18: The Bookshop
"Guys, saan tayo mamamasyal ngayon?"
Si Kiana ang nagtanong nito habang kumakain kami ng breakfast sa aming Airbnb. Naunang nagising si Venny at siya ang nag-presentang magluto ng aming mga dalang pagkain. Nakahain sa gitna ng lamesa ang mga plato ng pancakes, hotdogs, toasted bread, at mga spreads gaya ng maple syrup, strawberry jam, at butter.
"Baka gusto niyong mag-date muna ni Terrence?" Tanong ko kay Kiana sabay sulyap kay Terrence, na katabi niya.
"Quality time muna kayong dalawa! Sa last day na tayo mamili ng mga pasalubong!" Suhestiyon ni Venny, na katabi ko habang nag-aagahan.
"Pwede naman! Kami ni Venny ang mamamasyal," pagsang-ayon ko.
"Tamang-tama, dumaan tayo sa indie bookstore sa Session Road!" Excited na sinambit ni Venny. "Mamayang gabi na lang tayo sabay na maghapunan," tugon ni Kiana. "Venny, alagaan mo iyang si Leia ah," ngiti nito.
"Oo naman, friends na kami niyan!" Ngumiti si Venny sa akin and I smiled back at her too.
"May alam akong masarap na resto, dalhin ko kayo doon mamaya," ika ni Terrence.
"Ayan, may bebe time ka na, Ki-an!" Panunukso ko sa aking pinsan.
"Lei naman, baka kayo ni Venny ang maghanap ng bebe sa Session Road oh!" Sagot ni Kiana. Natawa kaming lahat at nagpatuloy kami sa aming masayang breakfast.
Pagkatapos maghugas ng mga pinagkainan at magligpit ng lamesa, nag-shower muna ako. Masarap sa pakiramdam ang warm shower at mabango ang body wash na aking ginamit. Nagbanlaw ako ng malamig na tubig mula sa shower at nagtuyo pagkatapos. Sinuot ko ang isang white t-shirt, brown cardigan, high-waist jeans, at ang aking white sneakers. Hinanda ko na ang aking shoulder bag at nang makalabas ako ng kwarto, nakaalis na pala sila Kiana at Terrence. Hinintay ko lang si Venny na makatapos sa kanyang paliligo at pagbihis. Nang makalabas na si Venny, isang ngiti ang sinalubong niya sa akin.
"Halika na, Lei. Sakay na tayo ng jeep pa-Session Road." Nakalugay ang buhok ni Venny at suot niya ang kanyang denim jacket, blue t-shirt, at fitted jeans.
"Sige." Ngiti ko rin kay Venny.
Lumabas na kami ng Airbnb namin at nag-lock si Venny ng pintuan. Naglakad pa kami mula sa lugar ng aming Airbnb hanggang sa main road, kung saan may mga naghihintay na jeepney na papunta sa Session Road. Sumakay kami ni Venny doon at di naman matagal ang naging byahe namin.
"Naku Leia, magugustuhan mo doon sa bookstore na sinasabi ko!" Masayang kwento ni Venny habang naglalakad kami sa kalye. "May cafe sa loob at tahimik! Pwede kang makapag-muni muni habang nagkakape!"
"Sige nga, makapag-frappe nga!" Ramdam ko ang kasiyahan sa kalooban ko.
Pinagmasdan ko ang buong lugar ng Session Road habang binabagtas namin ito ni Venny. Nilabas ko ang aking phone at kumuha ng ilang larawan. Napansin ako ni Venny kaya tumigil siya sa tapat ng isang store na may glass windows. "Leia, picture tayo! Parang yung nakikita natin sa Pinterest!" pag-aaya nito.
"Sige!" Tinapat ko ang phone sa may glass window at tumabi si Venny sa akin. May ilang kuha pa kaming ginawa, na nakaakbay kami sa isa't isa o di kaya ay wacky poses.Nagtawanan kami at tinuloy na namin ang paglalakad, hanggang sa tumigil si Venny sa isang shop. "Ayan, ito yun! Flipped Pages Book Shop and Cafe!"
Tumingala ako sa isang signboard kung saan nakasulat ang pangalan ng book shop sa isang kahoy. Calligraphy style ang logo at pumasok na agad si Venny. Sumunod ako sa kanya at namangha ako nang tumuntong ako sa loob nito. May mga wooden bookshelves sa paligid kung saan nakalagay ang mga aklat na iba't ibang ang categories. May mga mamimili na binabasa ang mga libro mula sa bookshelves. Kulay puti ang ceiling at napapalamutian ito ng mga lantern lights na kulay dilaw. Soft at homey ang ambience ng buong lugar.
"Magkape na tayo, Leia!" Tinuro ni Venny ang cafe sa dulo ng silid at sabay kaming naglakad doon. Umorder si Leia ng iced java frappe at isang strawberry muffin. Pinili ko naman ang iced cappuccino at isang malaking choco chip cookie. Pagkatapos naming magbayad ay naupo kami ni Venny sa isang table for two na magkaharap. Habang naghihintay, nagkwento si Venny.
"Alam mo ba, Leia, dito ako nagpunta sa Flipped Pages noong gulong-gulo ang isipan ko?" Bungad ni Venny.
"Talaga?" Itinuon ko ang atensyon kay Venny habang siya ay nagkukwento.
"Noong panahon na frustrated ako, insecure at naiinggit dahil mas nakikilala si Nessie kaysa sa akin, umakyat kami ng aking pamilya dito sa Baguio. Napunta ako dito sa bookshop at mag-isang nagkape." ngiti ni Venny. Dumating na ang aming mga pagkain at nang makaalis na ang server, nagpatuloy si Venny sa pagkukwento.
"May poetry book dito at may nabasa akong tula. Akmang-akma ito para sa akin. Ang bungad nito ay Is this what you want? Have you truly listened to the longings of your heart? What you think is necessary, may not really make you happy. Ang titulo ng tulang ito ay Ask Yourself." Nanahimik si Venny at uminom ng kanyang frappe mula sa isang mason glass. Napakagat ako sa aking cookie. "Meant to be na mabasa mo iyon," ngiti ko.
"Oo, kinabisado ko para paalala sa aking sarili," ngiti ni Venny. "Minsan, yung mga bagay na akala mong makakapagpasaya sa atin, kapag meron na tayo, hindi pala."
"Tama ka, Venny. Ay, nandito pa kaya yung poetry book na sinasabi mo?" Tanong ko. "Gusto kong mabasa."
"Teka." Tumayo si Venny at nagpunta sa bookshelves. Bumalik ito at may dala siyang aklat na pahaba at kulay green ang cover. "Dito ko nabasa."
Ibinigay sa akin ni Venny ang nasabing aklat. Things to Ponder On ang title nito, at iba-iba ang authors. Binuklat ko ito randomly at ito ang unang tula na nakita ko:
Your Story Continues
Faced with dread?
Filled with fear?
Paralyzed with doubts?
Move forward with a braver heart
Plunged in sorrow?
No hope for tomorrow?
The sun will shine
And it's going to be fine
Shattered hopes, broken dreams,
Disappointments are endless, it may seem
But good things come, they're just around
Joy and hope will soon be found
Your story continues, for you are the author of your fate
No matter what happens, it's never too late
To turn your life around, and learn from the past
Live for today, keep your faith steadfast.
Natulala ako pagkatapos basahin ang tula. Ipinakita ko kay Venny ang aklat. "Ito ang bungad sa akin oh." Inabot ko kay Venny ang nakalahad na libro at tahimik niya itong binasa.
"Para talaga ito sa iyo, Leia," ngiti niya sabay abot ulit ng libro sa akin pagkabasa niya ng tula.
"Maari ko ba itong ikwento sa iyo?" Tanong ko kay Venny.
"Oo naman, makikinig ako," inilapit ni Venny ang kanyang sarili at huminga ako nang malalim. (TW: S-word references)
"Alam mo, nag-attempt ako na...alam mo na," panimula ko.
Nanahimik si Venny. Unti-unti siyang tumango at naintindihan ang aking pahiwatig. "Ituloy mo lang ang kwento mo, Leia."
Matapang kong inilahad kay Venny ang aking background, mula sa pagiging adopted child ng aking tiyo at tiyahin, ang naging relasyon namin noon ni Kiana bilang magpinsan, lahat ng pambubully na naranasan ko sa school noon dahil sa pagiging ampon, ang pagkakabati namin ni Kiana, ang pagkadiskubre ko sa pagsusulat at pagkahilig ko dito, maging ang aming paghaharap ng aking ina, na iniwan ako.
"Maaring nakadagdag ang nangyari sa story ko at ang masamang experience ko sa publishing house na iyon, pero hindi ko kinaya na binalikan ako ng aking ina, na matagal din akong iniwan. Doon ko lang nasabi ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Pagkatapos noon, naramdaman ko na di ko na kayang magpatuloy pa sa buhay. Nagtangka akong gawin iyon, pero hindi ako natuluyan. Noong una, masama ang loob ko at nagising pa ako, pero nakita ko na mahal pala ako ng pamilyang kumupkop sa akin, pati na rin ni Kiana." Napabuntong-hininga ako. "Sa unang pagkakataon, naramdaman ko na di pala ako nag-iisa, na may pamilya palang nagmamahal sa akin."
Inabot ni Venny ang aking kamay na nakapatong sa lamesa at maingat itong hinawakan. "Understandable ang pinagdaanan mo, Leia. Kung masama ang loob mo sa nanay mo, di mo siya kailangang mapatawad ngayon din. Hayaan mo lang ang sarili mo na maramdaman ito. May healing para sa iyo sa takdang panahon."
"Tama ka, Venny." Pinisil ko rin ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya.
"Kumusta ka naman ngayon?" Tanong ni Venny.
"Sa mga oras na ito? Unang beses ko naramdaman na buti at buhay pa ako. Kasi nakilala kita, at friends tayo kaagad!" Malawak na ang aking ngiti kay Venny. "At nalaman ko rin itong book shop, kaya salamat talaga at kasama kita ngayon!"
"Live for the little things. Live in the present, in the moment." Ngumiti rin si Venny. "Huwag mo munang isipin ang future, basta kahit mabuhay ka muna para sa araw na ito, sapat na iyon. Kung ano man mangyari, mas strong ka na. At magkakaroon ka rin ng big break bilang writer. Kahit di na big break. Ituloy mo ang pagiging writer kung gusto mo. At okay lang din magpahinga muna sa ngayon. Nag-hiatus din ako nang matagal noon, pero nang makabalik ako sa pagsusulat, mas masaya ako sa ginagawa ko."
"Totoo nga, may naisulat ka nang trilogy eh! Di ko pa nababasa, pero babasahin ko kapag may time," ika ko.
"Go lang, do your thing, Lei!"
"Uy, ubos na natin ang kape at pagkain!" Natawa ako nang makita ang wala nang laman na mga baso at platito. "Gusto mo bang mamili ng books?" Tanong ko kay Venny.
"Rest muna ako dito, ikaw na muna bumili ng gusto mo," tugon ni Venny. Sa ngayon ay hawak ko na ang poetry book na Things to Ponder On. Kinuha ko na ito, tumayo, at nagpunta sa cashier para bilhin na ito. Bumalik ako sa table namin na nakabalot na ang nasabing libro sa brown paper.
"Alis na tayo?" tanong ko kay Venny.
"Stay muna tayo, may garden pala dito oh," tumanaw si Venny sa bintana at nakita ko ang likod ng book shop, kung saan may munting hardin nga. Inaya ko si Venny na pumunta doon at sabay kaming dumaan sa likuran. Sinalubong kami ng matamis na amoy ng mga red at white roses at isang gazebo. "Doon tayo Venny, picture tayo!" Excited kong pag-aaya. Naglakad kami doon at nag-picture kami ni Venny. Nang matapos na ang picture taking, aalis na kami ni Venny nang may marinig kaming humihikbi sa likuran ng flower bush.
"Narinig mo iyon?" Tanong sa akin ni Venny sabay lingon sa flower bush.
"Tignan natin, baka kailangan niya ng tulong," sagot ko. Nauna akong maglakad patungo sa may flower bush habang nakasunod si Venny sa akin. Nagulat na lang ako nang makita ang isang dalaga na nakaupo sa isang white wooden bench. Nakatakip ang kanyang mukha at nanginginig ang mga balikat habang pigil na umiiyak.
"Miss, okay ka lang?" Si Venny ang unang lumapit sa kanya. Inangat ng dalaga ang kanyang mukha at sumalubong sa amin ang kanyang umaagos na mga luha.
"Okay lang ako, pwede niyo na akong iwan," pagkukubli niya sa kanyang nararamdaman.
"Miss, maari bang tumabi?" Magalang na pakiusap ni Venny. "Parang di ka talaga okay."
"Pwede kang magkwento sa amin, di ka namin iju-judge," mahinahon kong tugon.
Umusog ang umiiyak na dalaga. Mukhang nasa late teens na siya to early twenties. Sabog ang kanyang nakataling buhok, at suot niya ang isang t-shirt dress na kulay pink na may nakapatong na cream cardigan. Tumayo ako sa gilid ni Venny habang naupo si Venny sa tabi ng dalagang umiiyak.
"Ako pala si Venny, friend ko, si Leia," tinignan ako ni Venny sa tabi.
"Ikaw ba si Venny sa Wattpad?" Biglang tanong ng babae.
"Kilala mo ako?" Nanlaki ang mga mata ni Venny.
"Oo naman! Nakita ko pictures mo noong book signing!" Natawa ang dalaga sabay palis ng kanyang mga luha. "Reader mo ako eh. Ito naman!"
"Pwede ba kitang yakapin? Para tumahan ka na," ngiti ni Venny sa dalaga. Pumayag naman ito at binalot siya ni Venny sa isang mainit na yakap. "Okay ka na?" Paninigurado pa ni Venny.
"Okay naman," ngiti ng dalaga. "Siya nga pala, alam niyo kung bakit ako umiiyak?"
"May umaway ba sa iyo?" Tanong ko.
"Hindi. Ay, siya nga pala writer din pala ako. Ito oh," inilabas ng dalaga ang kanyang smartphone, nag-turn on ng data, at ipinakita ang kanyang Wattpad profile.
"Whoa, may 110k followers ka na ah! Dinaig mo pa ako!" Natutuwang winika ni Venny. "Congrats, calloise!" Ito ang username ng babaeng umiiyak.
"Parang ang gaganda ng stories mo ah," ika ko habang nakatanaw sa screen. Nahagip ng paningin ko ang mga fantasy book covers at ilang fantasy romances.
"Oo nakilala ako dahil dito," ngiti ng dalaga. "Pero nito lang, may masamang nangyari sa akin. Na...na-cancelled ako."
"Bakit?" Pagtataka ni Venny. "May inaway ka ba?"
At dito na nagkwento ang dalaga tungkol sa nangyari sa kanya.
"Grabe, isang comment mo lang, sinugod ka na!" Umiling si Venny.
"Nakakatakot talaga kapag isang grupo ng fans ang gumawa nito sa iyo," dagdag ko.
"Di ko alam ang gagawin ko, tapos ang malala, sinimulan ito ng isang tao na akala ko, kaibigan ko." Mukhang iiyak na naman si Calloise ngunit agad siyang niyakap ni Venny.
"Kaibigan mo may gawa? Di mo true friend iyon!" Bakas ang inis sa tinig ni Venny. "Block mo na iyon sa socmeds pati sa buhay mo! Gusto mo, tulungan ka namin ni Leia?"
"Paano niyo ko tutulungan?" Pag-aalangan ni Calloise.
"Mag-deact ka muna ng socmed accounts mo," payo ni Venny.
"Nag-sorry na ako sa FB ko at dine-activate ko. Pero may mga hate messages na ako sa board ko," napayuko si Calloise. "Paano ito?"
"Huhupa rin sila at magsasawa. For now, hayaan mo sila. May magtatanggol sa iyo, lalo na kung di mo naman sinasadya yung sinabi mo," ika ni Venny. "Pero sugurin namin iyang ex-friend mo! Leia, let's go!" Biro pa ni Venny.
"Ito naman," natawa ako. "Pero tama ang payo ni Venny. If you like, add mo kami using your real account or dump account. Kilala mo naman si Venny," ngiti ko.
"May dump account ako, kapag gusto ko magtago lang, dito ako nagpupunta. Add ko na kayong dalawa ni Leia." Inilabas ni Venny ang phone niya at saglit lang ang inabot bago namin naging followers ang isa't isa sa Instagram dump accounts namin. Oo, meron din ako, pero pangnood ko ito ng cat reels at mga travel reels sa Instagram.
"Okay lang ba na kausapin kayo pareho?" Tanong pa ni Calloise.
"Okay lang, support group mo kami!" Venny encouraged her.
"Salamat, favorite author ko pa ang tutulong sa akin," maluha-luhang winika ni Calloise.
"Things will get better, believe me. For now, pahinga ka muna. Hayaan mong paniwalaan nila ang mga gusto nilang paniwalaan sa iyo, lalo na't wala ka namang ginawang masama at nag-sorry ka," payo ko sa kanya. "May karma, lalo na sa friend mo na binetray ka," ngiti ko pa.
"Gusto ko iyon ah," natawa si Calloise. "Siya nga pala, anak ako ng may ari ng Flipped Pages Book Shop. Sa tatay ko ito," rebelasyon niya.
"Wow!" Sabay naming sinambit ni Venny.
"Callie Eloise Gozon ang pangalan ko," pagpapakilala ni Calloise sa amin. "Writer din siya, Venny?" Tinignan ako ni Callie.
"Oo, si leimagination nga pala, tawagin mo na lang siyang Leia," ika ni Venny. "May pinagdaanan din na mabigat si Leia nito lang, at for sure, mauunawaan ka niya."
"You'll be okay soon." Lumapit ako kay Callie at buti ay nagpayakap ito sa akin.
"Salamat," ika ni Callie.
"Aalis na kami ah. Daan kami ulit dito bago kami bumaba sa Manila," pangako ni Venny kay Callie.
We did a group hug for the last time. Sa ngayon, nakangiti na si Callie kahit masama pa rin ang loob niya. At ito ang huli kong sinabi sa kanya, kaya napangiti ko rin siya kahit papaano.
"Callie, makakabangon ka mula sa pagsubok na iyan. Pwede mo pa rin ipagpatuloy ang iyong storya bilang manunulat. Your story continues."
A/N:
Callie Eloise will be the female lead of book 3, The Rising Writer.
Photo by nam mau: https://www.pexels.com/photo/a-woman-at-a-book-store-15361528/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top