17: Baguio Trip

"Hi Venny! Buti andito ka na!"


Ito ang bungad ni Kiana sa kararating lang na si Venny. Alas-kwatro na ng umaga at kasalukuyan kaming naghihintay sa labas ng bahay nila Terrence, kung saan kami natulog ni Kiana.


Kasalukuyan kong nilalagay ang aking duffel bag sa likod ng kotse ni Terrence nang makita ko ang isang babae na naglalakad papalapit sa amin. Naaninag ko ang kanyang itsura sa ilalim ng poste ng ilaw. Naka-lugay ang kanyang buhok na lagpas balikat, may cap sa ulo, at nakasuot ng denim jacket, t-shirt sa loob, denim shorts, at sneakers. May sukbit siyang backpack sa kanang balikat.


Pagkalagay ko ng iba pang mga dadalhin sa likuran ng kotse, isinarado ko na ang hood at nilapitan sila Kiana. "Hi Leia, si Venny pala, ang makakasama natin," pagpapakilala niya. "Venny, si Leia, ang pinsan ko."


"Hi, ikaw pala si Venny," nakipagkamay ako sa kanya. Mukha nga siyang suplada tapos mas matangkad pa sa akin. Pero isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang mapagmasdan niya ako.


"Si Leia ka pala," bati ni Venny. "Nabasa ko yung story mo na Our Love Through Time and Space. Ang ganda pala noon!" Papuri niya.


"Salamat," nag-init ang aking mga pisngi. Ngayon lang ako may nakilala na reader sa personal, at author din siya.


"Nabili ko yung book mo na My Love From The Past, babasahin ko pa lang," kwento ko.


"Kinakabahan ako," natawa si Venny.


"Pa-spoil nga!" Biro ko. Natawa kaming pareho ni Venny. Agad ko na siyang nakapalagayan ng loob.


"Let's go!"


Kalalabas lang ni Terrence sa kanilang bahay at may bitbit siyang dalawang paperbags ng mga snacks at drinks.

"Nagpaalam ka na sa mommy mo?" Tanong ni Kiana.


"Oo, nagising saglit tapos nakatulog ulit si Mommy," ngiti ni Terrence. "Leia, kumpleto ba mga dala mong meds?" Tanong ni Terrence.


"Oo naman, nasa bag ko lang," tinapik ko ang shoulder bag na bitbit ko ngayon.


Nanahimik si Venny sa tabi ko. Tinignan ko siya at bumulong, "Gamot ko iyon for depression."

"Oh," tumango si Venny. Natulala siya at di niya alam ang susunod na sasabihin. Lumapit na lang ako sa kanya at bumulong, "I'm recovering now, pero kailangan ko pa rin uminom ng gamot."

Nakita kong ngumiti si Venny sa akin. Inakbayan niya ako at yumakap. I hugged her back.

"Laban lang," wika niya. "Mag-enjoy tayo sa Baguio! Iiwan natin iyang mag-jowa na iyan!" Ngisi ni Venny sabay tingin kina Kiana at Terrence.


"Narinig ko iyon!" Tawa ni Kiana. "Venny, feel at home sa amin ni Leia."


"At home na nga siya, dino-dogshow na nga kayong dalawa!" Ramdam ko ang wagas kong pagtawa.


Sumakay na si Terrence sa driver's seat at sumunod na kaming tatlo sa loob. Katabi ni Kiana si Terrence sa harapan, habang kami ni Venny ay magkatabi na nasa likuran. Nagsimula na ang sasakyan at napangiti ako sa sarili nang makaalis na ang kotse.

I will enjoy this trip, ipinangako ko sa sarili.


Binagtas namin ang highway na pa-north at sa kalagitnaan ng byahe, tumigil kami sa isang malaking gas station na may mga fastfood. Doon na kami kumain ng breakfast.


Masaya ang naging usapan namin. Dito ko nalaman na nagtatrabaho si Venny sa isang digital ad agency. Nakapag-vacation leave siya ng limang araw para lang sa trip na ito. Nauwi sa hectic work schedules ang usapan namin pati na rin ang tungkol sa pera.


"Malaki ba ang kinikita ng mga authors sa mga libro niyo?" Tanong ni Terrence kina Kiana at Venny.


"Bebe, hindi naman!" Natawa si Kiana. "Yung pub house ko, maayos naman ang bayad sa akin pagdating sa royalties, pero hindi ka yayaman doon! May cut ang publishing house at book store sa kinikita mo, kumusta naman ang mapupunta sa iyo?"


"Totoo iyon, kaya nag-switch ako sa indie publishing para sa next book ko," ika ni Venny. "Mas malaki ang bayad sa iyo na royalty. Leia, na-try mo na ba mag-publish ng story mo?"


"May alok ako, tinanggap ko, pero di natuloy. Marami kaming kinuha na writer at pinangakuan ng libro. Nakulong ako sa exclusive contract ng ilang taon, pero nagkaroon ng pandemic at kailangang kumita ng publishing house. Di ko na rin mabili ang manuscript ko," kwento ko kay Venny. "Kumuha sila ng ibang authors na mas kilala tapos kinalimutan ako at ang ibang authors."


"Aw, grabe naman," sumimangot si Venny.


"Naku, kung alam mo lang, Venny, grabe pinagdaanan niyang si Leia," pagpapatuloy ni Kiana. "Sinabihan pa siya ng ex-boss niya na di ko siya maalala, di ko siya kilala."


"Yabang ah, sugurin ko na ba?" Pumamewang si Venny at natawa. Di ko mapigilang tumawa. May bigat pa rin akong nararamdaman nang maikwento ko ito kay Venny, pero nabunutan ako ng tinik sa kanyang reaksyon.


"Mabuti pa, sugurin mo ang Lovely Publishing House!" Biro rin ni Kiana.


"Ah, red flag talaga ang pub house na iyan! Dati na rin akong nakakarinig ng mga authors nila na di binabayaran ng royalty o di napu-publish ang libro," rebelasyon ni Venny. "Leia, masakit ang experience mo, valid na masaktan ka at malugmok. Pero di ito dahilan para itigil na ang pangarap mo bilang writer," paalala niya.

"Makinig ka Lei, favorite author ka ni Venny," ika ni Kiana.


"Oo," ngiti ko.


"May iba kang hit stories, gusto mo i-refer kita sa indie pub house ko?" Alok ni Venny. "Sa iyo ang copyright ng stories mo doon. Matatapos lang ang contract mo kapag naubos na ang stocks ng libro mo. Medyo mahal ang presyo, pero worth it naman kapag nakita mo na ang book mo."


Nag-alangan muna ako. Pero wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko.


"Sige, i-refer mo nga ako," pagpayag ko.


"Yay! Makakasama na rin kita! Baka magkatabi pa tayo sa book signing!" Niyakap ako ni Venny.


"Group selfie tayo, bago ang phone ko," pag-aaya ni Terrence sabay labas ng latest model ng kanyang iPhone. Nagkumpulan kaming tatlo nila Venny at Kiana habang inangat ni Terrence ang kanyang phone para kumuha ng ilang shots. Masaya kaming umalis ng fast food. Dumaan muna kaming tatlo nila Venny at Kiana sa comfort rooms, pagkatapos ay bumalik din sa kotse makaraan ng ilang minuto.

Busog kaming lahat at pinagpatuloy na namin ang aming byahe. Nagpatugtog si Kiana ng mga songs sa Spotify playlist niya at tatlo kaming kumakanta nila Venny sa gitna ng aming pagbagtas sa highway. Kumain kami ng mga dala naming pagkain. Nagkuwentuhan din kami sa mga lugar na gusto naming puntahan. Inalok ni Venny na dumaan sa isang indie bookstore dahil nakapunta na siya doon dati pa.


Nang makarating kami ni Baguio, lagpas alas-dos na ng hapon. Tumigil kami sa isang airbnb house na kulay puti at may blue na bubungan. Two-storey ito at mukhang malaki para sa aming apat.


"Nandito na tayo!" Pagkagalak ni Kiana nang makababa na sa kotse. Sabay kaming bumaba ni Venny at tumulong sa pagdadala ng aming mga gamit sa loob. Nang mailapag ko na ang aming mga dala, siniyasat ko ang buong bahay. Ang lawak pala nito, may carpeted floors, may living room with flatscreen TV, sofa set, at dining room na may table na may anim na upuan. Nasa dulo ang kitchen at laundry.


Sabay kaming umakyat nila Kiana at Venny sa second floor. Sa aming tatlong babae ang main bedroom na may isang malaking kama at isang solo mattress na pwedeng hilahin mula sa ilalim ng kama.



"Diyan na kayo, girls. Sa solo bedroom ako, gaya ng ipinangako ko kay Mommy," ika ni Terrence. "Iwas tukso," tawa niya.


"Oo nga naman, baka may ibang maganap," ngisi ni Venny. "Aalagaan ko iyang girlfriend mo, Terrence."


"Hindi kami makakatulog dito, magdadaldalan lang kami," tawa ko.


"Gusto niyo bang mag-lunch sa labas?" Alok ni Terrence.


"Mamaya na, kahit early dinner. Busog kami sa chichirya at cookies na baon natin. Magpapahinga muna kami," ika ni Kiana.


Umalis na si Terrence at naiwan kaming tatlo sa loob ng kwarto. Nagbihis si Venny sa loob ng bathroom at nang bumalik siya, suot na niya ang white shirt at black jogging pants. "Sayang, wala si Nessie dito. Nasa ibang bansa na kasi."

"Siya ba yung kinuwento mo sa akin dati?" Tanong ni Kiana habang nakahiga sa kama at hawak ang phone. Nasa tabi naman ako ni Kiana at nakatagilid habang pinapanood silang dalawa.


"Oo," ika ni Venny. Hinila niya ang mattress sa ilalim ng kama at doon siya humilata. Binigyan siya ni Kiana ng unan at yumakap si Venny dito. "Ikwento ko kay Leia yung nangyari sa amin ni Nessie."


Nakinig ako sa kwento ni Venny. Dito ko nalaman na magkaibigan sila ni Nessie o eissenv sa writing website. Nagkaroon sila ng di-pagkakaunawaan at malaking tampuhan dahil akala ni Nessie, may anonymous confession si Venny na pamba-bash sa story ni Nessie.


"Nalaman ni Nessie na may nararamdaman akong inggit at insecurity sa kanya, kasi mas sikat siya kaysa sa akin, tapos pangarap ko rin maging sikat na manunulat," pagkukwento ni Venny. "Hindi na kami nag-usap at iniwan na niya ako. Tapos nagkaroon ako ng publishing offer, pero yung book ko, sa scam publisher napunta. Hindi agad nakukuha ng mga buyers yung books na inorder nila tapos di maayos ang quality ng mismong book. Naipakulong namin yung mga scammers."


"Tapos, nagkabati ba kayo ni Nessie?" Tanong ko.


"Oo, pero di na the same ang friendship namin. Pero nagkapatawaran kami," ngiti ni Venny. "Oo, naging inggitera ako, at mukhang karma ang nangyari sa akin doon sa scam publisher," tawa pa niya. "Pero lessons learned. Napunta ako sa mainstream publishing house at mabenta naman yung book ko, yung My Love From The Past. Sa amin din napunta si Kiana. Pero end of contract ko na, kaya mas pinili ko sa indie publishing, kahit wala sa bookstore."


"Buti nag-uusap ulit kayo ni Nessie," ika ko.


"Matagal bago nabuo ang nasira naming samahan. Sa puntong ito, natanggap ko na baka iyon nga ang kanyang kapalaran, ang maging kilalang writer. Pero in a way, I got what I want too. Nakilala rin naman ako, may mga bumibili ng book ko hanggang ngayon. May almost 70k followers na ko, at nakatapos na rin ng ilang stories," ngiti ni Venny. "Malaking blessing na ito, happy at thankful na ako. Pero open to possibilities din."


"Masaya ang maraming followers at readers, pero in the end, mas masaya kung kontento kang nakakapagsulat. Leia, bakit ka pala nagsusulat?" Tanong sa akin ni Kiana.


"Bakit ako nagsusulat?" Usal ko.


"Noong nagsisimula ako sa My Love From The Past, di ko inaasahan na magiging sikat ito na story," ika ni Venny. "Kapag nawawalan ka ng gana magsulat, go back to your whys. Why are you writing that story in the first place?"


"Yung story ko na di na-publish, yung Free to Dream, isinulat ko dahil dati, pinapanood ko mga dance practices ni Kiana noong high school. Nasa dance troupe kasi siya," kwento ko. "Nakita ko ang mga struggles nila at ang mga naipanalo nilang contests. Gusto kong ipakita na kaya mong mag-enjoy habang nagsusumikap abutin ang iyong mga pangarap. Hindi winning ang goal, kundi ipakita sa mundo ang passion mo at ma-inspire ang ibang tao."


"Leia, matanong ko lang ulit, noong sinusulat mo yung Free to Dream at ibang stories mo, naisip mo ba na makikilala ang mga ito?" Tanong ni Venny.


"Your honor, ang dami mong tanong!" Natawa ako.


"Seryoso ako. Noong sinusulat mo iyon, anong motivation mo?" Diin ni Venny.


Then it hit me.


I have written those stories without expectations to become known as a writer. I write stories because I want to tell stories. I want to give a voice to my ideas, to the what-ifs in my head.


"Nagsusulat ako kasi gusto kong magkwento ng aking mga ideya na naiisip," tugon ko. "I want to tell stories."


"Kahit di ka sumikat, if ever that's the case, will you still write stories?" Tanong ni Kiana.


"Oo naman, andiyan ka, ang una kong reader," ngiti ko sa aking pinsan. "At si Venny, dalawa na kayo."

"Nasa iyo pala ang sagot!" Malakas ang pagkakasabi ni Venny. "You want to tell stories. Bakit ka magpapatalo sa isang ganid na business man na may ari ng isang pub house? Bakit ka titigil sa pagiging writer?! Dahil binigo ka nila, dinahilan ng di ka kilala, dahil di ka sikat? Who you sila kamo! Tapos ikaw, andito pa rin, maraming readers. Tinitingala ka ng isang kagaya ko na author din! Tapos ngayon nakasama pa kita dito sa Baguio! My fangirl self is screaming!"


Napatayo si Venny at tumalon sa kama. Nagulat tuloy ako nang i-bear hug niya ako. "Uy, ang higpit naman!" Nailang ako pero ngumiti na rin nang makisali si Kiana sa group hug namin.


"Andito lang kami ah," paalala ni Kiana. "Huwag mo i-limit ang sarili mo at tuldukan ang kapalaran mo, dahil lang sa matinding rejection at sama ng loob."


"Tuloy lang ang buhay, tuloy lang ang pagsusulat natin," ika ni Venny. "Damn the number of reads and followers! Baka di mo lang alam, sa mga silent readers mo, may napangiti ka, may naisalbang buhay, may naging writer din dahil sa mga stories mo."


Naluha ako at niyakap ko rin sila Venny at Kiana.


Kaya pala Free to Dream ang naging title ng nabigo kong story.


Hangga't nabubuhay, malaya tayong mangarap. Matupad man o hindi, may puwang pa rin para sa mga bagong pangarap.


Ang importante, masaya ka at gusto ang ginagawa habang inaabot ang iyong mga pangarap. Masaya na may na-inspire, may natulungan, at may mga natutunan mula sa aking mga akda.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top