Chapter 44
Ezekiel
Hindi ko naman inaasahan na maimbitahan sa isang salu-salo. Si Jason talaga. Akala ko naiinis talaga siya pero heto at inimbitahan pa rin ako. Nang matapos kaming kumain ng noche buena ay pinatulog na rin ang mga nakakabatang kapatid ni Jason. Kaya ang naiwan nalang na gising ay ako, si Joy at Jason.
"Nga pala, plano kong bumisita kay Jansen bukas. Nagbabasakali akong bibisita rin kayo para magsabay tayo." paanyaya ko sa kanila.
Nagtinginan naman si Joy at Jason. "Or not. Anyways, nag-suggest lang naman ako. You know. Pasko ngayon, araw ng pagbibigayan. Pero kung ayaw niyo maiintindihan ko."
"Bibisita ako bukas. Hindi lang ako makakasabay sayo dahil aasikasuhin ko pa sila." paliwanag ni Joy.
"Naiintindihan ko. How about you, Jason? Ready ka bang makita ang ama mo?" Hindi ito sumagot.
"Okay. I respect your decision. O siya, aalis na ako. Salamat sa noche buena. May God bless you more. Merry Christmas ulit." paalam ko sa kanila.
Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"May maipapaglilingkod ba ako sayo?"
"Um..... gusto ko sanang......" pag-aalangan niya.
"Ano yun Jason?"
"P-pwede bang sumama sayo?" nahihiyang tanong niya.
"Oo naman. Aayaw pa ba ako kung ikaw na ang nag-aya? Pupuntahan nalang kita bukas rito para magkasabay tayo----,"
"Pwedeng ngayon na?"
"Ha? Pero baka hindi ka payagan ng tita mo. Saka pagabi na rin."
"Gusto kong makausap siya ngayon hangga't may lakas pa akong harapin siya."
"O sige pero magpapaalam na muna tayo. Hindi pwedeng hindi."
Nagpaalam naman kami kay Joy. Ayaw pa sanang pumayag nito ngunit sa huli pinayagan niya rin si Jason. Gusto rin sanang sumama ng iba pa niyang kapatid ngunit hindi pupwedeng dalhin ito doon.
Ilang minuto rin ang binyahe namin saka kami nakarating sa pulis station. Mabuti nalang at pinayagan kaming bisitahin si Jansen. Mapapansin na parang gustong umatras ni Jason pero alam kong pinipigilan niya lang ito.
"Handa ka nang makita siya?"
"Ewan ko. Hindi ko alam. Kinakabahan ako."
"Bakit naman? Ama mo yang kakausapin mo."
"Ehhh.... wag ka nang magtanong. Mas lalo akong kinakabahan." reklamo niya.
"Ikaw naman. Sinasabi ko lang naman."
Ilang sandali pa ay lumabas na si Jansen sa selda. Medyo nagulat pa siya ng makita niya si Jason.
"Hi Jansen. Sorry kung napadalaw ako ng maaga. Pero kasama ko ang gusto mong regalo ngayong pasko. O, Jason. Batiin mo na ang ama mo."
Tinignan lang ito ni Jason. Nasisiguro kong nahihiya pa ito.
"Nga pala, konting pagkain na binalot ni Joy kanina. Kain ka." aya ko sa kanya habang papaupo.
"Pakisabi kay Joy na salamat sa pagkain at salamat din na sinama mo ang panganay ko."
"Actually siya ang nag-aya sa akin dito -----Aray!" hinimas ko ang hita kong sinuntok ni Jason. "Ano ba? Bakit ka ba nanununtok?"
"Ang daldal mo kasi." inis niyang tugon sa akin.
"Ha? Eh totoo naman ha. Ay! May tatawagan pa pala ako. Sandali lang ha."
Nagmadali naman akong umalis upang hindi na ako mapigilan ni Jason. Nagtago naman ako isang sulok kung saan makikita ko ang mag-ama. Sana nga lang at magkaintindihan silang dalawa,
Jansen
Baliw na talaga yung multo nayun. Iwan ba naman ang anak ko. Medyo kinakabahan ako dahil baka kung ano pang sabihin ng anak ko.
"Kumain ka rin anak. Baka gusto mo akong saluhan." panimula ko ng usapan.
"Tapos na po ako. Kumain na kami ng noche buena sa bahay." tipid na sagot ko.
"Ganun ba. Pasensya na ha. Wala man lang akong naibigay na regalo sa inyo."
"Alam ko namang hindi ka makakapagbigay ng regalo sa amin."
"Pasensya na talaga. Nahihiya akong humarap sa iyo, sa inyo na mga anak ko. Alam kong mali yun ngunit sa kagustuhan ko na mabigyan ko kayo ng magandang buhay, heto at nakulong ako dahil sa maling ginawa ko. Grabe ang pagsisisi ko pero sa isang banda, kung hindi ko ginawa iyon baka kung ano nan ang nagyari sa inyo. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa inyo. Sa lahat ng ayoko ay yung maranasan ninyo ang mga naranasan kong hirap."
Pinahid ko naman ang luhang tumulo sa mata ko. Kapag anak ko na talaga ang kausap ko ay nagiging mahina ako. Nabigla naman ako ng biglang may yumakap sa akin.
"Patawad po kung hinusgahan ko kaagad ako sa inyo. Nagalit po ako ng hindi man lang inaalam ang rason kung bakit niyo iyon nagawa. Patawad po tay." garalgal ng boses niya.
Pinaharap ko naman siya saka niyakap ng maigi. Ito ang hiniling ko. Ang mapatawad ako ng anak ko. Na kausapin niya ako at tawagin ulit na tatay. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binuksan niya ulit ang puso ng anak ko.
Kumalas akos sa yakap niya saka pinahiran ang luha nito.
"Tahan na. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo. Pasensya na at mayroon kang ama na ganito."
"Hindi ba pwedeng patawarin ka na lang ng ginawa mo ng kasalanan? Saka umuwi na tayo. Uwi ka na po."
"Shh... uuwi rin ako kapag natapos ko na ang kailangang tapusin dito ha. Kailangan kong pagbayaran ang mga ginawa kong kasalanan. Kaya kailangan mong tulungan si tatay ha. Habang wala ako sa bahay ikaw ang muna ang magbabantay at magpoprotekta sa mga kapatid mo. Matutulungan mo ba ako?"
"Gusto ko po na ikaw ang mag-alaga sa amin... balik ka lang sa bahay. Kahit na wala kaming baon basta magkasama tayo."
"Mangyayari din yan. Pero sa ngayon hindi na muna pwede. Pwede mo bang tuparin yung pakiusap ni tatay?" pagpapapigil ko sa luha ko.
Tumango naman siya saka yumakap ulit sa akin. Nilabas ko naman ang pinipigilan kong luha. Gustong-gusto kong alagaan sila pero hindi pwede dahil na rin sa kasalanan na kailangan kong pagbayaran.
Napansin ko naman na papalapit si Ezekiel sa amin.
"It's time."
"Nak, it's time daw." kinalas ko ito sa pagkakayakap.
"Pwede bang dito muna ako. Sasamahan ko si tatay." pakiusap ni Jason
"Naku, hindi pwede. Pero pwede mo siyang dalawin bukas."
"Bakit ba hindi pwede?"
"Nak, yun ang batas dito. Saka hindi mabuti sayo ang ganitong lugar. Bukas nalang ulit. Bisitahin mo ako ha."
"Opo. Dadalaw ulit ako dito. Mamimiss ko po kayo 'tay." sabi niya sabay yakap ulit sa akin.
"Mamimiss din kita. Mag-ingat kayo sa daan ha. 'Tol, ikaw na ang bahala sa kanya. Mag-ingat kayo pauwi."
"Akong bahala sa kanya."
"Maraming salamat. Sa lahat ng naitulong mo." pasasalamat ko sa kanya.
"Ha? Mayroon ba? Baka sarili mo ang tinutukoy mo?" sabi niya sabay ngiti.
"Loko ka talaga." napailing na lang ako.
"Luh! Ako pa ngayon ang loko. O siya alis na kami." paalam niya.
"Sige. Salamat ulit."
"Walang anuman. Hanggang sa muli kaibigan."
"Bye tay." kaway ng anak ko.
Iginiya naman naman ako ng warden papasok ng selda. Nang hindi ko na sila matanaw ay tinungo ko na ang higaan ko. At bago ako matulog, nagdasal muna ako saka nagpasalamat sa Panginoong Diyos. Nagpapasalamat ako sa regalong hindi man bagay ay galing naman sa puso. At yun ang kapatawaran ng anak ko.
Salamat Ama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top