[29] He's back


"Calm down mast—I mean just calm down."

Chiron almost call Gin his master. It's been years since he last talked to him and he never wished it to be this way.

"How the heck could I calm down! I almost killed her!"

Chiron was wearing his full face mask while trying to clean and apply the bandage Miyuki's shoulders.

Nasa observation deck pa rin sila. Wala ng tao ang rooftop nang dumating si Chiron. The place was dim lighted. Nalaman ni Chiron na nasa hotel si Alina kung kaya't ginamit niya ang connection nito upang paalisan at ipasarado ang buong rooftop.

It's dangerous to have the rooftop open to the public when someone's bleeding on the corner.

Gin's wound were already closed and healed leaving only a faint mark. Nanghihina't duguan siyang napasandal sa glass fence habang tintignan si Miyuki na nakaupo't nakasandal rin sa sinasandalan niya.

Hindi alam ni Gin kung ano ba ang dapat na maramdam kung kaya't pabalik-balik ang lakad niya sa harapan ni Chiron na abala sa pag aasikaso sa mga sugat ni Miyuki.

Miyuki did'nt recieved the gun shot but what he have done almost killed her.

For some reason he felt like his duty is to protect her but now all he could do was to hope Chiron could save her.

The phone call from Chiron before Miyuki totally lost her conciousness saved them both.

Napulot ni Gin sa sahig ang cellphon ni Miyuki at natatarantang kinuha ito at sinagot ang tawag. Telling Chiron there's a blood and she'll be killed. Naririnig ni Chiron sa kabilang linya ang tila pagsipsip ni Gin ng dugo kay Miyuki kaya agad itong dumating na handa.

Chiron was the one who injected the sedatives to Gin that's why he was calm and almost on a human-like state.

"You could just inject those drugs—sedatives or whatever it is so you could see better and treat her wounds well!" Napa singhal si Gin at halos di' magawang makatingin kay Miyuki na wala pa ring malay.

"I can't! What if that bastard brought reinforcements to finish y'all here?! Wala kang magagawa. Temporary na nawala ang lahat ng kakayahan mo." Tumingin si Chiron sa kaniyang relo na bahagya ng nababahiran ng dugo. Under the full moon light the time reflected on his eyes. "9:35 pm. Dalawampung minuto matapos kitang turukan ng sedatives. The sedative's effect will only last for 30 minutes. Linisin mo ang kamay mo and wear the lab coat from that bag."

Nilapitan ni Gin ang gym bag na nasa tabi ni Miyuki at kinuha ang puting lab coat na maayos na nakatupi sa loob. May extra rin na maroon turtleneck long sleeves sa loob na ang sabi ni Chiron ay suotin niya rin.

"Kailangan mo ng magbihis at umalis. Iwan mo nalang ang duguan mong damit sa banyo. Dadaanan ko nalang 'yan mamaya. You need to go back there. Naamah's probably waiting for you."

"How did you know Naam—"

"You need to go now!" Tumingin ulit si Chiron sa relo nito bago ibinalik ang tingin kay Miyuki na inaayusan niya ng damit. "5 minutes nalang at mawawalan na ng bisa ang tinurok ko sayo. Go!"

Gin clenched his fist as he move his feet away from Miyuki and Chiron.

For Gin maybe Chiron deserves her more than him. He didn't even realize it until now but Miyuki for him was someone important. There's this feeling that he did knew her for a very long time.

"Gin dear? Change of clothes?"

Binalewala ito ni Gin at nilagpasan si Naamah. Dumiretso siya sa madilim niyang hotel room at doon na nagkulong. Did he just hear Miyuki right?

She love him?

How come?

They often meet. He didn't do anything good for her to love him. Alam niya may kung ano sa nakaraan niya na dapat niyang malaman. Maaaring may ginawa sa kaniya ang ERI kung kaya't wala siyang matandaan. That's a huge possibility knowing ERI.

Napalingon si Gin sa mesa kung saan may nakapatong na gamot na may kasamang note na sulat kamay ni Naamah.

'Don't forget to drink your meds. Baka sumakit na naman ang ulo mo. Love yah!'

"Love? Huh." Kinuha ni Gin ang gamot at hinawi ang kurtina na siyang nagtatakip sa glass window ng silid niya. Tanaw na tanaw sa ibaba ang syudad na abala pa rin kahit madaling araw pa lamang. People down there didn't have an idea that someone out there was discussing how to save them...to save them from people like him. People like the modern day vampires.

"Ah!" Napaluhod siya habang hawak ang kaniyang ulo at iniinda ang biglang pagsakit ng ulo niya. Tumilapon naman sa harapan niya ang suot na salamin. When was the last time he took in some meds? 2? 3 days ago? He didn't remember Naamah usually reminds him of it. He's been taking those meds for years that he doesn't even remember when and why does he even have to intake it.

Paano kung ang mga gamot na iyon ay isa sa dahilan kung bakit hindi siya makaalala? He's being suspicious but right now all he cared about was what Miyuki said.

"Sh—She loves me and I need to know why."

This time kumikirot na naman ang puso niya kaya agad niyang binitawan ang gamot at hinawakan ang sariling dibdib. Pakiramdam niya pinupokpok ang ulo niya habang pinagsasaksak naman ang kaniyang dibdib. That's how painful is it pero wala siyang magawa kung hindi ang tiisin ito. Ayaw niyang inumin ang gamot at para pigilan ang sarili na gawin ito ay dinurog niya ito gamit ang kaniyang kabilang kamay.

Agad naman siyang napansandal sa kama na hinihingal at puno ng pawis. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kung hindi siya uminom nito. Kitang-kita mula sa repleksyon ng bintana ang kaniyang mga matang tila isang switch na pumapatay't sindi na pula't itim.

Bumibigat ang pungay ng mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay habang hawak ang dibdib niya.


"Professor, nasa selda na ngayon si Bathory."

"Dad! Gusto ko siyang makita!"

"Okay, okay sweety."

Naalimpungatan si Gin nang marinig niya ang mga ingay mula sa malamig na silid na kaniyang pinaglagyan. Everything was white and bright. Malamig ang lugar dahil sa air conditioner at ang sahig ng selda kung saan siya nakatulog.

Tila nasa isang maliit na kahon na selda si Gin at pinalilibutan ng mga taong naka lab coat na ang bibilis ng mga galaw na tila laging nagmamadali. Bumaling ang tingin niya sa itaas at nakita ang mag-amang Lussuria na pinapagitnaan ng glass barrier.

"Damn, Lussuria's."

With their enhanced senses ay narinig ito ng karamihan at agad bumaling ang atensyon sa kaniya.

"The subject has awakened professor."

Subject?

"Dad! Please! Ako na ang bahala kay Gin. Ako ang magdadala ng anak namin."

Anak? Kung gugustuhin man ni Gin ang magkaanak at iyon ay mula kay Miyuki. Kung pwede lang sana. Kung may paraan lang sana na pwede niyang mahalin ang isang tulad ni Miyuki sa normal na paraan pero hindi. He's a vampire, Miyuki's a human. Either one of them should sacrifice themselves. Sinira na niya ang normal na buhay ni Miyuki and protecting her was the only thing he could do this time.

"I would nev—argh!" Saka pa lamang niya napansin ang suot na posas. Katulad ito ng posas na ginamit sa kanila noon ng professor. Ang posas na tila kinukuryente sila at ang lamang loob nila.

Sa pangalawang pagkakataon ay nahimatay ulit siya at nang magising ay nasa isang maayos na siyang kama. Sa tingin niya nasa isang kwarto siya. Malayong-malayo ito sa puting silid na kaniyang kinalalagyan kamakailan lang. It's a bedroom with high extravagant ceilings that screams money and power.

"Gin! You're awake!" Agad siyang sinalubong ni Naamah na kakapasok pa lamang ng silid at may tulak-tulak na tray. "Wanna eat? Dalawang araw ka ng tulog."

"Quit it Aoko. Where's your father?"

"You need to eat."

"I'm not eating anything."

Agad na tumayo si Gin mula sa higaan at nagtungo sa pinto palabas ng silid. Iniwan niya sa loob si Naamah na agad nasira ang mood and with a frowning face she followed Gin outside.

Tama nga ang hinala ni Gin nasa mansyon na siya ngayon ng mga Lussuria. Napansin niyang maggagabi na kung kaya't tumigil siya sa front door ng mansyon at hinintay doon ang nakasunod sa kaniyang si Naamah.

"Bring me to the labatory."

"Teka Gin, kailangan mong kumain."

"Mamaya na just bring me to your father's damn laboratory."

Naamah gave up and escorted Gin towards her car. The travel was silent and eerie. Hindi alam ni Gin kung bakit pa siya buhay. All they need was his cell hindi pa ba sila nakukuha sa kaniya?

"They haven't got your cell...yet." Bumaling ang tingin ni Gin kay Naamah na abala sa pagmamaneho patungo sa isang gubat. "I told dad that you'll inseminate me."

"Nababaliw ka na ba?!"

"Oo! Nababaliw na ako!" Agad na hininto ni Naamah ang sasakyan sa harap ng isang abandonadong gusali at nagsimulang umiyak. "I promised to marry you. I promised to carry our child, Gin. Nangako ako sa'yo hindi ba? Mahal kita alam mo iyon."

"That was 10 years ago! 15 pa tayo and as far as I remember I rejected that proposal countless times, Aoko."

Naamah showed a bitter smile. "I know kaya gagawin ko ang lahat mapa sa'kin ka lang, Gin."

Nagising si Gin at bumungad agad sa kaniya ang madilim na kalangitan mula sa bintana. Nakahiga pa rin siya sa sahig habang nakayukom sa dibdib ang sariling kamao. Bahagya pa rin itong kumikirot pero naiinda niya ang sakit. Ang sakit sa ulo niya nama'y unti-unti ng nawawala.

Agad niyang pinulot ang salamin na nahulog at napansin na hindi niya makontrol ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Nagpapalit-palit ito ng kulay mula sa pagiging kape ay nagiging pula ito. His claws are trying to escape from his hands but he's trying to conceal it by holding back.

He just remembered a quarter about his forgotten past. Maliit kumbaga pero sapat na para malaman niyang kailangan na niyang tumiwalag sa ERI. Sapat na para matandaan ang iilang taong mahalaga sa buhay niya.

Alam niyang tapos na ang congress nang lumabas siya ng kaniyang silid at nagtungo elevator at pinindot ang numero para sa ground floor. Hindi niya alam kung bakit pero habang papalapit ng papalapit siya rito ay nakakaamoy siya ng pamilyar na dugo at alam niyang hindi ito kay Miyuki.

"Naman! Erin! Ang tanga-tanga mo ba't ka ba nasugatan?!" Haunley hissed without even looking at Erin. He just smelled Erin's blood. Hindi niya alam kung saan at paano iyon nangyari pero delikado magkasugat sa lugar na ito ngayon. Mas dumiin ang hawak niya sa bag niya na naglalaman ng kaniyang laptop. Nakasukbit sa tainga niya ang earpiece na naka-konekta kay Chiron at Cessair.

"Wow? Ako pa ang may kasalanan? Haharang-harang yang staple sa papel na hawak ko." Bahagyang nagkagulo ang laman ng folder na hawak ni Erin. Kung kaya't nang ayusin niya ito sa loob ay hindi niya napansin ang staple na hindi maayos ang pagkakalagay dahilan para masugat siya nito ng bahagya.

"Kaya nga may staple yan para hindi magkalat. Tagbitbit na nga lang ang role mo sa pagpunta rito hindi mo pa maayos."

"Wow? Sorry ha? Uuwi na nga ako." Akmang paalis na si Erin nang pigilan siya ni Haunley. "Oh bakit?"

"Tara na nga. Huwag mong ipakita sa'kin ang sugat mo. Gamutin mo 'yan, lagot talaga tayo kay Cessair nito." Gamit ang kabilang kamay ay hinila nito si Erin papalayo sa elevator na dapat sana nilang sakyan.

Nakita ni Gin ang eksena ng dalawa na nagababangayan sa harapan ng elevator kung saan siya nakasakay kani-kanina lang. Natatandaan na niya ang dalawa so he end up chasing them towards the comfort room.

"Please Erin treat that wound well." Nakatayo lamang sa pintuan si Haunley at ilang metro ang layo sa kaniya na para bang may nakakahawa siyang sakit.

"Ang OA mo gasgas lang naman to"

"OA kung OA. Blame my ancestors. I don't want to hurt you just beause of that mere wound."

Hinugasan ni Erin ang sugat sa daliri at agad na nilagyan ng band-aid nang lingunin ulit si Haunley ay halos manlaki ang mga mata niya nang makakita ng pamilyar na pigura sa likuran nito.

"Oh? Ba't parang nakakita ka ng multo? You should be more frightened by u—Gin?!"

Autamatikong napaatras si Haunley nang makita si Gin sa likuran niya at ni walang ekspresyon ang mukha nito. It was the same look years ago. The same cold, domineering presence.

"Where's Chiron and Cessair?" Matalim ang tingin niya kay Haunley na bakas pa rin ang gulat sa mukha.

"They're on—wait. Nakakaalala ka na?!" Umatras si Haunley dahilan para halos magkalapit na sila ni Erin sa loob ng comfort room.

"So you knew." Mariin siyang napapikit at tinanggal ang salamin nang sumakit ulit ang kaniyang ulo. Akala niya nawala na ang sakit nito ngunit wala siyang panahon para alalahanin pa ito. "Where can I see them?"

Hinawakan ni Haunley ang earpiece niya at iniayos sa tainga niya. "You heard that, Kas? Sasabihin ko ba?"

Ilang saglit na tumahimik bago tinawag ni Erin si Haunley.

"It's fine, Erin. He's back." Tumingin si Haunley kay Gin na nakatayo pa rin sa pintuan. "The master and the original breaker of that axiom is back."

Nagmamadaling pinindot ni Gin ang 30th floor. Palapag kung saan makikita ang hotel room nilang dalawa ni Miyuki. Bakit nga ba hindi niya ito naisipang daanan? Room 119 siya na pinakahuling hotel room sa floor na ito.

Maayos niyang nailagay ang transmitter sa frame ng salamin niya at dito nalalaman ni Haunley kung nasaan siya ngayon. Unti-unting pinapalitan ni Haunley ang kaniyang kuha mula sa CCTV. Nasa pang 27th floor lamang kasi sina Haunley at Erin at naka check in sa isang hotel room.

Hindi pa man nakakakatok ay bumukas na ang pinto ng room 061 at bumungad sa kaniya ang mga pamilyar na mukha. Ngunit ang atensyon niya ay nakatuon sa babaeng nakahiga pa rin ngayon sa kama.

"Do you remember everything now?" Cessair asked him in which he just nodded.

Lumapit siya sa kama ni Miyuki at tinignan ang payapa nitong pagkakatulog. Iba na ang suot nito at kapansin-pansin ang ilang sugat na nasa kaniyang leeg. Alam niyang dahil ito sa kaniya.

"Kamusta."

Bumaling ang tingin ni Gin sa babaeng may maumbok na tiyan na nakaupo sa isang sofa hindi kalayuan sa kama. Hindi niya ito napansin dahil tanging liwanag lang ng buwan ang siyang nagpapailaw sa silid na kinalalagyan nila.

"Mary? You're pregnant?" Umangat ang tingin ni Gin kay Chiron na nakatayo sa tabi nito. "Yours?"

"Of course!" Chiron answered proudly.

"Miyuki decoded the book?" Umupo siya sa tabi ni Miyuki at hinawakan ang kamay nito. He had no idea Miyuki would finish what he just started. Alam niyang may impormasyong nakasulat dito kung paano magkokonekta ang buhay ng isang katulad niya at isang tao. He just didn't realize it's the posibility of producing life between a human and vampire.

"She's eager to break that axiom about us and humans, Master. Gusto naming makatulong para maging succesful ang experimentong ito kung kaya't pumayag kami ni Mary para maging unang mga magulang ng isang hybrid na tao at bampira na ginawa at dumaan sa natural na paraan."

Bumaling ulit ang tingin ni Gin sa mga kamay ni Miyuki at hinalikan ito. He didn't knew at such young age she would pursue this far. He's now back. He won't let her break the axiom alone. He'll be there now and until they will. They won't leave this congress with their hearts being apart ever again.

Kung kailangan niya munang mag maang-maangaan gagawin niya.

He can't lose her again. He'll do everything to never hurt her feelings this time around.

For he is back, the true breaker of that devil's axiom.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top