Twenty-one
JICE
"Kwentuhan mo 'ko," wika ko sa kaniya habang nakaunan sa braso niya at nakayakap sa kaniya.
"Ano namang i-kwe-kwento ko sa'yo? Lasing ka, 'di ba? Matulog ka na," sagot sa akin saka ako hinalikan sa noo.
"Hello sa'yo, Laeven. Paano po akong makakatulog pagkatapos mong niyugyog 'yong pagkatao ko. Para kang si kuya Wil," singhal ko sa kaniya.
"Who the fuck is kuya Wil!?" Gusto kong matawa sa naging pagtaas ng boses niya.
"Shutangena. Ibig kong sabihin, si Willie Revillame. Pa'no, giniling-giling mo 'ko," saka ko pa iyon sinundan ng tawa. Tao kaya 'tong si Laev? Walang ka-muwang-muwang sa mundo.
"Akala ko kung sino nanaman ang kaagaw ko—"
"Mag-kwento ka ng tungkol kay Lyndon at Flare," putol ko sa kaniya. Nasabi ko naman na sa kaniya na nag-kwento na sa akin si Shanna tungkol sa nangyari.
Naramdaman kong napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Matalik kong kaibigan sina Lyndon at Flare, same goes with Shanna. Prinsesa namin siya. College days palang hindi na kami mapaghiwalay na apat," saglit siyang huminto na animo ayaw niyang magpatuloy. "Kaya hindi ko inakala na ta-traydorin kami ni Lyndon para sa pera. Alam niya kung gaano namin siya pinagkakatiwalaan ni Flare. Siya lahat. Sa kaniya lahat. Siya ang pinaka kuya namin sa grupo."
"Anong klaseng kaibigan naman si Flare sa'yo?"
"Flare? Siya 'yong taong malihim. Hindi 'yon nagsasabi kahit ano pang problema ang iniisip niya. Makikita mo lang siya na laging nakangiti at masaya. Siya pa ang madalas na taga-alalay kahit alam kong mayroon din naman siyang sarili pasanin. Siya rin ang taga-pigil ko sa pagiging fuckboy ko. Good boy kasi 'yon. Ramdam ko 'yong pagmamahal niya sa aming tatlo nina Shanna at Lyndon... kaya sobrang sakit na mawala siya dahil sa kagagawan ko," napataas ang tingin ko sa kaniya dahil nangingilid na ang mga mata niya.
"Tindi ng brotherhood n'yo," tanging nasabi ko.
"The hardest part, was that I wasn't able to join his burial. Kasalukuyan akong nasa ospital at hindi maka-usap. Hindi ko man lamang siya naihatid sa huling hantungan niya, dahil na rin sa probinsiya nila siya piniling ilibing ng magulang niya. Ang sakit sa akin no'n. Alam kong may galit pa rin ang mga magulang niya sa akin," pagpapatuloy niya.
"Kaya pala ganoon ang kwento ni Shanna. Ha-huntingin ko talaga 'yang Lyndon na 'yan. Ako mismo ang lulumpo sa kaniya. Ako mismo ang magpapakilala sa kaniya sa impyerno," pirming wika ko. Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Laeven. Parang pinipiga ang puso ko. Para akong sinasakal.
Pinitik niya ang noo ko saka ako niyapos ng mahigpit. "I want to start anew. Gusto kong magsimula kasama ka. Gusto kong baguhin ang takbo ng buhay ko na narito ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita, Jice. Ikaw ang nagpabago ng lahat ng kung ano ako ngayon," aniya. Yumapos din ako sa kaniya saka ko isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"Pwede naman tayong magsimula ng bago. Pero una dapat pakasalan mo muna ako. Lagay ba puro lang tayo jerjeran tapos hindi mo 'ko papakasalan—"
"Huwag mo 'kong unahan. Masyado kang advance kahit kailan," wika niya saka ako nilayo sa kaniya at tinignan sa mga mata. "My presscon will be tomorrow. You have to come with me."
NAGTUTULAK lang ako ng cart namin habang si Laeven naman ay nagtitingin lang ng bibilhin niya sa paligid. Nakaface mask siya at cap. Ayaw ko nang maulit na magtatakbo. Bukod sa nakakahingal, lagi kaming humahantong sa halikan nitong pugo na 'to. Mapag-take advanatage rin, e!
"Buti nalang may naitatago pa akong picture namin," wika nitong si Shanna na katabi ko. Oo, kasama namin ang bruha at gaya ni Laev at nakaface mask at cap din siya. Naaawa kasi ako sa kaniya, nabuburo na siya sa bahay ng mga magulang ni Laev.
"Nasaan? Patingin," wika ko. Tinanong ko kasi siya kung mayroon ba siyang picture ni Lyndon. Gusto kong makilala ang taong sumira kay Laeven.
Nilabas niya ang pitaka niya saka may hinugot na larawan doon. Pinakita niya ito sa akin sala itinuro kung sino si Lyndon at Flare roon.
"Ito si Lyndon, may kagwapuhan, pero mas lamang ng tatlong paligo sa kaniya si Flare at mga limang paligo naman si Laeven," turo niya sa lalaking hindi katangkaran dahil hanggang balikat lang ni Laeven.
"I guess, ito si Flare 'yong may mga hikaw sa tainga at gangster look?" Tanong ko at sunod-sunod na tumango si Shanna.
"Sana noon ka pa namin nakilala ni Laev," wika niya out of nowhere.
Ibinalik ko sa kaniya ang larawan at nagpatuloy ako sa pagtutulak sa cart. "Bakit naman?"
"Feeling ko kasi ang lakas mo. Feeling ko kaya mo kaming ipagtanggol. Alam mo 'yon? Kaya nga no'ng ituring n'yo akong kabigan ni Lindzzy, wala lang. Ang saya ko lang," wika niya sa awkward na paraan kaya hinampas ko ang dila ng sombrerong suot niya.
"Sira ka. Mabait ka kaya mabait ako sa'yo. Ramdam kong mabuti kang kaibigan sa'kin, kaya mabuti rin akong kaibigan sa'yo. Kaya hindi mo 'ko pwedeng traydorin, dahil kapag nagkataon babalatan talaga kita ng buhay," saka ako tumawa pero bigla ba naman akong niyakap ng loka-loka.
"Kayo palang ni Linddzy 'yong naging friend kong babae, hindi ko kayo hahayaan na masaktan at mas lalong hindi ko kayo ta-traydorin. Napaka rare n'yo na. Hindi pa naman ako balie para sirain ang tiwala n'yo. Isa pa, napakahappy ko kaya sa'yo, ang dami kong natututunan," wika niya saka kumalas sa akin.
"Ikaw, alam mo girl okay na, e. Kaso nakakagigil 'yong mga huli mong banatan," taas kilay na wika ko pero ang bruha tumawa lang.
Namimili lang kami ng maaari naming magamit nang biglang tumunog ang telepono ko at rumehistro ang pangalan ni Callia.
"Yes?"
"Are you available for a side mission tomorrow?" Tanong nito sa akin sa kabilang linya.
"Presscon daw bukas ni Laeven. Kailangan nandoon ako—"
"The side mission will be at night. I guess by that time the presscon is done," putol niya sa akin. Hindi ko alam kung naghahanap ba 'to ng kapartner o nagbabanta. Nakakatakot siya.
"Si Syreen ba? Si Missy? Si Griss?"
"I want it to be you. I need your mischievous mouth. We're going to be a guest relation officer for the night—"
"POKPOK!? SHUTANGENA NAMAN CALLIA. PINAKAGANDA MO PA. POKPOK PA RIN 'YON!" Singhal ko sa kaniya. Guest relation officer pang nalalaman, e pokpok o GRO pa rin 'yon. Bwiset na 'to.
"Whatever."
"Tatawagan ulit kita. Tatanungin ko muna si Laeven kung papayag. Alam mo naman 'tong jowa ko, malala pa kay amo ang sayad—"
"Tsssss." HOYYYYYYY!!!! SHUTANGENA 'YONG PUSO KO!!!!!!!!! SI AMO 'YON! KAY AMO 'YONG EKSPRESYON NA 'YON! WALANG HIYANG CALLIA 'TO NAKALOUD SPEAKER YATA ANG DEPUGAAAA!
"Hehehe. Payag na 'ko. Hehehe," saka ko mabilis na pinatay ang tawag. Tssss palang ni amo nanginginig na 'yong buong pagkatao ko. Kayang-kaya niya akong yanigin higit pa sa pagkadyot ni Laeven sa pukenjang ko. Ibang klase si amo. Huhuhuhu.
"Is there a problem?" Napalingon ako kay Laeven na siyang nagsalita.
"Oo. Pero sa bahay nalang natin pag-usapan," nakangusong wika ko.... ngunit sa gulat ko ay mabilis niyang ibinaba ang facemask niya saka mabilis na kinintalan ng halik ang nguso ko.
"There. Stop making that face. Mukha kang isda," wika sa akin saka ngumisi bago niya binalik ang facemask niya.
"Sa lahat ng isda ako 'yong masarap na tilapia. Enjoy na enjoy ka ngang kainin," wika ko sa kaniya. Excuse me, padaan. Eguls na ako lagi sa kaniya, hindi pwedeng hanggang dito luge pa rin.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tainga ko saka bumulong. "Don't worry baby. Enjoy na enjoy ka rin naman magpakain."
HOOOOY! SHUTANGENA. GUSTO NA NGA YATA AKO NITONG TAPATAN SA ONLINE RAMBULAN! WALA NA. EGULS NA EGULS NA!
"HINDI, ayoko. Hindi ako pumapayag," ika ba naman ng bwiset na pugo habanag nag-aayos siya ng buhok niya. Ngayon na ang presscon niya at naka-ayos na siya. Ngayon ko lang din napiling sabihin sa kaniya iyong sa side mission kasama si Callia. Paano kahapon nilandi-landi niya 'ko pagdating sa bahay kaya hindi ko nasabi.
"Naka-oo na 'ko. Tsaka isa pa, narinig ni amo na um-oo na 'ko. Mayayari ako ro'n," wika ko sa kaniya.
"Kapag tumuloy ka ro'n, sisiguraduhin kong mararanasan mo talaga na ma-i-take out ng isang gabi," shutangena! Parang bet ko 'yong banta na 'yon.
"Basta ba ikaw ang parokyano ko—"
"Saka kita babaliwin dahil hindi ko ibibigay ang gusto mo," putol niya sa akin saka ako nginisian.
"Nakakainis ka na!"
"Ang ganda mo ngayon," pag-iiba niya ng usapan saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka dress kasi ako na hindi ko talaga ginagawa noon pa. Si Shanna ang nagpasuot sa akin nito. Sabi niya baka raw ipakilala ako ni Laeven na girlfriend niya sa madla, ako naman si assuming ito at sumunod sa kaniya.
"Excuse me, seven eLaeven. Araw-araw akong maganda," angil ko sa kaniya.
"I agree," sagot naman sa akin ng mokong.
"Araw-araw rin akong masarap," nakangising wika kong muli.
"I couldn't agree more. Napatunayan ko naman na 'yan. And one more thing...."
"At ano naman 'yon, aber?" Taas kilay na tanong ko. Hilig mambitin!
"Araw-araw kitang mahal."
SHUTANGENA!!!!!!!! Teka. Kinikilig ako, ampeyr!
Naramdaman ko 'yong unti-unting paglabas ng ngiti sa mga labi ko. Nakakainis! Napakagaling magpakilig.
"Nakakagigil mga banatan mo!"
"Don't worry. Marami pa akong baon. Ito yata 'yong talent ko na para lang talaga sa'yo," turan niya saka naglakad papalapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko saka ako mabilis na hinalikan sa mga labi ko.
"Ihhhhhh!" Hirit ko. Pakilig!
"You're my greastest gift sent from above. Kahit na ganiyan ka—"
"Aba! Bakit, ano ba 'ko?"
"Madaldal ka. Makulit ka. Matigas ang ulo. Mahilig makipag banatan. Mahilig sa gwapo at abs. Mahilig sa mga kalokohan. Mahal na mahal kita. Araw-araw kitang mahal at mamahalin. Araw-araw akong nagpapasalamat na dumating ka sa akin. Despite of me being emotionally unstable, you stayed... you endured my emotional stress... you stayed by my side... you even love me wholeheartedly. You're the greatest, baby. You're my forever treasure until my last breath," those words were too sincere. Ang hirap hindi paniwalaan dahil damang-dama ko ang pagiging totoo sa bawat salita. Laeven Azer is indeed a driver of a race car, nagkakarera kasi ngayon 'yong puso at mga luha ko dahil sa sinabi niya. Ang galing niyang magpatakbo.
Inayos lang namin ang mga sarili namin at kapwa na kami sumukay ng sasakyan niya bago kami tuluyang tumungo sa venue ng presscon na para sa kaniya.
Nadatnan namin sa may venue sina amo ngunit kung hindi mo sila kilala, iisipin mong reporter lamang ang ibang agents o hindi naman kaya ay mga fans lamang sila dahil naka-disguise sila.
Naupo ako sa unahang silya habang si Laeven naman ay umakyat sa stage at naupo sa upuan kung saan siya dapat na maupo bilang sa kaniya naman presscon ito.
"Jice," tinig iyon ni amo sa kabilang linya. Naka earpiece kasi ako.
"Opo. Magiging alerto lagi," wika ko kahir hindi pa siya nagsasalita.
Nagsimula ang presscon at puro kislap ng camera at boses ng mga reporter ang pumailanlang sa buong venue.
"Mr. Villafuerte. Binabalak n'yo na po bang bumalik sa race track ngayon matapos ng aksidente na kinasangkutan ninyo at ng iyong mga kaibigan?" Tanong isang reporter. Nakita kong nagbago ang awra ni Laeven.
"What happened in the past, must stay in the past. Maayos na ako ngayon. I am fully healed... physically, emotionally and spiritually," sagot niya.
Sa palagay ko ay nagkausap na sila ni amo. Nararamdaman ko base na rin sa isinagot ni Laeven. Mukhang may plano sila na kailangan kong alamin at malaman. Biglaan din ang presscon na ito.
"Babalik na po talaga kayo ngayon? Makikita na po ba namin ulit ang driving moves ng isang Azer Villafuerte?" Pagpapatuloy ng reporter.
Ngumiti si Laeven saka tumango. "That's the main reason of this presscon. I want to announce to all of you and in the racing world that I'm coming back... the prince of drifts is now taking his throne back," saad niya at maraming bulungan at palakpakan ng mga tao ang pumailanlang.
"WE LOVE YOU AZER!!!!!!" Sigaw ng isang fan.
"Mahal ko rin kayo," sagot niya na ikinanguso ko. Nakita kong napalingon siya sa akin kaya't inismiran ko siya.
Hindi ko alam kung anong klaseng utak ba talaga ako mayroon, dahil bigla na lamang akong tumayo saka ako nagpunta sa stage at naupo sa tabi niya.
Umumang ako sa kaniya saka ako bumulong. "Ilang puso ka ba mayroon!? Bakit ang dami mong mahal!? Nagpaganda pa ako ng bihis! Nag-heels pa ako kahit napakasakit sa paa! Nag-make up pa 'ko para lang maging maganda sa paningin mo—"
"And one more thing," saka niya biglang hinawakan ang kamay ko. Tumayo siya at hinatak rin ako patayo at kinaladkad ako patungo sa pinakaharapan ng stage. "I want you all to meet my girlfriend. She's my healer. Siya 'yong dumating sa mundong ginawa ko malayo sa iba. She destroyed all the barriers I made because of my selfishness."
"Walang hiya ka. Anong ginagawa mo—"
Hindi ko na natuloy ang mga sasabihin ko pa dahil bigla na lamang niyang binitawan ang kamay ko....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
At lumuhod sa harap ko, bago may kinuhang isang maliit na kahon sa suot niyang suit.
"Jice Isaiah Saavedra, marry me or else, I'll announce my retirement as a racer here, now."
HOY SHUTANGENA!!!!!!!!!!!!!!!!! SWEET PROPOSAL BA 'TO O SHOTGUN PROPOSAL!!???????
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top