[28] After the Bullet
"Miyuki! Mag-iingat ka!"
Miyuki smiled and waved her hand outside the car. Sina Haunley, Erin, Cessair, Naru at Mary ang naiwan sa mansyon. Hahabol lang sina Haunley, Cessair at Mary bago ang huling araw ng congress.
Chiron and Miyuki were in good terms now and they should be dahil pareho silang representative ng Apollo. Patungo na sila ngayon sa hotel na gaganapan ng congress. Tomorrow would be the first day.
"Malapit na naman madagdagan ang edad ko." Napabuntong hininga si Miyuki habang nakasandal sa shotgun seat ng kotse. Last day of the congress would be her birthday, 14th of November.
"You'll be 22 right?" tanong ni Chiron na seryoso sa pagmamaneho.
"Yeah. Nakakatanda kapag nasa 2 na ang first digi—wait? Malapit ka ring mag 30!" Natatawang saad ni Miyuki nang mapagtantong kaka-27 pa lamang ni Chiron. "Tatlong taon nalang trenta ka na! Ang bata-bata pa ni Mary eh."
"Young lady, should I remind you that it's your plan to have Mary impregnated?"
"Ito naman hindi na mabiro." Binuksan ni Miyuki ang phone niya at tinignan ang schedule na nakapost sa site ng government na siyang nag facilitate ng congress. Ang sponsor nito ay ang Eloquence Research Institute na sa unang pagkakataon ay publikong magpapahayag ng kanilang mga ideya sa pamamagitan ng congress.
Miyuki's group is doubtful about that.
Alam niyang may ibang intensyon rito ang ERI kung kaya't isa ito sa dahilan kung bakit kailangan niyang um-attend. Pigilan ang kung ano mang masamang balak ng mga ito.
"Magkaiba naman tayo ng hotel room hindi ba?" tanong ni Miyuki kay Chiron. Kasalukuyan silang patungo ngayon sa elevator ng hotel na paggaganapan ng congress. Chiron was dragging two luggages while Miyuki's dragging one. Pareho silang naka lab gown at may suot na VIP I.D.
"Of course, young lady." Napalingon si Chiron sa paligid niya nang mapansin ang kakaunting tao na may VIP na ID. "Mukhang masyado tayong maaga. We should've stayed a little longer."
"Sabihin mo mamiss mo asawa mo. Naman Chiron tatlong araw lang tayo rito. Besides hahabol rin naman sila so don't worry." Kasabay nito ang pagpindot ni Miyuki sa 30th floor kung saan ang hotel room nila.
"I guess so."
Ang lahat ng kasali sa magaganap na congress ay eksklusibong mananatili sa 29th hanggang sa 33rd floor ng hotel. Ang congress ay magaganap sa conference hall na nasa 28th floor. Kung kaya't ang Roonack Hotel na isa sa mga sikat na luxury hotel ng syudad ang siyang napili ng gobyerno na paggaganapan ng congress.
Sina Miyuki at Chiron ang unang umokupa ng 30th floor kung kaya't silang dalawa ay nasa room 061 at 062 na malapit lang sa elevator.
"Chiron! Ikaw na bahala sa bagaheng 'yan! Babush!"
"Sa-sandali! Young lady!"
Dali-daling nabuksan ni Miyuki ang room 061 at agad na nahiga sa kama. They were so early at halos mag tatanghali pa lamang. Napagdesisyonan niyang tumawag sa receptionist upang mag pa room service nalang at imbitahan si Chiron sa kwarto niya.
"Chiron, I know you hear me so come on. Dito na tayo kumain nag pa room service ako."
Nakasubsub pa ang ulo niya sa unan habang nagsasalita pero makalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin kumatok sa silid niya si Chiron kaya agad siyang napabangon ng higaan at binuksan ang pinto.
Bumungad sa kaniya ang babaeng kakatok pa sana sa kwarto niya. Dala nito ang serving tray na may laman na kaniyang mga order na pangdalawang tao. Pinasok niya muna ito sa loob bago tuluyang lumabas at humarap sa pinto ng katabing kwarto.
Kakakatok pa sana siya pero nang sinubukan niyang pihitin ang doorknob ay bumukas ito at bumungad sa kaniya ang gulat na mukha ni Chiron na nakaupo sa kama.
"Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng multo." Nakakunot noong saad ni Miyuki. "Kanina pa kita tinatawag."
"This hotel is great!"
Napataas kilay si Miyuki at nagwe-weirduhang nakatingin kay Chiron.
"Young lady, this hotel room could block voices from the outside. With just a click of this remote automatikong mawawala ang pandinig namin sa labas ng silid na ito. Of course for you humans it will sound the same."
"Naman Chiron kung ano-anong trivia pa pinagsasabi mo. Tara kumain na nga lang tayo."
Hila-hila ni Chiron patungo sa hotel room ni Miyuki ang isang maleta na naglalaman ng mga dokumentong kakailanganin nila at ilang mga bagay na kanilang ipre-present. Katulad ng sedatives at choker na kayang kontrolin ang blood lust ng isang bampira.
"Pakicheck nga ang sedatives baka may kung anong reaksyon na yan kaka-alog kanina."
Abala sa pagbabasa si Miyuki sa gilid ng glass window habang si Chiron naman na nakatayo sa harapan niya ay nakadungaw labas
"Alam mo? May sariling kwarto ka naman eh doon ka na nga. Pinasabay lang kitang kumain," usal ni Miyuki. Kanina pa niya napapansin ang kakaibang kilos ni Chiron na kanina pa nakadungaw sa labas. "Ang weird mo. Kunin mo nalang kaya ang sedatives sa luggage? Baka nagkaroon ng reaksyon sa pagkaka-alog."
"Okay."
Halos mapabulong si Miyuki ng 'himala' nang tahimik lang ito na lumapit sa luggage sa tabi ng kama niya. Ang tahimik at seryoso ni Chiron kaya napataas kilay siya.
Nang buksan ni Chiron ang maleta isang malakas na pagsabog ang narinig at kasabay nito ay puting usok ang bumalot sa buong silid dahilan para nauubong nagtungo so Miyuki sa pinto para lumabas.
A cloud of smoke followed Miyuki as she coughs roughly in the empty hallway, or so she thought.
She was yelling as she points to her door. Roughly coughing and with hands trailing the wall she scolded Chiron.
"Chi—ron! Ma—may dala ka bang bo—bomba oh ano?! Yu—yung mga ga—gamit natin!" She was still coughing and is not on her best state yet so she ends up bumping someone and fell to his arms.
"Hey!"
"Uwah! Sorry!" Mabilis na tumuwid ng tayo sa Miyuki at tinignan ang lalaking nakabangga niya. Hindi masyadong naaninag ang mukha nito dahil sa usok. "It was my companion's fault." Sinulyapan ni Miyuki ang pinto ng kwarto niyang puno pa rin ng usok. "Chiron! Lumabas ka diyan!"
My iilang mga taong nagsisilabasan sa kanilang kwarto. Lahat ay gulat na napatingin sa hallway na nababalutan ng usok.
"And where the heck that smoke came from?"
Bumalik ang tingin ni Miyuki sa lalaki at sa pagkakataong ito ay naaaninag na niya ang mukha nito. It was a familiar face she just wanted to touch.
"Gin." Akmang hahawakan niya ang nakakunot noo nitong mukha nang may humila sa braso nito.
"Let's go."
Hindi napansin ni Miyuki na may kasama pala si Gin na siyang humila rito papaalis sa harapan niya. Wala siyang magawa kung hindi sundan na lamang ito ng tingin.
Gin was with Naamah after all. She had to wait.
Just a little longer.
Panay hingi niya ng paumanhin sa mga taong ang sama ng tingin sa kaniya. Agad rin naman silang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto kung kaya't nakahinga na rin siya ng maluwag. Unti-unti na rin na nawawala ang usok sa hallway at kwarto niya kung kaya't pumasok siya rito at agad na binatukan si Chiron na nakaupo sa harapan ng maleta.
"What the heck was that?!"
"It's not my fault!" Chiron raised the cylinder can that still emmited smoke. Kinuha rin nito ang isang pabilog na bagay na kasing lapad ng baso. "The sound was from this speaker. Ang lakas ng tama nila."
"Sila Erin?" As far as Miyuki remembered those people from the mansion had their things checked. Isa siguro sa kanila ang nakaisip ng prank na iyon. "Ayos lang ba ang mga laman?
"Still good."
Nang ma-check na maayos na ang lahat ay tuluyan na siyang iniwan ni Chiron at bumalik sa kwarto nito.
Miyuki was trying to calm herself. Gusto na niyang makasama at sabihin ang lahat kay Gin but their plan had to work without Gin knowing too early.
Her phone rang.
Napakunot noo siya nang makita ang pangalan ng ate Alina niya. Agad niya namang sinagot ang tawag na nakakunot noo.
It's quite odd that Alina called Miyuki and now she's demending her to go to the lobby.
Nagmamadali naman siyang bumaba at nakita si Alina na naka formal plunging maroon evening gown. Sinalubong niya naman agad ito ng yakap bago umupo si couch.
"What's with that look? Aren't you excited seeing me?"
"But—Anong meron? Bakit ganiyan ang suot mo?" Miyuki almost had her jaw drop seeing how gorgeous Alina was. "May meeting ka ba?"
"Hello? Meeting? With this kind of dress?" Alina replied in a 'duh' tone. "I'm here for some charity event. I'm a guest and oh? Did the smoke bomb scared you?" Alina giggle like she's a kid.
"Sabi ko na nga ba ikaw ang may pakana nun ate!" Miyuki crossed her arms while looking away.
Alina just giggled and handed a photo to Miyuki.
"I didn't just ask you down to see me but to give you this."
It was a photo of a smiling 5 year old Miyuki hugging the waist of an 11 year old frowning Gin. Standing on their back was their fathers who both were faintly smiling. The photo was taken in front of the Bathory's mansion.
It was a nice photo making Miyuki smile nostalgically. Those smile immedietly faded when she realized something—or rather someone was missing.
"Bakit wala ka rito ate?"
Alina smiled in bitterness. "I was in coma that time." Tinuro nito ang peklat na bahagyang natatabunan ng make up sa dibdib niya habang inaalala ang mga nangyari noong panahong iyon.
Alina recieved a gunshot straight to the heart when she was 13. It almost killed her if she wasn't a vampire.
A vampire especially noble ones could tolerate pain much more better than humans. A gun shot to the heart might kill a human almost instantly except for vampires. They could still live for a day with such gunshot before they die.
Alina recieved the gunshot when she saw a strange person scolding her father. Alina interferred the discussion as she saw how his father was oppressed by that strange person.
Without hesitation the strange man fired the gun to Alina.
"I remember it was you who wanted to take that photo. Kasali sana ako diyan eh pero yung photographer naka schedule na sa araw na iyon. So they took the picture without me."
"A coma? Sa gunshot? Ate, it was straight to you heart. Paanong nandito ka?" It might be a bold question but she was curious on how did Alina survive.
"I don't even know. Halos dalawang linggo akong na-coma at nang magising ako nakita ko si daddy at papa mo." Sumilip si Alina sa phone niya bago tumayo. "Anyway, I got to go. Binigay ko lang yan pang inspiration sa plano niyo."
Even after they both left the lobby. Miyuki had her mind on the photo.
There's something about it that she know she need to remember.
The first day of congress will start at 8 at hanggang ngayon na kasabay na niyang naglalakad si Chiron patungo sa elevator ay ukupado pa rin ang kaniyang isip sa litrato na binigay sa kaniya ni Alina.
"Young lady." Napatigil si Miyuki sa harap ng elevator dahilan para mabunggo siya sa balikat ni Chiron. "Problem?"
Sasagot pa sana siya nang may humila sa braso niya papasok sa elevator.
"Harang."
Napatingala siya nang binitawan na siya nito. Napansin ni Miyuki ang bahagyang pag-ayos nito sa salamin na suot. Walang ibang tao ang nasa loob ng elevator. Mukhang maagang nagsitungo sa conference hall ang ilang researchers at scientists na kalahok sa congress.
"Was that your guy huh? So you have a thing for blonds." Nakasandal si Gin sa gilid habang nakatayo naman sa gitna ng elevator si Miyuki.
"Chiron?"
"I don't care who the heck is he. Chalon or what."
"It's Chiron."
"Yeah right, never mind."
"Jealous?"
"I'm not." Kasabay nito ang pagbukas ng elevator sa 28th floor. "I'm now here so tell me what's going on."
"Patience. You need to have patience, Gin. Sasabihin ko sayo 'pag kailangan ka na namin."
Two days from now probably.
Naunang umalis sa elevator si Miyuki at nagtungo sa pinto ng conference hall sa dulo ng palapag na kinaroroonan nila.
Maraming tao ang naka-lab coat na labas pasok sa pinto ng hall ngunit nahagilap pa rin ng kaniyang paningin ang matingkad na kulay ng buhok ni Chiron. Nakatayo ito sa gilid ng pintuan habang nakabulsa ang isang kamay sa lab coat at ang isa naman ay nakahawak sa clipboard na tila nagbabasa.
"Chiron." Tinapik niya ito sa balikat dahilan para iabot nito sa kaniya ang hawak na clipboard.
"The plan goes well. If only I didn't notice it was the master. I'll probably end up a dead meat." Napabuntong hininga ito at agad na naunang pumasok sa conference hall habang nakasunod naman rito si Miyuki. "I need to see Mary. I missed her so damn much."
"Gezz, Chiron parang dalawang araw lang naman kayo hindi magkikita."
The day went by smoothly. The first day was for the new and additional discoveries about the existence of vampires. Na-bore rito si Miyuki sa kadahilanang alam naman na niya ang lahat ng ito. Kung kaya't bago pa man matapos ang discussion sa gabi ay umalis na siya. Chiron would just contact her if something came up.
Napagdesisyonan niyang magtungo sa rooftop ng hotel para magpahangin. Namangha siya nang makita ang malawak na rooftop na may infinity pool, bar, restaurant at club lounge. Hindi naman masyadong marami ang tao dahil exclusive ang rooftop sa mga nananatili sa hotel.
Dim lighted ang lugar na nagbibigay ng classic at elegant approach. May ilang napapatingin sa kaniya nang makita siyang nakalab coat na dumaan sa pagitan ng pool at chaise lounges. Gusto niya sanang magswimming rin pero wala siyang panahon na magtagal sa rooftop.
Dumiretso siya sa observation deck kung saan kitang-kita niya ang kabuonan ng siyudad at ang mga bituin sa langit. Everything seems to be at peace.
If only she didn't knew what future lies for humans like her.
"Am I the only one should suffer?" Napasandal siya sa glass na nakabakod at tinanaw sa ibaba ang mga ilaw mula sa iba pang mga gusali.
There were humans living peacefully out there. She's probably the only human who had the capability to save them.
"Tell me so I'll suffer the half."
Agad siyang napatuwid ng tayo at lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Anong ginagawa mo rito?" Gin was a standing a few meters away from him just beside the glass fence when he started to walk nearer at her.
"I'm about to ask—wait." Gin simply move his eyeballs trying to survey the surroundings while slowing his pace. "Stay right there. Look away and don't move."
Naguguluhan man ay tumalikod siya at hinanap ang kung ano man ang hinahanap ni Gin.
Nahagip sa gilid ng mga mata niya ang anino ng isang lalaki na 'tila nakaharap sa direksyon niya. Nakuha nito ang atensyon niya dahil wala namang tao ang nagawi sa observation deck. Hindi niya maaninag ang mukha nito pero nang sinubukan niyang titigan ito ng mabuti ay bigla na lamang na may bagay na nakatutok sa direksyon niya.
Before she could even realize what was it, the man already fired the gun aiming at her direction.
When she thought the bullet hit her, a man stood in front of her.
"Gin!"
Napaluhod si Gin nang tumama sa balikat niya ang bala na para sana kay Miyuki. Agad rin na umalis ang taong siyang nagpaputok ng baril. Walang pag-aalinlangang lumapit agad rito si Miyuki at tinignan ang sugat na walang sawang dumudugo.
"The fuck." Gin hissed while holding his left shoulder. Nasa loob pa nito ang balang kaniyang natamo. "It kinda hurt."
Halos matigilan si Miyuki sa pag alalay kay Gin nang may maalala siya.
It was back then when Alina also recieved a gun shot.
"Papa! Ano po nangyari kay ate?!"
Pilit hinahabol ng limang taong gulang na si Miyuki ang papa niya. Nakita niya itong nakasunod sa ama ni Gin na buhat si Alina na labing-tatlong taon gulang pa lamang. Kakalabas niya pa lamang sa kwarto ni Gin sa kadahilanang hinahanap niya ito.
Tumigil ang ama niya sa pagtakbo at hinarap siya.
"A gunshot. Find his brother for me Yuki."
Hinanap ni Miyuki sa buong mansyon si Gin ngunit hindi niya ito mahagilap. Bumalik siya sa ikalawag palapag at sumilip sa pintuan ng master's bedroom kung saan nakita niya si Alina na nakakadena ang mga paa na kumagat at tila sumisipsip ng dugo mula sa mga braso ng kaniyang ama.
Back then she thought it was normal. Ngayon pa lamang niya naalala para saan ito.
"Gin! Bite!"
Hinubad ni Miyuki ang suot na lab coat na nababalutan na ng dugo ni Gin. Unti-unti niya na ring tinatanggal ang butones mula sa blouse na kaniyang suot dahilan para agad na umiwas ng tingin si Gin.
"Wha—What are yo—you doing?" The pain was obvious in Gin's voice. Nahihirapan na itong huminga at mas lalong lumala ang pagdurugo sa balikat nito nang tanggalin nito ang bala.
Miyuki sat down and lean on the glass fence beside Gin. Sinubukan niyang itakip sa sugat nito ang lab coat na hinubad niya at pinilit na isandal sa balikat niya ang ulo ni Gin.
"Sabing kagat eh!" Bakas ang garalgal sa boses ni Miyuki at tila takot na takot.
Hindi siya takot sa sarili niya. Takot siya sa maaaring mangyari kay Gin. She need to act fast! Hindi niya kailangang umasa sa ibang tao dahil imposibleng may makahanap agad sa kanila.
Walang masyadong nagagawi sa observation deck. Malabo rin na may nakarinig sa putok ng baril dahil naka silencer naman ito.
"Ma—Magsu-suicide ka ba?!" Gin hissed on her bare shoulder. "Exposing yo—your sho—shoulder li—"
Hindi pa man natapos ni Gin ang kaniyang sasabihin ay nagtagpo na ang mga labi nila ni Miyuki.
Hinawakan ni Miyuki ang magkabilang pisngi ni Gin para mahalikan ito at nang sumabay na sa galaw niya si Gin ay ibinaba na niya ang isang kamay sa balikat niya at sinugatan ang sarili.
Bago pa man tuluyang mapadilat si Gin at mapagtanto ang pangyayari ay hinila ni Miyuki patungo sa balikat niya ang ulo ni Gin dahilan para makagat siya nito.
Gin surrendered and just let himself devour Miyuki's exposed shoulder. Sucking and licking her blood like a blood sucking animal.
Hindi na alam ni Gin kung anong mangyayari kay Miyuki kung hindi niya magawag tumigil pero kahit siya alam niyang hindi siya makakatigil. Hindi niya alam kung bakit sa tingin niya hindi siya makakatigil.
"Do—don't hold back." Miyuki groaned in pain as Gin's fangs dug deeper to her skin while hugging her tight. Ikinuyom ni Miyuki sa kabilang kamay ang sedative na nakatago sa gilid ng kaniyang suot na pants. "I'll be fine. I have your sedatives."
"I'm sorry." Gin murmured in between his sucking. "I can't stop."
"It's fine. I love you enough to save you." Miyuki whispered almost lossing her conciousness. Sinilip niya ang sugat ni Gin na unti-unti ng naghihilom. "I told you. I'll save you."
She need to endure a little longer.
"Miyuki?"
She could barely hear Gin's voice. She's close to falling into unconciousness but she's trying herself to prevent it from happening. She needs to inject the sedatives to Gin before she fainted. If not, Gin would probably end up killing her. That's the greatest risk she's doing.
Dahan-dahan na niyang tinanggal ang takip ng syringe habang sumisipsip pa rin ng dugo sa balikat niya si Gin.
She raised her syringe aiming Gin's neck but before she could even reach it. Her hand slip and finally her body gave up.
She had fallen into unconciousness before she can stop Gin from eating her alive.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top