Chapter 27
February
It's been a week.
It's been a week since that night he confess on me at ginugulo ang isipan ko!
"Argghhhhhhhhhh! Kainis ka! Bakit ka pa kasi nag-confess?!!!!" pagwawala ko.
Nahiga naman ako saka tinabunan ang mukha ko ng unan. Nakakainis na talaga siya.
"Wag masyadong kiligin, baka mahimatay ka niyan" rinig ko na ikinabalikwas ko.
"Hello" tugon ng lalaki.
"Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!" napasiksik ako sa head rest ng kama ko.
"Don't be afraid, I'm Kile and Marie's friend"
"Eh ano ano ngayon?"
"I can't believe that they implanted a wrong information on you"
"What do you mean?"
"You are confused right now. You are torn in believing that guy's words and believing in your own principle"
"Wait, sino ka ba? Bakit ka ba nandito? At ano yang pinagsasabi mo?"
"You human are fools. Specially you. I can see that you want to believe what he said. And then what? Later on, he will be like your father. Ngayon lang yan, dahil bago pa. How about the remaining days you are with him?"
Napaisip naman ako. He's right. Zero might be like him. Lolokuhin niya rin ako. Tama, nantitrip lang yun. Hindi naman siya seryoso. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Natigil ako sa pag-iisip ng may pumasok sa kwarto ko.
"Febbie!" sigaw ni Kile pagbukas niya ng pinto. Nasa likod niya si Marie.
"Febbie.." untag ni Marie.
"Yo! Lakas ng radar niyo ha"
"Luci..." mahinang sabi ni Kile.
"It's so good to hear my mine with your wonderful mouth" sabi nung Luci habang nakangiti.
"Feb, you okay" nag-aalalang sabi ni Marie habang sinuri ako. Tumango lang ako.
"What did you say to her?" kalmadong tanong ni Kile kay Luci.
"Nothing. I'm just saying the fact to her. Di ba Febbie?" he said while smirking.
"Anong sinabi niya sayo?" tanong ni Marie.
Bigla na lang akong napaluha ng hindi ko alam. Ayoko ng ganito. I can feel that I'm hopelessly liking a wrong person. Awang-awa na ako sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi ko deserve ang sumaya. Niyakap naman ako ni Marie.
"Wag niyo kasing bigyan ng false hope ang mga tao. Dahil talagang aasa sila. Tignan niyo ang nangyari sa kanya. Hindi ba kayo naawa?"
"Stop it. You're hurting her" Kile said in a cold tone.
"Such a weaklings. Kaya kayo naloloko. You'll never learn" napailing ito.
Bigla na lang akong napatingin sa kanya at napataas ang kilay ko. "You know what? Kanina ko pa napapansin na iniinsulto mo kami. Ano ka ba ha? Si Mr. Perfect ka ba? Kung makasabi ng tanga parang hindi ka dumaan sa pagkatanga. Tell me, si satanas ka ba?"
"Well, I'm the demon prince" he smirk.
Napasinghap ako. Tinignan ko lang sina Marie at Kile. "Di nga?" napatango lang ang dalawa.
"So-----"
"Mainit ba doon sa hell? Kunting facts naman oh, I really need it kasi para sa mga future novels ko" I explain.
"Feb.." untag sa akin ni Marie.
"Are you not afraid of me?" He arc his brow.
"Why would I? Nandito naman sila" I pointed at Marie and Kile.
"What if I possess you now? Aren't you afraid?" he dare me.
"Aren't you listening? Saang banda ka ba ng impyerno nakarating pati kabobohan ay dinala mo dito?" I arc my brow.
Napansin ko naman na napanganga sina Kile at Marie. "Anong nangyari sa inyo? Mapapasukan na ng langaw yang bibig niyo----"
Bigla namang nag-apoy ang katawan ni Luci at nag-iiba na rin ang anyo nito.
"Luci!" sigaw ng dalawa.
"You're acting brave darling" he grin.
"And you're acting weird. Duh? Umalis ka na nga sa harapan ko, ang pangit mo" inis kong napatayo sa kama.
"You're challenging me huh?"
Aakma naman siyang lumapit sa akin ngunit bigla na lang siyang tumalapon. Napasinghap naman kaming tatlo. Tumayo naman siya and he tried to attack me again but he didn't. Bigla nalang bumuka ang sahig ng kwarto ko at doon na nahulog si Luci. Agad na bumalik sa dati ang sahig ko at naging tahimik ulit.
"What was that?" ako na ang bumasag ng katahimikan.
"I don't even know" sagot naman ni Marie.
Bigla naman akong napahawak sa puson. "Argh! Not again" agad akong pumunta sa banyo. "Err! Bakit ngayon pa ako dinatnan. Bad trip naman oh!"
Agad naman akong naglinis ng katawan saka lumabas ng banyo. Pumunta naman ulit ako sa kama ko at humiga. I hate it when I'm having a period. Nadedrain kasi lahat ng energy and all I can do is to sleep.
"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Marie.
"May masakit ba sa iyo?" tanong naman ni Kile.
"Yeah. My belly. May period kasi ako. Sorry kong hindi ko kayo mai-entertain. Natutulog kasi ako everytime na may period ako" inaantok kung paliwanag.
"Okay. Take a rest. Hindi ka ba kakain muna?" tanong ni Marie habang hinahaplos ang buhok ko.
Umiling naman ako. "Later. I just want to sleep" mahinang sagot ko. Agad naman akong binalot ng antok saka ako nakatulog.
-----------------------------------------------
Hello readers!
Thank you sa pagbabasa ninyo sa obra ko. Sana mataas pa rin ang pasensya niyo dahil minsanan na akong maka-update. But thank you pa rin sa pagsubaybay niyo.
Love lots readers! 💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top