Twenty-three
JICE
"Give her to me. I will pay you tenfold," wika niya roon kay Jellyn at iba ang naging lawak ng ngiti nito sa kaniya.
"You'll know more of his secrets soon, Jice."
Hindi ko alam kung anong i-a-akto ko, lalo na nang kuhanin niya ako sa bisig nitong si Gustavo.
"Sure na sure Mr. Villafuerte. Alam mo naman na noon pa ikaw na ang bet na bet kong customer," wika ni Jellyn na lubos na ikina-kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Naguguluhan ako, shutangena.
"Ms. Paguio, that's unfair. I was the first one to ask for the new girl. Why are you choosing this stupid man over me?" Wika ni Gustavo. Naaalibadbaran na 'ko sa kaniya. Kaunti nalang susungalngalin ko na ang nguso niya.
Bigla na lamang inangasan ni Laeven si Gustavo at tinulak ito sa balikat. "Kahit sino pang nauna, kapag ginusto ko, makukuha ko," kinabahan ako sa isinagot ni Laeven na iyon. Hindi ako sanay sa tono ng pananalita niyang iyon.
"Ooooops! Walang mag-aaway. Ito na lamang ang sa iyo Mr. Gustavo. Ready na itong si Ms. Mia para mailabas mo," tukoy ni Jellyn kay Callia.
Nakita kong bahagyang tumango sa akin si Callia kaya't unti-unti kong naiintindihan ang maaari kong gawin sa ngayon base na rin sa napag-usapan namin kanina.
"Ah... Mr. Villafuerte. Tama po ba, Mr. Villafuerte?" Pagkukunwari kong hindi ko siya kilala. "Akyat lang muna po sana ako sa opisina ni mamu, nalaglag ko po yata doon ang pitaka ko," pagpapatuloy ko kahit na ang totoo ay hindi na maganda ang tingin ni Laeven sa akin. Tila ba ano mang oras ay gagawa na siya ng hakbang na ikakasira ng misyon na ito.
"Sure sure, Anastacia," wika ni Jellyn sa akin at parang kumikislap pa ang mga mata dahil sa perang kikitain niya sa akin.
"I'll wait for you in my car, Miss. I parked it in front," wika ni Laeven saka pa ako nginisian.
Mabilis ang naging pagkilos ko, kahit na kinakabahan pa ako dahil bibihira ko talagang gawin ang sumama sa mga side missions. Ang plano namin ni Callia kung sino man sa amin ang mailalabas sa malaking halaga ay siyang babalik sa itaas upang iligtas si Amethyst, habang ang isa naman ay gumagawa ng paraan upang hindi mapansin ni Jellyn ang oras.
"Oh, bakit narito ka?" Halos masuka ako sa kaba dahil biglang sumulpot si Porcia sa harap ko. Mukhang kanang kamay ito ni Jellyn.
"May naiwan lamang po ako sa loob," magalang na sagot ko kahit gusto ko nang gilitan ang ngala-ngala niya dahil sa pagiging epal.
"Pinayagan ka ni mamu?" Pagpapatuloy na tanong niya. Kaunti nalang susuntukin ko na 'to sa mukha. Promise.
"Opo. May parokyano na po kasi ako," nakangiting wika ko kahit gigil na talaga ako.
"Sige, dalian mo lang," saka niya pa ako pinagbuksan ng pinto.
Pagpasok ko sa loob ay mabilis kong kinuha ang hairpin na nasa buhok ko at mabilis na tumungo sa pulang pinto. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis ko 'tong binuksan gamit ang hairpin dahil obviously, naka-lock ito.
Iba ang kaba ko dahil baka ano mang oras ay pumasok na ang depugang si Porcia na 'yon. Nang mag-click bigla ang pinto ay wala na akong sinayang pang oras na buksan ito.
Halos manlumo ako sa nasaksihan ko. May dalawang babae lamang dito. Ang isa ay tulala at ang isa naman ay iyak nang iyak.
"Huwag po. Parang awa n'yo na, huwag po," wika no'ng babaeng iyak nang iyak.
"Ikaw ba si Amethyst?" Tanong ko rito. Kailangan kong tikisin ang luhang nais kumawala sa mga mata ko. Isa ito sa mga kahinaan ko, mga dalagang umiiyak dahil naabuso. Hindi ko kayang matagal na makita ang sitwasyon nila.
"Opo. Parang awa n'yo na po, huwag po ako," nanginginig na wika nito.
"Aalis tayo rito. Pinapahanap ka sa akin ng kuya Topaz mo," wika ko. Halos mag-ningning ang mga mata nito nang marinig niya ang pangalan ng kuya niya.
"Talaga po?" Wika nito sa akin. "Pero paano naman po si Henz?" Mukhang tinutukoy niya ang isa pang babaeng tulala.
"Isasama na natin siya paalis," tinulungan niyang makatayo ang babae at lumabas kami ng silid na iyon. Binunot ko ang baril na nasa boots na suot ko at inalerto ang sarili ko.
Pinagtago ko muna sila sa gilid ng pinto dahil naramdaman kong nasa labas pa rin si Porcia.
"Kasama ko na sila," wika ko kay Callia sa kabilang linya.
"Don't go through that door. There's a secret passage in that office. Go through it," wika ni amo at nagsimula akong lumingon sa paligid.
"Wala po."
"Underneath you," bigla akong napalingon sa isang maliit na carpet at itinaas ko iyon. Nakakita ako ng maliit na pinto.
Mabilis kong ini-angat iyon at pinapasok sina Amethyst at Henz. "Amo, saan po patungo 'to?" Kinakabahang turan ko.
"Sasalubungin ko kayo," tila ako nakahinga ng maluwag sa narinig kong sinabi ni amo. Iba talaga kapag Aeickel Lavria ang nagsabi. Nakakakalma.
Napabilib ako ni Amethyst dahil kahit hirap na hirap siya sa pag-akay kay Henz ay ginawa pa rin niya ang lahat upang matulungan ito. Katulong niya ako ngunit halos lahat kasi ng bigat ay nasa kaniya.
Nasa bukana na kami at sa gulat ko ay may dalawang malalaking lalaki ang bigla na lamang nagtutok ng baril sa amin. Hindi ko alam kung anong i-a-akto ko.
Itinutok ko rin ang baril ko sa mga ito ngunit bago ko pa makalabit ang gatilyo ay bigla na lamang tumumba ang mga ito at nasa likod nila si amo na tila wala lang ang ginawa niya sa malalaking lalaki. Iba... ibang klase.
Nakita kong kinabahan si Amethyst ngunit hinawakan ko ito sa balikat. "Huwag kang mag-alala, siya ang hiningan ng tulong ng kuya mo."
Nakasakay na kami sa van nang maalala ko si Callia at Laeven.
"Succeeded," wika ko.
"Good. Patutulugin ko lang ang isang ito," sa tantya ko ay tinutukoy niya ang lalaking pumili sa kaniya.
Bababa na sana ako ng van nang bigla akong pigilan ni amo. "No need to look for him," aniya saka bigla namang sumulpot si Laeven sa pintuan ng van. Nakahinga ako ng tuluyan dahil sa nakita ko. Sana nga successful na talaga ang misyon na ito.
"HINDI ka na susuong sa mga misyon na ganoon—"
"Hindi ka na sasama sa akin kahit kailan," kung gigil siya, mas gigil niya 'ko!
"I'm not kidding here, Jice Isaiah," aniya sa nagbabantang tono.
"Mas hindi ako nagbibiro, Laeven Azer!" Singhal ko pabalik sa kaniya. "Ang dami mong kailangan ipaliwanag sa akin!"
Napa-upo siya sa sofa saka napahilamos sa mukha niya. "I know. Alam kong kailangan kong magpaliwanag at sabihin sa'yo ang mga dapat mong malaman," sagot niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung anong tono ang nabakas ko sa tinig niya ngunit nagbigay iyon sa akin ng kakaibang kaba.
"Ang dami mong itinatago," hindi ko napigilan na maituran.
"Hindi ako lagi sa bar na 'yon. Si Flare ang palagi roon," panimula niya. "Until I met Kiersten," hindi ko alam ngunit sa pagkakabanggit pa lamang niya ng pangalan na iyon ay para na akong tinarak ng patalim.
"Sino naman 'yon?" Pagkukubli ko ng totoong nararamdaman ko.
"She's a club girl na alaga ni Jellyn. She likes me," sagot niya sa akin.
"Tapos dahil pakboy ka, jinerjer mo!?"
"I didn't," giit niya. "That's why she became obsessively and insanely possessive to me. Lahat ng babaeng gusto kong ilabas sa bar ay sinasaktan niya. Honestly, she's a beauty. Mabait din siya, at sa palagay ko kahit sinong lalaki ang gustuhin niya ay mahuhulog sa kaniya—"
"Bakit hindi ka nahulog?" Kunot noong putol ko sa kaniya.
"Because it wasn't my intention to fall in love. I was so firm not to fall in love, lalo na at kasagsagan ng career ko," aniya at napatango-tango ako. May punto siya roon.
"Anong nangyari kay Kiersten?"
"I honestly don't know. After my accident, wala na akong balita sa kaniya," sagot naman niya.
"Sure kang hindi mo jinerjer 'yon!?"
"Ikaw na ang huling gagawan ko no'n. Even now kung gusto mo—"
"BASTOS!"
"Bastos kapag pinatuwad kita ngayon," ampotek! Saan niya hinuhugot 'yong lakas para makabanat pa ng ganito? Pagkatapos pa talaga ng ginawa niya!?
"Mas bastos kapag tumuwad ako—"
"Nope. That would be exciting," ang lintik bigla ba naman tumayo sa sofa saka nagsimulang lumakad papalapit sa akin.
"Ang bilis ng pacing mo, 'no? Kanina nagagalit ka, tapos hindi mo alam kung paano ka magpapaliwanag, ngayon naman ito ka at nang-aasar na. Saan ka pinaglihi ng Mommy mo?" Litanya ko sa kaniya kahit na sa totoo lang na-e-excite rin ako.
"Sa'yo lang naman ako nagkakaganito. Ikaw lang naman ang gumugulo sa akin ng ganito. I could literally go from one mood to another because of you," mapang-akit na tugon niya sa akin.
"HINTO!" Singhal ko sa kaniya dahil malapit na siya sa akin. "Walang round four. Pagod ako," pigil ko sa kaniya ngunit mukhang wala siyang balak tigilan ako dahil bigla na lamang niya akong hinatak pasubsob sa kaniya.
"I want to shower you with my kisses. I hate it when someone touches you. It angers me, baby. Literally," shutangena talaga Laeven! 'Yong pang-aakit talaga dapat inilulugar, e!
"T–Tigilan mo muna ako ngayon," potek! Bakit naman nauutal pa!?
"Fine. Now take a bath, tabi tayong matutulog."
Shutangena! Makakaligtas ba talaga ako sa round four!?
DAPAT ba akong maging maligaya na walang round four o hindi?
"Nakapili ka na ba?" Tanong niya sa akin. Tinutukoy niya 'yong gusto kong style ng bullet proof vest. OO, LEGIT! PARA SIYANG ABNOY! BINIBILI NIYA AKO NG BULLET PROOF VEST!
"Aanhin ko ba kasi 'to?" Inis na tanong ko sa kaniya.
"It will serve as your protection towards bullets—"
"Well obviously Laeven, alam ko 'yon. Sa iyo lang naman talaga ako legit na hindi makaligtas at sa semilya mong malayo na yata ang nararating," singhal ko sa kaniya pero ang walang hiya tinawanan lang ako.
"Don't worry, baby. Any moment now, they will arrive at their final destination. Ganoon kasi kita kamahal," banat niya na ikina-ikot lang ng mata ko.
"Legit nga. Kasi imbes na shower me with your love, ang naging dating, shower me with your milk, walang hiya ka. Pinanay-panay mo ang putok. Daig mo pa 'yong armalite," pagpapatuloy ko pero parang bigla akong dinatingan ng hiya nang biglang humagikgik iyong dalawang babaeng nag-a-assist sa amin. Shutangena, ganito pala 'yong feeling.... ng mahiya.
"Don't worry, mukhang hindi ka satisfied sa armalite, I will do it the machine gun way—Hmp!" Bigla kong tinakpan ang bibig niya. Shutangena, nakakalimutan niya yatang nasa store kami ng mga battle equipments tapos babanat siya ng gano'n!? Ang dali-dali lang ma-gets no'n!
"Tama, Sir. Mas marami pong bala ang machine gun. The more, the merrier," SHUTANGENANG SALES LADY 'TO! NAKIGATONG PA NGA! KAHIHIYAN LUMUBAY KA!
"Ehem," pagtikhim ko kasi mukhang na-e-enjoy ng sales lady 'yong pakiki-asar, e.
"Yes po, Ma'am? Nakapili na po ba kayo?"
"Oo, miss. Iyan nalang matigas tsaka medyo malaki," sagot ko.
"She really likes it hard and big. Right, baby?" SHUTANGENA TALAGA LAEVEN! Ayaw niya talagang tumigil?
"Yes, baby. Gusto ko talaga ng matigas, malaki at higit sa lahat solid kapag bumaon," talagang kapag gantong sitwasyon ayaw kong hinahamon ako. Kalimutan ang kahihiyan, tara at makipag banatan!
Bigla siyang umumang sa tainga ko at bumulong. "Don't worry, baby. I'll give you the hardest, the biggest, and the strongest thrust you'll ever experience in your entire life," bigla yata akong kinabahan. Iyong pang-aasar ko kanina, parang kinain na ng lupa.
Lumayo siya sa akin saka na nagtingin sa paligid. Ang galing! Mang-aasar saka lalayas.
"Yuna, tara kain na!" Sigaw no'ng babaeng kadarating, saka may itinaas pa siyang plastik na hindi ko mawari kung ano ang laman.
"Wait lang may customer," sagot naman nitong Yuna pero lumapit pa rin ang babae.
"Grabe, ang sarap nitong puso ng saging na may sotanghon. Nakakatakam," bigla naman akong parang nagutom sa narinig ko. Hilig kasing lutuin ni Tita Elizabeth 'yon.
Lumakad ako patungo kay Laeven habang may hawak siyang cute na pink na baril. Kinasa niya pa talaga iyon. "Laev." Pukaw ko sa atensyon niya.
Lumingon siya sa akin. "Hmmm?"
"Luto tayo ng puso ng saging na may sotanghon—"
*BLAAAAAAAAG!*
Nagulat ako sa biglaan niyang pagtumba. Kitang-kita ko kung paano niya biglang nabitawan ang baril na hawak niya.
"TULOOOOOOOONGGGGGGG!" Naiiyak na sigaw ko. Natatakot ako. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"No, iha. A Villafuerte is on its way."
Napalingon ako sa tinig na iyon kasabay ng paghawak sa balikat ko at nakita ko si Madam Cassandra na malawak ang pagkakangiti sa akin.
--
WE ARE NOW DOWN TO THE LAST SEVEN CHAPTERS OF THE DISTRESSED RACER. THANK YOU. YOUR VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. LAHAT IYAN NABABASA KO, LAHAT PO IYAN NAKIKITA KO. 🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top