| Prologue |
"Hindi na sila tumatanggap ng mga survivors, Kanny."
I know. I know, Zelda.
Hindi ko magawang magalit sa mga bantay sa kabilang bayan. Alam ko naman na iniisip lamang din nila ang kapakanan ng kapwa nila survivors doon. Isa pa, nandoon ang mga pamilya namin.
Sa ngayon, mas nag-aalala ako sa mga kasama ko. Labing anim kaming lahat na magkakasama ngayon sa loob ng bahay nina Rocio. Despite of what is happening, I'm still thankful that we were able to make it, malapit na kami sa boarder.
"I've talked to Kuya Dante," I paused when I saw Pony looked at us.
Nandito kami ngayon ni Zelda sa second floor ng bahay habang sila Pony ay tahimik na nanonood sa sala kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
Timothy is not with them. Siguro ay nasa kusina ito at kumukuha ng tubig.
"Your brother?"
Palihim ko lang na kinausap ang kapatid ko kagabi. Sampung minuto ko lang siyang nakausap para kumalap ng impormasyon at humingi ng tulong. Hindi pwede na manatili pa kami dito ng isang linggo. Kung maaari na kumilos kami sa lalong madaling panahon para makaligtas ay hindi na ako mag-aaksaya pa nang panahon.
"He's willing to help us. Bubuksan nila ang boarder sa darating na Martes kaya kailangan na nating kumilos. We only have ten minutes to enter the door."
Zelda's tears left her eyes. Bakas ang itim sa ilalim ng mga mata nito tanda ng pagod at kakulangan sa tulog. Kung magsasalamin siguro ako ay ganoon din ang itsura ko ngayon. Dalawang araw na akong walang matinong tulog sa kakaisip ng paraan kung paano kami makakarating ng boarder nang ligtas.
"Sa wakas, Kanny! Magiging safe na tayo. Kaunti na lang, kaya natin 'to." She embraced me.
Rinig ko pa ang pagsinghot nito na sinabayan niya ng tawa. Nagbubunga na lahat ng paghihirap namin. Sa lahat ng puyat, pagod at iyak. Makakauwi na kami sa mga pamilya namin.
"But..." tinulak ko siya ng marahan at humiwalay sa pagkakayakap niya. "They are only accepting fifteen survivors, Zelda."
"F-fiteen? Pero, Kanny, sixteen tayo dito! Anong gusto nila? Iwanan natin ang isa?!"
Mabilis kong tinakpan ang bunganga nito. Siya pa lang ang nakakaalam nito at wala akong balak sabihin sa iba. Kung mananatiling malakas ang boses niya, baka sumugod dito ang iba at tanungin kung anong pinag-uusapan namin.
"Huwag kang maingay." I once glanced back on the living area. I sighed in relief when they didn't notice us.
Katahimikan ang parehong bumalot sa amin. Parehong nag-iisip nang isang solusyon sa aming sitwasyon. Sa kaniya ko napiling sabihin ang mga napag-usapan nang kapatid ko dahil mabilis siyang makaisip ng plano. Siya ang pinaka-praktikal sa aming magkakaibigan. I wished she can come up in a good idea.
"Did you tell your brother about it?"
I chose not to answer. Hanggang doon lang natapos ang naging pag-uusap namin. Sapat na sa akin ang malamang ligtas ang buong pamilya ko. At ang misyon ko ngayon ay makapasok sa boarder ang mga kasamahan ko.
"Kung ano man ang pinaplano mo, Kanny, 'wag mong gagawin."
I looked directly at her. Gaya ng inaasahan ay mabilis niyang naintindihan ang plano ko. Hindi ko na kailangan pang pahirapan ang sarili ko para magpaliwanag. Kailangan na lang niyang tanggapin ang desisyon ko.
"Para naman ito sa kapakanan ng lahat," tinuon ko ang atensiyon sa mga taong ngayo'y nagtatawanan na dahil sa kanilang pinapanood. Nandoon sina Jane at Mahoney na pinakalamakas ang tawa sa lahat. Nakasandal sa balikat ni Aven si Termine. Habang ang mga lalaki ay nakahiga sa comforter na inilatag nila sa sahig sa harap ng television.
"Paano si Timothy?" She slowly asked and divert her eyes in front of the kitchen's entrance.
Mula doon ay lumabas si Timothy na may hawak na baso. Huminto ito at iniangat ang kaniyang mukha sa direksiyon na kinaroroonan namin ni Zelda.
I smiled at him. Itinuro ko ang mga kasamahan namin na nanonood sa sala at bago siya dumiretso ay kumaway siya sa akin.
"Hindi niya kakayanin, Kanny. Nakita mo ba kung gaano siya nag-alala noong minsan kang atakihin sa labas? Hindi man niya sabihin, alam kong hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya."
I'm so sorry, Moth.
"Bibiyahe na tayo bukas. Sabihan mo na silang maghanda." Tinalikuran ko siya at palihim kong pinunasan ang luhang tumakas sa aking mga mata. "Aalis tayo bukas nang umaga."
Gagawin ko ang lahat para sa kanila.
~~~~~×~~~~~
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without written permission from the author.
Plagiarism is a crime punished by law.
© All Rights Reserved. Kwieeniee. 2021
3|01|2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top