[21] New Normal


Everything went normal. The mansion is alive, bright and noisy. Walang araw na hindi ginugulo ni Miyuki ang mga maids sa kani-kanilang quarters. Papasok sa mga kwarto nila at makikipagchismisan lalong-lalo na kung wala sina Erin at Mary sa mansion. Si Naru lang ang kadalasang kasama niya na abala lamang sa pagkain at palaging nasa kusina napapatambay. Naru has been living with her after she was rescued.

It's been two years since then.

"Ate Ella dali na, I heard this movie is great," pamimilit ni Miyuki kay Ella—isa sa mga maid ng mansyon. Hapon na at nasa quarters siya ng mga maids at nanggugulo. She was pulling Ella's apron from behind while leaning on the doorway.

"Young lady, alam ko na kung ano na naman iyang panonoorin mo, pero hindi pwede kailangan ko ng bumalik sa kusina."

Bahagyang yumukod ang maid at umalis. Napabuntong hininga siya at pumunta na lamang sa mini library ng mansyon. Maybe she could just study—at least may matututunan na naman siya. Besides, she did want to learn and study more than just academics.

To find out the truth about her father's death and dissapearance fifteen years ago.

Napabuntong hininga siya bago kinuha ang isang aklat na nakapatong sa mesa sa gitna ng silid. Agad siyang nakadekwatrong umupo sa kaharap nitong upuan na gawa sa magarang kahoy. Inilapag ang itim na libro sa kaniyang hita habang pahikab-hikab na binubuksan ang mga pahina nito.

The book was all about vampire's history and body's evolution. The way they live, how their body works and the science about their body. Kalahati ng libro ay printed— may iba't iba ring sources na nakalagay sa bawat impormasyon at may logo ng ERI sa kaliwang bahagi ng pahina.

"Geez, bakit ginawang scientific ang mga bampira dito," bulong ni Miyuki sa sarili bago binuklat ulit ng marahas ang ilang pahina ang libro. Hanggang sa makarating ito sa gitnang bahagi kung saan agad siyang napatigil.

Her eyes gazed on the formulas hastily hand written.

Agad na nanlaki ang mga mata niya sa pamilyar na sulat kamay na ito.

"Papa."

She won't forget his father's cursive handwriting. The way the letters and numbers almost unreadable to see. May isa pang kakaibang sulat kamay na nakasulat sa ibang mga pahina nang isa isa niyang binuklat ito. Seems like half of the book were handwritings of two people.

"Nandito ka lang pala."

Napalingon si Miyuki sa pinto at nakita roon si Haunley at katabi si Erin. She sighed, today's another drug intake session and now pati si Erin at Mary ay tuturukan na rin nito. Nalaman niya ring isa palang prototype ang gamot ang tinuturok sa kanila. Ang original na experimentong ito ay ginawa kay Naru. Isa sa batang napag experimentuhan ng ERI. Naru's blood is stilll sweet and addicting to smell but hindi ito katulad ng normal na dugo na kung saan ay tila mawawala sa sarili ang kung sinong bampirang makakakita't makakalanghap sa amoy nito. The drugs they were intaking has the same effect.

Pagkarating nila sa laboratory ay agad siyang umupo sa recliner kung saan katatapos pa lamang ni Mary na turukan ni Chiron. Chiron was the one in charge with their intake.

A bottle was laying on a tray beside her recliner. Doon kinuha ni Chiron ang gamot niya gamit ang injection at marahan itong itinurok sa ugat niya sa kamay. She looked up—it stings but she's getting used to it. After that, Chiron covered it with cotton bago silang tatlo na inabisuhan na matulog muna.

"You can sleep in my room, Mary." Nagngingising usal ni Chiron bago tumango ang kausap nito.

"Seriously? Chiron? Malandi pa rin?" naiiritang sagot ni Haunley.

They were walking on their way out from the laboratory. Chiron is walking with Mary, Haunley is with Erin who still keeps her distance at him, and Miyuki walking with Naru by her side.

Chiron is now with Mary while Erin will be on the guest room with Haunley na hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin.

"Bakit kasama kita ha?! Huwag kang pumasok dito!" ani ni Erin habang nasa pinto ang kamay nito't itinutulak papasara ngunit tila wala lamang na pinigilan ito ni Haunley gamit ang isang kamay.

"Eh kung mapaano kang mag isa?!" asik ni Haunley.

"Matutulog lang ako wala naman akong ibang gagawin!"

"This is a mansion full of vampires Erin!" pagalit na saad ni Haunley bago tinulak ng tuluyan ang pinto at pumasok sa loob ag inilock ito. "You'll just sleep and I'll be here."

Miyuki went straight to her bedroom. Bago paman niya mapihit ang door knob ay napalingon siya sa isang pinto hindi kalayuan sa kaniya. Since she woke up from coma years ago hindi na niya mabisita ang kwartong iyon. It was locked since then. She even hardly remembers anything that happened in that room. Alam naman niya sa sarili niyang nakapunta na siya sa silid na iyon pero bakit parang wala siyang maalala?

Napailing na lamang siya at tuluyan ng pumasok sa silid niya. She went to her closet to pack her clothes. After submitting her requirements in a new university, natanggap siya bilang isang 3rd year college student. It's a university a day away from the mansion kung kaya't kailangan nilang mag apartment at bukas na ang alis nila.

Fortunately, Erin and Mary also transferred universities para makasama siya—but Mary's still a second year dahil hindi ito nakapasa sa standards ng acceleration program. Naru also transferred university together with them pareho sila ni Mary na second year. Haunley on the other hand stayed on the university ayaw nitong sumama na sumakabilang unibersidad. Talk about loyalty.

She packed almost all the clothes Ate Alina have given to her. Those explicit clothings na hindi niya alam kung bakit ito binigay ng ate niya years ago. Dinala niya ito, maybe she could wear it someday. Adulting stuff.

Earlier the next day, even before the birds could chirp nasa labas na ng mansyon sina Miyuki, Erin, Mary at Naru na kaniya-kaniyang bitbit ng backpack at maleta nila. Halos lahat sila ay naka jacket maliban kay Miyuki na masyadong extra at fur coat ang sinuot habang ang pangloob nito ay isang knee length summer dress na sinamahan pa ng sunglasses kahit hindi pa naman sumisilip ang araw. Talk about odd fashion sense.

"Saan aabot pagiging extra mo? Ha Miyuki?" usal ni Erin habang nakatingin kay Miyuki na nakasandal sa pinto ng main entrance ng mansyon. Hinihintay pa nila si Chiron na ilabas ang sasakyan kung kaya't nasa labas sila ng entrance ngayon.

"Wala lang ang tagal ko ng hindi naka pag ayos," kibit balikat na sagot ni Miyuki at inilagay sa ulo ang sunglasses nito. Sumilay ang tingin niya kay Naru na tahimik na kumakain ng biscuits sa tabi niya. "Pahingi." Narinig ito nila Mary at Erin kung kaya't lahat sila ay kumakain na ng biscuits na baon nito.

"Tara na!" tawag sa kanila ni Chiron mula sa driver's seat ng van. Bago pa ang van na sinadyang binili para sa paghatid sundo sa kanilang apat.

"Hindi ka bababa? Paano mga gamit namin?" tanong ni Miyuki kung kaya't napailing iling na bumaba si Chiron. Muntik na niyang makalimutan na may mga gamit nga pala silang dadalhin.

"Kaya ko na ang gamit ko." Agad na isinukbit ni Erin sa kaniyang balikat ang backpack at naglakad patungo sa van habang hila-hila ang maleta nito.

After Erin put her things on the back of van tinulungan niya na rin si Chiron na ayusin ang mga gamit nila sa loob. Chiron just tsked hindi niya inakalang hindi pala pupunta sina Cessair at Haunley para ihatid ang mga babae nila. They should be the one helping him not Erin.

"Sorry," Chiron softly uttered after closing the back of the van.

"No big deal," iling-iling na sagot ni Erin bago tuluyang pumasok sa van.

Mary sat on the front seat while Naru and Erin sat on the seat behind them. Miyuki's sitting solo on the backseat. Habang nasa byahe ay sumisilip siya sa labas kung saan kahit madilim pa at ang tanging matatanaw lamang ay ang nagtataasang puno. The road was even rocky as it was not made in concrete in order to not attract passerbys. The forest they're currently in is owned by the Bathory's kung kaya't walang sino mang mga taong nangangahas na mapagawi sa lugar na ito.

A few hours later the sun started to show. Miyuki leaned on the window and watched the sun shining on the mountains reflecting on the lake they were currently passing by. The view was just spectacular that she can't avert her eyes away from the scenery.

"Magbe-breakfast pa tayo diba?" rinig niyang tanong ni Naru kung kaya't bumaling ang tingin niya sa kinauupuan nito. Nakita niyang sumusubo pa ito ng biscuits na hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nauubos.

"Kain na naman?" tanong ni Erin. "Kanina ka pa nga kain ng kain diyan eh gutom ka pa rin?"

"Want some?" Naru shoved her container of biscuits. "Naubos na natin kanina yung binili sakin ni Cessair—mabuti nalang nag bake ako kahapon and yes gutom pa rin ako. Iba ang storage sa bicuits sa breakfast. So we need to eat breakfast."

"Could we stop by to eat Chiron?" Malambing na saad ni Mary habang hawak nito ang phone ni Chiron.

"Sure thing my dear." Chiron winked at her before Mary gaved him a sweet smile.

"Bakit sa harap ko pa talaga naglandian ang dalawang ito. Seriously?" Erin mumbled before having a bite to Naru's biscuits. "Kapag ako talaga makahanap ng jojowain who you kayong dalawa sa'kin."

Miyuki chuckled bago nito tinapik ang balikat ni Erin, "Wala ka namang ibang ginawa kung hindi magparami ng pera. Tapos mas lalaki ka pa nga sa mga manliligaw mo."

Erin just rolled her eyes before Miyuki went back leaning to her seat. Ilang minuto lamang ay pumarada ang sasakyan sa harap ng isang kainan. It was small eatery at walang tao. It's also located on a strange place. It's like in the middle of nowhere na tanging mga puno lamang ang katabi nito.

"Ano pong inyo ma'am?" the old man humbly asked while looking at them. Nasa harap nila ang iba't ibang putahe na kanilang pagpipilian. Naru starts opening lids after lids habang si Miyuki na katabi niya't nakikigaya na rin.

"Anong tawag dito?" Mary asked Erin as they entered to find a seat which is not hard to find. Gawa sa kahoy ang lugar. There were only wooden benches and wooden tables na natatakpan ng table cloth. The place looks old but were really clean.

"Carinderia. Never been here?" Agad na umupo si Erin sa bangko at agad rin namang umupo si Mary sa tapat nito.

"I don't know."

Nabaling ang tingin ni Erin sa dalawang babaeng nagtuturo ng mga ulam sa harap ng matanda. The old man was wearing a fainted shirt but has a clean navy blue apron in front of it.

"Hindi ka na ba pipili ng ulam doon?" tanong ni Erin kay Mary na ngayon abala sa pagtipa sa cellphone ni Chiron.

"I trust Naru's taste buds." Napaangat si Mary ng tingin kay Erin. "Ikaw?"

"Same."

After Chiron had paid for everything. Everyone has settled. Miyuki satisfyingly chewing her favourite beef steak while the others are busy tasting the different dishes in front of them.

"Naru had choosen them all." Umiling-iling si Chiron na nagpapaliwanag nang taasan siya ng kilay ni Erin. "Gusto niya raw tikman lahat."

"CR muna ako," ani ni Naru bago nagtungo sa matandang lalaki para magtanong kung nasan ang CR.

Minutes have passed pero hanggang matapos sila sa pagkain ay hindi pa rin nakakabalik si Naru. Kung kaya't napagdesisyonan ni Erin sa na sundan ito. Pumasok siya sa pinto na patungo ng kusina kung saan pumasok si Naru kanina.

"Hindi niyo ba napansin?" Mary suddenly spoke while sipping her softdrinks. "Hindi rin nakakabalik ang matanda."

"Wait here." Nagmamadaling umalis si Chiron at pumasok sa kusina. Ilang saglit lamang ay agad silang nakarinig ng malalakas na mga kalabog at mga bagay na nahuhulog. Agad na napaatras sa kinauupuan si Miyuki habang si Mary naman ay patuloy lamang sa paghigop ng softdrinks niya.

"Miyuki!"

Agad niyang dinaluhan si Erin na akay-akay si Naru na walang malay. Mary halted from her seat at tinulungan siyang akayin ito bago pinaupo. They could see rope marks on her wrists and tape marks on her mouth.

"Anong nangyari?" nagpapanic na tanong ni Miyuki.

"That old man injected something on her. He's a vampire."

Isang malakas na kalabog pa ang narinig nila mula sa kusina at hindi kalaunan ay iniluwal nito si Chiron na may bahid ng dugo sa braso. Hawak nito ang dulo ng kadena na nakatali sa braso at katawan ng lalaki. Agad niya itong itinulak papalabas kung kaya't napasubsub ito sa batuhan.

Chiron was heaving while his shirt was stained with blood. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at napansing walang signal kung kaya't agad niyang sinipa ang matandang lalaki sa harap niya. Tatawagin niya sana si Cessair para damputin at imbestigahan ang lalaking nahuli niya pero walang signal.

"Where's the signal intervention?" ma-otoridad na tanong ni Chiron bago tinapakan ang likuran nito't gamit ang isang kamay ay itinuro ang kuko sa likuran ng lalaki. "Speak or be dead."

"Teka?!" Miyuki immedietly stood at akmang lalapit na sana sa kinatatayuan ni Chiron nang pigilan siya nito.

"He's from ERI." Chiron glanced at her before smiling. How could he even smile while stepping and threatening someone on his foot? "Babalik lang ako. Huwag kayong gumawa ng kahit ano."

Agad na hinila ni Chiron ang lalaki patungo sa kalsada upang maghanap ng signal. Miyuki went back to Naru whose now gaining consciousness.

That maybe why the area was isolated.

Nakarinig siya ng kaluskos mula sa likuran ng carinderia kung kaya't mula sa pinto na kaniyang nakita na patungo sa likuran ay naglakad siya papalapit rito. Erin even called her back in but she just wavered. There's just strong feeling that she need to see something.

Kinakabahan man ay marahan niyang tinulak ang pintong gawa sa kawayan. Bumungad sa kaniya ang madamong likuran kung saan may kunehong kasalukuyang kumakain ng damo.

"Oh? Ang cute mo naman," aniya at akmang lalapitan ito nang makaramdaman siya ng kamay na mahigpit na humawak sa pulsuhan niya.

In front of her was a man with a pair of rectangular black glasses covering his own eyes and has black shiny hair covering his forehead. May suot itong laboratory coat  na umaabot hanggang tuhod na may logo ng ERI sa kaliwa nito. Underneath his coat was maroon buttoned shirt and black slacks. Nakakunot noo siyang napatingala rito. Their eyes met and hers squinted. Who was this man?

"Bitawan mo ko." Hinila niya ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak nito ngunit tila wala itong epekto sa lalaki at hinila lamang siya't itinulak sa pader. Agad na nagtungo ang kamay ng lalaki sa panga nito't hinarap sa kaniya.

"Anong ginagawa ninyo rito?" mapagbantang saad ng lalaki habang mariin na nakahawak sa panga nito.

"We we—" Kahit nahihirapan ay pinilit niyang makasagot ngunit agad siyang napatahimik nang takpan ng lalaki ang bibig niya. Paano naman kaya siya makakasagot kung tatakpan ito? Besides it's also painful!

"Sir Gin?! Nahuli ang isa nating kasamahan!"

Naririnig ni Miyuki hindi kalayuan ang sigaw ng isang lalaki kasabay nito ang mabibilis na yabag patungo sa direksyon nila. What will happen to her? Anong gagawin ng lalaking kaharap niya sa kaniya?

Before she could even react to it ay agad na naman siyang hinila ng lalaki pabalik sa pinto na kaniyang pinanggalingan. The way she was pulled were quite painful kung kaya't pakiramdam niya ay mag iiwan ito ng marka.

"Don't ever appear in my face again," asik ng lalaki bago binuksan nito ang pinto at itinulak siya papasok.

Why would she even appear in front of him? Hindi naman niya ito kilala. Isa pa ay alagad ito ng ERI at naka lab coat pa kung kaya't alam niyang malaki ang rango ng lalaking nakasalamuha niya.

"Miyuki let's go!" Erin snapped her back to her senses. Kung kaya't nagmamadali siyang sumunod sa kanila sa labas at nagtungo sa van. Katabi na ng sasakyan nila ang dalawang patrol car kung saan isa rito ay nakapaloob na ang matandang lalaki. Nalaman nilang marami na palang naging biktima ang matanda at unfortunately ang mga biktimang ito ay hindi na mahanap pa. Another thing is wala silang ebidensya na ERI ang may gawa nito kung kaya't ang lalaki lamang ang makukulong sa kasong kidnapping. He will be imprisoned differently for he is a vampire.

Chiron explained some details to the officer before they went back to their trip.

Miyuki was silent the whole ride. Hindi niya malaman kung bakit malakas ang tambol ng dibdib niya sa tuwing inaalala ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Normal pa ba ito? Was it because she was threatened? Napailing siya. She knew it, but she's playing dumb about the idea.

How can be a man under the institute she was hating—be so attractive to her?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top