Twelve
JICE
"P–Pinagsasasabi mo diyan!?" Singhal ko sa kaniya saka ako napabangon mula sa bisig niya.
"Do we have to proceed with round three bago mo 'ko paniwalaan?" Tanong niya sa akin habang bahagyang nakangisi.
"STYLE MO RIN TALAGA, E 'NO!?" Saka ko siya kinaltok at kinuha ang mga damit ko saka mabilis kong sinuot.
"What? I'm telling you the truth," saka ba naman marahas na inagaw sa akin ang t-shirt ko. Iyon nalang kasi ang hindi ko pa naisusuot.
"Akin na 'yan!" Singhal ko sa kaniya.
"I confessed my love for you tapos ang isasagot mo sa akin, pinagsasasabi mo diyan? Ibang klase ka talaga," saka naman siya nagsimulang mag-bihis.
"Aba! Sino ba naman kasing maniniwala na mahal mo na agad ako pagkatapos ng round two, aber? Parang fuck then love—" SHUTANGENA! BIGLA AKONG IN-SMACK!
"I didn't fuck you. I made love with you. There's a huge difference between the two," wika niya matapos lumayo sa akin.
"Difference, difference ka pa diyan! Isipin mo naman, sasabihan mo 'ko ng mahal mo 'ko 'pag tapos mo 'kong jerjerin!? Nasaan naman ang hustisya doon!?" Saka ko tangka muling inagaw ang t-shirt ko ngunit mabilis niyang inangat ang kamay niya kaya't ang ending ay nasubsob ako sa dibdib niya.
Hinawakan niya ang pisngi ko saka ini-angat ang baba ko. Nagtama tuloy ang mga mata namin. "Kailan mo gustong aminin ko? Do I have to tell it to you in a fancy dinner? Don't you like it the Laeven Azer way—"
"Anong way? 'Yong confession o 'yong eating session— Ouch!" Pinitik ng walang hiya ang noo ko.
"I'm trying to be sweet here. Wala talagang pakisama 'yang bibig mo kahit kailan," saka niya ako kinabig kaya't napahiga siya habang ako naman ay nasa ibabaw niya at wala pa ring suot na pang-itaas.
Inihiga ko ang ulo ko sa dibdib niya saka ako nagsalita. "Sa totoo lang hindi ko pa rin kasi mapaniwalaan na mahal mo na 'ko. I mean, who wouldn't be glad na mahalin ng isang Laeven Azer Villafuerte? Normal na babae lang ako na may magaspang na bibig. Ibinigay ko ng buo ang sarili ko na wala naman akong hinihintay na kapalit. Martyr na kung martyr, but that's the truth. I have no intention to force you na mahalin ako. I have no intention na ipilit ko ang sarili ko sa'yo. I'm satisfied sa kung ano lang ang kaya mong i-offer sa akin," wika ko habang nakatingin lang sa gilid ng tent.
Naramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa buhok ko. "At first, I don't really have any intention to fall for you. Natatakot ako sa tipo mo. Ikaw 'yong tipo na baka hindi ko ma-handle. Ikaw 'yong tipo na hindi ko pwedeng ikulong sa akin. But my feelings just went smoother. Noon ko pa naman nararamdaman na iba na ang dating mo sakin, I just verified my feeling noong mapagtanto ko, na ikaw talaga ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. You were born for me. Ramdam kong para sa akin ka talaga. I took your first, at hanggang sa huling hininga mo, ako pa rin," ramdam ko ang sinseridad sa bawat binitawan niyang salita.
Ini-angat ko ang ulo ko at nagtama nanaman ang mga mata namin.
"Are you mentally stable while saying those words? Hindi ba 'yan dala ng libog lang?" Paninigurado ko.
"I don't know why, but the moment you entered my life, pakiramdam ko magaling na 'ko. Pakiramdam ko kaya ko nang sabihin sa mga tao sa paligid ko ang sitwasyon ko. I feel like I can now open up. You were the healer I was looking for," sagot niya sa akin saka ako kinintalan ng halik sa noo.
"Handa ka nang mag-kwento?" Usisa ko saka ako umalis sa dibdib niya. Kinuha ko ang t-shirt ko at isinuot iyon.
"I will arrange a presscon for it. If I am set to go to hell, then I will." Wika niya na lubos kong ikinagulat.
"H–Hell!?" Hindi ko makapaniwalang saad.
"You'll know soon, baby. For now, let us keep the pace. Let me love you hangga't narito ako, hangga't maipapakita ko," sagot niya ngunit naguluhan lamang ako. Nahihirapan akong intindihin ang sinasabi niya.
"Demonyo ka ba!? Hindi ako papayag na demonyo ang ama ng magiging anak ko!" Singhal ko sa kaniya.
"Silly. Ikaw lang naman ang de-demonyohin ko," wika niya saka ako kinindatan.
"Bastos!"
"Bastos nakahubad, special nakatuwad," kita mo, bumabanat nanaman ang pugo!
"Ako pinatuwad, special na ba ako no'n?" Ganting banat ko sa kaniya.
"You are special kahit hindi patuwarin—"
"Kung gano'n bakit mo pa 'ko pinatuwad!?" Angil ko sa kaniya ngunit inilapit lamang niya ang labi niya sa punong tainga ko saka bumulong.
"Para sagad, deretso, at walang tapon."
SHUTANGENA LAEVEN! SANDALEEEEE NGA. HALIKA, I-OFFER KO NA ANG ROUND THREE!!!
"PALAGI n'yo nalang akong iniiwan na dalawa," may pagtatampong wika sa amin ni Shanna.
"Sabi ko nga sa'yo girl, akin ang piyansey mo. Habang nagpapakasarap ako, ikaw malungkot dito," saka ko pa siya binelatan.
"Ikaw talaga, Jice!" Saka niya ako winisikan ng tubig at tumawa. Naghuhugas kasi siya ng plato at ako naman ay nakabantay lang. Si Laeven naroon nanaman sa mga halaman niyang sumobra na yata sa haplos at romansa. Baka mas mauna pa niyang ma-anakan 'yong mga halaman niya kaysa sa akin!
Napakabait ni Shanna. Ramdam ko. Sobra ang bait niya, parang ka-tipo niya si Lindzzy, pero mas mabait pa rin siya kay Lindzzy. Si Lindzzy kasi natuto na ng mga kabalastugan kay Sir Aeidan. Si Shanna 'yong tipo ng babae na kapag ang hilig mo sa babae ay mahinhin at masunurin, agad mo siyang mamahalin.
"Kung makatawa ka diyan, parang wala kang problema, ah? Sana ol," saka ko ginulo ang buhok niya.
"Sa totoo lang namimiss ko na si Zaimon. Siya lang kasi 'yong taong handa akong ipaglaban kahit na kanino," biglang lumungkot ang tinig niya.
"Girl, bakit naman kasi tinitikis mo 'yang sarili mo. Gusto mo bang makipag kita sa lover mo? Gagawa nalang tayo ng paraan," wika ko sa kaniya at biglang nag-ningning ang mga mata niya sa galak.
"Really!?"
"Oo. Tapos mag-jerjeran na rin kayo ni Zaimon mo, para sulit ang pagkikita n'yo. Hindi naman pwedeng kwentuhan lang gagawin n'yo, pag-uuntugin ko talaga kayo—"
"I'm still a virgin, Jice."
"Shutangena, weh!?"
"Zaimon and I, met each other a year ago. Hindi kami nagkaroon ng chance na mapag-solo kaya't hindi ko pa rin nai-aalay sa kaniya ang sarili ko," wika niya sa akin saka napayuko.
"Saan ka ba nalulungkot, girl? Sa hindi n'yo pagkikita o dahil hindi ka na-jujugjug?"
"I do honestly want to feel how it feels to love in bed. You see, I'm so innocent and it fucks me up as a woman," sagot niya sa akin at napagtanto ko naman ang ipinupunto niya.
"Gets kita. Kaso sa amin kasi, si Laeven 'yong namilit na mag-jerjeran—"
"Who!? Who forced you Jice Isaiah Saavedra?" SHUTANGENA. ANG PLANTITO, NARITO NA. MUKHANG TAPOS NIYA NANG ROMANSAHIN ANG MGA HALAMAN NIYA!
"Joke lang," saka ako awkward na tumawa. Nakita kong natawa si Shanna dahil sa iginawi ko.
"I never forced you. We both wanted it, and I'm actually thinking of settling down with you after I'm done with my unfinished businesses," teka... sabihin n'yo kalmahan ko. SHUTANGENA! INAYA BA NIYA AKONG MAGING ASAWA NGAYON-NGAYON LANG!?
"Pinapa-inggit n'yo pa talaga ako," nakangusong pukaw sa atensyon namin ni Shanna, bago biglang tumalikod at nagtungo sa silid niya.
"T–Teka muna. Walang hiya ka Laeven ka! Ora-orada ka talaga kung bumanat! Wala kang sense of sweetness and romanticism!" Sigaw ko sa walang hiya ngunit ang loko tinawanan lang naman ako saka ako biglang hinapit papalapit sa kaniya.
"Why do I have to wait kung kailan ka handa? Dumating ka na parang kidlat sa buhay ko, paninindigan ko ang parang kidlat na sitwasyon na 'to. I will always say things to you when you least expect it. Keep that in mind," sagot niya sa akin.
"Sobra! Sobrang napaka unexpected ng mga tirada mo. Will you be my girlfriend, habang nagsasalita ako tungkol sa jerjeran natin, I love you Jice Isaiah Saavedra, noong katatapos nating mag-tirahan, I am actually thinking of settling with you, nang narito lang tayo sa kusina at wala man lang sweet ambiance!? Wala ka na ba talagang mas ika-wiwirdo pa!?"
Ang walang hiya, tinawanan nanaman ako saka mas hinapit ako papalapit sa kaniya.
"Magbihis ka, we're going to Phyrric. Kakausapin ko si tita Aeickel and Mom regarding my presscon. Gusto ko nang tapusin lahat ng ito para maging maayos na rin ang kung ano man ang gusto kong mangyari sa pagitan natin," wika niya sa akin na tila nagpapawis ng buong katawan ko dahil sa kaba.
"P–Phyrric!?"
"Yeah. My mom's twin sister, tita Aeickel, runs an agency. It is actually an agency of secret agents and spies, but disguised as an agency for local jobs," paliwanag niya sa akin ngunit parang hindi pumapasok sa sistema ko iyon. PAANO NAMAN KASI, MAS ALAM KO PA SA KANIYA 'YONG PHYRRIC, SHUTANGENA!
"P–Pwede bang hindi na ako sumama? Medyo masama kasi 'yong pakiramdam ko—"
Pinakawalan niya ako kaya't napatigil ako sa pagsasalita. "Are you afraid of my mom? Sabi mo kaya mo 'kong ipaglaban?"
Shutangena. Hindi ako sa Mom mo natatakot. Mas natatakot ako kay amo kapag nalaman niyang nakipagtirahan ako sa'yo! Malilintikan na talaga ako ro'n ngayon. Malalaman mo rin kung sino talaga ako! Tapos kapag nalaman pa ni Papa, malamang sapak-ala-Dylan ang abot ko.
"O–Oo nga, pero bakit meet the parents agad—"
"It's final. You're coming with me."
SHUTANGENAAAAAA! KATAPUSAN KO NA YATA TALAGA!
BAWAT mararaanan namin ay mabilis kong iniilingan nang hindi napapansin ni Laev. Wari bang binabawalan ko sila na batiin ako. Kung alam n'yo lang 'yong kabog ng dibdib ko, para akong hihimatayin.
"Oy Sa—" Mariin kong inilingan si Missy na mukhang babatiin ako! "SABUKOT. GUSTO KONG MAGING SABUKOT!" Pagpapatuloy niya na para bang kinakausap niya ang sarili niya. Mabuti nauunang naglalakad sa akin si Laev. Shutangena, nakakabobo. Bobo na nga ako, mas nabobo pa yata. Jimmy Neutron send help!
"Anong ginagawa mo rito kuya Laev?" Harang ni Aeiryn kay Laeven, saglit niya akong tinignan ngunit mabilis ko siyang inilingan.
"I'm coming out," tipid na sagot niya kay Aeiryn. "Where's your Mom?"
"I'm here. Tumuloy ka sa opisina ko," napalingon kami at parating si amo na seryoso ang mukha. Shutangena ang gwapo talaga ni amo. Kung naging lalaki lang talaga siya, siya nalang ang ginapang ko.
Dumeretso na ng paglalakad si Laev at ako naman ay sumunod, ngunit mabilis na hinawakan ni Aeiryn ang braso ko. "You didn't take my advice, Saavedra. Sayang. But it's your life anyway. Ikaw naman ang masasaktan, hindi ako," makahulugang wika niya sa akin bago ako binitawan at nilagpasan.
Kakaba-kabang sinundan ko si Laev hanggang sa loob ng opisina ni amo. Umupo ako sa tabi niya mismo.
"What brought you here?" Tanong ni amo kay Laev nang makapasok siya ng opisina niya at nakaupo na sa upuan niya.
"Where's my mom, tita? I want to tell the both you my plans of coming out," deretsong wika niya kay amo.
"Are you okay now?"
"I'm more than fine," maagap na sagot niya at sa gulat ko ay hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin! SHUTANGENA LUNGSSSS! SA HARAP PA TALAGA NI AMO! JUSKO SEVEN ELAEVEN! GUSTO MO NA YATA TALAGANG MA-EVICT AKO SA BAHAY NI AMO!
"Wow," sa lahat ng wow, iyon ang nakakanerbyos. Wow palang ni amo parang papanaw na 'ko!
"This woman washed away all my insanity. She's my healer," wika niya kay amo ngunit blangko lamang na ngiti ang ibinigay ni amo sa amin.
"And you two had sex already. Are you ready to be a father?" POTAAAA! ANO BA NAMANG MENTALIDAD AT PSYCHO POWERS SIYA MERON!?
"I'm more than willing to be a father and build a family with her. Kaya ko nang panindigan ang mga gagawin ko sa mga oras na 'to. I'm no longer the coward Laeven. I'm no longer the easily be betrayed type. Kaya ko nang tayuan ang mga desisyon ko—"
"Even if you're going to jail? Kaya mo bang iwan si Jice at ang magiging anak mo kung sakali?"
"J–Jail?" Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa labi ko dahil tila nabarahan ang lalamunan ko.
"How did you know her name, tita? I haven't told you her name yet," seryosong seryoso ang pagkakasabi ni Laev no'n, to the point na binitawan niya pa ang mga kamay ko at deretsong nakipagsukatan ng tingin kay amo.
"Of course, I know her. She's an agent. She was assigned to supervise and monitor you."
Amo, bakit ginagawa mo 'to? Para akong nanlumo, lalo na nang tumingin sa akin si Laev at nakarehistro ang galit sa mga mata niya.... hindi simpleng galit. Galit na may mababanaag kang sakit... dahil napagtaksilan.
"L–Laev..."
"I thought you're real. Isa ka rin pala sa mga ilusyon ko."
--
Hindi ako nakakareply sa mga comments n'yo these past few days pero lahat po iyon nababasa ko. Sa lahat ng nag-iloveyou at patuloy na nag-chicheer up sa akin, MAHAL NA MAHAL KO RIN PO KAYO. - Mayora 🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top