Seven
JICE
Gabi na rin at ang nais ko lang mangyari ngayon ay may mangyari na... Charot! Nababagot kasi ako dahil umiikot ang mundo ni Laev sa sala, kusina at kwarto. Wala siyang ginagawa kung hindi ang mga daily routine lamang niya. Para sa free spirit na gaya ko, nababagot ako sa istilo ng pamumuhay niya.
Tumayo ako sa sofa at tumungo sa harap ng bahay kung nasaan siya. Malamang kausap nanaman niya ang mga halaman niyang sobra-sobra sa aruga at pagmamahal. Mga lintik na 'yon, dinaig pa 'ko.
Nadatnan ko siya na may hawak na maliit na pamunas, habang maingat na pinupunasan ang hibla ng dahon no'ng halaman niya. Hindi man lamang niya talaga naramdaman ang presensya ko dahil sa pagkakatutok niya sa halaman na 'yon.
"Sana ol hinihimas," bigla siyang napalingon sa akin kaya't lumapit ako sa kanya. "Hindi ka pa tapos?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
Akala ko ay papansin na niya ako nang bigla na lamang niya akong utusan. "Kindly get the water spray," utos niya at ako naman si tanga ay inabot ang pang-spray na may lamang tubig at marahan niyang niliguan ang halaman gamit iyon.
"SANA OL NADIDILIGAN! AKO KASI NAHIMAS LANG HINDI TINULOY-TULOY DILIGAN!" Parinig ko at muli nanaman siyang napalingon sa akin.
"Kapag ako ang dumilig sa'yo, be ready. Hindi ito kasing kaunti ng inaakala mo," nakangising pahayat niya sa akin.
"Gusto ko nga 'yon, e. Para makabuo na lang tayo agad-agad. Wala ng base-base, home run mo na. NOW NA!" Napangiti siya habang umiiling sa sinabi ko. HINDI NAMAN AKO NAGBIBIRO, AH!? BAKIT PARANG LAGING NAGBIBIRO ANG DATING NG MGA BANAT KO SA KANIYA!?
"Are you done cooking?" Pag-iiba niya ng usapan saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Oo. Either pwede ka ng kumain, o pwede mo na 'kong kainin," this time ako naman ang napangisi sa kanya.
"Are you expecting that?" Sagot niya sa akin saka ibinaba ang hawak niyang water spray at pamunas. Lumingon siya ulit sa akin saka biglang nagsimulang maglakad papalapit. "I will sip, suck, and torture your flesh until you surrender. Do you call that eating? I prefer calling it buffet," saka niya ako hinapit na animo manipis na papel lamang ang bigat kong taglay.
"Puro na lang tayo foreplay. Puro na lang tayo asaran. Puro na lang gano'n. Kailan mo ba balak ituloy?" Tanong ko deretso sa mga mata niya.
Bigla niyang pinitik ang noo ko saka ako kinindatan. "We can do it now and everyday, but you wouldn't want my not-so-huge thing to penetrate you every single day, right?" Bigla kong naalala kung gaano kataba ang sawang nahuli ko kaninang umaga. Nilipad yata bigla palayo ang puso ko sa kaba.
"A–Ahh, ehh... hehehehe," saka ko unti-unting sinusubukan na kumawala sa pagkakahapit niya.
SHUTANGENA LANG MGA LODS. MALIBOG LANG ANG INYONG LINGKOD, PERO HINDI PA NAMAN SIRA ANG ULO KO PARA MAGPA-JERJER ARAW-ARAW SA GIANT ANACONDA NA 'YON!
"Do you want it to be now?" Mapang-akit niyang pagpapatuloy saka pa ako mas hinapit papalapit!
"H–Hindi. Hehehehe..." Saka ako sapilitan na humiwalay sa kanya at nagtatakbo papasok sa loob ng bahay. Shutangena. Bakit kasi dinakot-dakot ko pa 'yon!? Naalala ko tuloy kung gaano kalaki, ending ngayon shookt ako.
NAALIMPUNGATAN ako at tila nakararamdam ako ng panunuyo ng lalamunan. Tumungo ako sa kusina saka mabilis na kumuha ng maiinom.
Matapos kong uminom ay tila nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Parang may iba. Agad napadako ang mata ko sa pintuan ng silid ni Laev. Malalaki ang mga hakbang na tumungo ako roon at idinikit ko ang tainga ko sa pintuan.
"I don't fucking care who the fuck you are! You fucking leave me alone!" Ramdam ko ang diin ng bulong na iyon. Nakakatakot. Kakabog-kabog ang puso ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"You won't lay a finger on her! You won't hurt even a single strand of her hair! You fucking leave me— leave us alone! Go die motherfucker!" Tila may nagtulak sa akin na pasukin na ang silid ni Laeven dahil sa mga narinig kong iyon. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano pa ang maaari kong marinig.
Marahas kong binuksan ang silid niya at bumungad sa akin si Laev na napakadilim ng awra. Nakakatakot ang awra niya na animo kayang kaya niyang pumatay ano mang oras.
"L–Laev," kabado kong pagtawag sa kaniya. Napalingon siya sa akin at biglang nagbago ang itsura niya. Bahagya itong lumambot at mababakas ang lungkot.
"K–Kanina ka pa?" Utal na wika niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para bigla na lamang siyang lapitan at yapusin ng isang napakahigpit na yakap.
"Nandito na 'ko. Please don't be scared anymore," wika ko sa kanya. Bigla kong naramdaman ang panginginig niya.
"I don't want anyone to be hurt because of my mistakes. I don't want anyone else to suffer because of my wrong decision in the past. I want it to be me... only me. Dapat ako lang ang masaktan at mahirapan," wika niya saka ko naramdaman na yumapos siya pabalik sa akin.
Hindi ko man alam kung anong pinatutungkulan niya, ay hinagod ko na lamang ang likod niya.
"Hush now, Laev. I will be with you with your every step. Tutulungan kitang maka-ahon. Tutulungan kitang malampasan kung ano man 'yan," wika ko ngunit mabilis niya akong inilayo sa kanya saka tinitigan sa mga mata.
"Your presence is enough. You don't have to be involve. I don't want anymore person to be my weakness," sagot niya sa akin saka ako iginiya papalabas ng silid niya. "Rest now. I'm fine," turan niya bago muling pumasok sa silid niya at narinig kong isinara na niya ang pinto.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nasasaktan ako sa iniisip ko.... kung tama nga ba ang pagkaka-intindi ko.
"PAPA!" Sigaw ko kay Papa. Nakipagkita ako sa kanya sa supermarket. Sinabi ko kay Laev na bibili lang ako ng uulamin namin, pero ang totoo ay makikipagkita rin ako kay Papa.
"Bibig mo nanaman, Jice Isaiah!" Singhal niya sa akin nang makalapit na siya.
"Wala kang pasalubong sa akin? Ang tagal nating hindi nagkita—" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niya aking binagsakan ng malaking kulay itim na bag.
"Magpaka-busog ka," walang emosyon niyang wika sa akin. Hindi ko talaga saan ako nagmana ng kakulitan.
"Pa, saan ka ipinaglihi ni Lola?" Tila nahiwagaan siya sa biglaang pagtatanong ko. Nangunot pa kasi ang noo niya.
"Siopao at buko. Bakit mo naitanong?"
"Ah. Akala ko kasi sa sama ng loob," saka aki mabilis na lumayo. Mahirap na. Mabilis ang kamay ni Papa, baka madali nanaman ako ng sapito.
"Malaki talaga ang sira mong bata ka," iiling-ilingna wika niya ngunit nag-peace sign lamang ako saka ko kinalkal ang dmbag na binigay niya.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita kong puro ito pagkain na hindi mabibili dito sa tabi-tabi. Mukhang malayo ang naging mission ni Papa at mukhang sa ibang bansa, dahil alien 'yong nakasulat sa mga items.
"Masasarap ba 'to? Masarap pa sa'kin—"
"Iyang bibig mo talaga! Kapag nalaman kong ginaganyan mo rin ang amo mo, tatamaan ka talaga sa akin ng matindi-tindi," bigla naman akong natakot sa banta ni Papa na iyon. Syempre, HINDI KO NAMAN ISUSUMBONG ANG SARILI KO! EXCUSE ME, PADAAN. BOBO LANG AKO, PERO NAG-IISIP NAMAN AKO KUNG MINSAN.
"Hindi, ah. Hindi nga kami nag-uusap no'n," saka pa ako alanganin na ngumiti.
Sorry po, Pa. Pero naleptulelep na niya ako. Muntik niya nang mabiyak ang pukenjang ko ng mahaba, matigas at malaking anaconda. Na-second base na rin niya ako. Ang sarap no'ng palad niya sa dibdib ko. Sorry po, Pa. Marupok ang anak n'yong pinaglihi yata sa bahay na puro anay. Huhuhu.
"Siguraduhin mo lang, Jice Isaiah. Kung hindi ikakandado kita sa bahay—"
"HINDI NAMAN NA 'KO KINDER!" Angil ko sa kanya saka kumuha ng isa sa mga pagkain sa itim na bag ngunit nagulat ako nang may makapa akong hindi ko inaasahan. "Pa, bakit—"
"Bring that with you. I want you to be ready and safe. You were trained by the most eligible noble agent, alam kong kaya mong gampanan ang tungkulin mo," wika niya sa akin na para bang may alam siyang maaaring mangyari ano mang oras mula ngayon.
"Baka gusto mo na akong balaan kung may ano man, Pa. Alam mong ayoko sa lahat 'yong nasusurpresa," nakangusong wika ko sa kanya.
"You just have to do what you need to do in any situation. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Mas malaki ang tiwala ko sa'yo higit sa kahit na kanino," wika niya saka pa ako tinapik sa balikat.
"Oo na. Oo na, basta dapat one call away ka lang, ha? Kapag hindi na kaya ng powers ko, mega call agad ako sa'yo!" Sabi ko saka ko siya biglang hinalikan sa pisngi at nagtatakbo papasok ng supermarket. "Babye, Pa! Ingat!"
Nang mabili ko na ang lahat ng dapat king bilhin ay mabilis akong pumara ng taxi at umuwi. Mamaya gutom na si seven eLaeven. Mahirap pa naman 'yon kapag nagiging dragon.
Nasa gate na ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Mabilis kong kinuha ang itim na bag na nakasukbit sa likod ko at inilabas ko ang bagay na inilagay ni Papa roon. Isang uzi submachine gun. Ibinalik ko ang bag sa likod ko at ibinaba ko naman ang mga ipinamili ko.
Marahan o mas tamang sabihin na halos walang tunog akong naglakad patungo sa main door. Dahan-dahan ko itong binuksan at halos dagundungin ang pagkatao ko nang makita ko si Laeven na nakaluhod habang may taong nakatutok ang baril sa sintido niya.
"Ano!? Isusuko mo ba? Puro ka yabang, puro ka tapang pero wala kang ibubuga. Wala kang silbi alam mo ba 'yon?" Matigas na saad no'ng taong nakatakip ang mukha.
"Just fucking leave me alone! I left everything! Don't you fucking dare lay your hands at her!" Sigaw pabalik ni Laeven dito.
"Kayang kaya kong pasabugin ang bungo mo ngayon, huwag kang mag-matapang. Wala kang ibubugang hayop ka!" Sigaw nito sa kanya.
Dahan-dahan kong iniwan ang main door at umikot patungo sa back door. Doon ay lumakad ako patungo sa likuran ng lalaki at itinutok ko ang baril na hawak ko sa kanya.
"Aalis ka ng matiwasay dito, o pasasabugin ko lahat ng baho ng ulo mo?" Matapang na pahayag ko.
Tila naman ito nagulat sa pagsasalita ako. Tila hindi nito inaasahan ang presensya ko. "S–Sino ka!?" Wika nito nang hindi lumilingon.
"Ako? Ako ang may kakayahan na pumatay sa'yo sa mga oras na 'to. Kaya kung ako sa'yo, bibitawan ko na ang baril ko saka ko lilisanin ang lugar na ito ng matiwasay," sagot ko rito saka ko pa mas pinadiin ang nguso ng baril ko sa likod ng ulo niya.
"Putang ina mo, Villafuerte. Pasalamat ka at maswerte ka," wika ng lalaki saka nito hinagis sa kung saan ang baril niya bago animo anino na bigla na lamang nawala sa harap ko.
Mabilis kong itinago ang baril sa bag at dumulog kay Laev saka inalalayan ko siyang makatayo.
"Ayos ka lang ba?" Wika ko nang makatayo na siya ngunit mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Sino ka!?" Sigaw niya sa akin. "Fucking tell me!"
"A--Ako 'to! Ginawa ko lang 'yon para mapaalis siya kahit nanginginig na talaga ang tuhod ko!" Pagkukunwari ko. Biglang lumambot ang nakakatakot niyang ekspresyon.
"Are you sure?" Paglilinaw niya.
"Oo naman! Jusko naman Laev, ngayon mo pa talaga ako paghihinalaan—" Bigla na lamang niya akong hinatak saka ako niyapos ng mahigpit.
"I'm sorry. Hindi kita pinaghihinalaan. It's just that I'm too tired trusting people," wika niya habang nakayapos sa akin.
"Keri lang. Sanay naman akong laging napagbibintangan. Alam mo naman kasi 'yong bunganga ko 'di ba?" Wika ko saka niya ako marahan na inilayo. Hindi yata ako magkakaroon ng pagkakataon na tanungin siya ukol sa sitwasyon.
"Thank you for saving me, Jice." Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya sa sinabi niyang iyon.
"No worries—" bigla na lamang niya akong sinunggaban ng halik.
Ang malandi kong utak ang bigla na lamang nag-udyok sa akin na tugunin ang halik na iyon. Halik na wari bang nakapagpakalma sa amin kahit pa may nagdaan na abnormal na pangyayari kani-kanina lamang.
"L–Laeven....." Bigla kong naitulak si Laeven dahil sa tinig na iyon.
Nakita ko ang naging sobrang pagkagulat ni Laev sa tinig na iyon maging ang naging mabilis niyang pagtakbo patungo sa taong tumawag sa kanya.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"S–Shanna," saka niya ito maagap na niyapos ng napakahigpit... mas mahigpit pa sa naging pagyakap niya sa akin.
Tama nga ang iniisip ko. Tama nga ang intindi ko sa nangyari noong nagdaang gabi. Kaya pala parang masakit. Hindi pala ako siya. I'm not the 'her' he's talking about.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top