Twenty-eight

LAEVEN

        

"Hindi mo kilala si Jice. She's the most unpredictable woman, Zaimon. Hindi siya kasing bobo ng iniisip mo. Hindi siya uto-uto lalo na kung walang basehan!" Sigaw ni Shanna kay Zaimon kahit pa alam kong hirap na hirap na siya.

              

Mas sinabunutan siya ng mariin ni Zaimon kaya't narinig ko ang pag-aray niya. Awang-awa na ako sa sitwasyon ni Shanna. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Kapag kumilos ako sa paraang alam ko, baka mamatay kaming tatlo nina Flare. Kapag hindi ako kumilos, hindi malinaw kung anong mangyayari.

            

"Ikaw lang naman ang uto-uto rito. Hindi ko alam kung anong katangahan ang mayroon ka at napa-ikot kita ng matagal," saka pa tumawa si Zaimon na animo demonyo.

       

Napangisi ako ng pait saka umiling at tila nakuha no'n ang atensyon niya kaya't napalingon siya sa akin. "Ang laki rin naman pala talaga ng nagagawa ng inggit sa'yo," wika ko rito na tila ikina panting ng tainga niya.

              

Bigla niyang itinulak si Shanna at nasubsob ito sa lupa. "Wala akong dapat kainggitan sa'yo, Villafuerte. Wala nang sa'yo ngayon—"

          

"Dahil ginusto n'yong sirain," sarkastikong putol ko sa nais nitong sabihin sa akin.

             

"Akala mo ba ay ako lang ang may lihim na galit sa'yo? Hindi ka ba nagtatakha at naging madaling naitago ang lahat?" Wika nito sa akin na bahagyang ikinagulo ng utak ko, dahil ramdam kong may punto naman siya.

        

"Sigurado naman na akong hindi ka nag-iisa. Dahil hindi mo naman ako kaya ng mag-isa, hindi ba?" Kung pag-su-subong man sa apoy ang ginagawa ko ay hindi ko alam. Kailangan kong makabili ng oras dahil nararamdaman kong gagawa at gagawa si Jice at tita Aeickel ng paraan para mahanap ang kinaroroonan ko.

           

Hindi na ako nagulat nang bigla siyang lumapit sa akin at ini-umang ang nguso ng baril niya sa noo ko. "Saan mo hinuhugot ang tapang ng loob mo? Putang ina, Villafuerte. Alam mo bang wala kang naging totoong kaibigan? Lahat ng putang inang kaibigan na mayroon ka, lahat 'yon peke! Dahil nga wala kang kwenta! Dahil isa ka lang malaking sagabal!" Dama ko ang panggagalaiti niya sa akin.

        

"Hindi naman ako ang nawalan," saka ko siya ngisian. "Nakipagkaibigan ako ng totoo,  hindi naman ako ang talo sa huli kung pipiliin nilang traydorin ako."

       

Bigla itong tumawa ng malakas na tipong napapahawak pa sa noo at tiyan. "Tang ina. Joke ba 'yon?" At wala pa rin itong humpay na tumawa.

               

"Zaimon tama na," napalingon kami kay Shanna na ngayon ay umaagos na ang luha sa mga mata. "Kahit para nalang sa pinagsamahan natin— AHHHHHHH!"

       

"SHANNA!!!!!"

     

Bigla siyang sinipa ni Zaimon sa sikmura na naging sanhi ng pagsusuka niya ng dugo.

         

"HAYOP KA! NAPAKAHAYOP MO!" Galit na galit na sigaw ko. Tang ina. Hindi ko kayang makitang ganito si Shanna!

             

"Z–Zaimon...." Hirap na hirap na wika ni Shanna habang namimilipit sa sakit at nakahawak lamang siya sa tiyan niya.

         

"Tang ina naman! Hindi ka ba titigil sa pagiging pakialamera mo!?" Sigaw niya kay Shanna na animo hindi siya nakararamdam ng kahit na katiting na awa rito.

                

"Z–Zaimon.... Please, huwag ganito— Ahhhh!!" Muli ay sinipa siya nito sa sikmura. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla na akong tumayo mula sa pagkakaupo ko saka ko marahas na dinamba si Zaimon.

          

"Putang ina!!" Sigaw ni Zaimon habang nagpapangbuno kami. Kapwa namin pinipilit na maagaw ang baril na hawak niya. Hindi ko sigurado kung anong oras darating ang tulong ngunit kailangan ko nang kumilos dahil baka buhay na ni Shanna ang maging kapalit kung hindi ko iyon gagawin.

                  

"T–Tumigil na kayo... parang awa n'yo na," umiiyak na wika ni Shanna kaya't saglit akong napalingon sa kaniya at ganoon na lamang ang gulat ko nang sumuka siya ng dugo..... kasabay no'n ay ang pag-agos ng dugo sa mga binti niya.

             

"S–Shanna," itinulak ko ng malakas si Zaimon saka ako mabilis na dumulog kay Shanna.

              

Hawak ko siya sa mga bisig ko habang patuloy pa rin ang paglalandas ng mga luha sa mga maya niya. "Z–Zaimon, tama na. P–Parang awa mo na, Zaimon."

            

"B–Buntis ka?" Halos hindi ko masabi ang mga salitang iyon. Nakakaramdam ako ng kakaibang takot para sa kaniya.

              

"Aba teka nga tang ina!? Kanino 'yan?" At sa gulat ko ay bigla pang tumawa nang tumawa si Zaimon sa nakita niyang estado ni Shanna at sa narnig niya mula sa amin.

               

Kumapit sa braso ko si Shanna at pinilit niyang maupo at mapaharap kay Zaimon. "A–Alam mong sa'yo 'to. A–Alam na alam mong sa'yo ang batang ito," kasunod no'n ay umubo siya ng dugo at hirap na hirap na napahawak sa sikmura niya. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko. Nahihirapan ako sa nakikita ko sa kaniya.

               

"Ano namang pakialam ko kung sa akin ang batang iyan? Mamamatay ka rin naman, bakit iintindihin ko pa? Isa pa Shanna, alam mo naman na pinagparausan lang kita no'ng gabing iyon dahil pinilit mo ang sarili mo sa akin, hindi ba? Huwag kang gaga," mala demonyong wika ni Zaimon na wari bang wala siyang nararamdaman na kahit na anong awa para sa babaeng ibinigay sa kaniya ang buong pagkatao.

              

"Demonyo kang hayop ka. Masahol ka pa sa demonyo!" Saka ko sana tangkang bubuhatin si Shanna nang bigla na lamang niyang muling itutok sa amin ang baril na hawak niya.

             

"Ikaw ang nagpalabas ng ka-demonyohan ko, Villafuerte! Ikaw ang hayop na nagpalabas ng ka-demonyohan ng pagkatao ko!" Sigaw niya sa akin. Kakaiba na ang tingin na ipinupukol niya sa amin. Tila desidido na siyang patayin kami sa mga oras na ito. Tila nais na niyang tapusin ang lahat dito.

                

"Kalmahan mo lang muna naman, 'tol," napalingon ako roon at nakita kong dumarating si Lyndon na malawak ang pagkakangisi sa akin. "Long time no see, Laeven Azer Villafuerte," anito sa akin. "Ohhhhh... poor Shanna. Bakit ganiyan ang lagay mo?" Dagdag pa nito na lalong nagpakulo ng dugo ko.

           

"Tang ina mo! Naiintindihan kong nais mong mapatay ako, pero hindi mo na dapat pang idinawit si Shanna dito! You're a fucking piece of shit! Itinuring ka niyang nakatatandang kapatid! Bakit hinahayaan mong ganito ang estado niya!!!!!" Ramdam ko na ang panginginig ng laman ko sa galit maging ang halos maputol na mga ugat sa leeg ko dahil sa pagtitimpi.

         

"Oh dude, you're fucking wrong. Ikaw lang naman ang mahal ng madla. Ikaw lang ang gusto nila. Ikaw lang ang sinasamba nila. Lagi lang akong extra. Lagi lang kaming extra," saka ito mapait na ngumiti sa akin.

      

Hindi ko alam kung anong uunahain ko sa mga oras na ito. Kung ang galit ko ba, kung ang pakikipagsumbatan ko, kung ang estado ni Shanna, o ang sitwasyon na kinaroroonan ko.

                     

"Hold on, Shanna. Alam kong darating na ang tulong—" naputol ang ibinubulong ko kay Shanna nang bigla na lamang may umalingawngaw na putok ng baril.

           

"Huwag na kayong mag-plano pa kung paano kayo makakatakas. Mamamatay na kayong lahat dito. Dead men tell no tales," ani Lyndon saka humalakhak. Sa kaniya pala galing ang putok ng baril na iyon.

            

Naririnig ko ang mga daing ni Shanna ngunit wala akong magawa. Gusto kong sumigaw at magwala ngunit alam kong wala iyong maitutulong. "Nagmamakaawa ako sa'yo, Lyndon. Kahit patayin mo na 'ko. Kahit parte-partehin mo pa ang katawan ko sa paraan na gusto mo, basta lang iligtas n'yo si Shanna. Ipadala n'yo na siya sa ospital. Nagmamakaawa na ako sa inyo. Baka mamamatay na ang bata sa sinapupunan niya—"

            

"The hell I care with that mother fucking child!" Putol sa akin ni Zaimon.

          

"Tang ina mo!" Sigaw ko rito.

            

"Tang ina mo rin! Huwag kang umasta na akala mong banal ka! Hindi ba't nakapatay ka!? Huwag kang astang santo!" Ganting sigaw nito sa akin na ikinatawa ni Lyndon.

             

"Ano pa bang pwede kong gawin para lang iligtas n'yo si Shanna!!!!? SABIHIN N'YO!?"

           

Humakbang papalapit sa akin si Lyndon at bigla na lamang sinalubong ng mukha ko ang kamao niya. "Hindi ka ba nagtatakha na ganito kalaki ang galit namin sa'yo?" Aniya habang nakangisi.

            

Sunod-sunod akong umiling at ngumiti sa kaniya ng mapait. "Kung alam ko lang Lyndon, matagal ko nang binago para sa inyo. Kung alam ko ang dahilan kung bakit nagkaganiyan kayo, gumawa sana ako ng paraan para maayos natin. Isa kayo sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Higit sa lahat, ikaw ang nakasaksi ng lahat ng hirap ko para maka-akyat sa itaas—"

           

"IYON ANG PUTANG INANG PROBLEMA, LAEV! IYON ANG PINAKAMALAKING PROBLEMA! UMAKYAT KA PAITAAS NG IKAW LANG! MAKASARILI KA! UMAKYAT KA, PERO PINILI MONG IWAN KAMI! ALAM MONG IISA TAYO NG MGA PANGARAP! ALAM MONG IISA TAYO NG MGA NAIS NA MARATING! PERO BAKIT PINILI MONG IWAN KAMI!? BAKIT PINILI MONG SUMIKAT MAG-ISA!? RACER TO MANAGER? RACER TO—"

       

Natigil si Lyndon sa pagsasalita nang sunod-sunod na tawang tila sugo ng diablo ang pumailanlang sa paligid at kasunod no'n ay ang......

     

...

   

...

    

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

    

...

 
  
...

   

...

   

....

    

...

   

...

    

...

    

...

    

...

    

...

    

...pagtayo ni Flare mula sa upuan na animo wala siyang masakit sa ano mang parte ng katawan niya. Nag-inat pa ito at humikab na animo antok na antok at ngawit na ngawit.

      

"Tang ina naman Lyndon, masyado ka namang emosyonal. Sinabi kong hintayin mo na muna ang go signal ko bago ka magdadada. Iyang bunganga mo talaga ang malaking pahamak tang ina ka," higit pa sa salitang gulat ang naramdaman ko sa narinig kong iyon mula kay Flare.

                

"Sorry Flare," tila maamong tupa na wika ni Lyndon kay Flare at yumuko pa ito.

        

"Hirap na hirap ako sa naging pagpapanggap ko mula pa noon tapos babasagin mo lang? Pasabugin ko kaya ang ulo mo ngayon?"

           

"Ayusin mo ang sarili mo, Flare—"

       

"Isa ka pang putang ina mo! Ginamit lang naman kita para mangyari lahat ng ito kaya huwag mo 'kong manduhan," hindi ko kilala ang Flare na nagsasalita ngayon. Hindi siya ang kaibigan na kilala ko.

               

"Flare, sasabihin mo na ba kay Laeven?"

         

"Huwag mo 'kong pangunahan. Kaya ka kinakayan-kayanan niyang si Zaimon dahil uto-uto kang bobo ka. Mga tauhan mo ang dinidispatsa mo pero siya ang nasusunod," siwalat nito. Kung gayon ay matagal nang magka-usap at magkakilala si Lyndon at Zaimon.

        

"Anong kasalanan ko sa'yo? Wala akong naging kasalanan sa'yo," walang emosyon na wika ko rito.

              

Ngumiti ito sa akin.... isang ngiti na animo galing sa isang demonyo. "Kasalanan? Nag-aaral palang tayo malaki na ang kasalanan mo sa akin. Mayaman ka namang putang ina mo ka, pero inagaw mo pa ang scholarship ko na naging sanhi ng pagkamatay ng Lola ko. Hindi niya matanggap na baka hindi na ako makapagkolehiyo! Kinaibigan pa kita para lang mahuthutan. Kinaibigan pa kita para lang malaman ko 'yong mga balak mo sa buhay mo saka kita babawian sa nangyari sa akin. Tang ina, Laeven. Hindi ka man lang ba nakatunog?" Wika niya na sinundan pa ito ng tawa.

               

"Kaibigan ang turing ko sa iyo. Kahit minsan ay hindi kita pinaghinalaan!" Galit na wika ko rito. "Kung alam ko lang na iyan pala ang problema mo, kahit buhayin ko pa habang buhay ang buong pamilya mo, gagawin ko!"

          

Bigla niyang inagaw ng walang pasubali ang baril kay Zaimon at mabilis itong itinutok sa akin. "Hindi ako nanghihingi ng awa sa'yo, Villafuerte. Hindi ako kahit kailan manghihingi ng awa sa'yo. Kung sanang isinabay mo na lamang kami sa pag-akyat, kakalimutan ko na lamang sana ang lahat, ang kaso makasarili ka. Mas pinili mong umangat mag-isa, higit pa roon, pinili mong hakutin lahat ng papuri ng madla. Bakit, Laev? Makakarating ka ba kung nasaan ka, kung hindi dahil sa amin? HINDI! KAYA NAGPASYA NA KAMING IBAGSAK KA! Nakita mo naman, hindi ba? Napakadali lang namin iyong nagawa. Kami ang nag-angat sa iyo, kami lang din ang may kakayahan na mag-bagsak sa iyo!"

            

"Iyan lang ang dahilan n'yo? Iyan lang? Sa iyo Zaimon, dahil lang mas nakakaangat ako sa'yo? Dahil lang mas magaling at mas sikat ako? Sa iyo Lyndon, dahil lang hindi tayo sabay na narating ang mga pangarap natin? Sa iyo Flare, dahil matagal mo na pala akong sinisisi sa pagkamatay ng Lola mo? Ginawa n'yong lahat ito dahil doon? Ang babaw n'yo, tang ina."

           

Idinikit ni Flare ang nguso ng baril niya sa noo ko. "Sa iyo mababaw, pero sa amin malaking bagay iyon. Malaking bagay ang ninakaw mo sa amin!"

              

Sasagot na sana ako nang maramdaman kong may iniabot sa akin si Shanna at paglingon ko.... baril.

          

"S–Save yourself, Laev. S–Save yourself for Jice and for your baby," mahinang bulong niya.

               

"Hindi kita iiwan dito Shanna!" Saka ako mabilis na kumilos at itinutok ko ang baril kay Flare kahit pa nakatutok pa rin ang baril na hawak niya sa akin.

               

Ngumisi bigla si Flare at tila iyon nagbigay ng kilabot at kaba sa akin.

        

"Kapag pinutok mo 'yan, patay rin ang mag-ina mo. May isa ka pang atraso, Villafuerte... at iyon ang may pinaka naaayon na rason para maging dahilan ng pagpatay sa'yo."

      

Nanginig ako sa narinig ko na halos mabitawan ko na ang baril na hawak ko.

           

"Hayop ka..." Pigil ang sigaw na wika ko.

          

May biglang dumating na tao at halos madurog ang puso ko sa nasasaksihan ko.

          

Si Jice na may busal ang mga labi habang umaagos ang masaganang luha sa mga mata niya, kasabay nito ay ang mga kamay niyang  nakagapos sa kaniyang likuran.....

    

Ang mag-ina ko..... Huwag ang mag-ina ko.
     

--

CHAPTER 29 WILL BE LATER AFTERNOON. SOBRANG TINAGUYOD KO LANG 'TO KAHIT MASAKIT ANG ULO KO. 2 more chapters then Epilogue. SALAMAT. 🥀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top