Niyakap na lamang ni Jelailah si Fe habang sinimulan niyang umiyak dahil sa balita. Lalo pang nalungkot si Jelailah dahil wala na ang kanyang Ate Ree at Ate Mildred.

Hanggang sa pagkawala ng dalawang babae na kumupkop sa kanya, lalong tumaas ang kalungkutan ng bata. Pinanganak siyang malungkot ang estado at nanatili iyon hanggang sa lumaki na bilang isang bata.

-

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top