Chapter 21
Ezekiel
Nang magdesisyon si Zero na lumabas, agad naman kaming huminto ni Marie sa pagkanta at sinundan namin siya.
Alam kong magkikita ang dalawa ulit nang hindi inaasahan at magba-bonding ang ito. I've just read on my tab.
"Grabe Kile, mukhang malapit nang matapos 'tong misyon mo ha?" galak na sabi Marie
"Not yet. May pagdadaanan pa silang pagsubok" sabi ko habang nakitingin kina Febbie na kumakain sa coffe shop di kalayuan sa amin
"Eh! Is it hard? Tell me, sangkot na naman ba dito ang K.A. (kismet annihilator)?" seryosong tanong niya
"Yes? No? I don't know. Basta, let's prepare na lang"
"Well, hindi natin masisisi kung ganun ang way of life natin. Kahit anong pilit nating maging maganda ang buhay natin, darating at darating sa point na hindi lang puro saya ang mararamdaman natin"
Ilang sandali pa ay lumabas na ang dalawa. May ibang tao na nagpapapapicture pa kay Zero.
Agad naman silang naglakad at syempre sinundan namin ang mga ito. I need to be updated sa love story nila.
"Hay! Kung maging sila, napakasweet nilang tignan. At isama na diyan ang pagiging total opposite nila. Look o" turo niya sa dalawa na nag-aasaran
"Hay! Itong leading lady natin talaga. Ang daling mapikon"
"Sinabi mo pa"
Natawa na lang kami sa ginagawa nila Zero at Febbie.
"Ano ba? Stop messing my hair. Hindi ka na nakakatuwa ha"
"Sus! Magulo rin namana yan eh"
Akmang guhuluhin ulit ni Zero ang buhok ni Febbie pero sinaway na siya nito.
"Wag mo ngang guluhin ang buhok ko. Ilang oras ko 'tong pinaghirapan kaya"
Napahawak naman ako sa ulo ko. God. Ano yung naalala ko?
"Hey. Okay ka lang?" tanong ni Marie
"Weh? At bakit ka naman nag-aayos? May nililigawan ka no?"
"Badtrip ka naman eh. Babae? Manliligaw?"
"Bakit? Babae ka ba?"
Ginulo ko ulit ang buhok niya.
"Ezekiel!" inis niya
"Please stop" hinawakan ko ang ulo ko
"Hey. Kile? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?" alalang tanong ni Marie sa 'kin
"Pero if ever na may nagugustuhan ka na, sabihin mo kay kuya ha, nang makilatis ko. Aba't ayoko naman na nasasaktan ang baby sister ko" inakbayan ko ito
"Kung alam mo lang" bulong niya
"Ano yun?"
"Nothing" inalis niya ang braso ko saka naunang maglakad
"Teka. Shel, sandali!" hinabol ko ito
God! Ang sakit-sakit ng ulo ko! Sino ba talaga ako? Sino ba si Shel? Kapatid ko ba talaga siya? Naguguluhan ako!
"God! Kile, sumagot ka! Bakit ka ganyan?!" pasigaw ni Marie
Sa sobrang sakit, unti-unti na akong nawawalan ng malay. At may narinig akong boses ulit.
"Mahal kita"
Marie
Hindi ko alam kung bakit nawalan ng malay si Kile. Pero malaki ang hinala ko na bumabalik na ang alaala niya.
Nang bumagsak siya kanina, agad ko siyang dinala sa bahay ni Zero. I used my teleportation para mapadali kami.
Ilang oras na rin akong naghihintay na magising siya. Hanggang sa dumating sina Zero at naabutan nila akong inaalagaan si Kile.
"Hindi pa ba siya nagigising?" tanong ni Febbie
"Hindi pa"
"Ano bang nangyari? I mean, ang gho-- spirit ay bigla-bigla na lang nahimatay?"
"I think may naalala siya kanina. Mukhang hindi lang niya kinaya"
"Ganun ba talaga kayo? Tayo? If mamamatay? Hindi maalala ang buhay natin sa lupa?"
"May iba na nakakaalala. May ibang hindi. Those people whose prepared to die, they are the who regain and keep their memory. Hindi na kasi sila makakabalik sa buhay nila sa lupa. Yung tanggap na nila at tinanggap na kinuha na sila ni God dahil tapos na ang misyon nila sa lupa"
"So, Kile belong to those spirit na hindi na-keep ang memory?"
"Yes. Kile woke up na nasa heaven na siya. Without knowing his life here on Earth. Pwede naman siyang ma-consider na angel na but his memories are haunting him. Kaya siya bumaba dito. Pinayagan naman kasi siya ni God na bumaba.."
"Kaya nga siya na-belong sa mga spirit na hindi prepared na mamamatay. He was destined to die ng hindi inaasahan. You know that di ba? Yung mga deaths na hindi inaasahan?"
"Like hit by a car, murder by a random person, fall from heights, abused or raped, and of course die from elements of nature"
"Ang daming mong alam ha?"
"Writer eh"
"Oo nga naman. Yung mga na-mention mo, lahat ng taong hindi pa handa pa mamatay pero nakatakda na sila. Kaya nga may mga revengeful spirit. Sila yung nadeceive ng demon para ipaghiganti ang pagkamatay nila. Or else mandamay ng iba. Isa na yung mga pinatay sa raped, abuse, stab or shot by a random person, or hit by a car. Sila yung mahihina ang faith kay God.."
"So you mean, pwedeng maging ganun ako?"
"If you choose to be like that" I look at Kile. "Kile is a kind-hearted spirit. Kahit biglaan ang pagkamatay niya. I don't know how he died pero nagpapasalamat ako na hindi niya kinuwestyon ang Diyos sa nangyari sa kanya. He's quite innocent for it"
"Ikaw? How did accept your death?"
"Noong una, medyo nagrebelde nga ako pero hindi humantong na susuwayin ko ang Diyos. Madali ko kasing natanggap na hindi na sa lupa ang bago kong buhay. Tsaka kasama ko naman ang kapatid ko doon"
Natahimik kami sandali saka ulit nagsalita si Febbie.
"Paano mo.... uhm never mind. Aalis muna ako. Sige" tumalikod
"Tatanungin mo ba kung paano ko natanggap ang Diyos?" walang-lingon kong tanong
"Um... yeah" nahihiyang sagot niya
Lumingon ako at inaya ko siyang umupo muna. I think she really needs to hear other story.
---------------------------------------------
Belated Happy Father's Day sa lahat ng mga ama.
Especially kay God, Papa Jesus and Papa Joseph.
God bless to them!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top