Chapter 40
Jason
Magpapasko na naman. Ang dali ng panahon. Sa susunod na taon, gagraduate na ako ng elementarya.
Maayos na kami ni tita Joy pero hindi pa rin ako ganun ka-close sa kanya. Minsan ay naiinis ako dahil sinisingit niya ang pangalan ni papa.
Napalingon naman ako ng may tumapik sa aking balikat.
"Lalim ng iniisip natin ha. Hindi ka ba excited sa christmas party natin?" Tanong ni Gail.
Umiwas ako at tumingin ulit sa labas ng bintana.
"Ano ba yan? Magpapasko ang sungit ni Jason. Sige ka, hindi ka bibigyan ni Santa Clause ng gift."
"Bakit naman ako magiging masaya? May dapat ba akong ikasiya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko?" Tinignan ko ito ng seryoso.
"Jason..."
Tumingin akong muli sa labas. "Pumunta ka na sa mga kaibigan mo. Wag mo akong pag-aksayahan ng oras."
"Pero Jason---"
"Umalis ka na!" Sigaw ko.
Napansin ko naman na parang maiiyak na ito at kaagad na umalis. Tinignan ko naman ang iba na napatingin sa akin na kaagad ding nag-iwas ng tingin.
Nang magsiuwian na ay dumiretso muna ako sa park kung saan ako tumambay nung una.
Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may magsalita.
"Sabi ko na nga ba, nandito ka."
"Sinusundan mo ba ako?"
"Hmm, hindi naman masyado. Nga pala, Ezekiel ang pangalan ko. Hindi ako nakapagpakilala noong una."
"Kailan mo ba ako lulubayan?" Naiinis kong tugon.
"Nakita ko yung ginawa mo sa kaklase mo kanina. Ayaw mong nasasaktan pero ikaw mismo ang nakakasakit."
"Teka sandali nga, sino ka ba talaga? Bakit mo ako sinusundan?"
"Let just say, binabantayan ko ang magiging kaibigan ko. At ikaw, itinuturing kong kaibigan."
"Bakit mo naman ginagawa yun? Ano bang makukuha mo kapag naging kaibigan mo ako?"
"Alam mo, may nakapagtanong na rin sa akin niyan noon. At ito ang maisasagot ko. Gusto kong maging kaibigan ka dahil alam kong kailangan mo nun. Kagaya ng kahapon. Kailangan mong ng kaibigang handang makinig sa mga hinanakit mo."
"Pero hindi ko kailangan ng kaibigan. Kaya makakaalis ka na."
"Kaya ba pinaiyak mo yung babaing kaklase mo?"
"Umiyak siya?"
"Oo. Nasaktan siya dahil hindi man lang siya nakatulong sayo. You see, true friends are the most concern person but they are also the easiest person to be hurt. Like me, she try to console you but you reject her. Kung ikaw ang nasa posisyon niya, do you think na tama ang ginawa mo kanina?"
Medyo natamaan naman ako sa sinabi niya kanina. Kaya lang nairita na talaga ako kay Gail kanina.
Tumingin ako sa malayo. "Bagay lang yun sa kanya. Nakikialam pa kasi siya. Kasalanan niya kung bakit siya umiiyak ngayon."
"Tsk! Tsk! Tsk! Sinasabihan mong masama ang ama mo pero heto ka at naghahasik rin ng kasamaan."
Binigyan ko naman siya ng masamang tingin.
"O di ba? Bad ka dahil sa tingin mo pa lang sa akin para mo na akong kakainin." Biro niya.
"Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag ako ang guluhin mo. At pwede ba, wag mo akong ihalintulad sa ama kong walang kwenta."
"Wow. Grabe siya oh! Hugot ba yan? Kung makapagsalita ka parang ang perfect mo ha. Uy bata,wag kang masyadong madrama. Wala ka sa teleserye uy."
"Lahat nalang ba sayo biro?"
"Hindi naman. Pinapagaan ko lang ang atmospera dito."
"Pinapagaan? Mas gagaan ang pakiramdam ko wala ka dito. Umalis ka na nga. Hindi kita kailangan!"
Nagulat naman ito. "Ito naman. Hindi mapakiusapan. Okay, chill lang. Aalis na. Pero, babalikan kita. Ako yata yung hindi sinusukuan ang isang tao." Tumayo ito. "So pa'no, hanggang sa muling pagkikita kaibigan."
Naglakad na ito palayo. Ako naman ay naiwang tulala. Kahit kailan, walang makakaintindi sa akin at hindi ko kailangan ng kaibigan.
Ezekiel
Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakwalan ko. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang sadya ko.
"Anong kailangan mo? Saka paano ka nakapasok?" Taning ni Jansen.
Naupo naman ako. "Ikaw naman. Natural pumasok ako sa pinto ng presinto, naglog-in saka ako iginiya ng pulis dito. May tanong ka pa?"
"Bakit ka nandito?"
"That's a good question. Pumunta ako dito para kumustahin ka? Okay ka lang ba dito?"
"Kailan pa naging okay ang manatili sa presinto?"
"Ay grabe siya oh! Nagtatanong lang eh. Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba pinapahirapan o nahihirapan dito?"
"Sa ikakapanatag mo, maayos akong pinagbabayaran ang kasalanan ko."
"Alam mo, may pinagmanahan yong anak mo sayo. Ang straight forward niyo kung sumagot. Hindi ko ma-carry ang kaseryosohan niyo."
"May nangyari ba sa mga anak ko?"
"Physically no but emotionally yes. Especially sa panganay mo. Hindi ko 'to sinasabi para pagalitan mo si Jason o ang kapatid mo na kasalukuyang nag-aalaga sa anak mo. Sinasabi ko ito upang gumawa ka ng paraan para mawala man lang ang sakit na nararamdaman niya. Hindi sa nanghihimasok ako sa buhay niyo mag-aama ngunit hindi ko matagalan na makitang nalulungkot si Jason dahil lang sa nangyari sayo. Oo may galit pero alam kong mas nangingibabaw ang kalungkutan niya ngayon."
Natahimik naman si Jansen. Alam kong nag-iisip ito ng paraan. Ilang sandali pa ay yumuko ito at nakarinig ako ng pagsinghot.
"Sigurado akong hindi ako mapapatawad ng anak ko. Pero sana, balang-araw mapatawad niya ako. Hindi ko naman ginusto na maging ganun ako. Pero wala akong ibang paraan para mabuhay sila."
"Mali ka. Maraming paraan para mabuhay mo sila. Hindi kailan ma sagot ang kasamaan para lang maging masaya lang ang mga taong mahal mo."
"Kaya nga pinagbabayaran ko na ang kasalanan ko di ba. Kaya ako nandito. Siguro natutuwa ang Diyos mo dahil pinagdudusahan ko ngayon ang mga naging kasalanan ko."
"Hindi ganun si Ama, Jansen. Kahit kailanman hindi natutuwa ang isang ama na nasasaktan ang anak niya. Sadyang nakakagawa ang mga anak niya ng mga bagay na wala sa plano Niya ngunit hindi ibig sabihin na pababayaan na niya tayo. Maawain at mapagmahal ang Diyos natin Jansen. Kagaya mo, kung gaano mo kamahal ang anak mo, ganoon ka rin Niya kamahal. Kaya sana, alam mo na kung sino ang hihingan mo ng tulong ngayon. Naghihintay Siya sayong tawag."
Natahimik naman ito at mukhang nag-iisip.
"O siya, aalis na ako. Wag kang mag-aalala kay Jason. Akong bahala sa kanya. Gagawin ko lahat, bumalik lang ang pagmamahal niya sayo." Pagpapalakas ko ng loob niya.
Nakangiti naman akong tinungo ang labasan. Ngunit bago pa ako makalabas, nakarinig ako ng isang salita mula kay Jansen.
"Salamat."
Pagkasabi niya nun ay pumasok na siya sa loob ng kulungan.
Pagkalabas ko ng presinto ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Hay Ama! You are so great. You are the best talaga. Salamat Ama!"
Napangiti nalang ako habang naglalakad. Unexpected things really do surprise you. And I love it!
********************
Hello readers!
Hope you like it! Advance merry christmas to all!
Aishiteru!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top