Twenty-seven

LAEVEN

     

Nang makita kong may ibang lalaking humahawak at nakikipagsayaw sa kaniya ay pigil na pigil akong huwag siyang kaladkarin palayo. Ayaw kong ipakita sa kaniya na mayroon pa rin akong pakialam. Ayaw kong ipakita sa kaniya na apektado pa rin ako.

         

Gusto kong maging deserving para sa pagmamahal niya ngunit hindi ko alam kung paano. Gusto kong maging sapat para sa kaniya ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nauuwi ako sa dating ako... iyong ako bago ko siya nakilala... iyong ako na hayop pa sa hayop.

    

"You stay away from her, fucker!" Saka ko inundayan ng suntok ang lalaking kasama ni Jice. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makita ko silang patungo rito sa banyo. Nanginginig ang laman ko sa samu't saring isipin kung anong gagawin nila rito.

                   

Ngumisi ito sa akin saka pumunas sa labi niyang pumutok dahil sa suntok ko, na lalong ikinapikon ko. "Bro, ayaw mo palang nakikitang may kasamang iba, bakit nagpapakagago ka?" Wika nito sa akin ngunit muli ko lamang itong inundayan ng suntok.

                

"You.fucking.stay.away.from.her! Walang kahit sinong may karapatan sa kaniya!"

         

Kung maaari lang ay patayin ko ito ngayon ay ginawa ko na.

       

"Lalayuan ko lang siya kapag may nangmamay-ari na sa kaniya. Ang kaso bro, wala. Pwede siyang maging akin, o pwede siyang maging kahit kanino ano mang oras mula ngayon—"

       

"FUCK YOU!" At nakatikim siyang muli ng ilang suntok mula sa akin hanggang sa tuluyan na siyang bumuwal sa sahig. AKIN LANG SI JICE! HINDI SIYA PARA KAHIT KANINO! SA AKIN LAMANG AT WALANG IBA!

         

Tumungo ako ng mabilis sa banyo at hinintay kong lumabas siya saka ko siya agaran na sinalubong ng halik.

     

"Uhhhhhmmmmmppppppp!!" Ngunit nagpumiglas siya at marahas akong itinulak.

            

"Hindi ba't iyan ang gusto mo?" Nakataas ang sulok ng mga labi na turan ko sa kaniya.

             

"Wala akong pakialam sa'yo!" Singhal niya sa akin saka tangkang lalayasan ako ngunit mabilis kong siyang hinaklit at isinandal sa pinto ng cubicle.

           

"Wala kang pakialam pero pinagseselos mo 'ko?" Mayabang na pahayag ko sa kaniya.

        

"Pinagseselos? Excuse me, padaan. Baka nagseselos ka pero hindi kita pinagseselos. Wala kang bilang," tila naman nagpanting ang tainga ko sa narinig kong isinagot niya sa akin. Ako? Walang bilang, putangina lang.

      

"Jice Isaiah Saavedra.... I took your virginity away. Naghahabol ka na ba? This is the very reason why I hate virgins."

           

Umigkas ang kamay niya upang sampalin ako ngunit mabilis ko itong nasalo, at sa pagtatakha ko ay nginisian lamang niya ako. "Ayaw mo pala ng masikip, bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Gusto mo pala 'yong tipong laspag na at dumaan sa kung kani-kanino. Huwag kang mag-alala, sa susunod na magkikita tayo at makikipag-sex ako sa'yo, sisiguraduhin kong expert na 'ko dahil nagkaroon na ako ng experience sa ibang lalaki.... with different length and performance, para kahit paano naman mai-kumpara ko kung magaling ka talaga sa kama, o baka first time ko lang talaga—"

        

Mabilis ko siyang sinunggaban ng marahas na halik dahil sa tinuran niyang iyon. Hindi ko iyon matanggao at hindi ko iyon matatanggap kahit kailan. She fucking belongs to me, and only to me. Magkamatayan na tangina pero akin siya! She's mine to start with, I took her first, and I fucking swear that I'll be her fucking last! By any means possible, she'll be fucking mine forever!

         

Mapagparusa ang halik na iginawad ko sa kaniya. Nais kong maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng mga halik ko. Nais kong iparamdam sa kaniya na ako lang ang may karapatan sa kaniya!

      

Dismayadong-dismayado ako nang hindi man lamang niya tinugon ang halik ko. Lalo lamang niya akong ginagalit sa ginagawa niya!

       

"I told you, Laeven, mahihirapan ka sa akin. Hindi ako gaya ng iniisip mo. Kaya kong pilitin ang sarili kong hindi ka na mahalin, huwag kang ambisyoso na ikaw lang ang lalaki sa mundo. Thank you for the first time and the second time, gagalingan ko nalang sa iba para masatisfy kita next time," nakakainsultong wika niya sa akin saka ako dinaanan at binangga sa balikat.

          

"I'm your first time, your second time, your third time, your next time and definitely your last time, baby. Hindi ka magkaka-chance sa iba. Ako lang pwedeng umangkin sa'yo sa paraan na gusto ko," habol kong wika sa kaniya ngunit nilingon lamang niya ako at binigyan muli ng isang nakakagagong ngisi.

         

"Nope. You'll no longer my third time... I already did it with Jenno—" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko kaya't mabilis kong nasuntok ang pinto ng cubicle na nakapagpatigil sa kaniya sa pagsasalita.

             

"If you're fucking saying the truth, mukhang  hindi pa sapat na binugbog ko ang taong 'yon. I will fucking kill him."

       

*****

      
Iba akong magselos, aminado naman ako. Kaya nga ngayon na nagkabalikan na kami at naayos na namin kahit paano ang amin, kahit pa may iilan pa rin akong mga bigat sa balikat na dala ay hindi ko pa rin maiwasan ang magselos sa ka-trabaho niya.

             

Nagpapasalamat ako at naiintindihan niyang ganito ako. Nagpapasalamat ako at pinipilit niyang intindihin ang sitwasyon ko kahit oa ang katotohanan na baka nga nakapatay ako. She's the strongest woman I ever met aside from my mother.

           

The day I learned that she's pregnant, I felt like the world was insanely captivating. I felt like I have all the fucking courage to face anything and everything. Jice is my strongest ally. I love her so much. She and our baby is my everything.

        

*****

      

"Gising na ang demonyo?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at hindi na rin ako nagtakha sa mga matang nakasalubong ng mga mata ko.

           

"Hindi nga ako nagkamali," nakangisi kong wika dito.

         

"Ikaw lang naman, e. Mahina ka kasing makiramdam at umintindi," mayabang na pahayag nito saka nito ipinatong ang paa sa tuhod ko.

        

"Nasaan pa ang mga kasabwat mo?" Wika ko ngunit imbes na magulat ay tumawa lamang ito nang tumawa na wari mo ba ay nakikipag-ululan ako sa kaniya.

             

"Ang laki naman ng tiwala mo sa sarili mo na kailangan pa ng maraming tao para lang mapatay ka—"

        

"Dahil kung kaya mo naman pala akong pataubin mag-isa, sana noon pa," putol ko sa kaniya na mukhang ikinapikon niya dahil bigla na lamang niya akong inundayan ng suntok.

           

"Alam mo bang may hinihintay lang ako bago kita patayin?" Wika nito saka may biglang hinaklit sa kabilang poste at nanlaki ang mga mata ko sa biglaang paglitaw ng taong iyon.

       

Nakatali siya at nanginginig sa takot. Damang-dama ko ang hirap niya, maging ang takot at pangamba na kasalukuyang bumabalot sa mga mata niya.... gusto ko siyang takbuhin upang yakapin at tulungan, ngunit hindi ko alam kung paano at anong magagawa ko para sa amin.

         

     

    

    

   

JICE

       

Natataranta ako, hindi ko alam kung anong dapat kong unahin at kung anong dapat kong isipin. Natatakot ako... takot na takot.

         

"Calm down," ani Missy sa akin. Saka ako tinapik-tapik sa balikat.

         

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko—"

        

"You'll stay here for you are pregnant. Hindi ka pwedeng mapunta sa gulo," bigla akong napalingon kay amo na kadarating lamang habang may hawak siyang mga papeles. Kalmadong-kalmado siya, ngunit nakakatakot ang kakalmahan niya. Parang ano man oras ay may gagawin siyang hindi inaasahan ng kahit na sino.

             

"Hindi ko kayang tumanga rito habang hindi ko alam kung anong nangyayari kay Laeven. Mas mamamatay ako rito na naghihintay—"

         

"Just fucking do as I said!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw na iyon sa akin. That was the first time.

         

"Amo—"

         

"Ayokong danasin mong ang dinanas kong pagsisisi nang muntik nang mawala sa akin sina Aeignn, Aeiryn at Aeidan. I almost lost them because I chose the right thing for me in their expense. Hindi ka maaaring malagay sa alanganin," wika niya sa akin.

     

Naging usap-usapan nga noon na muntik mawala ang triplets sa kaniya dahil binalak niyang iligtas ang nanay ng asawa niya.

          

Pero hindi.... Hindi. "Mas dapat mo 'kong maintindihan, amo. Mas ikaw ang dapat makaintindi sa akin na ako ang may kakayahan kaya hindi ko kayang tumanga lang dito habang hindi ko nalalaman kung humihinga pa ba si Laeven—"

           

"Hindi uubra ang tigas ng ulo mo ngayon," napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Papa. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya.

         

Lumapit siya sa akin at sa gulat ko ay bigla na lamang niya akong niyakap. "Hindi ko hahayaan na masaktan ka, o masaktan ang apo ko. Nawala na sa akin ang Mama mo, hindi na ako makapapayag na may papangalawa sa kaniya. Makinig ka naman, kahit ngayon lang," wika niya habang hinahaplos nag buhok ko.

            

Bahagya along lumayo sa kaniya at tinignan siya sa mga mata. Hindi ko alam ngunit nararamdaman ko na ang mga luha ko. "Pa, kailangan nandoon ako. Kailangan makita kong ayos lang siya. Mababaliw ako, Pa. Mababaliw ako kung iiwan n'yo 'ko rito," halos nagmamakaawa na ang tinig ko.

            

Nakita kong bumuntong-hininga si amo saka saglit na pumikit. "Fine. Wear this," saka siya may inabot na bulletproof vest sa akin.

            

"May kinalaman po ba ito sa Eerie?" Napalingon kami kay Callia na siyang nagtanong no'n.

       

Umiling si amo ng sunod-sunod. "No. These were all personal grudges and envy," sagot niya saka nag-utos sa mga agent na mag-ayos na ng mga dadalhin nila.

            

"May kinalaman po ba ito sa iniisip ni Laeven na napatay niya?" Hindi ko napigilang itanong.

            

Tinignan ako ni amo ng mataman sa mga mata. "Noong una ay wala, ngunit ngayon ay mayroon na," malalim na wika niya saka na nag-ayos at tinalikuran ako.

           

"I won't be coming with all of you. Mayroon akong mas importanteng misyon," wika ni Papa sa akin at napatango na lamang ako, ngunit hinalikan niya ako sa noo. "Naniniwala ako sa'yo. Malaki ang tiwala ko sa'yo sa kakayahan mo. Please be safe. Ikaw nalang ang tanging naiwan ng Mama mo sa akin. Hindi ka maaaring mawala sa akin," aniya na nagpangilid muli ng luha ko.

              

"I love you, Pa."

       

"I love you, 'nak."

    

     

     

     

    

  

HINDI ko alam kung paano ngunit ang bilis lamang natunton ni amo ang lugar kung saan naroon sina Flare at Laeven.

          

"Jice, Callia, and Gyor, proceed at the back door. I sent you the blue print," wika ni amo saka namin nakita sa visions ng suot naming mga eye glasses ang blue prints. Bagong imbento ni senior Tungsten 'to. Nakakabilob lang dahil lahat ng sinesend nila sa amin ay nakikita namin dito.

               

"Syreen, Aeiryn, Missy, and Aeignn, proceed at the rooftop," utos naman ni senior Flame sa ibang agents na kasama namin.

        

Kapwa na kami nagsigalaw at naging mabilis ang mga kilos namin. Takot ako sa ganitong misyon, iyon ang totoo, lalo na't wala si Shawn na isa pang duwag sa ganito. Pakiramdam ko wala akong kasamang duwag. Naka-leave raw, iyon ang sabi sa akin ni Callia.

             

Malapit na kami sa likurang pintuan nang bigla na lamang akong mapatid kaya't napalingon agad ako sa pinagpatiran ko ay napansin ko ang maliit na tansi na iyon. Masyado itong manipis upang mapansin, nagkataon lamang talaga na masyado akong malemya.

          

Hindi ko pinansin na nauna na sa akin sina Callia. Sinundan ko ang tansi hanggang sa kung saan ako dalhin nito. Hindi ko alam kung bakit, ngunit iba ang pakiramdam ko.

         

Narating ko ang dulo ng tansi at halos masuka ako sa nakita ko. Isang nabubulok na bangkay ng babae ang narito. Samu't saring espekulasyon ang pumasok sa isip ko kaya't pinagpatuloy ko ang paglalakad. Nanginginig ako, natatakot at higit sa lahat tila hindi ako makapag-isip ng maayos.

          

"Hindi ko naisip na kaya mo palang traydorin at saktan ang babaeng iyan," tinig iyon ni Laeven. Siguradong-sigurado ako na tinig iyon ni Laeven!

          

Tila gumana muli ang utak ko at nakapag-proseso ako ng mga detalye. Tumungo ako sa isang tagong bahagi at doon ko napagtanto na dinala pala ako ng tansi na iyon sa mataas na bahagi ngunit tila isang lihim na lagusan patungo rito sa loob. Tanaw na tanaw ko ngayon ang apat na taong nasa ibaba.

       

Higit pa sa salitang bigla at gulat ang nararamdaman ko ngayon. Tila isang malaking kalokohan ang nasasaksihan ko. Tila ako nasa isang malaking maze. Paanong nangyayari ito? Paanong silang apat ang naroon?

         

Si Laeven na hindi ko mawari kung nakagapos pa ngunit nakaupo siya sa isang mono block, si Flare na tulog at tila walang buhay sa dami ng tama sa mukha, at..........

      

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

    

...

    

...

   

...

    

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

    

...

   

...

   

...

   

...

  

...

   

...

   

...

   

Si Zaimon na hawak sa buhok si Shanna na nanginginig sa takot at puro pasa lahat ng parte ng katawan.

      

"Sino bang nagsabing minahal ko 'to?" Saka pa ito tumawa na animo nasasapian. Hayop siya!

       

"Wala ka ngang kasing demonyo," mapait na  turan ni Laeven.

      

"Na-underestimate ko pala 'yong babae mo, Villafuerte. Akala ko pa naman ay sasabihin niya sa'yo ang sinabi ko sa kaniya na si Duke Navarro ang may pakana nito," saka ito humalakhak. "Mukhang nag-iisip pala kahit paano."

        

Nanginginig na 'ko ng sobra pa sa sobra. Gustong-gusto kong iputok ngayon din ang hawak kong baril na nakatutok na sa gawi niya.

            

"Kapag kinalabit mo 'yan, siguradong papatayin din kita."

     
--

   
EYYYYYY! *NAG-DUB* HAHAHAHAHA.
YOWN. SANA KA-UTAK KO KAYO. 😂🥀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top