Chapter 26
Zero
Thank God nagsuccess ang album namin. Naging click rin ang kanta na kinompose namin ni Febbie.
Speaking of Febbie, hindi ko siya nakikita nitong nakaraang araw. Tinanong ko sina Marie at Kile pero hindi hindi nila alam. I assume na busy rin ito sa bago niyang librong irerelease.
Pero sana naman ay magpakita siya. Ilang araw ko ring pinag-aralan (pinag-aralan ko talaga) ang feelings ko kay Febbie.
She's an amazing person I've ever met kahit may paglamasungit ito. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang ganitong pakiramdam. It makes me happy whenever I think about her.
About sa amin naman ni Cynthia, nagkausap na kami. Alam kong masasaktan si Cynthia pero mas umaapaw ang kagustuhan kong mapalapit ako kay Febbie.
Sana nga magkita kami. Nahinto naman ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pangalan ni Febbie.
"February, look oh, di ba si Zero yun?" sabi ng babaing kasama niya
Oo nga pala, nasa mall ako kaya kung hindi pa ako aalis ay dudumugin ako. Nilingon naman ni Febbie ang direksyon ko at nanlaki ang mata.
Sisigaw na sana ang kasama niya peeo agad niya itong tinakpan ang bibig.
"Itikom mo nga yang bunganga mo. Hindi yan si Zero. Tara na nga" hinila na niya ito
"Pero---"
Hindi ko na hinintay na makalayo sila kaya tinakbo ko na sila.
"Febbie!"
"Hala! Sinusundan tayo ni Zero. February, si Zero oh!" pinatigil niya si Febbie
Aakmang aalis ito pero agad kong hinawakan ang braso niya. "Febbie..."
"Z-Zero. Ikaw pala yan" pilit itong ngumiti
"Iniwasan mo ba ako?"
"Ikaw? Iniiwasan ko? Asa!" she fake a laugh. "I'm not avoiding you Zero. Busy ka, busy ako. So, hindi talaga tayo magkikita"
"You rejected all my calls. Out of coverage ka rin minsan. At ang mas worst ay hindi na active ang sim mo, right? Did I do something wrong para umiwas ka?"
"Wala! Ano ka ba? Para ka namang paranoid jan" pagsusungit niya
"Aherm! Excuse me lang po ha pero nakakakuha na tayo ng matinding atensyon sa mga---- Hoy sandali! Saan mo dadalhin si...."
Hindi ko na narinig ang sinabi ng kasama ni Febbie dahil hinila ko na ito patungo sa parking lot ng mall. Wala na akong pakialam kong magalit man siya sa akin but I need to this para makausap ko lang siya.
"U-uy! Zero! Saan mo ako dadalhin"
Agad ko siyang pinasakay sa kotse. Umikot ako para pumwesto sa driver seat saka pinaandar.
"This is kidnapping Zero"
"Well, I'd love to be your kidnapper" I smirk then pinasibad ko na ang kotse.
Wala namang imik si Febbie sa buong byahe. I know, less pogi points tong ginawa ko sa kanya but I really need to talk to her ALONE.
Inihinto ko naman ang sasakyan sa may cliff which is tanaw ang city sa ibaba at ang papalubog na araw.
Agad namang bumaba si Febbie saka lumapit sa railings ng cliff. Bumaba na rin ako at nilapitan siya.
"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo kanina. What if may kumuha ng pictures nating dalawa? Eh di na issue akong na-link sayo" sabi nito habang nanonood ng sunset.
"Sorry. I just want to talk to you, alone kaya kita hinila"
"Pwede mo namang sabihin sa akin kanina. Ano ba kasi yan at may pahila-hila effect ka pa. Maka-telenovela ka rin ano?" hindi pa rin ito lumilingon.
"Um, I just... I just wanna.... say... kumusta ka na?" napanganga lang siya ng lumingon siya sa akin
"You drag me here because you want to greet me? Adik ka ba?"
"Eeeh... hindi lang naman kasi yun ang gusto kong sabihin sayo" napakamot na tuloy ako ng ulo.
Hay! Ang hirap pala talagang umamin ng feelings lalo na't sa katulad ni Febbie.
"What?" pagsusungit niya while she's in crossed-arm.
"Um, I want to say na..... pwe---"
Naputol ang sasabohin ko nang tumunog ang phone ko. Ipagpapatuloy ko pa sana ang sasabihin ko pero mulhang naiingayan narin siya phone ko.
"Yes!" inis kong sagot
"Bro, asan ka na? Kanina ka pa hinahanap ni Lianne" sagot ni Lester.
"Bakit daw?"
"Aba't malay ko. Basta pumunta ka dito"
"I'm busy. I'll talk to you later" bago pa makasagot si Lester ay pinatay ko na ang tawag saka ang phone ko. I don't want to be disturb by anybody.
"As I was saying, pwede bang----" naputol na naman ang sasabihin ko dahil nagsilabasan ang ibang ibong sa di kalayuang kahoy sa amin.
"I think we should go now. Magdidilim na oh" tinuro niya ang kalangitan.
"Pero may sasabihin pa ako sayo---"
"It can wait Zero. May bukas pa naman. Tsaka, hinahanap ka na nila so we need to go"
"Pero hindi na ako makapaghintay bukas"
"C'mon Zero. Gabi na" naglakad na ito patungo sa kotse.
Argh! Kainis naman na moment to oh! Pero hindi pa rin ako papapigil. I need to try it.
"February Lacsama! Can you allow me to court you?" sigaw ko. Ayan, nasabi ko na rin. Hay! Sana pumayag siya.
February
Hay! Kapag umandar nga naman ang pangtitrip nitong isa. Bubuksan ko na sana ang kotse niya ng sumigaw siya.
"February Lacsama! Can you allow me to court you?" sigaw niya.
Automatic na napatigil ako at na-speechless sa sinabi niya. Ano raw? Liligawan niya ako? Nilingon ko naman siya at binigyan ng matalim na tingin. Kung pagtitripan niya lang ako, pwes hindi magandang biro yun.
"Can you allow me to court you?" sabi niya na nakalapit na sa akin.
"Alam mo bang hindi magandang biro yan?" malamig na tanong ko
"I'm not joking around, Feb. I'm dead serious" seryosong sagot niya
"If that is not a joke, then why are you asking me that question?"
"Hindi pa ba obvious kung bakit gusto kitang ligawan? I like you Feb--no erase that,..... I'm learning to love you now Feb"
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bigla na lang nag-init ang ulo ko.
"You'll learning? Huh! Ayos ka rin ano? How can you to love me kung may girlfriend ka. Saka, I'm a complicated woman to handle Zero. Wala kang aasahan sa akin. Kaya stop fooling me around" bubuksan ko sana ang pinto ng kotse pero isinirado rin niya ito.
"Girlfriend huh? Ano bang klaseng balita ang napapanood mo? Wala akong girlfriend. We broke up 3 years ago. At nung nagkita kami, it's just some closure we made. Look Feb, hindi kita niloloko. I know how complicated person you are, pero handa kitang tulungan para maayos ka. Feb, I learn to love you dahil nakikita kong ikaw rin ang makakapagpabago sa buhay ko. Nung naging close tayo, it made my life change. I'm not as impatient and arrogant and a bad boy image when I learn to love you. You see, I know you always doubt your faith in Him, but maybe I can influence you to trust Him again. Alam kong may trust issue ka Feb, pero I try it kahit na hindi mo ako paniwalaan ngayon. Please Feb, let us help each other"
Napabuntong-hininga nalang ako sa sinabi niya. I hate it when they are right. Pero paano ako pa ako magtitiwala ulit? I was hurt once. Ayoko nang masaktan ulit.
"I think... let's call it a night. Please ihatid mo na ako" agad akong pumasok sa kotse niya.
Ilang sigundo rin bago siya pumwesto sa driver's seat. Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin dahil na rin sa traffic bago kami nakarating sa tinutuluyan kong apartment.
Dirediretso lang ako sa paglalakad hanggang sa tawagin niya ang pangalan ko.
"Please, answer all my calls Feb. Good night" yun lang sinabi niya saka pumasok sa kotse niya at umalis.
I'm sorry Zero. I just can't trust myself yet.
Agad naman akong pumasok sa apartment ko saka tinungo ang kwarto ko at humiga. Hay! Sana nga ay matuto na akong magtiwala. Sana nga.
---------------------------------------------------
To all my readers. Spare me for the late updates. Nagkakamental block talaga ako. And pasensya na rin sa mga errors. I'll work on that next time.
Love you all!!!💙💙💙💙
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top