Chapter 39.1

Ezekiel

Ilang araw ko na akong pabalik-balik kay Jansen ngunit parang hindi man niya ako nakikita. Mapapansin mo talaga na iniiwasan niya ako.

Kaya ang ginawa ko nalang ay magbantay sa mga anak niya. Well, not literally na nagbantay. Let's just say na parang guardian angel lang nila ako.

Ang kapatid ni Jansen ang kasalukuyang tumatayong magulang ng mga bata.

Naaawa na nga ako sa kanila dahil kailangang magsinungaling ang ate ni Jansen kung nasaan ang ama nila para hindi lang sila magtanim ng galit rito.

Pero hindi ko inaasahan ang nasaksihan ko sa panganay na anak ni Jansen.

Nakikipag-away na ito sa eskwelahan nila at halos inaraw-araw na rin ni Joy ang pagpunta sa eskwelahan dahil napapatawag siya ng principal.

Nasa bahay na sila ng kausapin ni Joy si Jason.

"Jason, mag-usap nga tayo." Mahinahong pakiusap ni Joy.

Humarap siya rito. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Narinig mo na naman di ba ang sinabi nila."

Napansin naman ni Joy na nakatingin ang iba pang kapatid ni Jason.

"Jeneca, heto. Bumili muna ka ng bananaque at softdrinks. Isama mo sina Joana at Joseph."

Tinanggap naman ni Jeneca ang pera.

"Mag-aaway po ba kayo ni kuya?" Inosenteng tanong ni Joana.

"Hindi. Mag-uusap lang kami ni kuya. Sige na. Bilhan niyo rin si kuya ha."

"Opo." sagot naman ni Joana.

Kaagad namang umalis ang dalawa. Hinarap naman ni Joy si Jason pero napansin niyang paalis ito.

"Teka, saan ka pupunta? Mag-uusap pa tayo---- Jason!" Tawag niya rito.

Hindi naman nag-abalang lumingon si Jason saka mabilis na tumakbo palayo sa tita niya.

Kaagad ko naman itong sinundan. Hindi ko alam kong anong nasa isip ni Jason ngayon pero nasisiguro akong nasasaktan ito.

Huminto naman ito sa may park at sumandal sa isang kahoy. Unti-unti ko naman itong nilapitan.

Akala ko ay hinihingal lang ito dahil gumagalaw ang balikat niya pero nang malapit na ako sa kanya, napagtanto kong umiiyak na ito.

Walang ingay naman akong tumabi sa kanya at pinakinggan lang ang hinaing niya.

"Kahit kailan.... hindi niyo maiintindihan....ang nararamdaman ko..." iyak niya.

Pinahiran naman niya ang mga mata niya. Medyo nagulat naman ako sa pagkagulat niya sa presensya ko.

"S-sino ka? B-bakit nasa tabi kita?" Pagsusungit niya.

Nilingon ko ito. "Bakit? May signage ba dito na bawal tumabi sa pag-upo?"

"Ang dami kaya ng mauupuan. Kung nanakawan mo ako. Wala kang mapapala sa akin."

"Ouch! Grabe ka naman. Tumabi lang ako sayo, aakusahan mo na akong magnanakaw. Hindi ba pwedeng na-curious lang kung bakit ang isang batang katulad mo ay umiiyak sa ilalim ng puno."

"Sino ka ba para kwentuhan ko? Umalis ka na nga?" Pangtataboy nito sa akin.

"Grabe ka naman. Hindi naman ako masamang tao. Is just that, I don't want to see people sad. Especially, a kid like you."

"Ano namang makukuha mo kung magkwento ako?"

"The real question is, anong makukuha mo sa pagpapalabas ng mga hinanakit mo?"

Mukhang naguluhan naman ito sa sinabi ko. Hay! Did I just ask him a logical question? Or magulo lang talaga ang tanong ko?

"Ewan ko sayo." Aakmang tatayo siya nang magsalita ulit ako.

"It's better to release what you feel than hide it." Tinignan ko siya. "I can see that you have a problem. Marunong akong makinig."

"At bakit naman ako magkukwento sayo? Isa kang estranghero."

"My point ka. Pero hindi lang ako isang estranghero. Kasi pwede akong maging kaibigan."

"Kakaibigan mo ako? Tapos ano? Kikidnapin mo ako?"

Natawa naman ako. "Kung kidnappers ako, kanina ka pa nakasakay sa isang sasakyan, nakatali at walang malay."

"Malay ko ba na yan ba ang modus niyo ngayon--,"

"Well, try me. At kung totoo man yang hinala mo, may mag-aalala ba kong kukunin kita ngayon?"

Magsasalita na sana siya ngunit itinikom rin niya ang bibig. Tinapik ko naman ang lupa bilang pagsenyas na pinauupo ko siya.

"C'mon. Hindi ako mangangain. Actually, wala akong mapuntahan. That's why I end up here. Nagbabasakaling may paroroonan ako. You know, yung thought na 'hindi lang ikaw ang may problema.' Lahat ng tao sa mundo may problema at may kanya-kanyang solusyon." Ngumiti naman ako.

Alanganin naman itong umupo pero medyo malayo na sa inuupuan ko. Patingin-tingin naman siya sa akin.

"Alam mo, mas maiisipin ko pa na ikaw ang may masamang gagawin sa akin kesa ako ang may gagawin sayo."

"Mahirap magtiwala sa mga tao ngayon. Maraming manloloko sa mundo."

"Wow! May hugot?" Biro ko.

"Totoo naman ang sinasabi ko. Iilan nalang siguro ang mababait sa mundo. Yung hindi mga sinungaling."

"Well... may point ka. Pero, do we need to focus on bad deeds than good deeds? Mas importante ba ang mga masasamang bagay kesa mabuting bagay?"

Naguluhan naman siya.

"I saw you crying. Kaya alam kong malaki ang dinramdam mo. May mabigat na bagay ngayon sa puso mo. And you think no one understand what you feel."

"Eh ano ngayon kung may dala-dala akong mabigat na bagay sa puso ko? Ano bang pakialam mo?"

"I have no right, yes. Pero sa lahat ng ayoko ay yung nalulungkot ang isang tao. Lalo na ang kagaya mo. Alam mo ba na mas sikat ang depression sa mga kagaya mo?"

"Depression. Isang matinding kalungkutan na maaaring maglead sa isang tao sa di inaasahang insidente."

"Sinasabi mo ba na ipapahamak ko ang sarili ko?"

"Ikaw lang ang nakakaalam niyan. Ganun ka ba?"

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Ewan. Ikaw? Kaya mo bang gawin yun? Like I ask a while ago, may mag-aalala ba?"

"Ewan ko rin sayo. Ang weird niyong kausap." Tumayo ito.

"Makakaya mo bang alisin yang mabigat sa dibdib mo?"

Naupo naman siya ulit? "Sino ka ba talaga ha? Bakit kung makatanong ka parang kilala na talaga kita."

"I'm here as friend. I bet wala kang nasasabihan niyang mga problema mo. Tama ako di ba? Dahil kung meron man, hindi ka tatakbo dito para lang umiyak."

"Wala kang pakialam kung umiyak man ako. Hindi pa rin tayo close." Umiiwas siya ng tingin.

Napangiti naman ako. "Alam mo, ang bata-bata mo pa para magdrama ng ganyan. Well, iba-iba naman ang tao kaya siguro natamaan ka ng kadramahan ng buhay. So, pwede mo bang i-share kong ano ang dinadamdam mo kanina?"

"Kung sasabihin ko ba sayo, tatantanan mo na ako?"

"Hmm, depende sa na-share mo. Alam mo kasi bata, hindi sa nagmamayabang ako pero medyo magaling ako sa advising. So baka matulungan kita."

"Hindi mi maiintindihan ang nararamdaman ko."

"Try me. I have all day to listen."

I can see na hesitant pa siya pero hindi ko inasahan na ikukwento niya. And all I can do is to listen to his bitter situation.

*************
Hey readers!

Hope you still waiting for my update. Super hirap talagang magkaroon ng mental block at sinabayan pa ng pagka-busy sa school. Graduating kasi eh.

So i hope you are still there to patiently waiting for my updates.

I hope na magustuhan niyo rin ang chapter na ito.

Arigato gozaimasu!
G'night!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top