Sixteen
JICE
"Aray— Aray!" Napaiwas tuloy ako sa pinapahid kong bulak na may betadine sa mukha niya.
"Sino ba kasing nagsabing huwag kang lumaban!? Jusko naman Jenno, hindi ka naman si Fernando Poe Jr. para magpabugbog sa una. Hindi ka rin si Jollibee, hindi ka bida!" Sermon ko sa kaniya. Gusto ko talagang pakadiin 'yong bulak sa sabog niyang labi.
"Hindi mo naman ako na-orient na gangster type pala 'yong ex mo. Bigla nalang akong binanatan pagkita na pagkita sa akin. Hindi man lang ako nakapag hi o hello. Kamao agad 'yong bumati sa akin," nakangusong sumbong niya sa akin.
"Dapat kasi sinapak mo rin para naman nagtanda—"
"Paano ko naman sasapakin kung mabilis pa yata kay Nonito Donaire 'yon! Ikaw nga hindi mo naawat, ako pa kaya? Tsaka gigil na gigil sa akin na parang gusto akong patayin, ano bang sinabi mo ro'n?" Shutangena. Parang bigla akong tinakasan ng kulay sa narinig kong 'yon. May hiya pa naman akong taglay, at nakakahiya kapag nalaman niya.
"Ahhh? Hehehe, wala naman," saka ako lumayo sa kaniya.
Nagkasagutan din kasi kami ni Laeven bago ako tuluyang umalis ng bar, e.
*****
"Laeven!" Pigil ko sa kaniya dahil bigla na lamang niyang dinamba si Jenno na nakahiga na mismo at duguan ang mukha. Shutangena, balak yata talaga niyang patayin!
"You fucking touch my woman!? I'm gonna fucking kill you, dude!" Saka niya ito muling sinuntok na para bang ayaw niya nang bigyan ng pagkakataon si Jenno na makabangon pa.
"LAEVEN AZER!" Sigaw ko saka naman siya lumingon sa akin habang ang kamao niya ay nasa ere. "ITIGIL MO 'YAN!"
"YOU PULL YOURSELF OUT'TA HERE, JICE! I WILL KILL THIS STUPID MOTHERFUCKER LOVER OF YOURS!" Sigaw niya pabalik sa akin at halos manginig ang tuhod ko sa nakikita kong pagbabaga ng mata niya sa galit.
Hindi ko in-expect na magiging ganito kasidhi ang reaksyon niya sa sinabi ko. Dumulog ako sa kanila at mabilis akong humarang nang akmang susuntukin niya ulit si Jenno.
"TAMA NA—" Ngunit sa gulat ko ay bigla na lamang niya akong hinatak palayo kay Jenno.
"Sa akin ka!" Bulyaw niya sa akin saka ako marahas na kinaladkad palabas ng bar na iyon. Nagkakagulo na ang mga tao dahil sa kaniya ngunit wala siyang pakialam. Ang importante sa kaniya ay ang pagkaladkad sa akin!
"ANO BA!?" Sigaw ko dahil halos puro patid nalang ang nangyayari sa akin sa ginagawa niyang paghila!
Marahas niya akong sinandal sa isang sasakyan na naraanan namin at nakita ko kung gaano siya nagpigil na suntukin ako?— o kung ano man ang nais niyang gawin.
"You're fucking with me insanely good, Saavedra! SO FUCKING INSANELY GOOD!" Ramdam ko ang gigil niya sa akin.
"Sira na ba talaga 'yang ulo mo!? Natuluyan ka na ba talaga!? Shutangena Laeven, ipapaalala ko lang sa'yo kasi mukhang hindi na natatandaan ng utak mong bano, IKAW ANG NAKIPAGHIWALAY! IKAW ANG UMIWAN! KAYA HUWAG KANG MAG-EPAL DIYAN NA PARA BANG IKAW 'YONG INIWAN! MASYADO KANG PA-VICTIM!" Gigil na sigaw ko sa kaniya. Hindi ako magpa-padaig! Sumosobra na siya. AT UULITIN KO, HINDI AKO MARUPOK!
"At dahil hiniwalayan kita may karapatan ka na agad na lumandi sa iba—"
"OO! AT KAHIT MAGPAKAMOT PA AKO KUNG KANI-KANINO, WALA KANG PAKIALAM!" Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko. Itinulak ko siya palayo gamit ang dalawa kong kamay. "Kung maka-asta ka, akala mo talagang may karapatan ka pa sa'kin! Ikaw ang nag-alis ng karapatan mo sa sarili mo buhat nang mag-desisyon kang talikuran ako!" Pagpapatuloy ko at napansin kong para siyang natauhan sa narinig niya.
"But you only belong to me. Sa akin lang," halos pabulong ang pagkakasabi niya no'n.
"Ako lang ang may-ari sa sarili ko. I belong to myself, Laeven. Hindi mo 'ko pag-aari buhat pa nang pakawalan mo 'ko, kaya huwag kang umakto na akala mo magiging madali lang ang lahat pagkatapos mong saktan si Jenno. Huling beses na 'to, Laeven. Huling beses na, at kapag na-ulit pa na pinanghimasukan mo ang buhay ko, isusumpa talaga kita," saka ko ako lumakad palagpas sa kaniya. Nanghihina na 'ko. Baka bumigay nanaman ako sa mga mata niyang animo nagmamakaawa na manatili ako sa tabi niya.
"Jice... I need you to understand me. I'm fixing myself para maging karapat-dapat na 'ko sa'yo—" bigla akong humarap sa kaniya kaya't napatigil siya sa pagsasalita niya.
"Hindi mo kayang buoin 'yong sarili mo habang tayo? Included ba sa fixing yourself stage mo 'yong paglalandi? Kasi kung oo, shutangena ng fixing yourself mo, pang bobo," sagot ko sa sinasabi niya.
"I only did that to test myself. Kung ako pa rin ba ang Laeven bago kita minahal, and I already found the answer," pabulong na sagot niya.
"Anong answer? Kapag hindi ko nagustuhan, lulumpuhin kita—"
"Binago mo 'ko. Kahit kanino ako lumingon, bibig mo pa rin ang hinahanap ko. Pagmamahal mo pa rin 'yong gusto ko. Kadaldalan mo pa rin 'yong gusto kong marinig sa araw-araw," SHUTANGENA MO JICE ISAIAH! HINDI KA MARUPOKPOK!!!!
"Paghirapan mo 'ko, Laev. Madali mong nakuha ang una kong oo, ngayon gumawa ka ng paraan para patunayan mo 'yang sarili mo. Ayokong dumating nanaman sa punto na iiwan mo 'ko dahil lang hindi ka nanaman sigurado sa gusto mo," saka na ako tuluyang umalis sa paningin niya. AYOKO NA SHUTANGENA. BIBIGAY NA 'KO, RAMDAM KO. KARUFOWKAN AT ITS FINEST!
*****
"Para sa ramen nabugbog pa 'ko, mabuti sana kung magiging girlfriend kita," ramdam ko ang sarkastikong bulong na iyon ni Jenno.
"Unli ramen nalang para sulit 'yong sapak," saka ako ngumiti at nag-peace sign sa kaniya.
"Pagseselosin mo pa rin?" Usisa niya sa akin.
"Hindi na. Mahal pa raw ako, e." Sagot ko sa kaniya.
"Bale wala na 'kong pakinabang sa'yo?" Sira ulo 'to. Tumatawa siya nang sinabi niya 'yan.
"Medyo, pero frenny pa rin tayo," tumatawang sagot ko rin sa kaniya.
"Crush back mo nalang ako—"
"Sira ulo ka, nagjerjeran na kami ni Laeven. Bukod sa wala kang mapapala sa'kin, wala pa rin akong balak bitawan si Laeven. Kahit na malaki 'yong katok sa ulo no'n, mahal ko 'yon."
"Grabe ang swerte niya," iiling-iling na wika niya sa akin.
"Hayaan mo. I-reto ko sa'yo si Shanna," tatawa-tawang sagot ko. Baka patayin ako no'ng Zaimon. HAHAHAHA.
"SHUTANGENA sandali naman! Makahila ka ninenerbyos ako sa'yo," singhal ko kay Shanna dahil narito kami ngayon sa isang private hall.
"Mas ninenerbyos ako. After how many months ngayon ko lang ulit makikita si Zaimon. Thank you so much talaga, Jice!" Ramdam ko 'yong galak niya. Pero ramdam ko rin na malilintikan talaga ako kay Callia dahil pinakialaman ko 'yong desktop niya para makuha 'yong contact nitong si Zaimon. Nakakaloka 'yong babaeng 'yon, lahat yata ng number ng bawat Pilipino meron siya.
Narating namin ni Shanna ang may kalakihang pinto. Sa sobrang excited ng bruha, binuksan iyon nang walang katok-katok. Halos panawan naman ako ng ulirat dahil sa bumungad sa amin. Mga gangster yata ang mga lalaki dito sa dami ng tattoo at may mga baseball bat pang hawak.
"ZAIMON!" Sigaw ni Shanna saka patakbong sumugod ng yakap doon sa lalaking nasa gitna. In all shutangenang fairness, havey ang mukha ni Zaimon. Pwedeng Mr. Hunk 2020. Kaya pala nababaliw itong si Shanna sa kaniya.
"Babe!" Sagot naman niya at mabilis na sinagot ng yakap si Shanna.
Matapos nila sa grand reunion nila ay tinawag ako ni Shanna para lumapit sa kanila kaso ang mga depunggol na mga tauhan yata ni Zaimon, bigla ba naman akong inambaan ng baseball bat.
"Kapag pinukpok n'yo 'ko niyan, talagang lalagasan ko kayo ng bayag isa-isa," saka ako bumunot ng baril at ikinasa iyon. Nakita ko naman nahintakutan sila. Abnormal kasi si Missy. Tinulungan niya akong magkalkal sa desktop ni Callia, tapos binigyan ako ng baril. In case of emergency raw.
"Ibaba n'yo ang mga hawak n'yo! Mga sira na ba talaga ang ulo n'yo? Nakita n'yong kasama siya ni Shanna!" Bulyaw ni Zaimon sa mga depunggol niyang tauhan.
Mabilis na sumunod ang mga ito kaya't tuluyan na akong nakalapit sa kanila ni Shanna.
"She's Jice, Babe. Siya 'yong kumontak sa'yo," pakilala niya sa akin.
"Hello," bati ko.
"Thank you for doing this. Salamat sa pagkikitang ito," nakangiting turan sa akin nito.
"You know Laeven, right?" Baling muli sa kaniya ni Shanna na ikina-tango naman niya. "She's Laeven's girlfriend. Alam mo naman na kahit fiancee ko si Laev, hindi ako gusto no'n," pagpapatuloy ni Shanna.
"Really? You're Villafuerte's new girl—"
"Not the new girl, ako ang last girl. Kapag may sumunod pa sa akin, pasasabugin ko ang etits niya," sagot ko na ikina-tawa nilang dalawa ni Shanna.
"You're funny—"
"Lovable rin ako," lalo silang tumawa. Ang saya nila, ah.
Nagkwentuhan lang sila, tapos ako naman nag-earphone. Ayokong makichismis sa kanila. Baka mamaya sex position na ang pinag-uusapan nila— Alam n'yo naman na can't relate ako. Dog style at normal style palang 'yong naranasan ko. Bathtub at tent nga lang ang location.
Napabaling ako kay Shanna nang kalabitin niya ako. "Kakausapin ka raw sandali ni Zaimon," wika niya at medyo na-confuse ako.
"Bakit?"
"Just go, Jice."
Sumunod naman ako at lumabas kami ni Zaimon ng silid na iyon.
"This is about Villafuerte's accident," wika sa akin nito na ikina-kunot ng noo ko.
"Anong tungkol doon?" Usisa ko.
"I asked you out here kasi ayokong marinig ni Shanna. I want to say thank you for doing this to us. Namiss ko ng sobra ang girlfriend ko. I will tell you this information bilang kabayaran sa ginawa mong tulong na ito—"
"Spill it. Ayoko ng paligoy-ligoy."
"I have evidences na ang Daddy ni Shanna ang may pakana ng naganap na aksidente kay Villafuerte. But I don't have it as of now. Nakatago 'yon somewhere in the race track na tanging ako lang ang may access. I'll give it to you the soonest na makapasok ako ulit sa race track—"
"Racer ka rin!?"
Tumango ito. "Yeah. Kaso binan ako ng Daddy ni Shanna. Kaya rin nakakolekta ako ng iilang ebidensya—"
"Alam ba ni Shanna na may kinalaman ang Daddy niya sa aksidente ni Laeven?"
Umiling ito at napayuko. "Wala. Ang buong akala niya ay gusto ng Daddy niya si Villafuerte para mapangasawa niya. Hindi alam ni Shanna, malaki ang galit ni Mr. Duke Navarro sa ama ni Villafuerte na si Mr. Whynter Villafuerte. They were the former rivals when it comes to racing. Sa palagay ko ay iyon ang dahilan kung bakit nais niyang mabura sa mundo ng karera si Laeven," parang nahihirapan akong i-proseso lahat ng naririnig ko. Nakaka-stress!
"Sige, basta ibigay ko nalang sa'kin ang mga ebidensya na mayroon ka kung sakali," wika ko at tinapik ang balikat niya.
"Salamat muli sa tulong mo."
HALOS gibain ko na ang bahay ni Laeven sa kakahanap sa kaniya. Buhat nang malaman ko ang tungkol sa i-tsinismis sa akin ni Zaimon, parang hindi na ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman na nasa ayos ang depuga kong iniirog kahit na break na kami. Abnoy talaga ako, e!
"LAEVEN AZER—"
"What brought you here?" Bigla akong napalingon sa back door at nakita ko siyang may dalang halaman. Ang plantito, mukhang balak nanaman paramihin ang mga deputa niyang halaman na sumobra na sa romansa.
"Sana ol halaman. Sana ol laging naro-romansa," bulong ko.
"Anong sadya mo? I thought you want me to earn your trust and love the hard way—"
"Excuse me, padaan. Hindi ko naman tinatapon ang sarili ko sa'yo kaya ako nandito. I just want to see if you're still breathing. In the end kasi misyon pa rin kita at kailangan kong matapos ang kung ano mang problema mo para hindi ako katayin ng Papa ko," bored na sagot ko sa kaniya saka ako pabagsak na nahiga sa sofa niya.
"Just leave, Jice. Hindi ko kayang mag-pigil kapag nasa paligid lang kita. Ginugulo mo ang sistema ko," wika niya at nakita kong binitiwan niya 'yong halaman.
"Wala akong pakialam. Ganti ko nalang 'yon. Habang magpipigil ka, ako naman nag-eenjoy na bitinin ka," saka ko pa siya kinindatan dahil naroon na siya sa paanan ko at nakatayo.
"Pinapatawad na kita," bigla akong napabangon sa sinabi niyang iyon sa akin. Parang namali pa nga ako ng rinig. Pinapatuwad yata. Hehehe.
"A–Anong pinapatawad? Pinagsasasabi mo!" Potek. Pabigla-bigla ang shutangena.
"I reflected. Naisip ko lahat ng sinabi mo. Naisip ko lahat ng mga ginawa mo para sa akin. Naisip ko lahat ng sakripisyo mo. At higit sa lahat, naisip ko 'yong pagiging totoo mo. You even gave me yourself. Sana noon ko pa naisip lahat ng iyan para hindi nalang kita nasaktan sa mga nasabi ko," kitang-kita ko 'yong sinseridad ng mga mata niya sa mga sinabi niya. Nakakarupok nanaman!
"Hindi ka kasi nakinig agad. Sinaktan mo lang ako, tapos ito pala, mapapatawad mo rin ako. Alam mo Laeven, malaki 'yong gawak mo sa ulo. Para kang vase na basag tapos pinilit kong binuo, pero may crack pa rin," sagot ko sa kaniya.
"Naiintindihan ko kung ako naman ang hindi mo mapapatawa, pero....."
"Pero?"
"Pwede bang bumalik ka na rito sa bahay? It feels so empty here without you. Parang mababaliw ako kapag lumipas pa 'yong ilang araw na wala ka rito," SHUTANGENA MEEEEN! SABIHIN N'YO '
'MASTER JICE HINDI KA MARUPOK!' LINTIK KANG LAEVEN KA!
"Ayoko. Sabi ko paghirapan mo 'kong makuha ulit—"
"Baby, please. I'm begging you. Liligawan kita sa maayos na paraan. I'll prove myself to you. I'll open anything to you. I'll give you the reasons why I became an asshole to you these past few days, just come back to this house. Kailangan kita para matawag kong tahanan ito. I need you by my side."
"Okay."
HOY SHUTANGENA MO JICE!
"Really?"
"Babalik ako, pero walang tayo, Laeven. Wala pa ring tayo. Walang sex. Walang halikan. Walang mukbangan. Paghirapan mo 'ko."
Mission knock on his senses, succeeded! Bagyong Jice won!
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top