Twenty-six

LAEVEN

        

"F–Flare," halos hindi ko mailabas ang mga salitang iyan sa mga labi ko. Naaninag ko si Flare na nakatali sa upuan at may mga tama ang mukha. Nakatali rin ako sa isang upuan hindi kalayuan sa kaniya.

           

Alam kong iba na ang kutob ko buhat pa nang silipin ko ang silid na tinulugan niya at wala siya. Malaki ang utang na loob ko kay Flare. Malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Hindi ko hahayaan na mapahamak pa siya ngayong nalaman ko na buhay siya.

       

Naalis ko na ang pagkakatali ko at tatayo na sana ako upang suungin ang gulong ito na alam kong isa ako sa may gawa ngunit bigla ko siyang naisip.... ang nag-iisang babaeng minahal ko ng lubos... ang nag-iisang babaeng minahal ko na kasalukuyang nagdadala ng anak ko.

        

Napatigil ako. Dadating ka pala sa punto na lahat ng tapang na mayroon ka ay mawawala dahil una mong maiisip ay ang pamilyang binubuo mo. Dadating ka pala sa punto na mas uunahin mo ang nararamdaman ng taong mahal mo kaysa sa tapang mo.

       

Si Jice ang bumago sa akin, sa buong ako. Lahat ng imposibleng mangyari, naging posible para sa kaniya. Lahat ng bagay na hindi ko inakalang magagawa at malalampasan ko ay naging madali para sa akin.

     

Napayuko ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na ito. Ang nais ko lang ay makabalik sa kaniya....

     

*****

      
"Magluluto na 'ko. Anong gusto mong ulamin?" Dinig kong tanong ng bagong dating na babae sa akin habang nanonood lamang ako sa salas.

           

Lumingon ako sa kaniya saka ko siua sinamaan ng tingin. "I fucking told you to leave—"

       

"Don't you fucking fucking me. Kapag ako nag-fucking fucking sa'yo, sasabihin mo thank you next!" Putol niya sa pagsasalita ko. Kahapon pa na dumating ang babaeng ay animo ba nakikipagsubukan na siya sa akin. Hindi ko siya tipo. Hinding-hindi ko matitipuhan ang gaya niyang kayang itapon ang sarili sa bahay ng isang lalake.

               

Tumayo ako saka ako naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Nang malapit na ako sa kaniya ay saka ako huminto. "Don't test my patience lady, hindi kasing haba 'to nang inaakala mo—"

       

"E, 'yong ano mo, kasing haba ba nang inaakala ko?" Muli ay pinutol niya ang pananalita ko ay hindi ko inasahan ang sinabi niya. Ibang klase ang tabas ng dila niya. Hindi ko gustong magtagal pa siya rito.

     

Hinampas ko ang lamesa sa gilid namin na nakita kong ikinagulat niya. "Don't force me to show you how cruel I can be. Ilang beses na kitang tinataboy. Just fucking leave," galit na wika ko sa kaniya. Nais ko siyang kaladkarin paalis.

          

Ngunit nagulat ako sa rumehistrong reaksyon sa mukha niya. Imbes na magalit ay nginisian niya ako na animo ba natutuwa siyang galitin ako. "Show me how cruel you can be. Kahit anong style, kahit anong position, sige, sige maglibang! Huwag magpakahibang!"

         

"Whoever deployed you here must be so fucking insane," pikon na pahayag ko deretso sa mga mata niya. Kailangan ko siyang mapalayas. Walang kahit na sino pa ang dapat na makapasok sa mundo kong ito.

           

"Excuse me, mister. Hindi po fucking insane ang ama ko. Nataon na nangangailangan ka ng yaya mo—"

       

"I am not in need of a fucking yaya!" Putol ko sa kaniya. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng takot na sagot-sagutin ako.

        

"HOY MISTER! TIGIL-TIGILAN MO 'KO SA KAKA FUCKING MO! 'PAG AKO TALAGA ANG NAG FUCK-FUCK SA'YO, DAIG MO PA PINAGAK-FUCK NG MANOK SA PINAMAGAK-FUCKAN, KAPAPAMAGAK-FUCK PALANG, NAMAGAK-FUCK NANAMAN!" Hindi ko nakuha ang itinuran niya kaya't sa halip na magpatalo ay kumuha ako ng isang babasaging plato at ibinagsak ko ito sa harapan niya.

                    

"You want to be my maid!? Fine. Clean this fucking mess!" Kung ayaw niyang sapilitan na umalis ay gagawa ako ng mga dahilan upang siya mismo ang magkusang umalis ng pamamahay ko.

    

Tinalikuran ko na siya ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay biglang may tumama sa likod ko na medyo matigas bagay kaya't napalingon akong muli sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

       

"Huwag mo 'kong madamay-damay sa emotional stress mo! May sariling mental health ako, excuse me sa'yo. Hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan sa mundo. Huwag mo 'kong epalan!" Bahagya akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Naramdaman ko ang punto na tinutukoy niya ngunit mas nananaig ang inis na nararamdaman ko sa kaniya.

    

"You have the nerve to talk back!?"

        

"Mayroon din akong nerve to eat you, try me," ang bilis ng pagbabago ng mood niya kaya't muli nanaman akong ginapangan ng inis. Isa sa pinakakinaiinisan ko ay ang mga pilosopo at higit sa lahat ay ang mga taong masiyahin na wala namang sapat na rason.

             

"Huwag kang mag-alala, dahil sa oras na patikimin kita, magbabago 'yang tabas ng dila mo. I will fucking play with you until you beg for me to stop," pigil ang inis kong ganti sa kaniya saka ko siya tuluyang tinalikuran.

       

*****

    
Hindi ko ma-esplika sa sarili ko ang nararamdaman ko na ngayon ay naka-unan siya sa mga braso ko habang himbing na himbing siya sa pagkakatulog.

         

Ako ang una niya.... ako ang naka una sa kaniya.... sa akin niya napiling ipagkatiwala at ibigay ang pinakamahalagang bagay para kaniya.

     

Kahit sa hinagap ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong ito.... kung saan muli nanaman dadaloy ang agos na huminto na noon para sa akin, kung saan muli nanaman iikot ang mundong akala kong hindi na iinog kahit kailan.

    

Iba na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Iba na ang atensyon na inilalaan ko para sa kaniya. Kayang-kaya niya akong baliwin at paikutin sa mga palad niya. Kayang-kaya niyang yanigin ang natutulog kong mundo. Ang laki na ng ipinagbago ng mundo ko buhat nang dumating siya. Wala akong kapasidad para maipaliwanag, pero ramdam ko.... alam ko.... naroon na 'ko.

      

*****

     
"I love you, Jice Isaiah Saavedra. Mahal na kita. Sigurado na 'ko," there, I finally said it. Hirap na hirap akong tanggapin at aminin sa sarili ko na totoong pagmamahal na ang nararamdaman ko para sa kaniya, ngunit nagawa ko na ngayon.

    

"P–Pinagsasasabi mo diyan!?" Gulat na wika niya sa akin kaya't napangisi ko. Inaasahan ko naman nang hindi niya agad ako paniniwalaan lalo na't sinabi ko ang mga salitang iyon pagkatapos na may mangyari sa amin.

     

"Do we have to proceed with round three bago mo 'ko paniwalaan?" Nahawa na ako ng tuluyan sa kaniya. Oo, sira ulo akong lalaki ngunit hindi ako ang tipo na mahilig makipagtalastasan, ngunit kapag si Jice ang kausap ko, lahat ng banat ay nailalabasa ko, higit pa roon ay ayaw kong matalo dahil pakiramdam ko maaapakan ang pagkalalaki ko.

         

"STYLE MO RIN TALAGA, E 'NO!?" Singhal niya sa akin saka ako kinaltok sa ulo, bago siya nagsimulang magsuot ng damit.

         

"What? I'm telling you the truth," pang-aasar ko pa rin sa kaniya, at marahas kong inagaw ang pang-itaas niyang hindi pa niya naisusuot.

       

"Akin na 'yan!" Iritadong wika niya ngunit ikinatuwa ko lamang ang reaksyon niya. I'm su fucking inlove with this woman with an impossible mouth and language.

         

"I confessed my love for you tapos ang isasagot mo sa akin, pinagsasasabi mo diyan? Ibang klase ka talaga," wika ko sa kaniya at ako naman ang nagsimulang magbihis.

            

"Aba! Sino ba naman kasing maniniwala na mahal mo na agad ako pagkatapos ng round two, aber? Parang fuck then love—" there, I kissed her. Napagtanto ko lang kasi nitong nakaraan na para mapatahimik mo ang bibig niya ay kailangan mo siya biglain o bigyan mo na lamang ng halik.

    

Hindi siya tipikal na babae. Malayong-malayo siya sa mga babaeng nakilala at nakasanayan ko.

            

"I didn't fuck you. I made love with you. There's a huge difference between the two," sambit ko sa kaniya saka ako lumayo ng bahagya.

            

"Difference, difference ka pa diyan! Isipin mo naman, sasabihan mo 'ko ng mahal mo 'ko 'pag tapos mo 'kong jerjerin!? Nasaan naman ang hustisya doon!?" Sigaw nanaman niya saka kukuhanin sana niya ang t-shirt niya sa akin ngunit hindi ko 'yon pinayagan kaya't napasubsob na lamang siya sa dibdib ko.

       

Totoo pala ang madalas kong marinig sa iba. Iba ang pakiramdam kapag hawak mo mismo sa bisig mo ang itinuturing mong mundo.

         

Hinawakan ko ang pisngi niya saka ini-angat ang baba niya. Nagtama tuloy ang mga mata namin. "Kailan mo gustong aminin ko? Do I have to tell it to you in a fancy dinner? Don't you like it the Laeven Azer way—"

          

"Anong way? 'Yong confession o 'yong eating session— Ouch!" Pinitik ko ang noo niya. Kahit kailan hindi niya alam ang salitang timing.

         

"I'm trying to be sweet here. Wala talagang pakisama 'yang bibig mo kahit kailan," saka ko siya kinabig, kaya't napahiga siya sa ibabaw ko habang wala pa rin siyang pang-itaas.

         

"Sa totoo lang hindi ko pa rin kasi mapaniwalaan na mahal mo na 'ko. I mean, who wouldn't be glad na mahalin ng isang Laeven Azer Villafuerte? Normal na babae lang ako na may magaspang na bibig. Ibinigay ko ng buo ang sarili ko na wala naman akong hinihintay na kapalit. Martyr na kung martyr, but that's the truth. I have no intention to force you na mahalin ako. I have no intention na ipilit ko ang sarili ko sa'yo. I'm satisfied sa kung ano lang ang kaya mong i-offer sa akin," kaya kita mahal, nais ko sanang sabihin ngunit mas pinili long haplusin na muna ang buhok niya.

       

"At first, I don't really have any intention to fall for you. Natatakot ako sa tipo mo. Ikaw 'yong tipo na baka hindi ko ma-handle. Ikaw 'yong tipo na hindi ko pwedeng ikulong sa akin. But my feelings just went smoother. Noon ko pa naman nararamdaman na iba na ang dating mo sakin, I just verified my feeling noong mapagtanto ko, na ikaw talaga ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. You were born for me. Ramdam kong para sa akin ka talaga. I took your first, at hanggang sa huling hininga mo, ako pa rin."

             

"Are you mentally stable while saying those words? Hindi ba 'yan dala ng libog lang?" Dama ko ang paniniguro niya sa mga salita niya. Alam kong nais niya lamang malaman kung ano ba siya para sa akin. Naiintindihan ko siya sa puntong iyon.

           

"I don't know why, but the moment you entered my life, pakiramdam ko magaling na 'ko. Pakiramdam ko kaya ko nang sabihin sa mga tao sa paligid ko ang sitwasyon ko. I feel like I can now open up. You were the healer I was looking for," sagot ko saka ko siya kinintalan ng halik sa noo.

       

*****
     

Halos gusto kong gunawin ang buong mundo nang malaman kong isa siyang agent.... na kaya siya nasa pamamahay ko ay dahil naatasan lamang siya ni tita Aeickel. Gusto kong isumpa lahat. Pinaikot nila ako. Pinagmukha nila akong tanga, kung kailan handa na sana akong harapin ang lahat habang kasama siya. Kung kailan handa ko na sanang isugal ang lahat ng mayroon ako.

          

Nasasaktan siya? Alam kong nasasaktan siya, pero hindi ko magawang intindihin ang sakit na nararamdaman niya, dahil iyong ako na pinagtulungan naming buoin, ay isang iglap lamang niyang winasak. Ang tiwala na sinubukan kong itayo para sa kaniya ay bigla na lamang tinangay ng agos palayo. Napakasakit para sa akin na ang taong nais kong paglaanan ng lahat, AY HINDI KO PALA LUBOS NA KILALA. Ang taong akala kong handa nang sumuong sa isang mundong magpapatibay sa amin, AY SIYA PALANG SISIRA SA AKIN.

         

"Hindi ka makakapag drive. Baka ma-aksidente ka—"

         

"You fucking let me go," madiin na wika ko sa kaniya. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong makalayo. Hindi maaaring nasa harap ko siya dahil baka kung ano ang magawa at masabi ko.

      

Natatakot na akong magkamali at makasakit muli.

     

"L–Laev, please let me explain—"

       

"ENOUGH OF YOUR FUCKING EXPLANATION!" Hindi ko napigilan na pagsigaw ko sa kaniya. God knows how much I wanted to pull her closer and ask for her forgiveness. Nasasaktan akong nasasaktan ko siya, pero mas nananaig talaga ang sakit na nararamdaman ko.

         

"Pagpaliwanagin mo 'ko!"

           

"I trusted you. I trusted you, Jice. Pinapasok kita sa mundong binuo ko malayo sa iba. Hinayaan kong mahulog ako sa'yo dahil akala ko kilala kita. I let myself be fooled again. Napakatanga ko."

         

"K–Kaya ko namang ipaliwanag ang sitwasyon. K–Kaya kong patunayan sa'yo na totoo lahat ng pinakita ko sa'yo—"

           

"Walang totoo, Jice. You're just an illusion... an illusion who started from a lie. Akala ko nakatagpo na ako ng totoo, it turned out na isa ka lang rin pala sa gagago sa binuo kong bagong mundo. I shouldn't have let you in. Nakakapagsisi," ganoon kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Tinraydor ako ng taong mahal na mahal ko. Tinraydor ako ng taong pinagkakatiwalaan ko.

         

"Ang sakit mo naman palang magalit," napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Kapag pala nagagalit ka, nakakalimutan mong mahal mo 'ko. Bakit gano'n, Laev? Hindi mo 'ko kayang pakinggan? Hindi mo kayang marinig 'yong side ko? Hindi ba dapat kapag mahal mo papakinggan mo? Hindi ba dapat kapag mahal mo mas iintindihin mo—"

         

"That's the fucking point here! Mahal na mahal na kasi kita kaya mas nasasaktan ako na malaman na ginago mo 'ko! Na pinagmukha mo 'kong tanga! Na 'yong taong akala kong mapagkakatiwalaan ko, ay ang tao pa palang sisira sa tiwala na binuo ko!" Hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. Nagkakasakitan kami, pero walang pwedeng manalo sa amin. Sa sagutan naming ito, pareho kaming talo  "The hardest part of this fucking betrayal is that it came from you... it came from the person I wanted to spend the rest of my life with."

     

*****
     

Nanlalabo ang mga mata ko sa pag-alala sa amin ni Jice. Ang dami na naming napagdaanan. Ang dami na ng nangyari sa amin. Hindi ko alam kung anong magiging dulo. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan namin lalo na't narito ako sa sitwasyong ito.... na hindi ko alam kung makababalik pa ba ako ng buhay sa kanila ng anak namin. Nakakaramdam ako ng takot.... hindi para sa sarili ko.... kung hindi para sa kanila ng anak ko. I want to give them the family they deserve, but this fucking past of mine keeps ruining my present.

      

--

UNEDITED. MAYA NA AKO MAG-EDIT KAPAG NA-IPOST KO NA RIN ANG CHAPTER 27. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top