3: The book offer
Is this a breakthrough? A dream finally coming true?
(Denny Nuevo from Free to Dream)
"Hi Leia, welcome to Lovely Stories Publishing House."
Isang nakangiting babae ang bumungad sa akin pagpasok ko sa opisina ng publishing house. Diretso ang kanyang buhok na kulay brown na may ombre streaks at nakasuot ito ng itim na cardigan at straight cut jeans.
"Good morning po, kayo po ba si Ms. Carlyn?" tanong ko sa babae.
"Yes, ako iyon, yung kausap mo sa email. Nice to meet you, Miss Leia."
"Nice to meet you din po, Miss Carlyn." Inilahad ni Carlyn ang kanyang kanang kamay at nakipagkamay ako dito. Matipid akong ngumiti sa kanya.
"Doon ka muna sa waiting lounge, mamaya pa darating ang aking boss, si Sir Eldren," wika ni Carlyn. "Siya ang makikipag-usap sa iyo at magbibigay ng kontrata na pipirmahan."
"Sige po, salamat," ngiti ko.
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa magiging meeting na ito. I tried to compose myself so I would appear calm and collected. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid habang dinala ako ni Carlyn sa waiting lounge mula sa receptionist area. All-white ang tema ng buong opisina ng Lovely Stories Publishing House, na may mga furnitures na gawa sa Scandinavian wood gaya ng mga upuan at lamesa. May mahabang hallway at nang makarating kami doon, bumungad sa akin ang isang kwarto na may glass windows. Sa loob nito ay isang malaking sofa, may center table sa harapan, at isang hilera ng mataas na bookshelves kung saan nandoon ang mga kopya ng lahat ng published books nila. Sa pader ay nakalagay ang mga larawan ng iba't ibang mga authors ng Lovely Stories. Bakas ang kaligayahan sa kanilang mga mukha habang hawak ang kanilang mga libro.
"Maupo ka muna sa sofa at maghintay, babalikan kita kapag andiyan na si Sir Eldren," paalala ni Ms. Carlyn.
"Sige po, Miss Carlyn, maaga pa naman," ika ko.
"Oo nga eh, 9:30am pa! 10am kami magsimula dito hanggang 7pm. Nasa tabi pala ang water dispenser at may mga biskwit din, feel free to help yourself kapag nagutom ka," ika ni Carlyn.
"Siya nga po pala, paano niyo ako nahanap?" Tanong ko kay Carlyn.
"Mhie, viral ang Free to Dream sa FB pages! Naghahanap kasi kami ng mga underrated authors na magaganda ang mga stories para ma-publish sila at maisali sa darating na Book Fair this coming September," kwento ni Carlyn. "Di ba nanalo rin ng award ang story mo?"
"Opo, yung Storyweavers Awards sa website," ngiti ko.
"Deserve mo ma-publish! Good luck ah!" Ngiti ni Carlyn sa akin.
"Wait ko na lang po yung boss mo," wika ko kay Carlyn.
"Take your time, just read the books here if you like," alok ni Carlyn.
Nang makaalis si Carlyn, ang literary scout ng Lovely Stories, tumayo ako mula sa sofa at tinignan ang mga libro na nasa bookshelves. Karamihan dito ay mga classic romance stories na naging sikat noong 90s hanggang 2000s. Pamilyar ako sa iba nilang authors gaya ni Amor Ella at Lila Rosa, dahil si Tita Millet ay may koleksyon ng mga pocketbooks ng nasabing mga manunulat.
Ang ibang mga libro ay mga kilalang mga titulo na galing sa sikat na writing website na pinanggalingan ko. Noong nauso kasi ang publishing mula online hanggang physical book, nagsilabasan na ang mga manunulat sa writing website na nakilala dahil sa kanilang mga stories. Nauso na rin ang mga booksignings ng mga tanyag na writers at ang mga fan meetings din. Taon-taon, kapag may Book Fair, sumasabay din ang mga authors na ito para makilala ang kanilang mga fans, na avid readers ng kanilang mga stories.
Inisip ko ang aking magiging booksigning. Makapag-practice na nga ako sa bahay ng aking pirma. I smiled at the thought of this.
Nakakita ako ng isang manipis na libro sa bookshelf. Hinila ko ito at isa pala itong poetry book. Ito ang pinili kong basahin habang naghihintay sa pagdating ng boss ni Miss Carlyn.
Manipis lang ang nasabing poetry book at natapos ko ito kaagad. Nang tignan ko ang aking wristwatch, nagulat ako na 11am na pala.
Ang tagal naman ng boss ni Miss Carlyn, naisip ko. Tumayo ako para ibalik ang nasabing poetry book kung saan ko ito nahanap sa bookshelf. Nilapitan ko ang water dispenser at kumuha ng tubig na maiinom gamit ang paper cup. May nakita na rin akong biskwit at kinuha ko na rin ito para sa aking munting merienda.
Kinain ko ang biskwit at uminom ng tubig. Lihim akong naiinis na ang tagal dumating ng boss ng publishing house. Nag-vacation leave pa naman ako sa trabaho para lang sa meeting na ito.
Inaliw ko na lang ang aking sarili at tinignan ang ilang mga libro sa bookshelves. Nang sumapit ang alas dose ng tanghali, naisipan ko nang umalis at di na magpaalam kay Miss Carlyn. Nawalan na ako ng gana na pag-usapan ang tungkol sa magiging akda ko sa Lovely Stories.
Akmang aalis na ako nang biglang bumungad na si Miss Carlyn kasama ang isang lalaki. Maputi na ang buhok nito, nakasuot ng salamin, may katangkaran, at nakabihis ng polo at slacks. Siguro nasa edad na 50 na ito pataas.
"Hi Leia, I'm here na with Sir Eldren, our Head of the publishing house, ang pinaka-boss namin," pagpapakilala ni Miss Carlyn.
"Kayo po pala iyon," ika ko sabay lapit sa kanilang dalawa.
"Ikaw ba yung kinukwento ni Carlyn sa akin na nanalo ng award yung story?" Tanong ni Sir Eldren sabay taas ng isang kilay. Kinilatis niya ako na parang di niya ako malinaw na nakikita.
"Opo sir, ako po iyon. I'm Leia Aragon, the author of Free to Dream," pagpapakilala ko sa sarili.
"Good day Leia, I'm Eldren Enriquez, the owner and head of Lovely Stories Publishing House. Pleased to meet you, hija." Sir Eldren extended his hand and I shook hands with him. "Halika, doon na tayo sa conference room to discuss our offer with you."
Sumama ako kina Miss Carlyn at Sir Eldren sa kanilang conference room. Pumasok kami sa loob nito at napayakap ako sa sarili nang maramdaman ko ang lamig ng kwarto. Buti na lang at nagsuot ako ng cardigan sa ibabaw ng aking sleeveless dress na itim.
"Maupo kay, Leia, ito ang aming offer sa iyo," alok ni Miss Carlyn sabay turo sa isang plastic na upuan.
Naupo ako doon at tumabi si Miss Carlyn sa akin. Naupo sa harapan namin si Sir Eldren at nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa pagsasalibro ng aking story na Free to Dream.
"Ilan ang reads sa website ng story mo?" Tanong ni Sir Eldren.
"1 million na po," ngiti ko sa kanya.
"Ilan ang followers mo?" Si Sir Eldren pa rin ang nagtatanong.
"Mga 32k na po," wika ko. "Di po marami, pero mukhang may bibili po ng aking libro."
"Quality ng story ang tinitignan namin dito, secondary na lang ang followers," ika ni Miss Carlyn. "Pasok na sa demographics ng aming publishing house na ang target audience ay mga estudyante."
"You will get a 3-year exclusive contract for your story," panimula ni Sir Eldren. "We will publish 10,000 copies of your story and distribute it to bookstores nationwide, and even abroad. May market tayo sa Hong Kong, Singapore, at Dubai, where the target audience are OFWs who read pocketbooks and even online stories from your website. And for the royalties, you will get Php5.00 per book sold. For your manuscript, we will pay you Php10,000. After the contract, you have the choice to renew it or not."
Ten thousand pesos. Pwede na siguro ito pandagdag kita bukod sa sahod mula sa trabaho ko. At kung magiging libro ang aking online story, gusto ko rin mag-book signing sa Book Fair this year, or kahit next year. Wow, di ko naman ito pinangarap dati noong nagsisimula ako sa writing website, pero ngayon, gusto kong maranasan kung paano magkaroon ng published book at book signing.
"Can I see the contract?" Tanong ko kay Miss Carlyn.
"Here," iniabot sa akin ni Miss Carlyn ang isang dokumento. Binasa ko ito nang mabilisan at nanaig ang aking excitement. "Pwede ko na pong pirmahan?" tanong ko.
"Sige," nakangiting iniabot ni Miss Carlyn ang isang signpen. Pumirma na ako sa ibaba ng dokumento kung saan nakalagay ang aking contract with Lovely Stories Publishing House.
"Congrats and welcome to Lovely Stories!" Ngumiti si Carlyn sa akin at nakipagkamay. Nagkaroon ng photo op pagkatapos ng pirmahan ng kontrata, para i-post sa kanilang social media sites. Nagpanotaryo pa si Sir Eldren at pagbalik niya, nakipagkamay rin siya sa akin.
"Congrats, Miss Leia," he smiled.
"Thank you po Sir," ngiti ko pabalik. "Can I have a copy of my contract? At kailan ko po makukuha yung bayad para sa aking manuscript?"
"Next week, you can get your payment. And we will send you the contract via email," tugon ni Miss Carlyn. "Please go over your manuscript for Free to Dream and polish it before sending it sa email ko, same lang din. We will be the ones to proofread and edit it, and we have an artist to suggest a book cover for you. May tanong ka pa ba, Leia?"
"Wala na po, okay na po, Miss Carlyn. Maraming salamat po! Ang thank you, Sir Eldren!" Di ko mapigilang ma-excite.
"Welcome, Miss Leia! See you again!" Wika ni Sir Eldren.
"Bye po, Miss Carlyn!" pamamaalam ko.
"No worries, Leia. We can't wait to work with you!" Ngumiti sa akin si Miss Carlyn.
Hinatid na ako ni Miss Carlyn palabas sa kanilang office hanggang sa may elevator. Doon na kami huling nagkita at sumakay ako ng elevator pababa ng building. Nang makarating na ako sa labas ng gusali, sumakay ako ng tricycle pauwi sa amin.
Nang ako ay makauwi na, sinalubong ako ni Kiana. "Musta, Leia? Ano ang naging usapan?"
"May contract na ako for publishing!" Halos mapasigaw na ako sa kagalakan.
"Whoa, ang bilis naman!" Nanlaki ang mga mata ni Kiana. "Congrats, insan!"
Niyakap ako ni Kiana at sabay kaming nagtatalon sa tuwa. "May book signing na tayo pareho!" Napatili si Kiana.
"Kahit same day, pupuntahan pa rin kita! Sana sa Book Fair mangyari!" Masaya kong sinagot.
Napuno ako ng kagalakan. Mukhang ito na ang simula ng aking journey bilang author ng isang physical book mula sa isang writing website.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top