Chapter 24

February

Weird feelings.

Yan ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami ni Zero.

Everytime na nagkukulitan or should I say kinukulit niya ako, hindi ko maiwasan na magkaroon ng 'weird feelings' sa kanya.

Tinukso nga ako one time ng mga readers ng book ko nung nagbook signing ako sa mall sa second book ko.

Dinalaw lang naman niya ako, and the worst dinumog kami ng fans niya. Buti na lang at may mga security na nagpalayo sa fans ni Zero. Pati mga readers ko fan niya ng loko.

Ayun nga, natukso tuloy kami na 'may something' sa aming dalawa. Na nililigawan ako ni Zero eh hindi naman totoo. Aba't pinatulan pa ng loko ang tukso nila. Naintriga na tuloy ako.

Inis na inis ako nung time na yun sa kanya. Pinagtaguan ko siya for about a week. Well, alam naman niya kong saan ako lumalagi pero hindi ko lang siya kinakausap.

Hanggang sa nagsawa na siguro siya sa kaaabang sa may gate ng bahay ko. Balita ko pumunta ang banda niya sa ibang bansa para sa world tour nila.

Bigla nalang akong nainis kasi hindi na niya ako pinupuntahan. Nakakainis dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Tuwing nandiyan siya, naiinis ako dahil naaalala ko ang ginawa niya nung book signing. Kung wala naman siya, naiinis rin ako dahil para namang walang ka-effort-effort na i-console ako.

Argh! Nakaka-stress! Ayoko nang ganito! Tapos, may nabasa pa akong novel na may connect sa 'weird feelings' ko.

I can't accept the fact na baka nahuhulog na ako sa kanya. No! Hindi pwede! I don't want to be like my mom. Iiwan din niya ako kung magsasawa na siya. No! Hindi dapat mangyari yun. Hindi!

"Hello World!"

Napapitlag naman ako saka nilingon ang may pakana ng pagkagulat ko.

"Araw-araw ka na lang ba talagang manggugulat huh?!" sigaw ko kay Kile

"Oh! Ano na naman bang nangyari sayo? Bakit bad trip ka na naman?" lumapit ito sa akin

"Wala kang pakialam! Hindi tayo close! At wag na wag mo na akong kausapin!" galit kong sabi saka ko siya tinalikuran.

Tunungo ko naman ang kwarto ko at doon nagkulong. Actually, hindi ko na alam kong bakit ako ganito. Hindi ko to ginusto.

Naramdamn ko naman na may umupo sa kama ko. Nakatalikod lang ako sa kanya.

"Kung ganyan ang estado mo hindi kita pwedeng iwan. Sa ayaw at sa gusto mo, mananatili ako dito hanggang sa kaya mo nang sabihin sa akin kung ano ang problema mo" tugon ni Kile

Hindi ko na napigilang lumuha. Bakit ba ako naiiyak? Nakakainis talaga 'tong si Kile. Everytime when he's around, I feek so weak.

"Remember Febbie, I'm your friend. And I'm ready to listen. Just like in the song; I'm only one call away, I'll be there so save the day. Superman got nothing on me, I'm only one call away"

Medyo napatawa ako dun pero pinigilan ko lang. Bumalik naman ako sa pagkainis sa kanya.

"Ang pangit ng boses mo. Umalis ka na nga! Nakakaistorbo ka" nagtalukbong ako

"Grabe siya o. Nag-effort kaya akong kantahin yun. Tss! Buti pa si Zero nalang ang kausapin ko. May sense paku doon" naramdaman ko namang tumayo siya

Hinawi ko naman ang kumot ko at tinignan siya. Aba't aalid na nga ito.

"Wala si Zero. Nasa ibang bansa pa siya ngayon"

Tumingin naman siya sa akin then he smile meaningfully. "Bakit alam mo na hindi pa siya nakakabalik ha? Ini-stalk mo ba si Zero? Uy.....! May something---"

Hinagisan ko naman siya ng unan. "Get out gay!" nagtalukbong ako ng kumot ulit

"Uy hindi ako gay ha! Straight ako. Bawal mambintang. Tsaka, bakit ka ba nagagalit? Siguro totoo ang hinala ko na--"

Hinagisan ko siya ulit ng unan. "Alis!"

"Oo, eto na. Iba na talaga kung in-love. Indenial minsan" bulong niya pero rinig ko pa rin

Napatayo na talaga ako para habulin siya pero bigla nalang iyong nawala. Grr! Ginagalit niya talaga ako.

"Argh! Hindi ako in love. Mas lalong hindi ako in denial!!!" naiinis kong sigaw

Zero

Ilang linggo na rin kaming nagwo-world tour. Masaya dahil napapasaya namin ang mga fans namin sa ibang bansa.

Pero hindi pa rin ganun kasaya talaga. Naalala ko si Febbie. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinikibo o hinaharap man lang. Dahil lang sa biro ko.

Biro na half meant. Alam ko, mahilig akong biruin siya, pero hindi ko inaasahan na yung mga biro ko eh ako rin ang natatamaan.

I learn to like her kahit na napakamasungit niya sa akin. Natu-turn on talaga ako everytime she glared at me.

Hay! If ever na manligaw ako sa kanya, sigurado akong basted dahil parang ayaw niya talagang pumasok sa isang relasyon. Lalo pa at may pinaghuhugutan ito sa nakaraan niya.

"Yo bro! Sabi ni Lianne na magprepare na daw tayo para sa pag-uwi natin. At...may bisita ka" he smile meaningfully

"Ano na naman yang ngiti na yan?" confuse kong tanong

Sasagot na sana si Lester nang may nagbukas ng pinto sa dressing room namin.

"Surprise! Namiss mo ba ako?"

Nanlaki naman ang mata ko at napatingin kay Lester.

"Sige, maiwan ko muna kayo lovebirds" lumabas ito

Hindi naman ako nakapagsalita. "So, kumusta ka na? Sikat na talaga kayo no?" tugon niya sabay upo sa katabing upuan

"Okay naman ako. Ikaw?" sulyap ko sa kanya

"Eto. Lagi na lang malungkot dahil wala ka" she bow her head. "Zero, alam ko mahirap na maibalik natin--"

"Cynthia, nakalimutan ko na ang nangyari sa atin noon. I understand na kailangan mong piliin ang family mo. You need to strive hard to help them. And now, masaya ako na naging successful ka na ngayon at nakatulong ka na sa pamilya mo" I smile

"Pero hindi kita nakalimutan Zero" naiyak na ito. "Everytime na magko-concert kayo, sinisikap ko na makapanuod para suportahan ka. You see, kahit nasa malayo lang ako, I assure na present ako sa lahat ng activities niyo. Ganun pa rin kita kamahal"

"Cynthia..."

"Please Zero, tell me na may chance pa tayo" humikbi ito

Napabuntong-hininga ako saka ko siya niyakap. Hay! How can I handle her kung sarili kong isip ay lumilipad sa iba. God help me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top