Seventeen

JICE

      

"Ay iba rin pala ang karupokang taglay," ratsada sa akin ni Shanna habang nanonood kami kay Lindzzy na pinupulbosan si Zayn. Papasok na yata sa eskwela ang aking gwapoging inaanak.

           

"Excuse me, padaan. Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan!? Kung may kauna-unahang marupok dito, ikaw na 'yon at walang iba. Pagtataguan daw pero ayon excited naman makipagkita," taas kilay na wika ko sa kaniya.

        

"Pareho lang naman kayo—"

        

"Pinakamarupok ka!"

    

"Wala ng mas rurupok sa'yo, Lindzzy."

       

Halos duet yata naming nasabi iyan ni Shanna. Sasabat pa kasi si Lindzzy, e kung title at crown lang din naman, nai-uwi niya na buhat noon pa.

         

Mabilis niyang tinakpan ang tenga ni Zayn saka bumaling sa amin. "Jusko, mga bibig n'yo naman. Malilintikan ako kay Aeidan—"

       

"If I know, bet na bet mo naman ang punishment ni Sir," banat ko na ikina-pula ng gagang malibog. Isa rin talagang angkan at alagad ng porn 'tong si Lindzzy, e. Mapagpanggap lang.

          

"Huy!" Bulyaw niya dahil napapakunot na ang noo ni Zayn.

         

Mabilis niyang inilabas si Zayn nang bumusina na ang service nito mula sa labas.

      

"So anong balak mo niyan? Babalik ka na talaga ulit sa bahay?" Pukaw sa atensyon ko ni Shanna. Lagi ko nang kasama ang isang ito. Para na rin kadikit ng bituka ko ang bruhilda.

       

"Ikaw? Hindi ka pa ba aalis?" Nakakaloko kong banat sa kaniya.

      

"Hala, Jice. Hindi pa ba sinabi ni Laeven sa'yo? Matagal na 'kong umalis sa bahay ni Laev, buhat pa yata nang umalis ka. Doon ako ngayon nakatira sa bahay nila tita Leickel at tito Whynter," medyo nagulat ako sa nalaman kong iyon.

     

"I–Ibig mong sabihin, babalik ako ro'n tapos wala ka!? Kaming dalawa lang!? SHUTANGENA TALAGA NG GALAWAN NI LAEVEN! SCAMMER! SCAMMER!" Gigil na wika ko. Depuga, na-scam nanaman ako. Walang pinagkaiba 'to no'ng namundok kami. Ang sabi mamundok, pero ang walang hiya nangASO! Scammer talaga. Isa siyang malaking fake news!

            

"Ay, wala na akong alam doon. Basta ayon, sinabi ko lang sa'yo na hindi na ako nakatira roon. Kita mo nga, one call away lang ako dito sa bahay ni Lindzzy kasi mas malapit," paliwanag niya sa akin.

         

Sa tuwing matititigan ko tuloy ngayon si Shanna, hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. Ang sakit siguro sa pakiramdam na sarili mong ama, hindi mo magawang pagkatiwalaan kasi hindi mo alam kung anu-ano na palang ginagawa.

          

Hindi pa ako nakakapag-report kay amo tungkol doon sa nalaman ko. Siguro kapag hawak ko nalang ang mga ebidensya. Mahirap kasing magsalita kung wala naman pala akong patunay sa mga pinagsasasabi ko. Baka pasabugin lang ako ni amo, pero hangga't maaari ay sa tuwing wala ako sa paligid ni Laev ay nakikiusap ako sa mga available na agent para matyagan ang bahay niya kahit through cctv lang na malapit doon. Hacker naman ang mga elite agents, nakakahiya naman sa kanila kung hindi pa nila 'yon magagawa.

          

"Lilipat nalang siguro nga ako roon. Ayoko rin naman na mapag-isa 'yong isang 'yon. Alam n'yo naman ang karakas niya—"

          

"Tipong minumukbang ka?"

        

"HOY, SHANNA! IYANG BIBIG MO, AH!" Pagbabawal ko sa kaniya. Feeling ko tuloy nanay ako sa inosenteng 'to.

         

"Sa'yo lang naman po ako natututo ng mga ganiyang salita, master," sagot sa akin ng bruhilda. Nakakahawa ba ang virus ko? Shutangena. Malala pa yata sa covid 'tong panghahawa ng bibig ko at pati kayo nakikishutangena at pukenjang na.

           

"Bashtush ka! Ibig kong sabihin, alam n'yo naman na may sayad eklabu 'yon. Mamaya anong maisip na gawin," depensa ko pero biglang pumasok si Lindzzy na mukhang nakikinig sa amin. May nakarehistro na nakakalokong ngiti sa mukha niya. Shutangena, si Laeven lang naman ang scammer dito bakit parang sinasani nila na pati ako!?

        

"Weh?" Pota! Sinasabi ko na nga ba.

        

"Bakit ba ayaw n'yo 'kong paniwalaan?" Nakanguso kong wika sa kanila.

       

Ang dalawang bruha pinagtawanan lang ako. Ang bilis-bilis lang tinanggap ni Lindzzy si Shanna sa pagkakaibigan namin. Siguro naramdaman din n'ya 'yong naramdaman kong gaan ng loob kay Shanna.

        

      

          

      

    

HATAK ko ang maleta ko na pumasok sa bahay ni Laeven. Ibinaba ko ito sa may hagdanan pa akyat ng second floor saka nag-unat.

        

"Baby," napakislot ako sa boses na iyon at paglingon ko....

      

"Ay masarap na pugong nakahubad!" Ang scammer sa lahat ng scammer, topless na sumalubong sa akin! Mukhang nananadya!

      

"Welcome home—"

      

"Hindi na 'ko titira dito!" Saka ko siya binato ng hawak kong panyo.

      

"Ako nalang 'yong titira sa'yo?" HOY SHUTANGENA LAEVEN AZER! SMOOTH NANAMAN ANG BAGSAKAN!

        

"P–Pinagsasasabi mo nanaman!" Bulyaw ko sa kaniya.

         

"Tulungan na kita diyan sa mga gamit mo," saka niya kinuha ang bagpack ko.

        

"Mag-ingat ka sa pagbitbit mo diyan. Baka may pumutok dahil may baril 'yan!" Pahabol na wika ko sa kaniya dahil naka-akyat na siya sa hagdanan.

             

Lumingon siya sa akin saka ngumisi. "Ako rin may alam na pumuputok pero hindi baril."

      

Napatulala ako bigla sa sinabi niya. Shutangena talagang buhay 'to. Sabi ko hindi ako marupok, pero nakakagago 'yong mga bagsakan niya! Akala ko pa naman magiging bait-baitan siya sa'kin dahil ang napag-usapan namin manliligaw siya nga maayos.... tapos ganito!? Puro kamanyakan niya 'yong pinambati niya sa'kin!?

       

Nakapasok ako ng kwarto at nakita ko siyang inaalis na ang laman ng maleta ko at siya na mismo ang nag-aayos sa cabinet.

          

"Nice. My estimation was just right. Thirty four B," shutangena. Napatakbo ako bigla sa kaniya at puro bra ko na ang sinasalansan niya!

     

"Laeven! Akin na 'yan! Ibigay mo!" Banta ko sa kaniya kaso ang malaki ang gawak sa ulo, bigla ba naman tumayo saka itinaas ang bra ko!

       

"Say please," aba shutangena!

         

"Tigilan mo 'ko sa pang-aasar mo! Hindi pa tayo ayos!" Banta ko sa kaniya ngunit nginisian lamang ako ng pugo!

          

Nilagay niya sa likod ang bra kong hawak niya saka yumuko papalapit sa akin. "Anong dapat kong gawin bukod sa ligawan ka at patunayan ko sa'yo ang sarili ko? Galingan ko ba dapat?"

      

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko sa huli niyang sinabi sa akin. "A–Anong galingan ang pinagsasasabi mo diyan!?" Utal na singhal ko sa kaniya saka humakbang patalikod.

        

"Gagalingan ko... titigasan ko... dadahan-dahanin ko...."

        

MAPANG-AKIT! NAKAKARUPOK! NAKAKABOBO! NAKAKAGIGIL!

    

HOY SHUTANGENA, JICE! ANG PUKENJANG,  INGATAN!

      

"HINDI KA BA TITIGIL—"

       

"Gagalingan ko ang pag-suyo sa'yo. Titigasan ko ang loob ko kahit na i-reject mo pa 'ko. Dadahan-dahanin ko ang pag-kuha ng oo mo, hanggang sa magkaroon ka muli ng tiwala sa akin. Ano bang iniisip mo?" Parang ako yata ang tinakasan ng bait at kulay sa narinig kong paliwanag niya. Itong utak ko yata ang may ubo.

      

"W–Wala! Akin na 'yang bra ko!"

        

"Pwede bang arbor?" Nanlaki ang mata ko sa isinagot niyang iyon sa akin.

        

"WALA KA BANG PAMBILI!?"

          

"Meron. Gusto ko 'yong may konting amoy pa ng baby ko. Kung ayaw mong ibigay 'to, pwede na rin 'yang suot mo. Mas maamoy, mas makakatulog ako ng mahimbing—" Hinampas ko ang lintik pero mabilis siyang nakaiwas!

       

"Napakamanyak mo na ngayon—"

       

"Sa'yo lang," saka niya pa ako kinindatan.

       

"Sabi mo liligawan mo 'ko ng maayos—"

      

"I'll start tomorrow. Aasarin muna kita ngayon. I missed your annoyed face the most," putol niyang muli sa akin na tila naman nagpaparupok sa pagkatao ko.

    

Shutangena, hindi nga ako dapat kasi marupok! Pero naman, intindihin n'yo naman, kapag hindi ako bumigay agad, sasabihan ako ng pakipot, kapag naman bumigay ako sa panunuyo niya, sasabihan ako ng marupok. Saan ko kaya ilalagay ang sarili ko?

        

"T–Tigilan mo na muna ako! Hindi pa ako nakikipagbreak kay Jenno," nakita ko ang unti-unting pagbabago ng awra niya sa katarantaduhang sinabi ko. Joke-joke lang naman kasi para tumigil siya kaso ito, mukhang maiipit na ako kapag hindi ko tinaguyod ang ibinunganga ko.

         

"I guess, punching him hard wasn't really enough. Do I really have to kill him this time?" Spell nakakatakot. L.A.E.V.E.N.

      

"Iiwan ko siya basta umayos ka naman kasi—" nagulat ako dahil bigla niyang dinakot ang kanang kamay ko saka ito itinaas at marahan akong itinulak hanggang sa mapasandal ako sa pader. Napatay pa ang ilaw dahil nasandalan ko ang switch!

           

"Ain't just ditressed, Jice. I'm fucking insane. Baliw ako sa'yo. Don't fucking think of any other guy aside from me. I might really kill this instance," pabulong ngunit may pagbabanta niyang wika sa akin.

         

"B–Bitawan mo 'ko."

     

"I will only let go of your hand, the day I die. Until then, you only belong to me... only to me, Jice Isaiah Saavedra," saka niya binitawan ang kamay ko at lumayo sa akin.

             

"Pakaba ka!" Singhal ko sa kaniya nang sa palagay ko ay sapat na ang distansya namin para makaiwas ako kapag may kasunod pa siyang ginawa.

          

Nginisian niya ako saka hinagis sa akin ang bra kong hawak niya. "We'll talk after dinner. I'll tell you something important. And...."

     

"And....?"

     

"Don't say 'usap lang', 'sure kang usap lang talaga', 'hindi ako naniniwalang usap lang', because we might end up in the kitchen counter this time," saka na siya lumabas ng silid ko. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

     

SHUTANGENA! SABIHIN N'YO SA'KIN NA KUMALMA AKO!

    

Binantaan ba niya ako ngayon-ngayon lang ng location ng round three?

       

Tinapos ko lang ang pag-aayos ng mga gamit ko at bumaba na ako. Naabutan ko siyang naka-apron ngunit wala naman pang-itaas. Mukhang tapos na siyang mag-luto.

         

"Maupo ka na," wika niya sa akin nang mapansin niya ang presensya ko. Agad ko naman siyang sinunod.

       

Hinapagan niya ako ng mga pagkain na parang hindi naman yata pamilyar sa magaganda kong mata.

        

"Ano 'tong mga 'to?" Turo ko sa mga pagkain.

       

"I invented those. My mom and my ninangs love baking and cooking. I actually learned from them," nakangiting wika niya na animo masaya siyang maalala kung kanino siya natuto.

        

Tinikman ko ang mga pagkain at halos napapadyak pa ako ng paa dahil ang sasarap! "Ang sarap!"

      

"Ko?"

    

"Nitong mga pagkain! Assuming," saka ko siya inismiran. Tinawanan naman ako ng loko.

       

"This house feels like home now that you are here," wika niya saka naupo sa harap ko.

      

"Bakit? Hunted house ba 'to no'ng wala ako? Sabagay may point. Ghoster ka, e. Expertise mo 'yong ghosting, right Gerald Anderson?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

        

"Ayokong may ibang pangalan ng lalaki na lalabas diyan sa bibig mo," banta ba naman sa akin.

     

"Manood ka ng tv! Artista 'yon! Ghinost niya si Bea na 34B para lang sa 32A," nagpipigil ang tawa na wika ko dahil hindi siya makasabay sa biro ko.

         

"Enough of bra sizes. I only like to know your size, not with other woman's. Not interested," supalpal sa akin ng walang hiya. Nagjo-joke lang naman.

          

"Alam mo 'yong size ko. Sa libog mong 'yan malamang nagse-sex pa tayo, sinusukat mo na agad ako ng palad mo. Pinalad na nga pala ako sa'yo," taas kilay na wika ko.

        

"Don't worry. I even sucked your nipple like a baby—"

      

"Bastos!"

      

"You started it, baby."

       

"You don't baby me! Hindi mo 'ko pinapadede!" Iritadong angil ko sa kaniya.

       

"But I did shower you with my milk before, baby. Hindi pa ba sapat 'yon?" AY SHUTANGENA TALAGA. TALO! TALO! DEHADO NANAMAN ANG MANOK N'YONG SI AKO! LLAMADO NANAMAN ANG PUGO!

       

"Tumigil ka na. Tatarakin kita ng tinidor!" Singhal ko sa kaniya pero tinawanan lang ako nang tinawanan.

        

Tinapos ko ang pagkain ko at siya naman na rin ang nagligpit. Mukhang sineseryoso na talaga niya 'yong sinasabi niyang manliligaw siya ng maayos.... na may halong kamanyakan at katarantaduhan.

          

Natapos siyang magligpit at nakaupo pa rin ako sa hapag. Mukhang dito niya na rin balak na mag-usap kami dahil umupo na siyang muli sa harap ko.

        

"First, I want to tell you that I am a Freezell, Jice."

     

"Alam ko naman 'yon," nakangusong sagot ko.

      

"And I am cursed," bigla akong kinabahan. Hindi ako nakapagsalita. "Isang beses lang may karapatan magka-anak ang isang Freezell. No more next time. Kaya ingat na ingat kami sa mga babaeng ginagalaw namin—"

      

"Pero pakboy ka shutangena!"

     

"I'm using a condom, or the girl is using pills. I'm always careful—"

      

"Oh? E, bakit pala pinutukan mo 'ko—"

     

"Because I love you."

      

Ay sheyyyyt! Tara na seven eLaeven, round three na! Marupokpok na kung marupokpok!

     

"Malandi ka lang talaga," tangi kong itinuran. Mahirap na baka kumawala talaga 'yong gusto kong sabihin sa kaniya.

       

"No. Mahal lang talaga kita. Sa'yo ko lang gustong magka-anak," wika niya sa akin sa napaka sinserong tono.

         

"Ano pa? Mukhang marami ka pang sasabihin."

       

"Freezell boys get insane and abnormal kapag nalalaman nila na ang mga partner nila ay buntis o nabuntis nila without knowing it. I learned about this from my grandma Cassandra. Ayokong maniwala at first, but....."

     

Shutangena. Kapang bitin naman!

            

"But?"

      

...

   

...

   

...

   

...

   

...

  

...

  

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

  

...

  

...

   

...

  

...

  

...

  

...

  

...

  

...

  

...

   

...

   

...

   

...

  

"Are you by any chance pregnant? It's been more than a month since we made love in the hotel's bathtub."
    

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top