19: Looking up
Nagpatuloy ang aming pamamasyal sa Baguio. Kumain kaming apat nila Venny, Kiana, at Terrence sa isang kilalang kainan noong gabi. Kinabukasan, pinuntahan na namin ang lahat ng lugar na gusto naming puntahan, gaya ng Burnham Park, Camp John Hay, at Mines View Park. Namili na rin kami ng mga pasalubong noong bandang hapon. Siyempre, puro kami picture taking, si Terrence ang official photographer namin. Di rin namin kinalimutan na kunan ng pictures sila Terrence at Kiana.
Kinabukasan ay last day na namin. Nagpasya kami ni Venny na puntahan si Callie sa Flipped Pages Book Shop, at sa pagkakataong ito, isinama na namin si Kiana. Labis na natuwa si Kiana nang makapasok na siya sa loob ng book shop. Para itong batang nakawala sa candy store na nililibot ang mga hilera ng bookshelves habang tinitignan ang mga libro na mabibili sa loob.
"Leia, Venny!"
Sabay kaming lumingon ni Venny at nakita naming papalapit sa amin si Callie habang kami ay nasa may mga bookshelves. Tinapik ko si Kiana sa tabi ko at sinabing, "Kiana, may ipapakilala kami sa iyo."
"Hi," nakangiting bati ko kay Callie. Niyakap niya ako pati si Venny. "Ay, siya nga pala, pinsan ko, si Kiana. Kiana, meet Callie, anak ng may-ari ng bookshop," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hi Callie," agad na nakipagkamay si Kiana sa bago naming kaibigan. "Naikwento ka sa amin ni Leia. Author ka pala sa Wattpad," ngiti ni Kiana.
"Oo," matipid na ngumiti si Callie. "Nakita nila ako na umiiyak sa garden noong isang araw, at dinamayan nila ako." Dito na naikwento ni Callie ang nangyari sa kanya habang tatlo kaming nakapalibot dito.
"Aw, grabe naman iyon," umiling si Kiana nang matapos na ni Callie ang kanyang kwento. "Sa tingin ko, maaring di mo naman sinasadya since nagsabi ka ng opinyon mo and it's your point of view about the thing, but the wordings may not sound good to others, insensitive ang dating sa kanila kahit para sa akin, di naman. Pero mas mali ang ginawa nila sa iyo."
"Oo nga, insensitive nga ang dating ko noong binitawan ko ang comment na iyon," malungkot na tugon ni Callie. "Nag-sorry naman ako pero yung iba, ayaw nilang tanggapin. Kaya nag-deact muna ako sa socmeds ko."
"Lilipas din iyan," paalala ni Kiana kay Callie. "Mas may diprensiya sila kung ayaw nilang palipasin ang issue kahit nag-sorry ka na. Pero alam mo, dito mo malalaman kung sino ang mga tunay na supporters at friends mo."
"Salamat, Kiana," hikbi ni Callie.
"Oh, andito naman kami, may new friends ka na," ngiti ni Venny sabay akbay sa balikat ni Callie. "Kiana, add ka namin sa group chat sa Instagram ah, para may makausap si Callie."
"Go lang," ngiti ni Kiana. Tumingin si Kiana kay Callie at sinabing, "Pauwi na kami sa Manila, pero andito kami para sa iyo. Just feel the pain, and let it go. Lesson learned na lang ito, since lahat tayo, nagkakamali. Pero pwedeng matuto at bumangon, para maging mas maayos na tayo."
"Sa...salamat," tuluyan nang umiyak si Callie. Si Kiana ang unang yumakap dito at naki-group hug na rin kami ni Venny sa kanilang dalawa.
"Tahan na, hayaan mong makarma ang mga bruhang iyon," halakhak ni Venny. "Sila naman ang nagdadala noon, ang importante, babangon tayo at matututo."
"We're here for you," hinimas ko ang buhok ni Callie at napayakap din ito sa akin.
"Salamat talaga," nakangiti na rin si Callie kahit basang-basa ng luha ang kanyang mga pisngi.
Nanatili pa kami sa bookshop at naghintay sa may coffee shop. Umakyat muna si Callie sa bahay nila sa itaas ng building para makapaghilamos. Nang makababa na siya, maaliwalas na ang kanyang itsura. Apat kaming nagkape sa coffee shop at buti ay naging masaya na ang aming usapan. Dito ko nalaman na graduating student na si Callie at busy sa kanyang thesis. Buti na lang at di siya kilala sa school nila bilang manunulat.
"Keep in touch ah," hiling ni Callie nang paalis na kami. Nahimasmasan na siya at determinadong mag-move on pagkatapos ng nangyari sa kanya.
"Oo naman, chat ka lang sa gc," ika ko sabay ngiti sa kanya.
Umalis kami ng Flipped Pages na may bagong kaibigan. Sana ay nabago namin ang buhay ni Callie. Mahirap maka-recover sa nangyari sa kanya, pero naniniwala ako na makakayanan niya ito.
Kinagabihan, pagkatapos naming maghapunan at maglaro ng board game sa living room, nakatulog na ang lahat. Nagpasya akong magpunta sa may terrace. Napayakap ako sa sarili nang makalabas ako mula sa aking kwarto dahil sa malamig na ihip ng hangin. Napatingala ako sa night sky kung saan may mga stars na kumukutitap sa malayo. Umusal ako ng maiksing panalangin habang pinagmamasdan ko ang gabi at dinarama ang katahimikan ng paligid.
Lord, thank you po at hinayaan Ninyo akong mabuhay. Thank you po sa pagpunta ko sa Baguio, kung saan nakilala ko sila Venny at Callie. May new friends na po ako.
Minsan di pa rin madali ang recovery ko, pero handa po akong harapin ang mga darating na araw na mas buo ang loob. Kung ano man blessings ang ibibigay Ninyo, sana ay karapat-dapat ako dito. Ihanda Niyo po ako sa mga biyayang paparating. Through good and bad times, kasama na po kita, Lord.
I will honor my life from now on. Life may not be easy, but I know I can face things, because of You who strengthens me. (Philippians 4:13)
Oo nga pala, nagsisimula na akong magbasa ng Bibliya, gamit muna ang app sa phone ko. Bumabalik na ako sa pagsisimba, na di ko nagagawa noon kahit Katoliko ako. Akala ko ay huli na para balikan Siya, pero dito ko natanto na anytime, pwede kong balikan ang faith ko. At naghihintay Siya sa akin at sasalubungin ako ng isang yakap, gaya ng ginawa ng ama sa Prodigal Son nang makita niya itong umuuwi na sa kanila.
May depression pa rin ako, umiinom pa rin ng gamot, at sumasalilalim sa therapy. Tutulungan ko ang sarili, magpapatulong sa aking therapist at sa mga taong nagmamahal sa akin, at higit sa lahat, magpapatulong din ako sa Maykapal.
—
"Doktora Feliz, nag-enjoy po ako sa Baguio. Gumaan ang pakiramdam ko sa out-of-town trip na iyon, marami akong napuntahan dahil first time ko po doon. May mga bago rin akong kaibigan, sila Venny, na kaibigan ni Kiana, at isang babaeng manunulat na nakilala namin ni Venny, si Callie. Ngayon, nagpapasalamat ako at nabuhay ako."
"That's good to hear from you, Leia," ngumiti sa akin si Doktora Feliz. "You are one of the fastest recoverers among my patients."
"Niligtas niyo po ako pati ang Faith ko. I'm reading the Bible now," ngiti ko.
"Faith can also be a factor in recovery, together with medical interventions. When done right, it can really help you," paalala ni Doktora habang kami ay nasa therapy session ko.
"Doktora, naisip ko rin po na makakatulong po pareho ang science at faith pagdating sa mga taong kagaya ko. At dapat may support system din po para matulungan ang isang tao na makabangon mula sa pagkakalugmok," wika ko. "Pero ginusto kong mag-recover dahil alam kong may magaganda pang mangyayari sa aking buhay. Natanto ko na isang company lang ang nag-reject sa akin at sa story ko, hindi ang buong mundo. Marami pang publishing companies diyan at baka isa doon ang meant to be para sa akin."
"That's a good perspective," tumango si Doktora Feliz.
"Naalala ko rin po ang nanay ko," dagdag ko. "Sa ngayon, unti-unti nang nawawala ang sama ng loob ko sa kanya, kahit masakit pa rin ng kaunti yung nangyari sa amin. Pero kung magkita man kami, handa na akong harapin siya. Siguro hindi agad kami magiging close, pero handa na akong magpatawad, dahil biktima rin siya ng aking ama gaya ko. If she's open to my presence, I'll take it slow po with my biological mother, in getting to know her."
"You really are on your way to getting better. It's good to put things in perspective," ika ni Doktora Feliz. Yumuko siya at nagsulat sa kanyang notebook.
"Thank you po pala, Doktora, at tinulungan niyo akong makabangon," I smiled warmly at her. "Can I hug you?"
"Of course!" The smile on Doktora Feliz was heartwarming. Tumayo ako at nagpunta sa table niya, kung saan sinalubong niya ako ng mainit na yakap.
I left the clinic that day with a genuine smile on my face. Ngayon ko naramdaman na parang natuto ko ulit ngumiti sa unang pagkakataon. Yung ngiti na wagas at dama mo rin ang inner glow mo from within.
Sabi sa isang quote mula sa Doctor Who, "The way I see it, every life is a pile of good things and bad things. The good things don't always soften the bad things, but vice versa, the bad things don't always spoil the good things and make them unimportant."
Oo, marami akong di-magagandang karanasan. Mga masasakit na life experiences. Naging biktima ako ng bullying, naging mapaghiganti, nagkimkim ng sama ng loob, na-reject, na-disappoint, nasaktan, at lumuha.
Pero ngayon na nabigyan na ako ng second chance sa buhay, meron din palang mga magagandang nangyari: nagkabati kami ni Kiana at naging magkaibigan, mahal pala ako nila Tita Millet at Tito Rey, may maayos na trabaho, at appreciated ng aking mga katrabaho. May mga bago na akong kaibigan. Along the way, I discovered that I love to tell stories and I pursued writing.
Pagdating sa pagiging writer, minsan may mga panahon na nagtataka ako kung bakit di ko nararamdaman yung iba kong readers, bakit silent readers sila. Bakit wala yata akong fandom kahit na ang dami ko nang reads at follows sa Wattpad account ko.
Pero on the bright side, ang layo na pala ng narating ng mga kwento ko. May mga readers ako na nagsasabi na na-inspire ko rin silang magsulat, gumaan kalooban nila, ngumiti, kinilig, may mga natutunan pagkatapos nilang basahin ang aking mga akda. Siguro, sa mga silent readers, baka may nasagip ang isa sa aking mga kwento, di lang sila nagsasalita. Kung ganoon man, enough na iyon. Sana nga nakatulong ang mga sinulat ko para mas gumanda ang buhay nila, kahit sa tahimik na paraan.
Siyempre, gusto ko pa rin ng recognition kahit papaano. Pero sa ngayon, alam kong di ko na kakayanin ang fame bilang writer. Mas kailangan kong mag-focus sa aking sarili at sa mga gawain ko sa totoong buhay. Kung ano man biyaya ang dumating sa akin, malaki na ang pasasalamat ko. Hingahan ko ang pagsusulat, at sana ay makahinga rin ang aking mga mambabasa. Sa mga sinusulat kong akda, sana ay makahinga at gumaan ang kalooban nila mula sa mga hamon ng buhay.
—
Hi Miss Leia,
This is Dana from Wonder Publishing. We are an independent publisher and we are interested in your story, Our Love Through Time and Space. Can we set a schedule so we can discuss this offer? Thank you.
P.S. Venny referred you to us, she's one of our successful authors.
Sincerely,
Dana Ramirez
Natigilan ako nang makita ang email na ito. Agad akong napatayo sa aking upuan at tumakbo sa pintuan ng kwarto ni Kiana. "Kiana, tignan mo ito!" Halos mapasigaw ako sa excitement habang kumakatok sa pintuan.
"Huy Leia, ba't ka sumisigaw?" Malakas na tinanong ni Kiana sabay bukas ng kanyang pintuan. Pinasadahan niya ako ng tingin habang hawak ko ang aking smartphone.
"May nag-email sa akin, Wonder Publishing, at interesado sila sa story ko! Taga doon daw si Venny!" Ipinakita ko ang email sa phone screen at binasa ito ni Kiana.
"Wow, nice! Pero tignan natin yung page nila," suhestiyon ni Kiana.
Pinapasok ako ni Kiana sa kwarto at naupo kami sa kanyang kama. Nagbukas ng Facebook si Kiana sa phone at tinignan niya ang page ng Wonder Publishing.
Marami silang mga published books at halo-halo ang mga authors nila, mula sa mga kilala na hanggang sa mga rising authors. Nakita ko pa ang picture ni Venny sa book signing, pati na rin ang iba nilang authors.
"Five stars sa reviews ah," ngiti ni Kiana habang nag-i-scroll. "Tignan ko kung may issue sila," hagikhik pa niya. Tinignan ko na lang si Kiana habang inisa-isa ang mga FB profiles ng mga authors ng Wonder Publishing. Karamihan sa mga nakita kong posts ay puro pasasalamat habang hawak nila ang kanilang mga books.
"Mukhang okay ito," tumango si Kiana. "Walang issues so far, mukhang masasaya mga authors nila, kahit si Venny."
"Tanggapin ko ba ang offer? What if scam na naman?" Pag-aalangan kong bigla.
"Susugurin ko office nila!" Natawa si Kiana sa sariling biro. "Pero on a serious note, give it a try. Tignan mo contract nila, kung sa iyo ang copyright ng stories mo, goods."
Huminga ako nang malalim. "Sige, I'll go for it."
Niyakap ako ni Kiana. "Andito lang ako, pinsan. Ako ang unang bibili ng book mo."
A/N:
Photo by Min An: https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-top-1629920/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top