| Chapter 2 |

The Door : Zombie Apocalypse
written by: Kwieeniee




Chapter 2

Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Nakapalibot ang dalawang kamay niya sa aking likod na para bang ano mang oras ay mawawala ako sa kaniya. Ang yakap na 'to ay ibang iba sa palagi niyang ibinibigay sa akin. Ito 'yong yakap na puno ng pag-aalala. 'Yong yakap na puno ng... takot.

"M-moth..."

Hindi siya nagsalita bagkus ay niyakap ako ng mas mahigpit pa. Nakapatong ang baba niya sa kaliwang balikat ko at tahimik.

"Timothy, b-bakit sumunod ka pa dito sa amin? P-paano kung napahamak ka papunta dito? Paano kung n-nakagat ka---"

"N-natakot a-ako..." bigla ay nanakaw ang aking natitirang lakas ng mga salitang binitawan niya. Sa sampung taon nang pagkakakilala ko sa kaniya, ang salitang natakot ngayon ko lamang narinig mula sa labi niya.

"N-natakot ako para sa'yo... natakot ako noong mga sandaling m-mawala ka sa paningin ko. Natakot akong baka isang kurap ay mawala ka sa akin. Natakot akong baka... baka maging katulad ka nila."

Naramdaman kong may tumulo sa balikat ko... kung nasaan ang kaniyang mukha. Parang pinunit ang puso ko nang sandaling marinig ang iyak ni Timothy sa buong sulok ng storage room.

Dalawang beses ko pa lamang na nakikitang umiyak si Timothy. At malinaw na malinaw sa akin na umiiyak lang siya kapag hindi niya kinakaya ang isang sitwasyon. Kapag hindi niya kaya ang damdaming pilit na lumulukob sa kaniyang puso.

Napapikit ako ng madiin. Pinipigilang pumatak ang sariling luha mula sa mga mata.

Nasaktan ko na naman siya.

Hindi ko pwedeng ipakita ngayon sa kaniyang mahina ako dahil siguradong panghihinaan din siya ng loob. Kailangan naming malakabas ngayon dito ng buhay. Hindi lang ako. Hindi lang si Timothy, kundi maging ang mga kaibigan ko at ang iba pang estudyante dito.

"Ligtas naman ako, Moth. Ligtas tayong lahat. T-tahan na, mahal. May laban pa tayong kailangang harapin."

Isang minuto pang nagtagal ang kaniyang mahigpit na yakap. Pagkatapos ay siya na mismo ang gumalaw upang lumayo sa akin at balingan ng tingin ang dalawa ko pang kaibigan na ngayon ay tahimik na umiiyak habang magkatabing nakaupo.

Nang ibalik ko ang tingin kay Timothy ay may maliit na ngiting sumilay sa kaniyang mga labi. Sa gitna ng takot at pangamba ay nagkaroon ng puwang ang saya sa aking puso. Hindi dahil sa natutuwa ako sa sitwasyon namin ngayon kundi dahil alam kong naiintindihan niya.

Hindi niya kinukwestiyon ang naging desisyon kong tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya nang mga oras na iyon.

"Nauunawaan ko, Kanny. Nauunawaan ko..."

Ganiyan na ganiyan ang pagkakakilala ko kay Timothy. Siya iyong tipo ng lalaki na may baong mahabang pasensya at pag-unawa sa lahat. Sa halip na manumbat ay pilit niyang iintindihin ang isang sitwasyon nang walang paliwanag na hinihingi.

Bata pa lang kami ay taglay na niya ang ganoong ugali. Naaalala ko pa noon na sa tuwing papaluin siya ng kaniyang ina kapag nakakagawa siya ng masama ay hindi siya umiiyak. Hindi nagtatanim ng sama ng loob. Kaya palagi sa aking sinasabi bi Tita Merry na ang swerte niya at nagkaroon siya ng anak na katulad ni Timothy.

Napabuntong hininga ako bago ibilibot ang aking mga mata sa buong storage room. Ganoon din ang ginawa ni Timothy. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang kinausap sina Pony at Mahoney.

Base sa pagngiti ng dalawa kong kaibigan ay may sinabi sa kanila si Timothy bago parehong tumayo at naglakad patungo sa aking pwesto.

"Ano na'ng plano natin, Ate Kanny?"

Right on cue, tumunog ang cellphone ni Pony na kasalukuyang hawak ko. Si Jane ang id caller. Mabilis kong sinagot ang tawag at pinindot ang loud speaker.

"May plano ka na ba?" Ilang segundo akong hindi sumagot bago ko muling narinig ang kaniyang boses sa kabilang linya, "'yong mga tao sa third at fourth floor, nagpaplano silang lumabas ng campus. Saktong alas otso ay lalabas sila ng kani-kanilang classroom papunta sa may gate. Sasama ba kami, Kanny?"

Napabuntong hiningang ako kasabay ng pagtatama ng mga mata namin ni Timothy.

I guess we have no choice but to take the risk.

"Anong sabi ni Len?"

"They've decided to join with them. Tutuloy daw sila kahit anong mangyari."

"Then..." kailangan naming harapin ito, "sasama tayo sa paglabas nila. Susunod kaming apat sa inyo."

"U-umabot na ba sila diyan sa Junior High Department?"

Hindi na kailangan pang sagutin ang tanong na iyon. Siguradong ang sigaw ng mga estudyante sa labas ng kinaroroonan namin ang nagsasabing oo.

"Magkita kita na lang tayo sa may gate. Darating kami. Kayong lima ay 'wag hihiwalay sa mga kaklase natin."

I hung up after that. "We'll bring packs of food. Dalhin natin yung mga kaya nating dalhin."

Nagsimula kaming maghanap ng lalagyan. Dalawang eco bag at isang bag pack ang maswerteng nakita namin na nakatago sa taas ng isang cabinet.

Ang bawat isa'y mabilis kumilos upang kumuha ng iba't ibang pagkain. Mahoney and Poney collected diffferent type of biscuits. Samantalang kami naman ni Moth ang kumuha sa mga canned goods at noodles. Mabuti na lang talaga at kahit hindi gaanong malaki itong school na na pinapasukan namin ay kompleto naman sa lahat ng pangangailangan ng mga estudyante lalo na pagdating sa usapang pagkain.

Naghati hati kami sa pagdadalawa. Si Moth ang siyang magdadala ng pack bag, ako at si Mahoney naman sa dalawang eco bag.

"A-ate... paano 'yong mga family natin? H-hindi ba natin sila t-tatawagan?"

Natigil ako sa paglalakad papalapit sa bintana ng silid na kinaroroonan namin. Kasabay ng malakas na iba't ibang boses ng mga estudyante sa labas na humihingi ng saklolo ang malakas at mabilis na pagtambol ng aking puso.

Ang mga pamilya namin. Ang mga pamilya naming malayang nakakakilos sa labas.

Bumuntong hininga ako bago humarap sa kanila. "Tatawagan natin sila pagkalabas natin dito sa school. Sa ngayon, kailangan nating maging ligtas at gawin ang lahat para mabuhay, para sa gano'n mapuntahan natin sila."

Kung tatawag kami, siguradong madidistract lang ang bawa't isa. Mas mahihirapan kaming maging determinadong makalabas ng buhay at normal, makatakas sa kung anong nangyayari ngayon sa mundo.

"Sana ligtas sina Mama ngayon. K-kung magiging katulad sila ng mga nasa l-labas, hindi..." mabilis kong tinakbo ang distansiya namin ni Pony upang yakapin siya.

"Be positive lang. Kaya natin. Malalampasan natin 'to."

To be honest, hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas na ito para patibayin ang loob ng mga kaibigan ko. Kasi kahit ako, nanginginig na din sa takot hindi lang para sa sarili ko, sa kaibigan ko kung hindi maging sa mga pami-pamilya namin na nasa labas.

Ang mama ko ay isang nurse sa pribadong ospital dito sa aming bayan. Ang papa ko naman ay isang retired na sundalo while my older brother is a soldier too. Maswerte na nga lang at dito siya natapat sa bayan kung saan kami nakatira siya na-appoint. Dahil doon, nababantayan din niya ang bunsong kapatid namin.

Sa ganitong oras, sigurado akong magkakasama na sila sa loob ng bahay at nagdidinner. Hindi lang ako nakakasabay dahil nga pang-gabi ang pasok ko. Maiiba lang ang pagkain nila unless overtime si mama sa trabaho niya sa ospital.

At 'yon ang ipinagdadasal ko na sana'y hindi nangyari dahil kung magkataon at sa mga kaganapan ngayon, hindi ko kakayanin kung mapahamak sila.

May tiwala ako kay Kuya na poprotektahan niya ang pamilya namin.

Ilang minuto pa ang pinahupa namin bago kami naghanda sa sunod naming magiging hakbang. Idinikit ko ang aking kaliwang tenga sa dingding. Nakakapagtakang biglang nawala ang mga ingay sa labas.

Mabilis kong kinalma ang aking nararamdaman. Hindi namin alam kung ano na ang nagyayari sa labas, makikita lamang namin 'yon kapag hinarap na namin ang krisis na 'to.

Dalawang beses akong tumango kay Timothy pagkatapos ay hinigpitan ang hawak sa mga kamay ni Pony. Timothy, on the other hand is holding Mahoney's hand. Dahan dahang binuksan ni Timothy ang pinto ng storage room.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang katahimikan ng paligid ang sumalubong sa amin. Napapaisip kung bakit ay walang nagkalat na infected  dito sa Junio High Department. Madilim na din ang paligid ngunit sapat na ang liwanag mula sa buwan upang malinaw pa din naming makita ang aming kapaligiran.

Nonetheless, we sticked to our plan. At 'yon ay tahimik na tahakin ang hallway na siyang tanging daan papunta sa main gate ng school.

Tahimik ang naging paglakad namin. Iniiwasang makalikha ng kahit isang mahinang tunog na siyang hahadlang sa aming plano para makaligtas. Nang sa wakas ay nalampasan namin ang Junior High Department, mabilis kong iniikot ang aking mata upang tanawin ang room ng mga senior high school. Hindi na bukas ang ilaw ng room namin ngunit kita mula dito na bukas ang dalawang pinto ng aming room. Maging ang room ng ibang strand ay nakabukas din.

Siguradong nakalabas na ang buong section namin.

May pag-iingat man ang mga galaw ay tinulinan namin ang aming naging paglakad, kaiba sa naging lakad namin kanina. Talagang walang estudyante o kahit isang infected ang nandito sa loob ng school. Nang sa wakas ay marating namin ang gate, saglit na sinilip ni Timothy ang kalagayan sa labas.

Humarap siya sa amin at umiling, tanda na wala din sila  sa labas. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang school na siyang nagsilbing pangalawang tahanan ko. Ang lugar kung saan ako nakahanap ng mga kaibigan ay kakikitaan ng mga nagkalat na dugo ng tao. Maging ang mga poste at dingding ay puro bakas na dinaanan ng mga dugong kamay.

Napabitaw ako sa kamay ni Pony nang bigla ay sabay sabay na umilaw ang mga nakasabit na ilaw sa bawat poste. Dahil nakaharap ako ay hindi kinaya ang aking mata ang biglaang liwanag ng paligid. Kasabay nito ay isang matinis na sigaw na nagmumula sa bawat speaker na nakakabit rin sa mga poste.

"T-tulong! P-please, tulungan n-ninyo ako!" Ang boses na 'yon ang um-echo sa buong school. Rinig na rinig ang matinis na pag-irit at paghingi ng tulong nito buhat sa kaniyang nararanasan.

Siguradong sa control room nanggaling ang tinig na 'yon dahil nandoon lahat ng access sa ilaw at speaker ng school. Base sa boses, estudyante din ang babaeng iyon. Kung gano'n, may tao pa din dito sa loob. At kung ang karamihan ay nasa labas, ibig sabihin...

"Takbo!" Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko ang kamay ni Pony tsaka nakasunod na tumakbo kina Timothy.

Dahil sa ingay, nakakasiguro akong susundan nila  kung saan nanggaling iyon at kung magtatagal pa kami dito sa loob, mata-trap lang kaming apat!

Ang daang tinatahak namin ay papunta sa parking lot. Mabigat man ang dala kong eco bag ah hindi ko na ininda ay ginabayan si Pony sa paglalakad. Si Timothy na siyang nasa unahan namin ay mahigpit din ang hawak kay Mahoney. Napatigil kami ni Pony sa paglalakad dahil sa ginagawang pagtigil nina Timothy. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang nag-aabang sa amin dulo ng balak naming puntahan. Ang itim na kotse ni Timothy ay pinupokpok ng may limang infected. Walang habas nilang ipinapalo ang kanilang kamay na para bang may taong lalabas mula sa sasakyan na magsisilbing pagkain nila.

Ganoon din sa ibang sasakyan. Kung susumahin ay may bente na infected ang nag-aabang sa amin bago marating ang sasakyang 'yon. Hindi kami makakariting do'n sa puntong 'to!

"Kanny!" Sukat sa narinig ay umikot kaming apat upang tingnan ang tumawag.

Doon ay kumakaway na si Zelda ang nakita namin. Nakatayo siya sa pinto ng school bus habang iminumuwestra ang kaniyang kamay, "dito! Bilis! Bilisan ninyo!"

Wala pang ilang segundong pahinga ay nagsimula na naman kami ulit tumakbo. Ilang metro pa ang layo nila kaya talagang hulog ng langit na narinig namin ang boses na iyon ni Zelda.

Dagundong na mga yapak ang maririnig sa pagtakbo namin. Kung kanina ay walang ingay ang bawat galaw, ngayon ay hindi na namin iyon iniisip dahil sa sobrang daming humahabol sa amin. "Don't look back, Kanny," mahina kong bulong sa aking sarili.

Bumaba ang tatlong lalaki mula sa school bus upang tulungan kami na makalapit doon. Kaniya kaniya silang dala ng panlaban upang pigilan ang mga infected na nasa harap namin. Iyon ay dahil bago namin marating ang kinaroroonan nila anim na infected pa ang kailangan naming lampasan.

"Tumuloy ka lang sa pagtakbo, Pony." Itinulak ko siya papalapit sa tatlong estudyante tsaka mabilis na hinarang ang dalang eco bag sa isang infected na lumapit sa akin. "Akyat na, Pony! Akyat!"

Hindi ko na siya nilingon pa at inunang pigilan ang tangkang pagkagat sa akin ng infected na aking nasa harap. Magulo ang buhok nito at may tumutulo pang dugo sa kaniyang bibig. Ang mga mata nito na purong puti ang siyang nagdala ng kilabot sa buong sistema ko. Nanginginig na itinulak ko ito.

Napalingon pa ako ng tumgil saglit sa tabi ko si Timothy, tutulungan ako. "I can do it, Moth. Go, guide Mahoney to the school bus!"

Humarap muli ako sa babaeng infected. Sa likod nito'y ilang metro ang layo ng mga iba pang infected na tumatakbo palapit sa'min. "Just go, Moth! Susunod ako sa'yo! Tulungan mo sila doon!"

Frustrated na hinampas ko ang ulo ng infected nang sumugod ito sa akin. Tatapusin ko muna ang isang 'to bago pumunta doon. Naalarma ako ng bigla itong tumayo at malalaki ang hakbang na tumakbo sa'kin. Dahil hindi ko inaasahan ay nakalapit ang mukha nito sa aking leeg kaya naman iniangat ko ang aking paa para sipain ito sa tiyan kabasay ng malakas kong paghampas sa ulo nito. Nanlalaki ang mga matang nasaksihan ko kung paano ito bumagsak, ang ulo'y tumama sa malaking bato sa gilid. Doon ay hindi na ito muling nakabangon pa habang patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa ulo niya. Ang mga mata niya...

"Kanny!" Hindi ko magawang lingunin ang taong humila sa akin paalis sa tagpong iyon. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng school bus habang nasa bisig ng isang pamilyar na tao.

"Kanny, I'm here." Tinakasan ng lakas, naramdaman ko ang malamyos na paghagod nito sa aking likod.

"N-nakapatay... nakapatay ako. Nakapatay ako..." paulit ulit ang mga katagang iyon sa aking isipan. Parang sirang plaka na kahit anong pilit ay ayaw tumigil sa paglikha ng ingay. "Napatay ko siya..." ang mga matang iyon ng babaeng infected kanina. Nakita ko kung paanong ang puting mata nito ay bumalik sa dati. Ang naging normal niyang mga mata ay humihingi ng saklolo sa akin.

"You're brave, Mahal. Kinailangan mong gawin 'yon para maging ligtas ka." Hinawakan ni Timothy ang baba ko at iniangat dahilan upang magtama ang aming mga mata, "stop thinking about it, okay? Nakalabas na tayo sa school. Maging matatag ka para sa akin. Para sa amin, please, mahal?"

Kung panaginip lang ito, pakigising naman ako, please.

~~~~~×~~~~~

JULY 25, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top