Chapter 42
Ezekiel
Six hours before christmas. Busing-busy ang mga tao sa paghahanda ng pagkain para sa noche buena, ang iba ay naghahanda para magsimba, mga batang naglalaro, at ang iba naman ay namamasyal.
Damang-dama na talaga ang papalapit na kaarawan ng Panginoong Jesu Kristo. Sigurado akong masaya ngayon si Jesus Christ dahil seni-celebrate ang kaarawan niya ngayon.
Napatingin naman ako kina Jason. Masayang naghahanda ang mga ito. Nakikita ko rin kay Jason na nagiging maayos na rin siya sa pangangalaga ng tita Joy niya.
Nagdesisyon ko na tumambay nalang sa park dahil may pa-fireworks ang barangay mamaya.
Hay! Ano kaya ang buhay ko noon? Masaya rin ba ako kapag pasko kasama ang pamilya ko?
"Sabi ko na nga ba, nandito ka."
Napapitlag nalang ako sa nagsalita. Paglingon ko ay Jason pala. Naupo naman ito sa tabi ko.
"Ikaw pala bestfriend. Musta." Bati ko sa kanya.
"Medyo okay, medyo hindi."
"Naks! Kung makapagsalita ka talaga parang nasa 30 o 40 ka na." Biro ko.
"Bakit nandito ka? Hindi mo ba dadalawin ang pamilya mo?"
"Salamat sa concern mo but sad to say, I don't know where my family is. O kung may pamilya ba talaga ako."
"Hindi mo alam?"
"Nope. Pagmulat ko palang ng mata ko, hindi ko na alam kong sino ako. Well, ang alam ko lang ay Ezekiel ang pangalan ko. Yun lang."
"Kung ganun, wala kang pupuntahan ngayong pasko?"
"Yep. Dito nalang muna ako hanggang sa matapos ang pasko. Medyo may konting inggit akong nararamdaman pero nakakaya naman. Pero medyo lang ha. Hindi talaga yung super duper inggit dahil bad na yun."
"Kaya ba ganyan kayong mga kaluluwa, yung nagpapakita kayo sa mga tao dahil naiinggit kayo?"
Sinabi ko ngang hindi ako kaluluwa. Isa akong esperito! Joke lang,hindi ako galit.
"Well, parang ganun na nga. Those lost soul who wanted to live again, yun talaga ang mga nagpapakita sa mga tao. Especially yung mga hindi planado o hindi inaasahan ang pagkamatay nila. Yun, they tend to be on that certain person para naman maranasan nila na buhay ulit sila. Yung iba naman, sumasanib talaga to send message and give justice in their deaths." Paliwanag ko sa kanya.
"Kawawa naman pala kayo. Pero nakakatakot pa rin. Yung bigla-bigla nalang kayong magpapakita sa amin."
"Parang yung ginawa mo kanina?"
"Hindi naman kita tinakot kanina. Hindi mo lang talaga ako napansin." He pouted.
"So, bakit dito ka nakitambay at hindi doon sa inyo?" Curios kong tanong.
"Kaya na nila roon. Tsaka nagpaalam naman akong pupuntahan ko ang... kaibigan ko." Nag-iwas siya ng tingin.
Napangiti naman ako. "So, kaibigan mo na ako. Tinatanggap mo na akong kaibigan ganun?" I tease him.
"H-hindi ah. Na-curios lang ako sa ginagawa mo ngayon."
"Sus... concern siya sa akin. No? Amimin mo na. Dali!"
"Hindi nga eh! Diyan ka na nga!" Tumayo siya saka naglakad palayo.
"U-uy! Nagbibiro lang naman ako-- hay!" Napailing nalang ako.
Napatingin naman ako sa mga taong nagpipiknik sa park. Manonood siguro ang mga ito ng fireworks.
Napansin ko naman ang isang pamilyar na bulto na papalapit sa akin. Napatayo naman ako ng tuwid. Sinubukan kong wag matakot sa papalapit na pigura. Alam kong mararamdaman niya ang takot ko kung ipapakita ko yun.
"Its been a long time, Ezekiel." Nakangiting bati ni Luci.
"Anong ginagawa mo dito?" Matapang kong tanong.
"Wala naman. Just roaming around. Tumitingin sa mga taong nagsasaya. You know, birthday daw kasi ng anak ng Diyos mamaya."
"Ngayon palang sinasabi ko sayo na wag kang gumawa ng hindi kaaya-aya. Makakalaban mo talaga si Ama."
"Oh c'mon. You know we always clash. Wala namang bago doon. Pero kasi, may napansin ako sa kanya eh. Do you know what is it?"
"Umalis ka na dito."
Tumawa ito. "The way you act, you know it will give me an extra strength. Anyways, as I was saying. I found something from your 'Father'. Nagiging unfair na siya sa amin. You know..." tinignan niya ang mga tao. "In this world, there is a thing we called balance. If there is good, there should be a bad one also. Pero sa ginagawa Niya, hindi na niya ginagawang balance ang mundong ito. Instead, inaangkin na Niya."
"Sa Kanya naman talaga itong mundo."
"Okay, we can say that. Sa Kanya ito. But you know, may pagka-business minded kasi ako. Napag-usapan na namin na the people living in this world should live in good and bad. He approved that. Pero ngayon, parang gusto na niyang angkinin lahat yata. You know, people should have in their own decision pero parang kinokontrol na yata niya lahat. Against a person's will."
"Alam mong hindi totoo yan."
"Really? Sa kagustuhan niyang maging mabuti at mapayapa ang mundo, hindi na niya napapansin na kinikontrol na niya ang mga tao. Lalo na ang katulad mo. Sabihin mo nga. Kung mabait ang Diyos mo, bakit kailangan mo pang gawin ang mga bagay na ito kung pwede naman niyang ipaalala sayo ang nakaraan mo. Hindi mo lang ba yun naisip. Binibilog ka lang Niya."
Napakuyom naman ang kamay ko sa sinabi niya. Sino siya para kwestyunin ang mga plano ni Ama.
"Hindi mo ba naisip na makasarili siya? O baka naman may tinatago siya sayo kaya hindi niya maibalik ang alaala mo? Na baka pinapaikot ka lang niya para sundin mo siya.
Napatitig ako sa kanya. And for the first time, I doubt in Him. Napangiti naman si Luci.
"I'm correct, right?" Ngiting-ngiti ito.
"Oo."
"Isa siyang masamang Diyos na kinokontrol ang mga tao."
"Yan ay..... kasinungalingan."
Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Ako naman ang napangiti. "Akala mo masisiraan mo ako sa kanya. Natuto na ako. Oo, sabihin na natin na parang, 'parang' ha, kinokontrol ako ni Ama. Pero para sa akin hindi. Bakit? Let me repeat what you have said a while ago. In this world, there is a thing we called balance. Oo, bakit nga naman magpapakahirap na amuhin ang lahat ng taong hindi na naniniwala masyado kay Ama kung pwede ko lang namang hilingin. Well, ito ang gusto ko eh. Paano ko naman makakamamit ang tunay na tagumpay kung madali ko lang naman itong makukuha. That's the balance I know. Pinaghihirapan ang lahat ng bagay. And most of all, wait for the right time. Kasi kung pipilitin kong hihilingin na ibalik sa akin ang alaala ko, nasaan nang adventure doon? Di ba? Ikaw, baka hindi ka nakakaexperience ng paghihintay. Padalos-dalos in short. So advice ko sayo. Wait for your time. Soon, darating rin yun. Wag kang atat." Nginitian ko naman siya.
Nakikita ko sa kanya na parang nainsulto ko talaga siya ng todo. Ilang sandali pa ay natawa ito. Baliw na talaga 'tonh taong to.
"I like you. Nacha-challenge ako sayo. I think hindi ito ang huli nating pagkikita. Sa muling pagkikita kaibigan."
Naging pula naman ang mata niya saka unti-unting napapalibutan ito ng itim na usok. Saka siya unti-unting nawawala kasama ng usok.
I relaxed my heart. Sobra akong kinabahan dun ha. God, thanks for guiding me. Hndi mo ako pinabayaan sa tagpong yun.
"Ama, hangga't malakas pa ako, kakayanin kong lahat ng pagbabanta ng katunggali mo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko matapos lang ang misyon ko. Hindi dahil gustong-gusto kong makaalala ulit, kundi gusto kong makatulong for those lost soul who will seek for their peace. Ama, salamat sa lahat. Amen."
Kakayanin ko 'to. Tiwala lang!
--------------------------------
Hi readers! Here I am again!
Here's another update for you guys! I hope you'll like it!
Aishiteru! 😙
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top