Ten
JICE
Naalimpungatan ako na para bang may nakamasid sa akin. Bata pa lamang ako ay na-train na ako ni Papa sa ganito katalas na pandama sa paligid kahit na natutulog.
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nabungaran ko si Laeven na nakatitig sa akin. "Mukha ka palang mabait kapag tulog," wika niya nang tuluyan kong maibaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Pero kaya kitang kainin kapag gising ako," saka ko pa siya kinindatan. Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.
"Pero parang mas gusto ko 'yong ideya na kainin ka, kaysa kainin mo 'ko," sagot naman niya sa akin.
"Hinahamon mo ba 'ko— Aray!" Pinitik ba naman ang noo ko.
"Masyado kang matapang—"
"Daig ko pa talaga ang kapeng barako!" Pigil ko sa kaniya.
Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko. "Masyado kang matapang. Alam kong nasasaktan ka pa sa ibaba mo, pero kung makabanat ka parang kaya mo na agad mag-round two," mayabang na pahayag niya sa akin na alam kong ikina-pula ng mukha ko. LINTIK NAMAN! TAMANG PINAPAALALA LANG NIYA KUNG GAANO KAHABA AT KALAKI 'YONG GIANT ANACONDA NA SUMAKMAL SA PUSSYCAT DOLL KO KAGABI!
"Bahala ka sa buhay mo—"
"Bahala na 'ko sa'yo?" SHUTANGENA! KAKA-JERJER LANG, BUHAY NA AGAD. REAL QUICK MGA LODS!
"Malandi ka!" Singhal ko sa kaniya saka ako mabilis na pumasok sa kumot, pero doon ko napagtanto na wala pa rin pala akong saplot at nasa iisang kumot lang kami. Nakita kong buhay na buhay ang anaconda at tila kumakaway nanaman sa akin.
Bigla niyang inalis ang pagkaka talukbong ko at hinawakan ang kamay ko nang akma kong itatalukbong muli ang kumot sa akin.
"It's either gusto mong nakikita ang kung ano mang nasa ilalim ng kumot na 'to, o nahihiya ka dahil itong mukhang 'to ang nagpahalinghing kagabi sa'yo?" Nakangisi niyang pahayag.
SHUTANGENA LANG NI SEVEN ELAEVEN! GAME NA GAME ANG LINTIK NA 'TO SA PANG-AASAR SA AKIN! HINDI NIYA PA BA RAMDAM NA ANG GAYA KONG MAKAPAL ANG MUKHA AY UNTI-UNTI NANG NAKAKARAMDAM NG HIYA!?
"L–Lolo mo halinghing! Hindi ko nga maalala na umungol ako sa'yo—"
"Bilisan mo pa, Laev! Uhmmmm— Ouch!" HINAMPAS KO ANG WALANG HIYA! GINAYA NIYA PA TALAGA 'YONG BOSES KO! NAPAKA NIYA TALAGA! PINAKA SA LAHAT NG PINAKA SA BALAT NG LUPA!
"Hindi ka ba titigil!?" Saka ko siya pinanlisikan ng mga mata. Nakakainis na sobra!
"I like the thought of eating you now. 'Yong ako naman ang magpapaligaya sa'yo pagkatapos kitang masaktan kagabi," parang naumid ang dila ko sa bigla niyang pag-seryoso na iyon.
"N–Nagbibiro ka lang?"
Magkakasunod siyang umiling sa akin saka ako nginisian. "I ain't kidding. Parang gusto kitang almusalin," mapang-akit pang wika niya sa akin.
Pumikit ako saka huminga ng malalim bago muling tumingin sa kaniya. Kailangan mas maging matatag ako. Hindi pwede ang lalambot-lambot na Jice Isaiah Saavedra. Ipinanganak akong mananakop, hindi nagpapasakop!
"Almusalan ba? Sige papalagan kita. Tutal ikaw na rin naman ang naka-una sa akin, pangalawahan at pangatluhan mo na! Huwag ka nang mahiya, come to mama baby," saka ko siya kinindatan ngunit kinabahan ako nang hindi magbago ang ekspresyon niyang seryoso.
"Can we do it the racer way? Ikaw ang kakambyo, ako ang kakambyuhin. Ako ang bubusina, ikaw ang bubusinahin," SHUTANGENA! Tekaaaaaaa! Nakakarupok. Baka masegundahan talaga ako sa mga pinagsasasabi niya ngayon sa akin!
Wala na. Talo na 'ko. Lagi na akong matatalo mula ngayon. Ako na ang na-kambyo, ako pa ang na-busina. Paano naman akong mananalo!?
Hindi ako sumagot. Nagtangka na lamang akong tumayo upang makapaghilamos ngunit parang nagsisi ako.
"Ahh!" Napakasakit! "BLADE BA 'YANG ANO MO!? BAKIT NAPAKASAKIT NAMAN NG PUKENJANG KO!" Singhal ko sa kaniya nang makabawi ako sabay ko siya sinamaan ng tingin.
Imbes na sagutin ako ay nginisian lamang niya ako saka mabilis na hinalikan sa noo. "I'm sorry—"
"Sorry kasi tinira mo 'ko o sorry dahil napakalaki ng etits mo!?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya ngunit tinawanan lamang ako ng walang hiyang pugo!
"Sorry dahil hindi ko naisip na magiging ganoon ka kasikip. I didn't expect that tightness. I'm actually glad that my hugeness fitted inside your tightness," shutangena. Hugeness x tightness pa yata ang gusto niyang ipalayaw sa aming dalawa.
"Didn't expect, didn't expect ka pa diyan! Ibig mong sabihin hindi ka naniwala na virgin ako—" Ampotek! Bigla akong hinalikan. Napatahimik tuloy ako.
"I believed you. Who wouldn't be? Hindi ka nga marunong humalik," wika niya sa akin nang pakawalan niya ang mga labi ko.
"Nilalait mo ba 'ko?" Nakanguso kong wika sa kanya.
"Nope. I like the naughtiness of your mouth and the innocence of your body and soul. I prefer that, than someone acting like a purely undevirginize virgin but is actually a wild one," wika niya sa akin na ikinangiti ko. "Oh no. Stop smiling at me!" Saka ba naman biglang tinakpan ang labi ko ng kamay niya.
Marahas kong inalis ang kamay niya saka ko siya inismiran. "May masama ba sa pag-ngiti ko!?" Singhal ko nanaman sa pugong may kaltok na 'to.
"Oo. Pakiramdam ko nahuhulog ako— No. Pakiramdam ko, mas nalulunod ako sa'yo."
TEKA SANDALEEEEEEEE! ANG PUKENJANG LUMALAWA NA DAHIL SA KILIG!
"Bwiset ka!" Tanging nasabi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Talagang nag-iinit ang pisngi ko sa narinig kong iyon mula sa kaniya.
"I'm not lying. I can feel myself freely falling," seryoso niyang turan sa akin.
SHUTANGENA! TARA NGA, ROUND TWO NA!
HINAMPAS ko ng mabilis ang kamay ni Shanna dahil tangka niyang hahawakan ang kamay ni Laev para yata magpa-abot ng ulam.
"Hands off girl, akin ang piyansey mo," taas kilay na wika ko sa kaniya pero ang babaeng ito tinawanan lamang ako.
"Fiancee ko nga, so dapat sa akin siya—"
"Nag-jerjeran kami kagabi habang mag-isa kang natulog dito. Sinong lamang sa atin ngayon?" Mayabang na wika ko at nakita kong napakunot ang noo niya.
"What's jerjeran?"
"Nag-sex. Nag-kan—"
"JICE!" Pigil nanaman sa akin ni Laev.
"NAG-KANTAHAN! KANTAHAN KASI 'YON!KASO SHANNA HINDI AKO NATULOY NA UMAWIT SA KULAY KAYUMANGGING MIKROPONO," kunot na kunot na ang noo ni Shanna na mukhang hindi talaga nasusundan ang mga pinagsasasabi ko.
"I told you, she's innocent," bulong sa akin ni Laev dahil kami ang magkatabi.
"Ako hindi na 'ko inosente. Kantahan kita later," bulong ko pabalik sa kaniya at napa-iling na lamang siya sa pinagsasasabi ko.
"What you guys are talking about?" Tanong ni Shanna na ngayon ay kumakain na.
"Kung paano kita mapapalayas," saka ako ngumiti at nag-peace sign sa kaniya.
"As much as I want to leave, hindi ko magagawa. Zaimon is looking for me," biglang lumungkot ang tinig at mukha nito.
"Sinong Zaimon naman?" Usisa ko.
"Her lover," sagot sa akin ni Laev kaya't napalingon ako sa kaniya.
"Oh? Bakit tinataguan mo kung lover mo naman pala?" Parang ang insensitive ng tanong ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong.
Napabitiw siya sa kutsara at tinidor niya saka tumingin sa mga mata ko. "My Dad wants him to get killed. Walang tiwala si Dad kay Zaimon. Ayaw niya na si Zaimon ang mahalin ko. My Dad wants Laev, pero si Zaimon lang ang mahal ko mula noon hanggang ngayon," ramdam ko ang sakit sa pananalita ni Shanna.
"Sana tatay mo nalang ang magpakasal kay Laev, siya pala ang may gusto. Paladesisyon din 'yang Daddy mo, e 'no? Bakit hindi mo ipaglaban ang gusto mo? Ako nga kahit piyansey ka na, nakipagjerjeran pa 'ko dahil alam kong kaya kong ipaglaban para maging akin," sagot ko sa kanya.
"You don't understand, Jice." Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. "Kapag ama mo ang taong gustong pumatay sa mismong mahal mo, mawawalan ka ng lakas na lumaban. It's like you were torn between choosing the root of a tree to keep it from dying, or choosing the fruit to satisfy your hunger that will keep you living," ang bigat ng mga salita at emosyon niya. Dama ko ang hirap at sakit.
"S–Sorry," tanging nasabi ko sa kaniya.
"Don't be, Jice. I'm fine. Thank you for understanding my situation. Promise wala talaga akong gusto kay Laev," wika niya saka ngumiti sa amin.
"Hindi ka rin pwedeng magkagusto sa kaniya, dahil kahit gaano ka pa kabait, kakalbuhin talaga kita," tumatawang pahayag ko upang mapagaan ang atmosphere.
"Binabakuran mo ba 'ko?" Natatawang wika ni Laeven sa akin.
"Bakod lang? Hindi ako mahina. Hindi mo ba alam pinagpapatayuan na kita ng castle na kasing taas ng kay Rapunzel?" Sagot ko sa kaniya saka ako biglang tuminidor ng hotdog at kinain iyon. "Ako lang ngayon ang may karapatan sa'yo. Bawat karibal na dadaan, sisiguraduhin kong lulumpuhin ko."
"Amazona," bulong niya na ikinangiti ko na lamang.
Hindi amazona, Laev. Undercover agent. Pero paano kong ipapaliwanag sa'yo? Paano kong sasabihin sa'yo na hindi talaga pagiging katulong mo ang totoong pakay ko sa una palang?
"LINDZZYYYYY!" Saka ko talaga siya dinamba ng yakap. Miss na miss ko 'tong bruhang 'to!
"I missed you, Jice." Mahinhin niyang wika sa akin.
"Mas namiss kita, bru. Jusko ang dami kong istorya. Ang dami kong baon na kwento. Daig ko pa si Lola Bashang," wika ko sa kaniya saka ko siya iginiya patungo sa may ice cream corner.
Umorder ako ng chocolate flavor para sa akin at cheese flavor naman para kay Lindzzy. Magkaiba talaga kami ng taste, dahil kung hindi baka ginapang ko na rin Sir Aeidan. Isa pang mukhang papabols ang sadista na 'yon, e.
Inilapag ko ang ice cream na para kay Lindzzy at nagulat ako nang bigla na lamang siyang pamulahan ng mukha habang nakatitig sa ibinaba kong ice cream niya.
"Shutangena! Don't tell me pati ice cream!? Ang tindi n'yo namang mag-asawa sa eksperimento! Jugjugan kung jugjugan!" Angil ko sa kaniya nang mapagtanto ko ang kinapupula ng mukha niya.
"Bibig mo naman, Jice! Jusko!"
"Bibig ko lang ang bastos, bru. Iyang sa'yo dawit na 'yong utak mo, damay pa pati pukenjang mo!" Nakangusong wika ko sa kaniya. Nag-reminisce pa talaga sa harap ko ang bruhilda!
"Oo na. Oo na, tahimik na," pigil niya sa akin. "Si Laev ba kumusta?"
"Ayos naman kami. Hindi kami nag-uusap. Lagi kaming nag-aaway—"
"Napag-usapan na natin 'to. Kapag nagsinungaling ka pa ulit sa akin, friendship over na tayo," lakas niyang magbanta!
"Oo na! Binigay ko 'yong puri ko, bru— Aray!" Sinapok niya 'ko! Sinapok ako ng kaibigan kong ubod ng bait.
"ANONG SINABI MO!?" Napatayo pa talaga siya. Halos hindi niya talaga mapaniwalaan ang narinig niya mula sa akin. Kahit naman ako hindi ko mapaniwalaan na wala na 'yong virginity ko, e!
"Seryoso kasi, bru. Mahal ko na, e." Bigla siyang napaupo dahil sa sinabi ko.
"Sinasabi ko na nga ba. Freezell din ang makakabihag sa'yo. Naramdaman ko na 'to," wika niya saka bumuntong hininga. "Ingatan mo ang sarili mo. Marami tayong hindi alam tungkol kay Laev. Kung ma-sikreto si Aeidan, mas maraming itinatago si Laev. Walang nakakaalam ng iniisip niya at ng totoong sitwasyon niya. Wala siyang sinasabihan," paalala niya sa akin na ikinatango ko.
"Opo master buten."
"Nga pala, hindi mo ba nakakasama si Shawn? Nalaman ko kay Aeidan na umuwi raw ng probinsya nila kasi ngayon lang ipinaalam ng magulang niya ang pagkamatay ng half sister niya."
Bigla akong nakaramdam ng guilt. Mula noong iniwan ko siya sa bar hindi ko pa siya na-kontak.
"Kontakin ko nalang siya kapag gumaan na ang sitwasyon," wika ko sa kaniya.
Nagpaalam si Lindzzy matapos ang ilang minuto dahil tumatawag na raw si Sir Aeidan at sinusundo siya. Nilisan ko na rin ang ice cream corner at lalabas na sana ng mall nang mapalingon ako sa isang cafe na malapit sa akin at tila may pinagkakaguluhan doon.
Dala ng kyuryosidad ay tumungo ako roon at naki-usyoso.... ngunit sa gulat ko ay nakita ko si Laeven na siya palang pinagkakaguluhan!
ANONG GINAGAWA NIYA RITO!? INIWAN KO SIYA AT NAGPAALAM AKO NA MAG-GOGROCERY!
Mabilis kong hinubad ang jacket na suot ko at sumuong sa napakaraming tao. Bigla kong isinampay sa ulo niya ang jacket nang abutin ko ang kinaroroonan niya saka ko siya hinatak paalis ng lugar na iyon. Naririnig ko pa ang sigawan ng madla sa kaniya ngunit mas binilisan pa namin ang pagtakbo.
Napahinto kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya na dala ko. Mabilis ko siyang isinakay at sumakay na ako sa driver's seat.
"ANO BANG GINAGAWA MO RO'N!?" Galit na wika ko sa kaniya nang makabawi na ako sa hingal. Titig na titig ako sa mga mata niya na titig na titig din naman sa akin.
"Lagi kang nagtatagal tuwing naggo-grocery ka. I thought you were cheating on me," deretsong wika niya sa akin.
"Cheating on you!? Hindi nga kita jowa. Wala tayong ugnayan at relasyon!" Inis na wika ko. Hindi naman ako naiinis na pinaghihinalaan niya 'ko. Naiinis ako kasi pinagkaguluhan siya!
Bigla niya akong kinabig kaya't napasubsob ako sa dibdib niya, ngunit nasa mata niya pa rin ang mga mata ko. "You're not my girlfriend, but you'll be the mother of my children. Mark my word, Jice Isaiah Saavedra. Aanakan kita. Aanakan kita, hanggang sa magkaroon na tayong ugnayan na dalawa!"
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top