Thirteen
JICE
"I thought you're real. Isa ka rin pala sa mga ilusyon ko."
Tila ako nilukuban ng lahat ng sakit na maaaring maramdaman ko sa mga binitawan niyang salita.
"L–Laev, I can explain—"
"The hell with your fucking explanation!" Sigaw niya sa akin saka mabilis na tumayo at lumabas ng opisina ni amo. Naiwan akong nakayuko, nanginginig at hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko sa kasalukuyan.
"You have to go after him. It's your job afterall," pukaw ni amo sa atensyon ko.
Napa-angat ang mata ko sa kaniya. "Bakit kailangan n'yo po akong pangunahan sa pagsasabi sa kaniya? Hindi ba pwedeng ako ang magsiwalat ng sarili ko?" Punong-puno ng hinanakit na turan ko sa kaniya.
"Then what? Let my nephew believe all the lies you showed him—"
"I never faked anything!" Ito ang kauna-unahang beses na sumagot at nag-taas ako ng boses kay amo. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na mayroon ako.
"But the fact that you didn't tell him that you're an agent after he confessed his feeling for you was considered lying, Jice. You have all the chances, but you missed it." Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig sa narinig kong iyon kay amo.
"I–I may have lied pero hindi ko—"
"There were definite options, but you chose the easiest way kaya narito ka sa sitwasyon na ito ngayon. I honestly did you a favor. Malalaman din naman ni Laev kalaunan, at mas masasaktan siya kung mas mahuhulog pa siya lalo sa'yo bago niya malaman ang pagkatao mo. You're selfish," walang emosyong wika niya sa akin.
Muli akong napayuko dahil sa mga sinabi niya. "Alam ko pong makasarili ako, pero parang mas naging makasarili ako simula nang mahalin ko rin siya."
"Alam mong hindi maganda ang lagay ni Laev, go after him. Tell him the truth. Cry your heart out, if you must. Open up to him. That's the only way you can help him free himself. Ipakita mo sa kaniya kung paano pakawalan ang sarili. I'm hoping that he'll learn from you," wika niya sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tumayo saka mabilis na lumabas ng opisina ni amo.
Unti-unti kong nakuha ang gustong mangyari ni amo. Unti-unti kong naintidihan ang nais niyang ipahiwatig at iparating. May katagalan din akong sumailalim sa pag-eensayo sa kaniya. If you work with Chief Aeickel for so long, you will eventually understand how she thinks. Malayo pa ako, pero kahit paano ay naiintindihan ko.
Ginawa niya ang ginawa niya upang umamin ako kay Laeven— at upang matutunan ni Laeven ang umamin din. She wants to teach the both of us the lessons and consequences of lying, not opening up and keeping secrets to the ones you love. She's indeed a playmaker and the smartest.
Naabutan ko si Laeven na papasakay na sana ng sasakyan niya ngunit mabilis ko siyang hinila. "Hindi ka makakapag drive. Baka ma-aksidente ka—"
"You fucking let me go," madiin at nakakatakot na wika niya sa akin nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"L–Laev, please let me explain—"
"ENOUGH OF YOUR FUCKING EXPLANATION!" Sigaw niya saka marahas na binawi sa akin ang braso niyang hawak ko.
"Pagpaliwanagin mo 'ko!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Nanghihina ako sa nakikita kong sakit sa mga mata niya.
Nakita kong napayuko siya bago niya ibinaling sa akin ang mga mata niya. Ramdam ko ang pagkakabigla nang makita ko ang nangingilid na luha sa mga ito.
"I trusted you. I trusted you, Jice," halos pabulong lamang ang mga salitang iyon na namutawi sa mga labi niya. "Pinapasok kita sa mundong binuo ko malayo sa iba. Hinayaan kong mahulog ako sa'yo dahil akala ko kilala kita. I let myself be fooled again. Napakatanga ko."
"K–Kaya ko namang ipaliwanag ang sitwasyon. K–Kaya kong patunayan sa'yo na totoo lahat ng pinakita ko sa'yo—"
"Walang totoo, Jice. You're just an illusion... an illusion who started from a lie. Akala ko nakatagpo na ako ng totoo, it turned out na isa ka lang rin pala sa gagago sa binuo kong bagong mundo. I shouldn't have let you in. Nakakapagsisi," parang libo-libong patalim ang tumarak sa akin sa mga narinig kong iyon. Ganoon ba talaga kalala ang trust issue niya? Ganoon ba talaga kalala ang sakit na naranasan niya?
"Ang sakit mo naman palang magalit," puno ng kasarkastikuhan kong wika sa kaniya. "Kapag pala nagagalit ka, nakakalimutan mong mahal mo 'ko. Bakit gano'n, Laev? Hindi mo 'ko kayang pakinggan? Hindi mo kayang marinig 'yong side ko? Hindi ba dapat kapag mahal mo papakinggan mo? Hindi ba dapat kapag mahal mo mas iintindihin mo—"
"That's the fucking point here! Mahal na mahal na kasi kita kaya mas nasasaktan ako na malaman na ginago mo 'ko! Na pinagmukha mo 'kong tanga! Na 'yong taong akala kong mapagkakatiwalaan ko, ay ang tao pa palang sisira sa tiwala na binuo ko!" Sigaw niya sa akin. Nakita ko na ang tuluyang paglalandas ng luha sa mga mata niya. "The hardest part of this fucking betrayal is that it came from you... it came from the person I wanted to spend the rest of my life with."
Saka niya mabilis na pinahiran ang mga luha sa mata niya bago tuluyang pumasok ng sasakyan niya. Wala akong nagawa. Wala akong masabi. Mas nasasaktan ako dahil alam kong may kasalanan ako na naging dahilan upang maging ganito siya.
Nakita ko siyang nanginginig na napahawak sa manibela. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang buksan ang pintuan ng sasakyan at bigla na lamang siyang kabigin at yakapin. Inihimlay ko ang ulo niya sa balikat ko saka ko hinaplos ang buhok niya.
"Enough, Laev—"
"Let him go," napalingon ako roon at nakita ko si Aeiryn na nakatingin lamang sa akin. "If you really want to be his cure, let him. Let him face his fear," wika nito ngunit sunud-sunod akong umiling.
"He needs me—"
"No. He's only depending on you. He doesn't need you."
Pinakawalan ko siya gaya ng inutos ni Aeiryn ngunit tila wala siya sa sarili na napakapit ng mahigpit sa braso ko.
"N–No... No please... Not again... Don't fucking leave me in this nightmare," tila nagmamakaawa niyang wika sa akin.
Napalayo ako sa kaniya nang may mga kamay na kumabig sa akin at nakita ko na lamang ang babaeng kamukha ni amo na sa palagay ko ay ang ina mismo ni Laev.
"We'll sedate him. Kindly leave us for a while," wika nito sa akin kaya't tuluyan akong lumayo sa kanila.
"He's a phobic patient, Jice. Kuya Laev has both vehophobia and pistanthrophobia because of his accident. Kausapin mo nalang siya ukol doon kapag naging maayos na ang lagay niya. For now, rest. Alam kong nasasaktan ka," wika sa akin ni Aeiryn saka pa tinapik ang balikat ko bago tuluyang lumisan.
How can we fall so hard for someone we barely knew? How can does this damn heart chooses who to love? This thing called love is really painful. Nakakatakot isugal. Nakakatakot ipagpatuloy.
"JICE tama naman na sana 'yan," dinig kong pigil sa akin ni Shanna nang akmang tutunggahin ko nanaman ang bote ng alak.
"Okay lang ako, Shanna."
"Hindi rin naman magpapapigil 'yan, Shanna. Hayaan mo na. Dito ko nalang din siya papatulugin o mas maigi na dito nalang kayo matulog na dalawa," dinig kong sagot ni Lindzzy.
Yeah. Tinawagan ko silang dalawa para ilabas lahat ng tumatakbo sa isip ko ngayon dahil pakiramdam ko para akong sasabog na lobo sa dami ng nasa ulo ko.
"Sana semilya nalang ang sumasabog sa pukenjang ko ngayon. Ang sakit kasi na puro impormasyon ang nagsisiksikan sa ulo ko. Bobo na nga ako, tapos lalagyan pa ng mga masasakit na impormasyon," sarkastiko kong wika.
Naramdaman kong hinagod ni Shanna ang likod ko. "It's okay. You'll get through it."
Tinungga ko ang alak na hawak ko saka ako bumaling sa kaniya. "Bakit may pistanthrophobia si Laev, Shanna? Maiintindihan ko pa ang vehophobia dahil vehicular accident ang napagdaanan niya, pero 'yong mawalan siya ng tiwala sa mga tao? Ang labo," turan ko rito.
"It's not my story to tell talaga, pero I will say it para kahit naman paano maliwanagan ka," sagot niya saka bumuntong hininga. "Si Laeven kasi 'yong uri ng tao na napakabait sa lahat. Palangiti. Walang kaaway. Walang kagalit. Kahit saan kami makarating, lagi siyang may mga kabatian. Niloloko ko nga minsan na pwede siyang humabol na gobernador dahil sa style niya. Until the day of his accident."
"Continue," wika ni Lindzzy na animo interasado na rin sa pinag-uusapan.
"Wala ako no'n. Hindi ako nakasama sa karera niya. Lahat ng alam ko ay tungkol nalang sa balita dahil hindi na rin nagsabi sa akin si Laev," pagka-klaro niya.
"Then?"
"His manager, Lyndon, asked him to race that day. Dahil usual na mapagbigay si Laeven, kahit hindi naman official 'yong match, he agreed to it. Pumayag siya without knowing that it was an illegal race. He trusts Lyndon so much, but Lyndon betrayed him for money. Mayroon palang mga racer na inggit noon kay Laev, may inalis yatang pyesa sa sasakyan niya na naging reason no'ng accident," para akong nabibingi sa narinig ko.
"Nasaan 'yang hayop na Lyndon na 'yan!?" Sigaw ko.
"No idea, Jice. Hindi siya nahuli. But that's not the reason why Laev chose to turned his back from the world," pagpapatuloy niya na ikinakunot ng kilay ko. "He has another friend whom he trusted the most aside from Lyndon. Si Flare. Tatlo talaga silang matalik na magkakaibigan. Laeven, Lyndon and Flare. That day of his accident, Flare was with him. Flare was the acting co-driver of him. Flare acts as the navigator and he reads the set of pacenotes for Laeven, pero ayon nga. They met an accident on the road. Walang makapagsabi kung ano bang nangyari. Hindi nagsalita at nagsabi si Laev kahit na kanino.... because Flare died in that accident. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya hanggang ngayon. Sinisisi niya pa rin ang ginawa niyang pagtitiwala ng lubos kay Lyndon."
Tang'na. Iyon lang ang masasabi ko ngayon. Parang naiintindihan ko na 'yong sakit. Kung si Lindzzy ang mawawala sa akin sa ganoon paraan, baka hindi lang trust issue ang maranasan ko. Baka lahat ng tao ay patayin ko mahanap ko lang ang hustisya para sa kaibigan ko.
NAALIMPUNGATAN ako na may humahaplos sa pisngi ko at napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Laeven na siya palang gumagawa sa akin nito.
"Hindi naman ako nananaginip, hindi ba?" Wika ko sa kaniya.
Umiling siya sa akin saka umayos ng tayo. "I want to talk to you," turan niya at mabilis akong kumilos. Tumayo ako saka sinundan siya na lumabas na ng pintuan ng silid na kinaroroonan ko.
Narito pa rin pala ako sa bahat nina Lindzzy ngunit wala naman ibang tao bukod kay Laeven ang naabutan ko nang makalabas ako.
"A–Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko nang makaupo na ako sa tabi niya.
"I want to say sorry for shouting at you yesterday. I'm not in the right state of mind because of anger," wika niya sa akin ngunit hindi ako tinapunan ng tingin. Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa tv na nasa sala ngunit tila naman tumatagos doon ang tingin niya.
"Naiintindihan ko naman, pero sana pagpaliwanagin mo 'ko kung bakit ko nagawa 'yon. Oo, noong una talaga ay intensyon ko lang na bantayan ka—"
"I'm breaking up with you, Jice."
Limang salita lamang ang pumutol ng pagsasalita ko at lahat ng pantasya ko para sa aming dalawa.
"A–Ano?" Hindi ko makapaniwalang wika sa kaniya.
Humarap siya sa akin saka ngumiti. Ngiting pilit na kakabakasan mo ng sakit at hirap.
"Thank you for what you did to me. I have overcome my fear of the steering wheel. I came here driving my car. I came here to see you... to apologize to you. Maybe you were really the healer," wika niya ngunit hindi ko siya masundan.
"P–Pero bakit nakikipaghiwalay ka sa akin?" Halos hindi ko na marinig ang salita ko dahil sa tindi ng dagundong ng dibdib ko.
"I have overcome my vehophobia, but I can no longer trust you. Once is enough. Mahal kita, pero hindi ko na kayang magtiwala ngayon sa taong sinubukan akong lokohin at paikutin—"
"GAGO KA, LAEVEN! GAGO KA! ANG BABAW MO!" Sigaw ko sa kaniya saka ko naramdaman ang paglalandas ng mga luha ko.
"I'm sorry.... Thank you for fixing me... for healing me," tanging sinabi niya sa akin bago tumayo ng sofa at naglakad papalayo sa akin.
This woman who fixed you? You broke her.
--
Sa mga interesado, posted na ang PROLOGUE ng Series 9 (THE VICIOUS AGENT). You may visit my profile for you to read it.
- Mayora 🥀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top