20: My Story Continues

Hello leinatics!

It's been a long time! Pasensiya na at matagal akong nag-hiatus dito.

I came back to say that...Our Love Through Time and Space will be published soon with Wonder Publishing. Ipon na kayo for next year!

Kwento lang, ang dapat sana mapu-publish ay Free to Dream but my ex-publishing house did not decide to go through with this, due to business decisions. Di ko na rin pwede i-self publish dahil binili nila ang copyright nito. Sad. But it's my lesson learned. Bad decisions make good stories.

The truth is, I'm doing this scared, but I'm doing this anyway. It's my way of saying thank you for supporting me and my works throughout these years. I hope this time, my attempt to publish a book will push through. I hope you'll support me.

Love you guys,

Ate Lei (leimagination)


Napapikit ako after posting this message on my bulletin board. I also updated the chapter of Our Love Through Time and Space with this same message. Sa ngayon, ang kwentong ito ay nasa 990,000 reads na. Whoa. Napapatulala na lang ako sa stats na ito. Di ko inaakala na ang story kong ito ay malayo ang mararating, kahit na medyo tragic ang ending nito.


Oo, pumayag ako sa alok sa akin ng Wonder Publishing. Maganda ang kontrata at malinaw.


Ang sabi, sa akin ang copyright ng aking kwento. May matatanggap din akong 80% na net revenue ng libro. Ang net revenue ay ang naiwan na amount pagkatapos i-deduct ang expenses at costs ng book production. Kailangan kong makabenta ng 20 copies ng aking libro para pumasok ito sa quota nila. Isa pa, sila rin ang bahala sa promotional materials sa aking ilalabas na libro para sa pre-order method, na magtatagal ng 3 buwan. Sa book fair ang release ng aking libro at magkakaroon din ako ng book signing.


Sagot din ng publishing house ang editing at proofreading. Ako na ang bahala sa book cover art at freebies. Mabait si Miss Dana at ang partner niya na si Miss Irene, kaya pumayag na ako sa kanila.


Lord, sana successful na ako this time. Tulungan Niyo po ako.


Binasa ko ulit ang aking message board. May mga responses na, at nakangiti ako habang binabasa ito:


Miss Author, congrats po! Bibilhin ko iyan!


Sayang yung Free to Dream. Pero masaya ako at napunta ka na sa mas maayos na publishing house. I'll support you, Leia!


Hi, silent reader mo ako at tahimik kong sinubaybayan ang journey mo. I've read all your stories. Dasurb na dasurb! Proud leinatics here! Love you Ate Leia!


Congraaattttsssss! Mag-iipon na po ako!


Pareho rin ang mga comments sa update ko sa OLTTAS. Naibsan ang kaba ko kahit papaano.


Nagsimula na rin akong gumawa ng manuscript na isu-submit ko sa publishing house. Binasa ko paulit-ulit ang aking sariling akda, inayos ko ang delivery ng mga linya at mga ganap sa manuscript version. May mga na-edit din akong eksena, pero same pa rin ang ending. Sinamahan ko na rin ng special chapters para man lang may closure ang mga mambabasa. Sa makatuwid, iba ang book version sa online version, pero same essence pa rin ng story.


May nahanap na rin akong book cover artist at nakapag-down payment na ako para sa book cover na gagawin. May napili na akong design at peg, na guide para sa artist na gagawa ng art. Tinulungan ako ni Kiana na makahanap ng isa pang artist para sa mga freebies gaya ng photocards at bookmarks. Buti ay may naitago akong pera para dito.


Akala ko ay madali lang gumawa ng manuscript. Nagkamali pala ako. Three months later, I'm still working at it. There are times that I would rest for one week, pero binabalikan ko para masiguradong maayos ang ginagawa ko.


"Merry Christmas, Leia! Bumaba ka na, may noche buena tayo."


Habang nagta-type sa aking laptop, lumingon ako at nakitang nakasilip si Kiana sa may pintuan. "May puto bumbong sa baba pati bibingka," ngiti ng aking pinsan.


"Shut down ko muna ang laptop, susunod ako sa iyo," ngiti ko rin.


"Okies, rest ka muna, mhie. Paskong-pasko, manuscript ang inaasikaso!" Biro sa akin ni Kiana.


"Oo, ito na," natawa tuloy ako. Na-shutdown ko na rin ang laptop at tumayo na ako mula sa desk. Sumunod na ako kay Kiana sa ibaba at nang makarating ako sa dining room, sumalubong sa akin ang amoy ng tablea tsokolate, puto bumbong, at bibingka.


"Andito na si Miss Author!" Masayang bungad ni Kiana kina Tita Millet at Tito Rey.


"Mag-noche buena na tayo! Ikaw na lang ang hinihintay namin!" Ngiti sa akin ni Tito Rey.


"Merry Christmas po," nilapitan ko si Tito Rey at nagmano. Nagmano rin ako kay Tita Millet at niyakap niya ako. "Kumusta ka na, anak?" tanong ni Tita sa akin.


"Patapos na po sa manuscript ko, isu-submit na lang next year sa publishing house. At okay na po ang pakiramdam ko," ngumiti ako kay Tita Millet.


"Maupo ka na, hija," humila si Tita Millet ng upuan at doon ako naupo. Tumabi si Kiana sa akin at sabay kaming nanalangin bago mag-noche buena. Nagsimula na pagkatapos ang salo-salo habang masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan.


"Ma, pa, si Leia na ang may book signing next year!" Pagmamalaki ni Kiana sa akin.


"Congrats na agad!" Wagas ang ngiti ni Tito Rey. "Pero bago muna iyon, susugurin ko muna iyang Lovely House na iyan! Mga akala mo kung sino!" Halakhak nito. Oo, alam nila yung nangyari sa akin doon sa Lovely Publishing House, at imbes na husgahan ako, ay niyakap na lang ako ng tito at tita ko pagkatapos ko itong ikwento. Naunawaan nila ang aking pinagdaanan.


"Pa, sasama na ako diyan!" Malakas na natawa si Kiana. "Magdala tayo ng sulo!"


"Kayo ah," natawa si Tita Millet. "Ang importante, nakabangon si Leia at nakaraos. Baka di lang meant to be iyong nangyari. Pero tignan niyo, ang ganda ng balik sa kanya!"


"Thank you po Tita," ngumiti ako kay Tita Millet habang sumisimsim ng mainit na tsokolate.


"Siya nga pala, magsimula tayo ng bagong tradisyon," panimula ni Tito Rey. "Simula ngayong noche buena, magsabi tayo ng mga bagay na gusto natin ipagpasalamat. Magsisimula muna ako." Huminga si Tito Rey. "Nagpapasalamat ako na okay ang buong pamilya natin, walang nagkasakit ngayong taon. Gumagaling na si Leia natin at masaya akong nakikitang nakangiti na siya."


"Thank you po Tito," ngiti ko. "Kiana, ikaw naman," tinignan ko ang aking pinsan sa tabi.


"Thankful ako na masaya naman ang taong ito. Pero mas thankful ako na nagiging mabuti na ang kalagayan ni Lei, at healthy sila mama at papa, pati na rin ako. Going strong ang relationship namin ni Terrence, at may new friends kami ni Leia, sila Venny at Callie."


"Thankful ako at di sakit ng ulo si Kiana," ngisi ni Tita Millet.


"Ma, mabait na ako!" Protesta ni Kiana sa nanay niya. "Di na ako sakit ng ulo!"


Nagtawanan kaming lahat. Tinapos ni Tita Millet ang kanyang sinasabi. "Thankful ako, may trabaho pa rin si Tatay, ako naman, booming na ang kakanin business at di nawawalan ng orders. Minsan mahirap, pero nakakaraos tayo, sa awa ng Diyos. Ikaw naman, Leia."


Nagsalubong kami ng mata ni Tita Millet. Huminga ako at sinabi ang mga gusto kong sabihin.


"Mahirap ang taon na ito para sa akin. Alam niyo na iyon. Akala ko, tapos na ang lahat at wala nang pag-asa para sa buhay ko. Pero andito ako ngayong noche buena, nakaupo at nagsasalo-salo kasama niyo. Thank you sa aking found family, thank you at di kayo sumuko sa akin." Nasamid ako at naramdaman ang mga nagbabadyang luha. Niyakap ako ni Kiana at tinuloy ko na ang aking sasabihin.


"Masaya ako at nagkaroon ako ng second chance sa buhay. Mukhang meant to be na nandito ako ngayon. Salamat sa inyo, pamilya ko na rin kayo."


"Di ka naiiba sa amin," tumayo si Tita Millet para yakapin ako sa likod. Nakisali na rin si Tito Rey sa group hug namin.


Oo, may pamilya ako. At mahal na mahal nila ako gaya ng pagmamahal ko sa kanila.


Ito na ang pinakamagandang regalo sa akin ngayong Pasko, ang malaman na may mga nagmamahal sa akin.

---


Author's Note

Our Love Through Time and Space

To the readers of this book who first read it online, thank you so much for supporting this story. Now that you have the book version in your hands, I hope you'll take good care of this book.

Aila and Tristan's story did not end on a happy note. Sometimes, we don't get what we want, but it doesn't mean we'll never achieve what we dreamed of. On a personal note, I have no plans to publish this story at first, but your love gave me courage to give this a go.

Free to Dream, my other story, was supposed to be a published book but it did not push through. If you followed me long enough online, you know why. At first, I was discouraged from being rejected and not treated well by my former publishing house. I thought that being an author was not meant for me.

But thank you to Wonder Publishing House, Miss Dana, and the rest of the team, for giving this story a chance. Thank you, leinatics, for making my dream a reality. I will always love you.

Let's keep on living and making your days count to make a worthwhile life.

Hugs,

Leia (leimagination)


"Ate Leia! Pa-sign po ng libro!"

Mula sa aking table sa booth ng Wonder Publishing ay napatingala ako. Isang dalaga ang ngumiti sa akin at ipinakita ang kopya niya ng Our Love Through Time and Space para pirmahan ko.

"Hi, sige." Ngumiti ako at kinuha ang kanyang libro. Binuklat ko ito sa unang pahina. "Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Ella po, Miss Leia," ngiti niya. Pinirmahan ko ito:


To Ella,

Thank you!

Leia


"Wow, may autograph na ako!" Hindi maikaila ang kagalakan ni Ella nang maiabot ko na sa kanya ang libro na may pirma ko. "Miss Leia, alam niyo ba, matagal na akong naka-follow sa iyo sa Watty! Sinubaybayan ko ang stories mo mula noong Free to Dream. Sana po makabalik kayo ulit sa pagsusulat."


"Wow, sa...salamat," napangiti ako nang di ko namamalayan. "Pwede ba kitang mayakap?" Hiling ko.


"Sure po!" Pagpayag ni Ella. Tumayo ako mula sa aking table at sinalubong ng yakap si Ella. "Nayakap ko si Miss Author!" Halos mapasigaw na si Ella sa tuwa.


"Kumalma ka lang, Ella!" Paalala ng kasama ni Ella.


"Oo nga!" Natawa si Ella. "Miss Leia, aalis na po ako, kasama ko po ang kaibigan ko," ika niya sabay lingon sa kasama niyang babae.


"Ingat kayo ah? Salamat talaga!" Pamamaalam ko.


Pagkaalis ni Ella ay tuloy-tuloy lang ang book signing event ko sa Manila Book Fair. Hindi ako dinumog ng tao, pero di ako nawawalan ng librong pipirmahan.


"Aba, ikaw talaga ang pinupuntahan dito, Lei!" Nagigiliw na sinabi ni Venny, na pumipirma rin ng libro sa tabi ko. Oo nga pala, joint book signing namin itong dalawa.


"Nagulat ako, akala ko walang bibili ng book ko," ngiti ko kay Venny.


"Sabi ko sa iyo, may bibili niyan! Yung sa akin dati, may book signing ako na konti lang ang pumunta kasi kaka-publish ko lang ng una kong story. Pero eventually, nadadagdagan naman ng tao," paalala ni Venny. "Mukhang quota ka sa benta ah!"


"Sana nga." Napangiti ako nang wagas.


"Hi Miss Author, ako pala si Sola."


Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng floral dress at knitted cardigan. Nakatali ang buhok niya at may suot na salamin. "Wait, ikaw yung nakakakwentuhan ko online?" Tanong ko.


"Yes po! I came all the way from Lingayen to meet you here!" Ngiti ni Sola sabay pakita ng kopya ng aking book. "Nabili ko na po yung book mo, Miss Author!"


"Alam ko na ang gagawin diyan!" Nakangiti kong inabot ang libro, binuklat, at pinirmahan ito sabay balik kay Sola. "Picture tayo, para may memory ako kasama mo," wika ko.


Inilabas ko ang aking phone at kumuha kami ng picture ni Sola. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Niyakap namin ang isa't isa at sabi ni Sola, "I'm glad you're here. I want to tell you personally that your stories saved me."


"Salamat, Sola."


"I have a reason to look forward to tomorrow because of your stories. I know naka-hiatus ka ngayon, pero aantayin ko ang pagbabalik mo, Miss Leia."


Na-touch ako sa sinabi ni Sola. "Yakapin nga ulit kita!" Niyakap ko si Sola and she hugged me back. Nagpaalam na siya sa akin na nakangiti.


It feels good to meet your readers in person. I felt empowered, honored, and touched with their kind words towards me.


Pagkatapos ng book signing ay nagpunta kami ni Venny sa isang coffee shop. Nag-merienda kami doon at naka-video call pa nga ni Venny si Nessie mula sa ibang bansa.


"Nessie, si Leia, kapwa ko author. Leia, si Nessie, author din siya," pagpapakilala ni Venny sa akin.


"Hi Nessie! Wow, ang blooming mo ah!" Ngiti ko sa phone screen.


"Hello Leia! Blooming kasi engaged na ako!" Pinakita ni Nessie ang kanyang engagement ring na suot. Sa tabi niya ay kumaway ang kanyang fiance na isang foreigner na may brown na buhok.


"Aba naman, ang hot ng jowa natin!" Ngiti ni Venny sa phone screen. "Kaya pala ang tahimik mo sa socmeds!"


"Ayoko ngang i-announce kasi baka ma-jinx!" Natawa si Nessie. "Evan, meet my fellow writers and friends from the Philippines, Venny and Leia!"


"Hello there, ladies!" Kinawayan kami ni Evan at pareho kaming kumaway ni Venny.


"We just came from a book signing, both of us," kwento ni Venny sabay tingin sa akin.


"I heard from Nessie that you're successful authors there," tugon naman ni Evan. "I'm encouraging Nessie to submit her novel here in London, she's working on a new one."


"Wow," pagkamangha ni Venny. "Nessie is Wattpad famous here in the Philippines!" Ngiti niya.


"I know!" Natawa si Evan. "She wants to try indie publishing here, under a different pen name."


"That's good to know! Go Nessie!" Pag-e-encourage ni Venny sa kanya.


"Thank you! Happy akong makausap ulit kayo, Venny!" Mukhang masaya at kontento si Nessie base sa usapan namin.


"Oo nga, na-miss kita! Sayang di kami makakalipad diyan sa kasal niyo! Nessie, Evan, I wish you well!" Pahayag ni Venny.


"Best wishes, Nessie! Congratulations, Evan!" Kumaway ako sa kanila sa screen.


"Bye guys!" Nessie and Evan waved goodbye and the video call ended.


Matiwasay ang aking naging book signing at ang bonding namin ni Venny. Pagkauwi ko, pinuntahan ko si Kiana sa kwarto at ipinakita sa kanya ang sariling copy ng aking akda, na may pirma ko na. Sa susunod na araw pa ang book signing niya at sasamahan ko siya.


"Leia, salamat." Ngumiti si Kiana nang makita ang aking signed book.


"Ikaw naman bukas, ako ang hihingi ng autographed boook mo," nakangiti kong paalala.


Niyakap ako ni Kiana and I hugged her back.


My life story as a writer started out with wishes and hopes. I dreamed of getting published and making it as a published author, only to have disappointments, sorrows, and frustrations. Add to that, my own inner turmoil in my life.


I became a disheartened writer, a lonely person, with no will to dream and to keep living.


When I decided to recover, to get out of the darkness, and to see the light, I learned that life is still worthwhile. I realized I was loved and important to others. I learned that I'm worth loving. That helped me accept my past and to make my present life a good one.


Bad things happen in real life, just like in stories I've read on Wattpad. But there's still a good plot twist waiting. Keep going, it's just there around the corner.


If you started out your story with a mistake, a wrong line, a plot hole, you can always revise and change it. You can make your story a good one, despite the challenges that come along the way. If you end it with a semicolon (;), it means it can continue and work out for the good.


I may not know what the future holds for me as an author. I don't know if I can write another hit story that will hit millions of reads, or publish another book and have a book signing again.


But I want to continue writing with joy and purpose of helping my readers learn. I want to make them happy, smile, and save them from darkness. Even if it's only one person that I can save through my stories, I think I have done my job as a writer.


I'm Leia Aragon, also known as leimagination on the Internet.


I'm Leia Aragon, a niece, cousin, friend, and a person. Also a daughter.


I'm Leia Aragon, a survivor.


My story is not yet over. As long as I live, my story continues.


A/N: Photo by Ketut Subiyanto: https://www.pexels.com/photo/woman-in-white-shirt-writing-on-white-paper-4907435/


Featured song: You Made Me Live Again by Miranda Elloway

https://youtu.be/ydcHsFZqQhk

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top