Fourteen
JICE
Hindi ko maatim na pagkatapos nang lahat ng nangyari ay ganoon na lamang niya ako kadaling tatalikuran.
Hinabol ko siya at saktong kalalabas lamang niya ng pintuan. Hinaklit ko ang braso niya at ibinaling siya sa akin.
"Wala kang kahit na katiting na karapatan na abandonahin ako, dahil nangako kang ikaw ang magha-habol sa akin! TUPARIN MO ANG PANGAKO MONG IYON!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko.
"Jice, tama na. Ikaw ang nanakit sa pagitan nating dalawa—"
"Hindi kita sinaktan! Oo, hindi ako nagsabi ng totoo pero hindi kita sinaktan! Lahat ng ipinakita ko sa'yo, totoo!" Nasasaktan din ako. Hindi lang siya! Huwag siyang feeling entitled na kaniya lang lahat ng sakit.
Hinatak niya ang kamay niyang hawak ko saka ako hinarap. "You have your chances to tell me the whole truth but you chose not to. Wala kang tiwala sa'kin? Wala kang tiwala sa pagmamahal ko sa'yo? Ito ako, mas pinili na pagkatiwalaan ka, pero ito ka pala, mas pinili na gaguhin ako."
"Bakit kasi hindi mo 'ko pakinggan!?" Naiinis na 'ko. Umiiyak na 'ko dahil sa inis. "Kung una palang ba sinabi ko na sa'yo na nataasan ako para bantayan at subaybayan ka, papapasukin mo ba 'ko sa buhay mo!? Hindi, Laev. You'll never let me. Not in a millenium," sarkastiko kong pahayag sa kaniya.
Para siyang natauhan sa sinabi kong iyon sa kaniya ngunit tila nais niya pa rin panindigan ang sakit 'di umano ng pagsisinungaling na ginawa ko.
"Just let me go, Jice. Wala na rin naman patutunguhan 'tong usap natin. I'm seriously breaking up with you—" there. I slapped him. Kahit ako ay nabigla sa naging pag-igkas ng kamay ko patungo sa pisngi niya. Naramdaman ko nanaman muli ang mga luha sa mga mata ko.
"Oo may trust issues ka, pero dapat Laev pakinggan mo 'ko. Dapat masasaktan ka lang, pero mahal mo pa rin ako. Dapat mahihirapan ka lang, pero ako pa rin 'yong pipiliin mo. Hindi 'yong ganito. Nasaktan kita oo, pero 'yong talikuran mo na agad ako? Hindi ba masyadong masakit 'yang ganti mo?" Puno ng hinanakit na wika ko sa kaniya.
"Is it hard to understand that I trusted you so much, but you chose to throw away that trust? Paano tayong magpapatuloy kung tiwala ko na mismo ang sinira mo?" Ramdam ko na nagpipigil siya ng sumbat niya sa akin.
Ibinaling niya sa iba ang tingin niya ngunit hinawakan ko ang baba niya at hinarap siya sa akin. "Totoo na ba? Ayaw mo na ba talaga?" Hindi ko alam kung anong nasa tono kong iyon.
Ninais niyang iiwas ang mga mata niya sa akin ngunit pinilit ko itong ibaling sa akin. Kitang-kita ko ang iba't-ibang uri ng emosyon sa mga mata niya. Wari ba nais nitong kabigin ako ng yakap ngunit nais din akong itulak palayo.
"I'm really done with you, Jice. Thank you for the memories," wika niya deretso sa mga mata ko at tila ako nanghina. Hindi ko maiwasan na mapayuko at doon ko binuhos lahat ng luha na kanina pa walang tigil ang pag-agos.
"I found you when you couldn't even stand on your own. I loved you when you couldn't even love yourself. I cared for you when you were too weak to deal with your pains. I stood firm by your side when you weren't capable. Ako 'yong nandoon para sa'yo," mga salitang kumawala sa mga labi ko.
"Enough—"
"Then you'll leave all of a sudden? Paano naman ako? I fixed you then you'll break me? I pulled you then you'll push me? I loved you then you'll hurt me? How am I going to continue? How am I suppose to go on with a life without you? Sabihin mo sa'kin kung pa'no. Sabihin mo Laev, kasi ayokong maging sobrang tanga pagkatapos mong mawala sa buhay ko," dagdag ko pa.
Naramdaman kong bigla niya akong kinabig saka niyakap ng napakahigpit. "This will be my last hug for you, baby. I love you.... so much. Go on with a life without me.... Continue living.... Continue being the mischievous, Jice." Saka ko naramdaman na kinintalan niya ng halik ang noo ko. Tila ako nahipnotismo ng sinseridad niyang iyon sa akin, na hindi ko man lamang napansin na wala na pala siya maging ang sasakyan niya sa harap ko.
"Jice!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko sina Lindzzy at Shanna na kita ko ang awa sa mga mata. Nakatago pala sila sa may matayog na halamanan ni Lindzzy.
"Hayaan mo na siya," ramdam ko ang awa sa pananalita ni Shanna.
Marahas kong pinahid ang mga luha ko saka ngumiti sa kanila. "Sino na nga ako ulit? Excuse me, padaan. Si Jice Isaiah Saavedra kaya 'to, walang kahit na sino ang pwedeng manakit sa akin," mayabang na wika ko sa kanila pero ramdam ko sa loob ko na basag na basag ako. Minsan ko lang pinasokang hayop na pagmamahal na 'to, nabasag pa 'ko. Tang'na ang galing lang.
Paano na nga ulit ako?
MASASAKTAN lang ako, pero kailangan ko pa rin na magpatuloy sa buhay ko. Anong magagawa ko? Kahit naman manik-luhod ako sa kaniya, kung desidido siyang iwan ako, wala naman na akong magagawa. Sabi ko nga, hindi ko ugali ang maghabol sa taong umiwan sa akin. Nanay ko nga iniwan ako, sinundan ko ba?
"Ang aga-aga naman niyan, 'nak?" Napalingon ako at nakita ko si tita Elizabeth na papalapit sa akin habang ginugulong niya ng kamay niya ang gulong ng wheel chair niya. Narito kasi ako sa balkonahe ng bahay nila. Hinahanap ko si kuya Jico, kaso nasa trabaho pala.
"Gusto ko lang makalimot, tita." Mapait na wika ko sa kaniya.
"Dalagang-dalaga na nga talaga ang anak-anakan ko. Pumapag-ibig na rin," wika niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
"Naku po tita, hindi dalagang-dalaga, baka ika n'yo po, dalang-dala na," saka ako tumawa at muling lumagok ng alak.
"Pareho talaga kayo ng kuya Jico mo. Mag-pinsan talaga kayo. Alak ang sandigan sa pusong luhaan," saka nito hinaplos ang buhok ko.
"Ang unfair lang po kasi, tita. Nakasakit ako, aminado naman po ako doon. Pero 'yong ibinalik na sakit sa akin, times ten. Daig pa 'yong jackpot sa slot machine," pinipilit ko pang gawing biro. Ayaw ko na rin umiyak. Ilang umaga na yata akong nagigising na daig pa ng mga mata ko ang pwetan ng manok sa pagka-maga.
"Hindi mo naman masasabing totoong nagmamahal ka kung hindi ka masasaktan," makahulugang wika ni tita. "Kasi ang tao, kapag nagmamahal, lahat kaya niyang ibigay, lahat kaya niyang ialay... na akala mo ba, hindi na siya magmamahal ulit. Wala man lang alam na tir'han ang sarili ng pagmamahal. Lahat nalang ibinuhos," pagpapatuloy niya.
"Baka kaya po ako nasasaktan ngayon kasi binigay ko nga lahat—"
"O baka kaya ka nasasaktan kasi pakiramdam mo sa parte mo talaga may nagkulang?" Nabitawan ko ang baso kong may laman na alak sa narinig kong iyon. Napalingon ako kay tita at nakita ko siyang nakangiti. "Kung ikaw ang iniwan at alam mong wala kang pagkukulang, dapat hindi ganiyan kasakit, dapat hindi ganiyan katagal 'yong nararamdaman mong hapdi."
"Binigay ko na nga halos lahat, tita. Hindi pa ba sapat 'yon? Ang naging pagkukulang ko lang naman sa kaniya, 'yong hindi ko nagawang sabihin sa kaniya 'yong totoo kong pagkatao—"
"Na pinaniwala mo siya sa ilusyon niya na isa ka lamang kasambahay at walang ibang higit pang pakay sa kaniya?" Nagulat ako sa narinig kong iyon.
"P–Paano n'yo po nalaman?"
"Nagsabi ang Papa mo sa akin nang dumalaw siya. Naaawa raw siya sa'yo pero kailangan mo raw matuto sa sarili mo," sagot niya sa akin.
Napabuntong hininga ako sa narinig ko. "Si Papa naman po ang nagsabi na maging kasambahay ako ro'n at matyagan siya. Wala naman talaga sa plano ko 'yong mahalin siya—"
"Pero minahal mo na."
Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hinga saka sunud-sunod na tumango.
"Ayaw ko na rin, tita. Alam mo naman ako. Uunahin ko lagi ang sarili ko. Hindi ako selfless. Marupok lang ako, pero kapag puso ko na 'yong kailangan kong protektahan, gagawin ko. Si Mama nga nawala sa'kin pero hindi ako nagmakaawa na ibalik sa akin. Baka mamaya zombie pa ang ibigay," pagpa-pagaan ko ng atmospera.
"Ikaw talagang bata ka—" natigil ang pagsasalita ni tita nang biglang tumunog ang telepono ko. Rumehistro ang pangalan ni Missy at mabilis ko itong sinagot.
"Hello—"
"Someone's waiting for you in your house. Go home now. Pinasasabi lang ni Chief," wika niya saka mabilis na pinatay ang tawag. Wala akong nagawa kung hindi lisanin ang bahay nila tita Elizabeth, at agaran na nagmaneho patungo sa bahay namin.
Halos bundolin ako ng kaba nang makita ko ang taong naghihintay sa akin dito sa bahay.
"A–Ano pong ginagawa n'yo rito?" Tanong ko.
"Magaganda ang mga halaman mo dito iha," nakangiting wika sa akin nang lalaki na kamukhang-kamukha ni Laev habang tila ini-inspeksyon ang mga succulents ni Papa. Kung si Laeven, plantito. Si Papa, planlolo.
"Hello, Jice. I'm Leickel, and he's my husband, Whynter. We're Laeven's parents," pakilala nila sa akin at sa ikalawang pagkakataon, para nanaman akong binuhusan ng malamig na tubig.
"A–Ano pong ginagawa n'yo rito?" Tanong ko sa kanila.
"We need your help," saka biglang rumehistro ang lungkot sa mga mata ng ina ni Laev. Bakit ganoon kaya ang mga mata ng mga Freezell? Pati si amo. Para silang mga jolen na hindi mo malaman kung anong nais iparating, ngunit kapag nagpakita naman ng emosyon, madaling basahin.
"S–Saan po?" Mabilis kong tanong.
"About, Laev. After we permitted him to meet you, hindi na siya bumalik ulit. We searched for him, pero hindi na namin siya makita. The entire Phyrric team tried searching pero wala pa rin. I asked my twin but she refused to answer me. You're my last resort," may pagmamakaawa na sa tinig nito.
"We think that he's searching for Lyndon, now that he can already drive his own car," segunda naman ni Sir Whynter.
Para akong binundol ng iba't ibang kaba sa narinig kong iyon. Mabilis ko silang iniwan na hindi ko na nakuha pa ang makapag-paalam at agaran sumakay ng sasakyan bago ko ito tuluyang pinasibat.
KAKABA-KABA kong tinungo ang address ng isang bar na nakita ko sa larawan mula sa silid niya. Pinangahasan kong pasukin ang silid niya at humanap ng iba't ibang clue kung nasaan siya.
Mausok at nakakasulasok ang amoy sa loob dahil mukhang oras na ng party-party para sa mga taong balak mawala sa sarili.
Magulo ang paligid at pa-ilaw kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimulang maghanap. Meron din tatlo pa akong lugar na paghahanapan sa kaniya. Lahat ng mga dati niyang puntahan ay susubukan kong puntahan.
Hanap na ako nang hanap ngunit wala pa rin Laeven sa paningin ko. Lumabas na ako at akma na sanang papasok ng sasakyan nang may mahagip ang mga mata ko sa kabilang wing ng parking lot. Pamilyar sa akin ang sasakyan na iyong maging ang isa sa dalawang taong nakatayo sa gilid no'n.
Naging mabagal ang bawat paghakbang ko, naging tila yelo ang nilalakaran ko dahil sa sobrang ingat ng mga yabag ko. Hindi ko na marinig ang tugtugan sa loob ng bar dahil sa mas malakas na kabog ng dibdib ko.
"Where do you want me to bring you?" Aniya. Parang gusto kong kumuha na lamang ng kung anong madampot ko at ipukpok ito sa ulo ko.
"Anywhere, Azer. As long as it's you, anywhere is fine," sagot nang babae na kaharap niya. Iilang pulgada na lamang ang pagitan nila.
"Hiniwalayan mo 'ko para bumalik ka sa dating buhay mo? Ang tanga ko para isipin na nasa delikado kang sitwasyon, pero ito ka pala nagpapasarap habang para akong tanga sa kakahanap," mapait kong pukaw sa atensyon nila at nakita kong gulat na gulat siya nang mapagtanto niya kung sino ako, ngunit mabilis lamang din siyang nakabawi.
"Leave me alone," mas nabigla yata ako sa isinagot niyang iyon sa akin.
"Who is she, Azer?" Anang babae saka unangkla sa braso niya.
"Girl, sa akin sana 'yang nililinggis mo. Pero kung sigurado ko nang saluhin ang isinuka ko, buong-buo kong ibibigay sa'yo," matapang na pahayag ko.
"No one cares, Jice. Just leave us alone—"
"Maka-leave us alone, parang hindi mo 'ko kinain the Laeven Azer Villafuerte's way, ah? Huwag mo 'kong pagmalakihan, Laev. Mayroon akong pag-aari na hindi mo matitikman sa babaeng 'yan," putol ko sa kaniya at nakita kong tila nag-ngitngit ang babae sa narinig niya.
"We already broke up, bakit kailangan mo pa 'kong pakialaman?" Hindi ko maintindihan ang inaasta niya. May mali kay Laeven. May mali sa kaniya. May itinatago siya sa akin, na tipong hindi ko na kailangan na maging si amo upang ma-psycho 'yon. Mayroon siyang ikinukubli sa mga inaakto niya.
"Marupok ako sa yugyugan, pero sa oras na balikan mo 'ko dahil palpak iyang pinalit mo, sisiguraduhin kong matatalo ka. Hindi mo nanaisin na biglang mawala 'tong pagmamahal ko sa'yo, Laev. Matagal na panahon akong nasanay na walang dinedependehan, huwag kang umakto na isa kang malaking kawalan. Set your damn brain straight," wika ko bago ako tumalikod.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top