Twenty-four
JICE
"Okay naman na siya. Kapag nagising ay maaari n'yo na rin siyang iuwi," wika ng doktor sa akin. Dinala ko siya rito dahil ayaw niyang magising. Ang dami-dami kong luhang nasayang sa kaniya, lintik na 'yan!
"Maraming salamat po," wika ko sa doktor saka na ito lumabas ng silid.
"Ganiyan din si Aeidan noon, 'di ba? Hindi mo ba natatandaan? 'Yong sa grocery store noon—"
"SHUTANGENA! OO NGA!" Bigla kong naalala 'yong tinutukoy ni Lindzzy. Narito siya ngayon pati si Shanna dahil mabilis ko talaga silang tinawagan. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga chika ni Madam Cassandra. Kahit pa hindi niya itsura ang nagbibiro, feeling ko trip niya akong i-good time. Mwehehehe.
"So I guess, buntis ka nga?" Para nanaman akong kinabahan sa narinig kong iyon.
"Sure ka na ba?" Parang tangang tanong ko.
"Hindi naman si Lindzzy 'yong jinerjer ni Laeven, bakit siya 'yong tinatanong mo?" Pinanlisikan ko ng mata si Shanna dahil sa sinabi niya.
"Ang walang hiyang estudyante, lalabas pa yatang mas magaling sa guro," singhal ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng bruha. Nakakagigil ang bilis ng adjustment at learning niya!
"I just learned from the best, you know," sagot pa rin niya.
"Sasakalin na talaga kita, isang banat mo pa—"
"Bale buntis ka na nga, kase?" Putol niya sa akin. Alam na alam nila ni Lindzzy kung paano biglang i-shift 'yong utak kong may ubo. 'Yong gigil ko ay muling naging kaba.
"B–Baka. Si Madam Cassandra na rin kasi ang nagsabi," kabadong sagot ko sa kanila.
*****
Hindi ko alam kung anong i-a-akto ko sa narinig kong iyon mula kay Madam Cassandra. Isa pa, anong ginagawa niya rito? Ang alam ko ay wala siya sa bansa ngayon.
"A–Anong pong ibig ninyong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.
"You're pregnant," para yata akong binundol ng samu't saring tren dahil sa narinig kong iyon.
"P–Paano n'yo pong nalaman? Ob-gyne ka na ba ngayon, Madam? Psychiatrist? O Madam Auring?" Utal na wika ko. Kahit si Madam Cassandra ang kaharap ko ngayon, hindi ko na iniintindi ang kaba. Mas lamang na talaga ang kagustuhan ko na malaman kung ano bang sitwasyon ko.
"Silly kid. I just saw the curse. I've been looking the two of you from afar," aniya saka ako biglang niyakap. "Take care of my grandson, Ms. Saavedra. He has been through the worst nightmare. Give him the love he deserves," pagpapatuloy nito bago humiwalay sa akin.
"Yes po, Madam."
*****
"Gising na ang sleeping prince," ani Lindzzy kaya't napalingon ako kay Laeven na ngayon ay nakaupo na habang hawak ang ulo.
"What happened?" Tanong niya kaya lumapit ako sa kaniya.
"Hindi mo naaalala?" Tanong ko matapos maupo sa gilid niya.
"No. I only remember the scene where I was holding the pink gun," wika nito sa akin at parang ngumiti ang pang-loob na demonyo sa akin. Mukhang makaka ganti-ganti yata ako sa mga kabugokan niya ngayon.
"Alam mo ba ang kaibahan ng baril at condom?" Tanong ko sa kaniya at biglang nangunot ang noo niya sa akin. Pati na rin sina Shanna at Lindzzy.
"What the fuck are you talking about, Jice? Is it relatable in my situation?" Iritadong tanong niya.
"Oo," saka ako naglungkot-lungkutan. "Kaya tanungin mo na ako kung anong kaibahan nila," pagpapatuloy ko.
"Ano?" Tanong ni Shanna.
"Hindi kita kausap. Behave ka diyan. Matuto ka ng tahimik," saka ko siya nginisian. Learning silently dapat, ika nga.
"Then what?" Tanong ni Laeven na parang hirap na hirap maarok ang sitwasyon.
Mas lumapit ako sa kaniya at inilagay ko ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya.
"Ang baril, kapag pumutok 'yon, patay kang bata ka. Pero ang condom, kapag pumutok 'yon, buhay kang bata ka," parang unti-unti niya nang nakukuha ang tinutukoy ko dahil namumutla na siya kaya't nagpatuloy pa rin ako. "At dahil never kang gumamit ng condom, putok lang nang putok ang gusto mo, buhay na buhay ang bata ngayon sa tiyan ko—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay habang hawak ko ang ulo niya. May tumulo pang laway, shutangena!
NAKAUWI kami na gigil na gigil ako may Laeven! Para akong may alagang bata sa kaniya na panay-panay na nawawalan ng ulirat.
Pabalibag ko siyang binitawan sa sofa, at oo. Na-confirm kong buntis nga ako. Dinala ako ni Lindzzy at Shanna doon kay Mamita Yna nito ni Laeven. Kahit na shookt na shookt ako sa itsura ng Mamita Yna niya, ay nilakasan ko ang loob ko.
Shutangena, akala ko nakaka shookt na si amo at Madam Cassandra, shooktening din pala itong si Ma'am Yna Azalea. Para siyang silent killer. Sniper ang datingan ng awra niya.
Noong sabihin niyang confirmed na nagdadalang-tao ako ay agad niyang hinanap sa akin si Laeven, dahil magkakaroon daw ng abnormalities sa kaniya, at sa palagay ito na nga iyon. Ayon kay Ma'am Yna, dalawang buwan na akong buntis. Sa palagay ko ay buntis na ako nang tanungin ako ni Laeven. Siguro naramdaman niya na talaga ang pagiging abnormal kahit pa inborn naman na yata sa kaniya iyon.
Kung tatanungin n'yo ako kung ano bang nararamdaman ko? Wala. Hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na buntis na ako. Shutangena ng semilya ni Laev, parang mga swimmer. Alam ang finish line!
Saktong gagawi muna sana ako ng kusina nang bigla na lamang niya akong hatakin. Nakita ko siyang biglang bumangon na animo zombie.
"Baby," shutangenang bedroom voice 'yan!
"Huwag mo 'kong akitin, may pag-uusapan tayo," mukhang nakaka-alis yata ng rupok kapag nalaman mong may bata sa tiyan mo.
Naupo siya ng maayos sa sofa at bigla akong hinatak kaya't napa-upo ako sa kandungan niya.
"Anak ka ng baka, Laeven! Dahan-dahan. Kapag itong anak mo biglang pumusit sa ginagawa ko, ibabaon kita," singhal ko sa kaniya at sa gulat ko ay nagsimula nanaman siyang mamutla.
"A–Anak?"
"Huwag kang hihimatayin, sinasabi ko sa'yo! Kapag hinimatay ka talaga, lalayasan ka namin ng anak mo!" Angil ko sa kaniya at tila bahagya siyang natauhan.
"I–I'm fine," aniya na para bang ang sarili niya ang sinasabihan niya at hindi ako.
"Ako rin naman okay," sagot ko sa kaniya kahit hindi naman niya tinatanong.
"May masakit ba sa'yo? May iba ba sa'yo? May gusto ka ba—"
"Ang sabi sa akin ng Mamita Yna mo, ikaw raw ang maraming magugustuhan," putol ko sa kaniya.
Bigla na lamang niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko saka ako biglang sininghot-singhot. "This... I want this. I want your smell," wika niya.
"Smell lang? Weak," banat ko naman. Oo, may ubo na talagang tunay ang utak ko. Sa sitwasyon namin na 'to, ang kagaguhan ko pa ang naiisip ko.
"No, baby. I want all of you.... every part of you," sagot niya sa mapang-akit na tono, ngunit bago pa siya magpatuloy ay bigla akong lumayo. Nakita ko ang pangungunot ng mga kilay niya sa ginawa ko.
"Libog lang pala ang makakapagpabalik ng malay mo," nakangusong wika ko. "Gets mo na ba ngayon na nabuntis mo na ako finally?"
Bigla siyang ngumiti sa akin. Ngiti na nakakatunaw. Ngiti na alam mong totoo. Ngiti na kaya kang baliwin dahil sa sobrang ganda.
"I can't contain my happines. Gusto kitang iikot sa ere. Gusto kong sumigaw at magwala na finally, my little Laever Azer has arrived. Hindi ko maipapaliwanag sa'yo ang sayang nararamdaman ko, but I swear, you just made me the most happiest man alive," hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal sa narinig ko.
"Shutangena naman, e." Saka ko pa marahang pinunas ang luha sa mga mata ko. "Akala ko hindi mo bet 'tong baby natin, kasi kung hindi mo bet, sasakalin ko 'yang itlog mo—"
"Itlog!? Does that even count?"
"Oo, maiba lang," nakanguso kong turan sa kaniya.
Tumayo siya saka ako kinabig at idinukdok niya ang ulo sa dibdib niya bago hinaplos ang buhok ko. "Sana hindi mamana ng anak natin ang bibig mo—" napahampas ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Sana hindi mamana ng anak natin 'yang fuck-fuck mong ugali," bwelta ko naman sa kaniya.
"Sana hindi mamana ng anak natin 'yang mga banat mo," banat nanaman niya. Inaasar yata talaga ako ng pugong ito!
"Kung may mamanahin man sa akin ang anak ko—"
"Sana mamana ng anak natin ang pagiging mabuting tao mo, ang malawak na pang-unawa mo, ang pagiging totoo mo, ang pagiging mapagmahal mo. Thank you for loving me, baby. Thank you for staying with me despite of my secrets and short comings. Thank you for having my little Laeven inside you," parang naging marupok nanaman ako sa narinig ko. Ang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng kilig. Feeling ko, ang swerte namin ng anak ko sa ama niya kahit hindi pa naman siya isinisilang.
Bahagya ko siyang itinulak saka ko siya biglang kinintalan ng halik. "Sana mamana ng anak natin 'yong lips mong kasing kunat ng adobong pusit at kasing sarap ng tapioca pearls."
"No, baby. I want our baby to have his own version."
"Don't call me baby. May baby na tayo, hindi na pwedeng baby mo rin ako—"
"Noted, Mrs. Villafuerte. I love you."
Hoyyyy! Shutangena, Laeven. DAHAN-DAHAN!
SPELL naiinis. J.I.C.E. Saan ka nakakita na lalaki ang naglilihi!? Saan ka nakakita na nasa ice cream parlor pero kumakain ang beef pares!? WALA! SHUTANGENA! SI LAEVEN LANG.
"Just go away, kid. I rented this whole ice cream parlor," singhal niya doon sa batang mamimili yata ng ice cream.
"Bakit ayaw ikaw payag ako bili ice cream!? You're bad man! Ayaw mo 'ko bili ice cream dito pero iba naman nikakain mo! You're eating lucky me!" Sagot sa kaniya ng bata.
"This is not lucky me, bubwit. Beef pares 'to. Beef pares!" At kailan pa ito natutong pumatol sa bata?
Ginising niya ako kaninang 7am at pinaghahanap niya ako ng beef pares na chicken broth ang sabaw pero baka ang sahog na karne tapos pipigaan niya raw ng sunkist at lemon saka bubudburan ng bagoong isda. Ini-imagine ko palang 'yong hinihingi niya, parang kahit wala akong morning sickness ay parang mararanasan ko yata.
Yes, guys. He's eating that awful food here in the ice cream parlor. Hindi ko alam kung anong trip niya, basta rito niya raw nais kumain. Gigil pa siya sa akin no'ng binawalan ko. Para akong nag-ya-yaya sa isang batang spoiled brat. Bale kapag babae, bratinella, pero dahil lalaki si Laev, isa siyang bratinello.
Umalis ang bata na umiiyak kaya't nilapitan ko si Laeven, at sa gulat ko bigla nalang niyang inilayo sa akin ang mangkok na kinakainan niya.
"Akin 'to!" Singhal ba naman niya sa akin.
"Excuse me, hoy! Sa'yong-sa'yo na! Wala akong balak na makikain sa alien food mo," saka ko pa siya inirapan, ngunit pagbalik ng mga mata ko sa kaniya ay nakatitig na siya sa akin at nangingilid ang luha sa mga mata.
"Hindi mo na 'ko mahal, Jice. Bakit? Kasi tataba na 'ko? Kasi mawawala na 'yong mga muscles ko dahil sa kakakain ko?" SHUTANGENA! SAAN GALING 'YON!?
"Hindi! Bakit naman kita hindi magiging mahal? Tatay ka ng anak ko—"
Bigla niyang padabog na binitawan ang kutsara sa harap ko kaya't napatigil ako sa pagsasalita. "Mahal mo lang ako dahil tatay ako ng anak mo? Ako ang kailangan, pero hindi ang mahal?"
SHUTANGENA! Kanta ni Moira 'yon na bago, ah? Pati iyon alam niya na!?
"Ang pinagsasasabi mo diyan? Ikaw nga ang kasama ko at—"
"Ako ang kasama pero hanap mo siya?" Huwow! Legit. Huwow talaga!
Pinitik ko bigla ang noo niya kasi pinagtitinginan na kami. Ume-emote pa siya, e pinangalandakan niya na nga sa dito sa parlor na buntis ako kaya niya ni-rentahan 'tong lugar tapos maririnig siya nag-e-emote!? Aba, baka mamaya ma-Raffy Tulfo ako nito at headline ako bukas, "Buntis na babae, nanlalalake," kahihiyan sa puri ko 'yon.
Napakaganda ng image ko, hindi pwedeng mayurakan. Alam ng mga mambabasa ng istorya ko kung gaano ako ka-ingat sa pagbibitaw ng mga salita. Pinakaiisip ko muna ang mga sinasabi ko.... LAGI. ARAW-ARAW. ORAS-ORAS. MINU-MINUTO. SEGU-SEGUNDO. Never akong nasabihan na pasmado ang bibig. NEVER.
"Mag-cr muna ako. Hintayin mo ako rito," utos ko sa kaniya at sa gulat ko ay para siyang bata na tumango-tango. Abnormalities are real.
Papasok na sana ako sa banyo nang may makabungguan ako. Agad akong kinabahan dahil mapapasalampak ako, ngunit mabilis ako nitong nasalo.
"Ayos ka lang ba Miss?" Tanong ng lalaki.
Halos mapagutan ako ng hininga nang bigla kong makilala kung sino ito. Hindi ko ito inaasahan. Umaaaa akong mali lang ako. Umaasa akong hindi ito totoo dahil iisang beses ko palang naman siyang nakita... ngunit mabilis akong tumanda ng mukha ng tao.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"Flare...."
SOMEONE
"Naglagay na ako ng mga tauhan ko sa mga pinaglalagian nilang lugar," wika ko dito sa taong kung makapagmando ay animo boss ko.
"Mabuti kung ganoon. Pakilusin mo ang mga tauhan mo na unahin ang babae. Ako ang bahala kay Laeven Azer Villafuerte. Walang ibang maaaring magtumba sa kaniya kung hindi ako lamang," mayabang na wika nito.
"Hindi lang ikaw ang may sisingilin sa kaniya. Kailangan ko rin makabawi," wika ko at ngumisi lamang ito.
Isa nga pala itong demonyo gaya ko.
--
SORRY PO LATE. BAWI AKO. SALAMAT. 🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top